Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 122

TeachSmart Series

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 5
A Learning Companion Designed for CerebroLMS

Keech Cyrra G. Gumboc

Copyright © 2021 by LMS Solutions Philippines, OPC.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any
means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the
prior written permission of the copyright holder.

CEREBRO ® is a registered trademark of LMS Solutions Philippines, OPC.

Exclusively distributed by:

i
Talaan ng Nilalaman
Copyright …………………………………………....…………………………… i

Talaan ng Nilalaman …………………………………...……………....………..ii

Kasanayang Pampagkatuto ………………………………...………..…....…..iv

YUNIT 1 1

Aralin 1 Pagpapahalaga sa Katotohanan 2

Aralin 2 Pagsusuri ng Mabuti at Di-Mabuting Dulot 6


ng Nabasa, Napakinggan, o Napanood

Aralin 3 Pagpapakita ng Kawilihan at 11


Positibong Saloobin sa Pag-aaral

Aralin 4 Pagpapakita ng Matapat na Paggawa 16


sa Proyektong Pampaaralan

Aralin 5 Pagpapahalaga sa Pagkakaisa 20

Aralin 6 Pagpapahayag ng Sariling Ideya, 25


Saloobin , o Opinyon

Aralin 7 Pagpapahayag ng Katotohanan 29

YUNIT 2 34

Aralin 1 Pagtulong sa mga Nangangailangan 35

Aralin 2 Pagbibigay ng Babala 40

Aralin 3 Pagbibigay-alam sa Kinauukulan 44


Tungkol sa Anumang Kaguluhan o Pangyayari
Aralin 4 Paggalang sa mga Dayuhan 48

Aralin 5 Paggalang sa Anumang Nabuong 53


Ideya o Opinyon

ii
Aralin 6 Pagsasaalang-alang sa Kapakanan 58
at Karapatan ng Iba

Aralin 7 Pakikipagkaibigan 63

Aralin 8 Pagsasagawa ng mga Tungkulin 67


sa mga Programa ng Paaralan

YUNIT 3 71

Aralin 1 Pagpapakita ng mga Kanais-nais 72


na Kaugaliang Pilipino

Aralin 2 Pagpapamalas ng Pagkamalikhain 77

Aralin 3 Pagpapanatili ng Pagiging 82


Mabuting Pilipino

Aralin 4 Pagsunod ng may Masusi at 87


Matalinong Pagpapasiya

Aralin 5 Pagpapakita ng Isang Magandang Halimbawa 91


Bilang Responsableng Tagapangalaga ng Kapaligiran

Aralin 6 Pakikiisa sa mga Programa ng Pamahalaan 95

Aralin 7 Paggawa ng Isang Proyekto Gamit ang 99


Iba’t ibang Multimedia at Technology Tools

YUNIT 4 104

Aralin 1 Pagpapakita ng Tunay na Pagmamahal 105


sa Kapwa

Aralin 2 Pagpapasalamat sa Diyos 109

iii
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Unang Markahan

Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Nakagagawa ng Napahahalagahan ang EsP5PKP – Ia-


pagunawa sa tamang pasya katotohanan sa 27
kahalagahan ng ayon sa dikta ng pamamagitan ng
pagkakaroon ng isip at loobin sa pagsusuri sa mga
mapanuring kung ano ang balitang napakinggan,
pag-iisip sa dapat at di-dapat patalastas na
pagpapahayag at nabasa/narinig,
pagganap ng napanood na
anumang gawain programang
na may kinalaman pantelebisyon o nabasa
sa sarili at sa sa internet.
pamilyang
kinabibilangan Nakasusuri ng mabuti at EsP5PKP – Ib -
dimabuting maidudulot 28
sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang
babasahin,
napapakinggan at
napapanood

Naisasabuhay Nakapagpapakita ng EsP5PKP – Ic-d


ang pagkakaroon kawilihan at positibong - 29
ng tamang saloobin sa pag-aaral sa
pag-uugali sa pamamagitan ng
pagpapahayag at pakikinig, pakikilahok sa
pagganap ng pangkatang gawain,
anumang gawain. pakikipagtalakayan,
pagtatanong, paggawa
ng proyekto (gamit ang
anumang technology
tools), paggawa ng
takdang-aralin at
pagtuturo sa iba.

Nakapagpapakita ng EsP5PKP – Ie -
matapat na paggawa sa 30
mga proyektong
pampaaralan.

iv
Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Naisasabuhay Nakapagpapatunay na EsP5PKP – If -


pagunawa sa ang pagkakaroon mahalaga ang 32
kahalagahan ng ng tamang pagkakaisa sa
pagkakaroon ng pag-uugali sa pagtatapos ng gawain.
mapanuring pagpapahayag at
pag-iisip sa pagganap ng
pagpapahayag at anumang gawain.
pagganap ng
anumang gawain Nakapagpapahayag EsP5PKP – Ig -
na may kinalaman nang may katapatan ng 34
sa sarili at sa sariling opinyon/ideya at
pamilyang saloobin tungkol sa mga
kinabibilangan sitwasyong may
kinalaman sa sarili at
pamilyang
kinabibilangan.

Nakapagpapahayag ng EsP5PKP – Ih -
katotohanan kahit 35
masakit sa kalooban
gaya ng pagkuha ng
pag-aari ng iba,
pangongopya sa oras ng
pagsusulit,
pagsisinungaling sa
sinumang miyembro ng
pamilya, at iba pa.

iv
Ikalawang Markahan

Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Naisasagawa ang Nakapagsisimula ng EsP5P – IIa –22


pagunawa sa inaasahang pamumuno para
kahalagahan ng hakbang, kilos at makapagbigay ng
pakikipagkapwa-ta pahayag na may kayang tulong para sa
o at pagganap ng paggalang at nangangailangan tulad
mga inaasahang pagmamalasakit ng biktima ng kalamidad
hakbang, pahayag para sa
at kilos para sa kapakanan at Pagbibigay ng EsP5P – IIa –22
kapakanan at ng kabutihan ng babala/impormasyon
pamilya at kapwa pamilya at kapwa kung may bagyo, baha,
sunog, lindol, at iba pa.

