Ap 7 Q4 WK1 Las2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
Lambayong Secondary Cluster

SANAYANG PAPEL NG PAGKATUTO

Pangalan: ____________________ Baitang at Pangkat: ___________ Iskor: _____________


Asignatura: Araling Panlipunan 7 Guro: ________________________
Markahan: Ikaapat Linggo: Una-LAS 2 MELC Code: AP7KIS-IVa- 1.1

Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang Yugto (ika


16-17 siglo) Pagdating sa Silangan at Timog-Silangang Asya

A. Tuklasin
Natutuhan mo sa Aralin 1, Yunit 3 ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa
unang yugto ng imperyalismong kanluranin sa Asya. Natukoy mo rin ang mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya na sinakop ng mga kanluranin at kung bakit ito
sinakop. Upang mas mapalawak pa ang iyong kaalaman at pang-unawa tungkol sa
mga dahilan at iba’t-ibang paraan ng pananakop ng mga kanluranin sa Silangan at
Timog-Silangang Asya, basahin at unawain mo ang sumusunod na teksto.

B. Suriin

Timog-Silangang Asya
Sa unang yugto ng mga imperyalismong Kanluranin, karamihan ng mga
daungan sa rehiyong ito ay napasakamay ng mga kanluranin. Ang mataas na
paghahangad na makontrol ang kalakalan ng pampalasa at pagkuha ng ginto ay
siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog-Silangang Asya. Nauna ang
bansang Portugal at Espanya sa pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang
Netherlands mula sa pananakop ng Espanya, nagtayo rin ito ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England
at France.
Ang mga sumusunod ay bansa sa Timog-Silangang Asya na sinakop noong
unang yugto ng imperyalismong kanluranin:

Bansa sa Bansang Dahilan ng Pamamaraan ng


Timog- Sumakop Pananakop Pagsakop
Silangang Asya

1. Pilipinas Espanya Mayaman ang Unang dumaong sa


Pilipinas sa ginto at isla sa Homonhon si
may mahusay na Ferdinand Magellan,
daungan tulad ng isang Portugese na
Maynila. naglayag para sa hari
DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
Lambayong Secondary Cluster

ng Espanya noong
March 16, 1521.
Nabigo siyang
masakop ang Pilipinas
dahil napatay siya ng
mga tauhan ni Lapu-
lapu sa labanan sa
Mactan. Nagpadala
ang Hari ng Espanya
ng iba pang
manlalakbay sa
pamumuno ni Miguel
Lopez de Legazpi na
ang layunin ay
masakop ang
Pilipinas.
 Relihiyong
Kristiyanismo -
relihiyong
ipinalaganap ng mga
Espanyol. Nasakop ng
relihiyon ang pag-iisip
at damdamin ng
Pilipino kung kaya’t
mas madali silang
napasunod ng mga
Espanyol.
 Sanduguan –
paraan ng mga
Espanyol sa
pakikipagkaibigan sa
mga lokal na pinuno.

2. Indonesia 1. Portugal Mayaman sa mga Dahil sa paghahangad


2. pampalasa (cloves, sa mga pampalasa,
Netherlands nutmeg, at mace), narating ng Portugal
3. England sentro ng kalakalan at ang Ternate sa
maayos na daungan. Moluccas noong 1511.
 Nagtayo ng himpilan
ng kalakalan
 Relihiyong
Kristiyanismo
 Gumamit ng divide
and rule policy- isang
DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
Lambayong Secondary Cluster

paraan ng pananakop
kung saan ay
naninirahan sa isang
lugar.

3. Malaysia 1. Portugal Pagkontrol sa sentro Sinubukan din ng


2. ng kalakalan mga Portuges na
Netherlands palaganapin ang
3. England Kristiyanismo sa mga
daungan ng kanilang
nasakop. Ngunit hindi
sila nagtagumpay
dahil sa malakas na
impluwensiya ng
Islam sa rehiyon.

C. Mga Gawain sa Pagkatuto

PANGKALAHATANG PANUTO: Isulat sa ang sagot sa mga Gawain sa nakalaang


malinis na papel. Huwag susulatan ang Sanayang Papel sa Pagkatuto.

Gawain 1: Kompletuhin Mo Ako!


Bumuo ng data information sheet na nagpapakita ng mga dahilan at epekto
ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog –Silangang Asya.

Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya

Bansa Dahilan Epekto

Pilipinas

Indonesia

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
Lambayong Secondary Cluster

Malaysia

D. Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Lubos na Mahusay (4) Hindi Gaanong


Mahusay (5) Mahusay (3)
Nilalaman Wasto o May ilang mali o Karamihan sa mga
makatotohanan hindi datos ay mali o
ang lahat ng makatotohanan hindi
impormasyon ang impormasyon makatotohanan.

Paglalahad Lubhang maayos Maayos ang Kulang sa


at organisado ang paglalahad kaayusan ang
paglalahad paglalahad
Kalinawan Lubhang malinaw Malinaw at Maraming bahagi
at nauunawaan nauunawaan ang ang hindi
ang mga pahayag pahayag maunawaan sa
pahayag

D. Sanggunian
 Mga Aklat

Blando, Rosemarie C., et al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
Araling Panlipunan. Eduresources Publishing, Inc., Pasig City,
Philippines, 2014. pp. 324 - 329.
 MELCs
Bumuo sa Pagsulat ng LAS

Manunulat: Harryette C. Martin- TI


Tagasuri: Rodel Ramboyon-TIII, Jhonny Candado-TIII
Paaralan: Pimbalayan National High School
Distrito: Lambayong Secondary Cluster

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph

You might also like