ESP 10 Lesson Plan - M. MUSIL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABATAN NATIONAL HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SEMI-DETAILED LESSON PLAN FOR COT #2

I. MGA LAYUNIN
MELC: Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal ng Diyos.
(2nd Week, Quarter 3, 9.4)

II. NILALAMAN:
A. Paksa: Angkop na Kilos ay Pagmamahal sa Diyos
B. Code: MELC 9.4, 2nd Week, Quarter 3
C. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Ikatlong Markahan – Modyul 3, pp. 2-14
D. Mga Kagamitan: Visual Aids, Manila papers, Pentel pen, Laptop, LED TV, video clips

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang mga Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa mga mag-aaral
3. Pag check ng Attendance
4. Pagbibigay ng mga pamantayan at gabay sa klase
5. Pagpapaliwanag sa paggamit ng Incentive Chart at sa pagbibigay ng puntos.
6. Balik-aral: Kapwa Ko, Mahal Ko. Gamit ang isang tsart, ipabigay sa mga mag-aaral ang kani-
kanilang mga kilos na nagpapakita sa pagmamahal sa kapwa. (Ipakita sa power-
point presentation ang tsart kasama na ang mga follow-up questions.)
7. Pagganyak: Itanong: Alin sa mga kilos mula sa natapos na Gawain ang nagpapakita ng pag-
mamahal sa Diyos? Pangatwiranan ang iyong sagot.
8. Paglahad ng aralin at layunin nito.

B. Panlinang na mga Gawain


1. Activity: Pananampalataya Ko, Tahasin. (Magbibigay ang guro ng mga Activity Sheets at
sasagutan ito ng mga mag-aaral sa loob ng limang minuto. Pipili ang guro ng mga
mag-aaral na mag-uulat sa kanilang kasagutan. Bigyan ng kaukulang puntos ang
mag-uulat.)
2. Analysis: Iproseso ang natapos na gawain gamit ang mga sumusunod na katanungan:
a. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?
b. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?
c. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.
(Magkaroon ng maikling talakayan sa mga sagot ng mag-aaral)
3. Abstraction: Ilahad ang laman ng paksa sa araw na ito – Ang Apat na Uri ng Pagmamahal at
Ang Mga Dapat Gawin Upang Mapangalagaan ang Ugnayan ng Tao sa Diyos.
(pagpapakita sa pamamagitan ng powerpoint). Makipagtalakay sa mag-aaral
habang ginagawa ito.
4. Application: Angkop na Kilos, Suriin Mo.
a. Gamit ang isang talahanayan, itala sa unang kolum
ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. Itala sa
ikalawang kolum kung paano mo ito maisasagawa sa araw-araw na pamu-
muhay.
b. Paano mo maipapakita na ikaw ay may pagmamahal sa Diyos sa panahong
kagaya ngayon na may kihakaharap tayong pandemya?

IV. EBALWASYON (Refer to “Pagtataya” of the Module, pp. 10-13)

V. TAKDANG GAWAIN: Gumawa ng Personal Daily Log na may kinalaman sa pagpapaunlad ng pananam-
palataya at espiritwalidad para sa susunod na dalawang linggo. (ipakita sa power-
point kung papaano ito gagawin)

Inihanda ni:

MERVIN I. MUSIL
ESP 10 Subject Teacher

Ipinasa kay:

NOEME S. SANTILLAN
Social Sciences Focal Person

You might also like