Nakapagbibigay-alam sa EsP5P – IIb – 23


kinauukulan tungkol sa
kaguluhan, at iba pa.
(pagmamalasakit sa
kapwa na sinasaktan /
kinukutya / binubully

Nakapagpapakita ng EsP5P –IIc – 24


paggalang sa mga
dayuhan sa
pamamagitan ng
mabuting
pagtanggap/pagtrato sa
mga katutubo at mga
dayuhan, paggalang sa
natatanging
kaugalian/paniniwala ng
mga katutubo at
dayuhang kakaiba sa
kinagisnan.

Nakabubuo at EsP5P – IId-e –


nakapagpapahayag nang 25
may paggalang sa
anumang ideya/opinion

iv
Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Naisasagawa ang Nakapagpapaubaya ng EsP5P – IIf – 26


pagunawa sa inaasahang pansariling kapakanan
kahalagahan ng hakbang, kilos at para sa kabutihan ng
pakikipagkapwa-ta pahayag na may kapwa
o at pagganap ng paggalang at
mga inaasahang pagmamalasakit Nakapagsasaalang-alang EsP5P – IIg – 27
hakbang, pahayag para sa ng karapatan ng iba
at kilos para sa kapakanan at
kapakanan at ng kabutihan ng Nakikilahok sa mga EsP5P – IIh – 28
pamilya at kapwa pamilya at kapwa patimpalak o paligsahan
na ang layunin ay
pakikipagkaibigan

Nagagampanan nang EsP5P – IIi –29


buong husay ang
anumang tungkulin sa
programa o proyekto
gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan

Ikatlong Markahan

Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Naisasagawa Nakapagpapakita ng EsP5PPP – IIIa


pagunawa sa nang may mga kanais-nais na – 23
kahalagahan nang disiplina sa sarili kaugaliang Pilipino tulad
pagpapakita ng at pakikiisa sa ng nakikisama sa kapwa
mga natatanging anumang Pilipino,
kaugaliang Pilipino, alituntuntunin at tumutulong/lumalahok sa
pagkakaroon ng batas na may bayanihan at palusong,
disiplina para sa kinalaman sa at magiliw na
kabutihan ng lahat, bansa at global pagtanggap ng mga
komitment at na kapakanan panauhin
pagkakaisa bilang
tagapangalaga ng
kapaligiran

iv
Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Naisasagawa ang Nakapagpapamalas ng EsP5PPP – IIIb


pagunawa sa inaasahang pagkamalikhain sa – 24
kahalagahan nang hakbang, kilos at pagbuo ng mga sayaw,
pagpapakita ng pahayag na may awit at sining gamit ang
mga natatanging paggalang at anumang multimedia o
kaugaliang Pilipino, pagmamalasakit teknolohiya
pagkakaroon ng para sa kapakanan
disiplina para sa at kabutihan ng Napananatili ang EsP5PPP – IIIb
kabutihan ng lahat, pamilya at kapwa pagkamabuting – 25
komitment at mamamayang Pilipino sa
pagkakaisa bilang pamamagitan ng
tagapangalaga ng pakikilahok
kapaligiran
Nakasusunod ng may EsP5PPP – IIIc
masusi at matalinong – 26
pagpapasiya para sa
kaligtasan

Naisasabuhay ang Nakapagpapakita ng EsP5PPP – IIId


pagkakaisa at magagandang – 27
komitment bilang halimbawa ng pagiging
responsableng responsableng
tagapangalaga ng tagapangalaga ng
kapaligiran kapaligiran, pagiging
mapanagutan, at
pagmamalasakit sa
kapaligiran sa
pamamagitan ng
pakikiisa sa mga
programang
pangkapaligiran.

Napatutunayan na EsP5PPP –
di-nakukuha sa IIIe– 28
kasakiman ang
pangangailangan.

vi
Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Naisasabuhay ang Nakikiisa nang may EsP5PPP – IIIf


pagunawa sa pagkakaisa at kasiyahan sa mga – 29
kahalagahan nang komitment bilang programa ng
pagpapakita ng responsableng pamahalaan na may
mga natatanging tagapangalaga ng kaugnayan sa
kaugaliang Pilipino, kapaligiran pagpapanatili ng
pagkakaroon ng kapayapaan tulad ng
disiplina para sa paggalang sa
kabutihan ng lahat, karapatang pantao,
komitment at paggalang sa opinyon ng
pagkakaisa bilang iba, at paggalang sa
tagapangalaga ng ideya ng iba.
kapaligiran
Nakalalahok sa EsP5PPP – IIIg
pangangampanya sa – 30
pagpapatupad ng mga
batas para sa kabutihan
ng lahat tukad ng
pangkalinisan,
pangkaligtasan,
pangkalusugan,
pangkapayapaan, at
pangkalikasan

Nakagagawa ng isang EsP5PPP –


proyekto gamit ang iba’t IIIg-h– 31
ibang multimedia at
technology tools sa
pagpapatupad ng mga
batas sa
kalinisan,kaligtasan,
kalusugan at
kapayapaan

Nakikiisa nang buong EsP5PPP – IIIh


tapat sa mga gawaing – 32
nakatutulong sa bansa at
daigdig

vi
Ikaapat na Markahan

Pinakamahalagang
Pamantayang Pamantayan sa
Kasanayang Code
Pangnilalaman Pagganap
Pampagkatuto

Naipamamalas ang Naisasabuhay ang Nakapagpapakita nang EsP5PD - IVa-d


pagunawa sa tunay na tunay na pagmamahal sa – 14
kahalagahan ng pasasalamat sa kapwa tulad ng
pananalig sa Diyos Diyos na pagsasaalang-alang sa
na nagbigay ng nagkaloob ng kapakanan ng kapwa at
buhay buhay Hal. - sa kinabibilangang
palagiang pamayanan, pakikiisa sa
paggawa ng pagdarasal para sa
mabuti sa lahat kabutihan ng lahat at
pagkalinga at pagtulong
sa kapwa.

Nakapagpapakita ng EsP5PD - IVe-i


iba’t ibang paraan ng – 15
pasasalamat sa Diyos.

vi
YUNIT 1

1
Aralin 1: Pagpapahalaga sa
Katotohanan
Panibagong Kasanayan
1.Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang
pantelebisyon o nabasa sa internet.

Tuklasin Natin!

Sumulat ng isang balita na iyong nabasa o napakinggan,


alinman sa pahayagan, facebook page, telebisyon, o radyo. Isipin kung
pinaniniwalaan mo ba kaagad ang iyong nabasa o napakinggan.
Ipahayag ang iyong naramdaman ukol dito. Isulat sa talahanayan ang
iyong sagot.

Balita Pinaniniwalaan mo ba Bakit mo pinaniniwalaan


kaagad ito? o hindi pinaniniwalaan
ang balitang ito?

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ang pagpapahalaga sa katotohanan.

Sa iyong palagay lahat ba ng impormasyon na naririnig o


nababasa natin ay tama o may katotohanan?

Paano mo sinusuri ang mga impormasyong nababasa o


naririnig?

2
Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahang magsuri ng mga ideya at lumutas
ng mga suliranin. Hindi lahat ng ating naririnig at nababasa ay pawang may
katotohanan, kaya kailangan nating suriing mabuti ang mga impormasyong nakukuha
sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga lehitimong pinagmulan.
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng media at
teknolohiya, nasanay na ang tao sa nakukuhang
mabilis na impormasyon. Isang click lang ay
makukuha na ito. Samakatuwid, mahalagang
maglaan ng sapat na panahon sa paghahanap
ng impormasyon sa iba’t ibang sanggunian
upang matiyak na ito ay may katotohanan.
Higit na lalo kung ang hinahanap na
impormasyon ay makakatulong sa paggawa ng
tamang desisyon.
Sa pagsasaliksik ng tamang impormasyon, makatutulong upang magtagumpay
sa ganitong layunin ang pagmamahal sa katotohanan at pagbibigay ng sapat na
panahon sa paghahanap ng impormasyon.

Narito ang mga larawan ng mga sanggunian na palagi mong ginagamit sa


kasalukuyan sa pagkuha ng impormasyon.

libro radyo dyaryo

internet telebisyon

Ang pagmamahal sa katotohanan ay isang katangian ng


pagiging makatwiran at matuwid ang asal at pananalita.
Pagsasabi ito ng totoo at pagsunod sa tama.

3
Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon, o
nabasa sa internet.

Subukin Natin!
Isulat ang tsek (✓) sa bilang na tumutugon sa mapanuring
pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan,
o internet at ekis (x) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip.

______1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol
sa pamamahagi ng bigas.
______2. Naniniwala ako sa balitang aking nabasa tungkol sa mga dahilan ng
pagpapasara sa ABS- CBN.
______ 3. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o
facebook.
______ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Nakikinig nang mabuti si Troy sa balita sa radio bago niya ibinahagi sa


kanyang mga kaklase. Anong katangian mayroon si Troy?
A. mapanuring pag-iisip
B. malikhain
C. maunawain

2. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng mapanuring pakikinig ng


katotohanan sa mga balitang napakinggan sa radyo?
A. Hindi maayos ang paliwanag ni Ana sa mga detalye ng balita.
B. Nakalimutan ni Karen ang detalye ng balita.
C. Naipaliwanag ni Rita nang maayos ang detalye ng balita.

3. Iniiwasan ni Milba na makinig sa mga balita mula sa nag-uumpukan niyang


mga kapitbahay. Mas gusto niyang makinig sa balita sa radyo dahil mas
makatutuhanan ang mga balita mula rito. Anong ugali mayroon siya?
A. maalalahanin
B. mapanuri
C. matapat

4
4. Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang
magkaroon nang maayos na pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan

5. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?


A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

6. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o


pahayagan?
A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.

7. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging mapanuri sa


balita maliban sa isa. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita?
A. Si Jerry na walang pakialam sa balita na narinig.
B. Si Mateo na hindi pinagkakalat agad ang narinig na balita.
C. Si Rona na isinasangguni sa ina ang narinig na balita.

8. Nakikinig ng mabuti si Ara sa balita sa radyo upang malaman ang tamang


paraan ng paglilinis ng katawan. Tama ba ang kanyang ginawa?
A. Oo, upang masabihan si Ara ng kanyang mga kaklase na sobrang matalino.
B. Oo, dahil mahalaga na malaman ang tamang paraan ng paglilinis ng
katawan.
C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa panahon.

9. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa


balitang napakinggan sa radyo?
A. Iniwasan ko ang pakikinig ng mga balitang nakabubuti.
B. Hinahayaan kong makinig ang aking mga magulang ng balita
C. Naikumpara ko ang tama sa mali sa aking napakinggang balita.

10. Alin sa sumusunod na pahayag ang dapat mong tularan?


A. Si Tess na sinusuri ang balitang napakinggan bago ibinahagi.
B. Si Razel na magaling mag- imbento ng mga walang katotohanang balita.
C. Si Chessy na kulang ang binahaging balita.

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

5
Aralin 2: Pagsusuri ng Mabuti at
Di-Mabuting Dulot ng Nabasa,
Napakinggan o Napanood
Panibagong Kasanayan
1.Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood.

Tuklasin Natin!

Isulat ang salitang Sumasang-ayon at Hindi


Sumasang-ayon sa diwang ipinahahayag ng bawat pangungusap.

___________1. Ang pagbabasa ng aklat at magasin ay nakadaragdag sa


iyong kaalaman at kakayahan.

___________2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong


takdang-aralin.

___________3. Pagbabasa ng dyaryo upang malaman ang mga


pangyayari sa loob at labas ng bansa.

___________4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa


mga balita.

___________5. Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng


paggawa ng makabuluhang bagay.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano nasusuri ang mabuti at di-mabuting dulot ng
nabasa, napakinggan o napanood.

Ano ang dapat gawin sa mga nababasa galing sa iba’t ibang


babasahin?

Lahat ba ng nababasa ay nakapagdudulot ng mabuti sa


sarili at sa sa iba pang miyembro ng pamilya?

6
Ang media tulad ng paggamit internet, laptop, at panonood ng telebisyon,
pagbasa ng magasin o pahayagan ay mga kasangkapan o kagamitan upang mapadali
ang paghatid ng mahahalagang impormasyon sa kapaligiran at sa buong mundo.
Ngunit kailangan ang masusing paggabay ng
mga magulang sa mga kabataan dahil ang media
ay maaaring makaapekto sa kanilang isipan at
makasira ng kanilang kinabukasan.

Dalawang Uri ng Balita

1. Magandang Balita- ay tinatawag din na positibo o


mabuting balita. Kadalasan ito ay nagdudulot ng
kasiyahan sa karamihan lalo na kung ang
magandang balita ay mayroong mabuting
maidudulot sa taga-pakinig nito.

2. Mapanghamong Balita- ay tinatawag din na


negatibo o di-mabuting balita. Ito ay hindi angkop
para sa mga batang tagapanood ng telebisyon,
tagapakinig ng radyo, o tagabasa ng mga dyaryo
dahil ito ay mga balitang may kinalaman sa mga
pangyayaring may karahasan, droga, at sekswal at
mayroon itong hindi mabuting maidudulot sa mga
manonood.

Dalawang Epekto ng Balita

1. Mabuting Epekto
• ito ay kung ang balita ay makapagdudulot ng
magandang epekto sa iyo o sa pamilya mo.

2. Di-Mabuting Epekto
• ito ay kung ang balita ay magbibigay ng hindi
magandang epekto sa iyo o sa pamilya mo.

Mga Pinagkukunan ng Impormasyon

Radio
• ay isang uri ng media na nakapaghahatid sa atin
ng balita tulad ng bagyo o sakuna. Ito rin ay
nakatutulong sa pagbibigay sa atin ng kaalaman
ngayong may pandemya. Ngunit hindi lahat ng
naririnig sa radyo ay dapat paniwalaan kailangan
din maging mapanuri.

7
Telebisyon
• Ang telebisyon ay isang mabisang media sa
pagpapalaganap ng impormasyon. Ngunit hindi
lahat ay naaangkop sa mga bata sapagkat meron
ding nagpapakita ng violente at sensitibong
palabas na nangangailangan ng patnubay ng
magulang.

Aklat
• Ang pagbabasa ng mga aklat ay
nakapagpapalawak ng imahinasyon at
nakadaragdag ng kaalaman. Nakatutulong ito sa
ating pag-aaral. Ngunit hindi dapat lahat ay ating
paniniwalaan sapagkat nagbabago ang
impormasyon at datos nito sa paglipas ng
panahon.

Internet o Computer
• Napapabilis nito ang pagkuha ng impormasyon
lalo na sa asignatura. Nagkalat ang fake news o
maling balita dapat timbangin kung itoý totoo o
di-totoo. Naaabuso rin ito dahil sa maling
paggamit ng mga kabataan dahil sa mga online
games.

Bilang isang mag-aaral, kailangan mo ang mga


impormasyon ng makakatulong palawakin ang iyong
kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay, upang ikaw ay
makasali sa mga talakayang may katuturan sa loob ng
paaralan, sa bahay at sa pamayanan.

Tandaan:
Ang nakukuha nating ibat ibang impormasyon sa media o babasahin ay maaari
nating gawing batayan kung ano ang totoo o hindi. Ang tamang pakikinig at pagbabasa
ng mga impormasyon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtatanong sa mas
nakakaalam sa atin.

Subukin Natin!
Isulat ang Tama sa bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip
batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan o internet
at Mali kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip.

8
__________1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita
ukol sa lindol.
__________2. Nababasa ko ang isang balitang tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas.
__________3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o
internet.
__________4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
__________5. Naisasagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbasa ng
balita.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagkunan ng mga impormasyon?


A. chat ng mga kaibigan
B. dyaryo
C. chismisan ng kapitbahay

2. Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?


A. Komiks
B. Aklat tungkol sa karahasan
C. Pahayagan ng kagandahang asal

3. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang masamang epekto ng
iba’t-ibang babasahin?
A. Pipiliin ko ang aking babasahin na tama sa aking edad.
B. Magdamag akong magbabasa ng magasin dahil maganda ito.
C. Pipiliin ko ang mga magasin na mamahalin.

4. Anong kabutihan ang naidudulot ng palagiang pagbabasa ng dyaryo?


A. Sinisira nito ang pag-iisip ng maraming tao.
B. Pinapalawak ang kaalaman sa iba’t-ibang bagay.
C. Napapasakit nito ang ulo ng tao.

5. Ang pagbabasa, panonood ng telebisyon at pakikinig ay ilan lamang sa


mga pinagkakaabalahang gawain. Ano ang dapat gawin upang mas maging
kapaki-pakinabang ito sa iyo?
A. Dapat suriin kung may mabuti o di-mabuting epekto ito sa iyo.
B. Sabay-sabay itong gagawin kung kinakailangan.
C. Kailangan na mahabang oras ang iginugugol mo rito.

6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng negatibong


epekto ng gadget sa kabataan?
A. Lumalawak ang kaalaman tungkol sa teknolohiya.
B. Ginagawa ang takdang aralin nang mabilis.
C. Ginagamit pa rin ang gadget kahit nasa hapag kainan.

9
7. Nakita mo ang iyong kapatid na buong araw na nakaharap sa computer at
nagbabasa ng iba’t ibang site. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tatanggalin ko ang saksakan ng computer para di sya makapanood
B. Hahayaan ko lang siya hanggang gusto niyang manood
C. Sasabihan na hindi maganda ang sobrang paggamit ng computer

8. Nakakaalarma ang mga programang pantelebisyon na nagpapakita ng


kalupitan sa mga kabataan. Ano ang dapat mong gawin bilang manonood?
A. Itanong sa nanay kung bakit nangyayari iyon.
B. Pakinggan at kalimutan agad
C. Huwag na lang itong pansinin.

9. Ano ang mabuting maidudulot ng tamang pagpili at pag-alam sa


katotohanan ng isang impormasyon?
A. Magiging sikat ka sa paaralan.
B. Magkakaroon ka ng pera.
C. Maililigtas mo ang iyong buhay.

10. Bakit kailangang suriin nang mabuti ang patalastas na nabasa o narinig?
A. Lahat ng nababasang patalastas ay laging tama.
B. Suriin nang mabuti kung ito ay totoo at nakakatulong sa atin.
C. Nakakatulong ito sa lahat kahit hindi na alamin kung ito ay mabuti.

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

10
Aralin 3: Pagpapakita ng Kawilihan
at Positibong Saloobin sa Pag-aaral
Panibagong Kasanayan
1.Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain,
pakikipagtalakayan, pagtatanong, paggawa ng proyekto (gamit ang anumang
technology tools), paggawa ng takdang-aralin at pagtuturo sa iba.

Tuklasin Natin!

Naipakikita mo ba ang tamang saloobin sa pag-aaral? Basahing


mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Guhitan ng bituin ( ) ang kolum
ng iyong sagot.

Mga Sitwasyon Oo Hindi

1. Nakikipag-usap ka ba sa katabi habang ang guro ay


nagsasalita sa harap ng klase

2. Tumutulong ka ba na matapos ang nakalaang gawain sa


inyong grupo?

3. Gumagamit ka ba ng magagalang na salita tuwing ikaw


ay nagtatanong sa iyong guro?

4. Dapat bang magpakita ng kawilihan sa pag-aaral?

5. Nagbibigay ka ba ng opinyon o ideya tuwing may


pangkatang gawain?

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano maipapakita ang kawilihan at positibong
saloobin sa pag-aaral.

Ano nga ba ang kahalagahan ng edukasyon para sa


katuparan ng pangarap sa buhay?

Ano-ano ang dapat mong gawin upang patuloy na


mapayabong ang iyong kaalaman?

11
Ang kaalaman o knowledge ay ang mga impormasyong taglay ng tao.
Tinatawag din itong kabatiran o karunungan. Nakukuha ang mga ito sa pamamagitan
ng pag-aaral o pagkakaroon ng karanasan.
Laging sinasabi ng ating mga magulang na,
“Edukasyon lamang ang tanging maipapamana nila sa
atin.” Sa pangaral na iyon, masasabi nating isa sa
pinakamahalagang kayamanan na pwede nating
makamtan sa ating buhay ay ang kaalaman. Ang
kaalamang iyon ay ating makukuha sa pamamagitan ng
edukasyon.

Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata sa


pagkamit ng mga mithiin sa buhay. Ito din ay daan tungo
sa isang matagumpay na hinaharap ng bansa. Bilang
mag-aaral nararapat na pag ibayuhin ang pag-aaral at
ipakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
sa pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakikiisa sa
mga gawaing pampaaralan, kusang pagpasok sa
paaralan at pagbabahagi ng nalalaman sa iba.
Mahalaga ang papel ng edukasyon sa bawat
indibidwal lalo na sa ating lipunan. Sapagkat ito ang
magiging pundasyon natin para sa magandang
kinabukasan. Sa pag-aaral ng mabuti, marami tayong
natutunan na kasanayan na magagamit nating sandata
sa mga pagsubok na kakaharapin.

Kapag may kaalaman tayo madali na lamang sa atin na mag-isip ng mga


makabagong solusyon na makakatulong upang mabilis na maresolba ang mga
problema. Masasabi na mahalaga ang edukasyon para sa paghubog ng ating pagkatao
at mga kakayahan.

Paano ninyo maipapakita ang kawilihan at positibong saloobin sa iyong pag-aaral?

1. Pagbabasa
2. Pakikinig
3. Pakikilahok sa mga Pangkatang Gawain
4. Pakikipagtalakayan
5. Pagtatanong
6. Paggawa ng Proyekto
7. Paggawa ng Takdang-aralin
8. Pagtuturo sa iba

Ang mga sumusunod ay ilan sa maaari mong gawin upang mas higit na matuto at
magkaroon ng mga kaalaman;

1. Maglaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral


2. Magkaroon ng kawilihan magbasa at gawin ang mga gawain.

12
3. Maging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan.
4. Gumamit ng iba’t ibang sources o pinagmumulan ng mga impormasyon maliban sa
modyul.
5. Magtanong sa ibang mapagkakatiwalaan at pagbabahagi.

Ang positibong saloobin at kawilihan sa pag-aaral ay


dapat taglayin ng isang mag-aaral na tulad mo. Ito ang
magiging gabay tungo sa pagkamit mo para sa lubusang
pagkatuto at malalim na kaalaman sa iba pang aspeto ng
karunungan.

“Ang kaalaman ay isang kapangyarihan”Ito ang


magbibigay sayo ng mga kakayahan na magdadala sa
katuparan ng iyong mga pangarap. Habang bata ka pa ay
pagbutihin ang pag-aaral, maging masipag at matiyaga.
Makakamtan mo ang magandang kinabukasan kung may
pinag-aralan.

Subukin Natin!
Isulat ng tsek ( ✓ ) ang patlang kung ang pahayag ay nagpapakita
ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral at ekis ( X ) kung hindi.

____1. Nakikipag-usap sa katabi sa oras ng talakayan ng guro.


____2. Aktibong nakikilahok sa pangkatang gawain.
____3. Nagtatanong kung mayroong hindi naintindihan sa aralin.
____4. Inuuna ang paglalaro kaysa sa paggawa ng proyekto.
____5. Maagang tinatapos ang takdang aralin.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay kasingkahulugan ng kabatiran o karunungan. Nakukuha ang mga ito


sa pamamagitan ng pag-aaral o pagkakaroon ng karanasan.
A. kaalaman
B. talento
C. kapangyarihan

2. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang maipakita ang


positibong saloobin sa pag-aaral, MALIBAN sa _____.
A. pagkakaroon ng kawilihang gawin ang mga gawain

13
B. pagiging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan
C. pagdadamot ng impormasyon o kaalaman sa iba

3. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ay magdadala sa


katuparan ng iyong _____.
A. pagyaman
B. pangarap
C. hiling

4. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa


iyo ng guro?
A. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.
B. Hayaan na lang kasi nakakahiya
C. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.

5. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto


ang iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang
proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro

6. Kinalabit ka ng iyong kaklase habang nagsasalita ang inyong guro sa


harapan ng klase. Anong gagawin mo?
A. Makikipagdaldalan ako sa kanya.
B. Sasabihin kong mamaya na kami mag-usap pagkatapos ng klase.
C. Isusumbong siya sa guro.

7. May ipinagawang proyekto ang inyong guro sa Edukasyon sa


Pagpapakatao (EsP), paano mo mapapadali ang iyong proyekto?
A. Huwag munang maglaro hanggat hindi pa natatapos ang proyekto.
B. Sumama sa mga kaibigan na maghabulan sa playground.
C. Gawin ang proyekto sa mismong araw ng pasahan.

8. May pagsusulit ka sa susunod na araw. Ano ang gagawin mo upang


makakuha ng mataas na marka?
A. Maghula na lamang sa pagsusulit.
B. Maglaro kasama ang mga kaibigan.
C. Mag-aral ng mga aralin upang makakuha ng mataas na marka.

9. Ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging


mabilis at maayos ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling
sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.

10. “_____________ lamang ang tanging maipapamana nila sa atin.” Buuin

14
ang pangaral.
A. kaalaman
B. kayamanan
C. edukasyon

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

15
Aralin 4: Pagpapakita ng Matapat na
Paggawa sa Proyektong Pampaaralan
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong
pampaaralan.

Tuklasin Natin!

Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tsek


(✓) kung sang-ayon ka sa pahayag at ekis (X) kung hindi.

__________1. Mahalagang bahagi ang tagumpay ng isang proyekto kung


magkakaisa ang mga miyembro ng pangkat.

__________2. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay


makabubuti sa lahat.

__________3. Ang lider ng pangkat ang dapat masusunod.

__________4. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto


bago umpisahan.

__________5. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano naipapakita ang matapat na paggawa sa
proyektong pampaaralan.

Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kailangan mong


mag-aral?

Ano ang kabutihang dulot nito upang mapaunlad ang iyong


sarili?

Ang pangunahing dahilan ng ating pag-aaral ay upang matuto tayo. Matuto ng


maraming bagay na maaari nating kailanganin at pakinabangan sa pagharap natin sa
mga hamon ng buhay. Sa paaralan din higit na hinuhubog at pinag-aaralan ang
wastong pakikisalamuha sa ibang tao.

16
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging matapat?
Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng
bagay na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kanyang kapwa sa
anumang paraan.
Ang salitang katapatan o “honesty” sa ingles ay may mas malawak na
kahulugan. Ang katapatan ay pag-amin ng katotohanan. Ang kasinungalingan ay hindi
katapatan.
Ang pagiging matapat sa anumang gawaing
naghihintay at nakalaan sa atin ay dapat na ipakita sa
lahat ng pagkakataon. Bilang mag-aaral, dapat nating
gawin ng may katapatan ang mga proyekto o gawaing
pampaaralan na ibinibigay ng guro sa atin, nakikita man
nila tayo o hindi.

Ang taong matapat ay …

1. Nagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon. Kumikilos ng wasto o tama


kahit walang nakatingin.
2. Hindi nandaraya o nanlalamang ng kapwa.
3. Ginagawa ang anumang tungkulin na nakaatas sa kanya ng hindi
nangongopya.
4. Nakikiisa sa mga gawain tungo sa ikatatapos ng mga ito sa tamang paraan.
5. Sumasagot sa mga katanungan na hindi tumitingin sa susi ng pagwawasto.
6. Nagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa aralin.
7. Isinasagawa ang iyong mga gawain nang hindi pinapagawa sa iba.
8. Tinutupad ang pangakong mag-aaral ng mga aralin.
9. Nakikiisa sa pangkatang-gawain.

Tandaan:
Ang matuto ay ang pangunahing dahilan kung bakit
ka nag-aaral. Ang mga kaalamang iyong matutunan ay
magagamit mo sa kasalukuyan at sa hinaharap. Hindi
lamang isipan ang hinuhubog kundi ang pagkakaroon ng
mabuting pag-uugali.

Ang pagkamatapat sa lahat ng pagkakataon ay nararapat na


maipakita ng batang tulad mo. Dapat itong gawin sa lahat ng
panahon at pagkakataon. Isaisip mo na palagiang gawin at
sabihin ang tama kahit walang nakakakita.

Subukin Natin!
Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang
masayang mukha ☺ kung ito ay nagpapakita ng katapatan at
malungkot na mukha ☹ kung ito ay hindi.

17
______1. Nag-aral ka ng mabuti dahil alam mong may pagsusulit kinabukasan.
______2. Nangopya ka ng sagot sa kaklase upang tumaas ang iyong iskor sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.
______3. Ibinigay mo sa guro ang nakita mong pitaka sa paaralan dahil hindi mo alam
kung sino ang may-ari nito.
______4. Sinabi mo sa guro na kaya ka lumiban sa klase ay dahil nagkasakit ka ngunit
ang totoo ay naglaro ka lamang sa bahay.
______5. Nagsasabi ka ng totoo sa guro kung hindi mo naiintindihan ang kaniyang
leksyon.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay tumutukoy sa pagsasabi ng totoo.


A. pagsisinungaling
B. pagiging matapat
C. pandaraya

2. Ang ____________ ay pag-amin ng katotohanan.


A. katapatan
B. kasinungalingan
C. kahulugan

3. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, MALIBAN sa _____


A. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
B. paggawa ng mga gawain at hindi ito ipinagagawa sa iba
C. hindi pakikiisa ka sa mga pangkatang gawain at proyekto

4. Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung _____


A. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
B. kinokopya mo lang ang sagot sa gawa ng iba
C. ipinagagawa mo ang lahat sa mga kapatid mo

5. Ang dapat mong gawin sa prinsipyo o kasabihang “Honesty is the Best


Policy” ay _____
A. kabisaduhin
B. tingnan at basahin
C. isapuso at isakilos

6. Nalimutan ni Ace na gawin ang kanyang takdang - aralin sa EsP. Biglang


nagwasto ng kuwarderno si Bb. Cruz, nang tawagin niya si Archie ay sinabi
niyang naiwan niya ang kanyang takdang - aralin sa bahay.
A. matapat
B. pandaraya
C. pagsisinungaling

18
7. Si Elisa ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil Government sa
kanilang paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nakakalat
na balota na siyang gagamitin sa botohan. Agad - agad ay ibinalik niya ito sa
gurong taga – pangasiwa.
A. matapat
B. pandaraya
C. pagsisinungaling

8. May ibinigay na proyekto ang inyong guro sa Filipino. Ikaw ang napiling
lider ng inyong pangkat. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay ang lahat ng gawain sa ibang miyembro ng pangkat.
B. Hahayaan ang mga kagrupo na gumawa ng proyekto.
C. Pantay-pantay na hahatiin ang mga gawain upang matapos agad.

9. Nagbigay ng pagsusulit sa EsP ang inyong guro. Nakita mong


nagkokopyahan ng sagot ang dalawa mong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan lang sila.
B. Sasabihin sa guro na nagkokopyahan sila.
C. Hihingi din ako ng sagot.

10. Ang pangunahing dahilan ng ating _____________ ay upang matuto tayo.


A. pag-aaral
B. paglalaro
C. pagsasayaw

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

19
Aralin 5: Pagpapahalaga sa
Pagkakaisa
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng
gawain.

Tuklasin Natin!
Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag sa ibaba ay
nagpapakita ng pagkakaisa sa paggawa at malungkot na mukha kung
hindi.

_______1. Pagdalo sa mga pagpupulong ng mga miyembro ng pangkat.


_______2. Pakikilahok sa palitan ng opinyon kung paano gagawin ang
proyekto.
_______3. Pagsasaliksik sa silid-aklatan kung paano higit na mapabubuti
ang paggawa.
_______4. Patuloy na paglalaro samantalang gumagawa ng proyekto
ang mga kasamahan.
_______5. Pakikinig sa opinyon ng ibang miyembro ng pangkat.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano pahalagahan ang pagkakaisa.

Ano ang ibig sabihin ng salitang pagkakaisa?

Mahalaga ba ang pakikiisa o pagkakaisa?

Pagkakaisa ay isang gawain na naglalayon ng iisang


puso, iisang damdamin at iisang mithiin.
Kasingkahulugan din ito ng mga salitang; pagkakasundo,
kapayapaan, kasunduan at pag-uunawaan.

20
Narito ang ilan sa mga salitang maiuugnay natin sa salitang pagkakaisa o pakikiisa;

Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan


ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutang
panlahat.

Pakikisama ay isang bagay na dapat ay mayroon ka. Saan


ka man mapadpad, sino man ang makasama, Ito ang
ugaling kailangan baunin. Upang kahit kanino ikaw ay
kaaya aya.

Pakikipagtulungan ay sama-samang paggawa ng isang


grupo o pangkat ng mga tao na may isang layunin o mithiin
upang mapabilis ang gawain.

Pagkukusa ay paggawa ng isang bagay na kusang loob o


hindi labag sa kalooban ng isang tao.

Pagbibigayan ay magandang gawain sapagkat


nakakapagpasaya ng kapwa. Pagpapakita ito ng
pagmamahal at ibayong pagpapahalaga sa kapwa tao.
Hindi lamang dapat ito ginagawa tuwing pasko.

Narito ang ilan sa mga larawang nagpapakita ng pagkakaisa o pakikiisa;

Sa pakiisa, ibinibigay mo sa kapwa kung ano ang


nararapat. Kung kaya mahalaga ito sa pagkakatos ng
anumang gawain. Patunay lamang na may
pagkakaisa, pagtutulungan, pakikilahok at pagkukusa
na umiiral sa pangkat. Kung mayroong pagtutulungan
ang lahat sa paggawa makakamit ang iisang layunin
at mithiin. Mapapabilis din ang anumang gawain.

21
Ang bawat miyembro ng grupo ay may mahalagang tungkuling ginagampanan
sa isang pangkat. Ang pakikilahok ay palatandaan ng iyong kooperasyon sa grupo. Ito
rin ay pagpapahalaga sa gawaing iniatas sa iyo para sa ikatatagumpay ng inyong
gawain.
Nagiging mas makahulugan ang
pakikilahok kung ito ay ginagawa ng
may pagkukusa. Ito ay boluntaryong
pagkilos o paggawa para sa kabutihan
ng lahat. Ito ay patunay lamang ng iyong
malasakit sa iyong gawain at pagkat.

Tandaan:
Ang anumang gawain kung may pagtutulungan at
pagkakaisa ay nagiging magaan at mabilis na natatapos.
Ang bawat miyembro ng pangkat ay may tungkuling
ginagampanan.

Kung may pagpapahalaga sa tungkulin gawin ito ng may


pagkukusa. Ang nagkakaisang paggawa sa tahanan man o
sa paaralan ay dapat ninyong matutunan. Matatamo ang
tagumpay ng anumang gawain kung may pagkakaisa.

Subukin Natin!
Basahin ang mga pangungusap. Isulat kung TAMA o MALI ang
diwang isinasaad nito.

________1. Mahalagang bahagi ng ikatatagumpay ng isang proyekto ang pagkakaisa.


________2. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa
lahat.
________3. Dapat ang lider ng pangkat ang laging masusunod.
________4. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
________5. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang _________ ay isang gawain na naglalayon ng iisang puso,


iisangdamdamin at iisang mithiin.
A. pagkakaisa
B. pag-aaral
C. pagkakasundo

22
2. Ang ____________ ay sama-samang paggawa ng isang grupo o
pangkat ng mga tao na may isang layunin o mithiin upang mapabilis
ang gawain.
A. pakikisama
B. papasalamuha
C. pakikipagtulungan

3. Ang ___________ ay paggawa ng isang bagay na kusang loob o hindi


labag sa kalooban ng isang tao.
A. pakikilahok
B. pagkukusa
C. pakikisama

4. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto


ang iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang
proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro

5. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat


upang maging mabilis at maayos ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling
sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.

6. Ano ang kahalagahan ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga


mag-aaral?
A. Natutuhan ng mga bata ang makisama para matapos ang isang gawain.
B. Nababawasan ang kanilang pagod sa maghapong pag-aaral.
C. Kailangan ito para ang mga iba ay maging tamad.

7. Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain?


A. dahil magandang tingnan ang pangkat na nagkakaisa at nagtutulungan
B. upang manalo sa anumang kumpetisyon
C. dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan nagiging matagumpay at madaling
natatapos ang gawain

8. Ano ang dapat mong gawin kung may pangkatang gawain sa paaralan
ngunit hindi tumutulong ang iyong mga kagrupo?
A. hayaan na lang ang ayaw tumulong
B. hikayatin ang mga kagrupo na magkaisa at magtulung-tulong upang matapos
ang gawain
C. isumbong sa guro na ikaw lang ang seryoso sa grupo

9. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagkakaisa?


A. paggawa ng proyekto at pagsusumite sa itinakdang araw

23
B. pakikilahok ng bawat kasapi sa pangkatang gawain sa klase
C. pagsali sa talakayan nang walang pakundangan

10. Bakit kailangang makilahok at makiisa sa pangkatang gawain ang bawat


kasaping mag-aaral?
A. para matapos ang gawain
B. dahil ito ang kailangang gawin
C. para hindi masita ng guro

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

24
Aralin 6: Pagpapahayag ng Sariling
Ideya, Saloobin o Opinyon
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya at
saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang
kinabibilangan.

Tuklasin Natin!
Ikaw ba ay matapat? Paano mo naipapakita ang pagiging
matapat? Magbigay ng isang sitwasyon kung saan naipakita mo ang
pagiging matapat at ipaliwanag.

_____________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano tayo nagpapahayag ng sariling ideya, saloobin
o opinyon.

Naranasan mo na bang pag sinungaling ang iyong kapwa?

Ikaw ba ay tapat sa iyong kapwa?

Paano mo maipapakita ang pagiging matapat?

Ang katapatan ay ang pagiging totoo o matuwid ng isang tao na kung saan siya ay
hindi nandaraya o nagsisinungaling.

25
“Ang pagsasama ng tapat ay pagsasama ng maluwat” Isang magandang kaugalian
na dapat taglayin ng isang tao ay pagpapahayag ng may katapatan sa mga opinyon at
saloobin. Mahalagang malaman na ang pagsasabi ng katotohanan ay may malaking
epekto sa sarili at sa miyembro ng pamilya.
Sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao, may
pagkakataon na hindi maiiwasan na makagawa
tayo ng pagkakamali. Mahalaga na maging bahagi
ng ating pagkatao ang katapatan. Ito ay moral na
obligasyon ng tao sa kapwa at sa Diyos. Ang taong
matapat ay mapagkakatiwalaan at maaasahan sa
pagganap ng kanyang gawain nang hindi
nandaraya at nagsisinungaling.

Mga dapat tandaan sa pagpapahayag ng saloobin

1. Magkaroon ng mabuting hangarin sa pagpapahayag.


2. Pag-isipan munang mabuti ang sasabihin.
3. Alamin muna ang katotohanan bago magsalita.
4. Maging magalang sa kausap at ipakita ang respeto.
5. Maging marahan sa pananalita upang hindi makasakit.

Dapat tandaan kung tatanggap ng opinyon o puna ng iba

1. Maging bukas sa pagtanggap ng opinyon o puna.


2. Maging magalang.
3. Isipin kung totoo ang puna o pahayag.
4. Magpasalamat sa puna o payo.
5. Gamitin ang puna upang makapagbago.

Tandaan:
Masakit marinig ang katotohanan subalit kailangan mong
magpakatatag. Mahirap man punahin ang iba dahil baka
maging simula ng hindi pagkakaunawaan. Ngunit kailangan
mong maipaunawa ito ng maayos. Mahalaga ay maging
tapat at totoo.

Palagiang maging tapat para makatulong sa iba. Maging


magalang at may respeto sa pagsasabi ng iyong opinyon o
ideya. Matutong tumanggap ng puna mula sa iba.
Pakinggan ng bukas ang puso at isip. Gamitin mo ito upang
mapaunlad ang sarili.

26
Subukin Natin!
Basahin at suriin ang mga pahayag. Isulat ang Oo kung
ginagawa mo at Hindi kung hindi mo ginagawa.

______1. Nakikipagkaibigan sa masamang barkada.


______2. Nagdadahilan kung bakit nahuhuli o lumiliban.
______3. Nagsasabi kapag masama ang loob sa kaibigan.
______4. Nangongopya sa oras ng pagsusulit dahil hindi nakapag- aral.
______5. Dinaragdagan ang presyo ng pambili ng gamit sa paaralan.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang ____________ ay ang pagiging totoo o matuwid ng isang tao na kung


saan siya ay hindi nandaraya o nagsisinungaling.
A. kasalanan
B. katapatan
C. kalakasan

2. Napansin mong walang imik ang iyong nakababatang kapatid. Nang


tanungin mo, sinabi niya sa’yo ang problema niya. Ano ang gagawin mo?
A. Makinig, unawain at maging tapat sa pagbibigay ng payo sa kapatid.
B. Pabayaan ang kapatid na lutasin ang sariling problema.
C. Huwag pagsabihan ang kapatid dahil baka masaktan siya.

3. Isang opisyal ng barangay si Mang Maloy. Ginagampanan niya nang


maayos at matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay. Ano ang
ipinakikita ni Mang Maloy?
A. Katapatan sa paaralan
B. Katapatan sa pamilya
C. Katapatan sa pamayanan

4. Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit


nadaanan niya ang mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay.
B. Pahihintuin ang mga naglalaro.
C. Hahayaang maglaro ang mga kaibigan at didiretso sa tindahan para sundin
ang utos ng nanay.

5. Kailan makikita ang katapatan sa sarili?


A. Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.
B. Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang
pag-aaral sa susunod.
C. Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.

27
6. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Norman na matalik mong kaibigan
ang nagsimula ng gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa sa mahinahon na
paraan.
B. Aalis at pababayaan ang nag-aaway.
C. Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase.

7. Napagtanto ni Cian na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery


store na kaniyang binilhan. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili.
B. Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito.
C. Ibalik ang sobrang sukli sa tindera.

8. May nagpuntang bata sa inyong bahay. Kukunin niya ang kaniyang laruan
na nahulog sa inyong bakuran. Bago pa man pumunta sa inyo ang bata, nakita
mo na ang hinahanap niyang laruan. Kinuha mo ito.
A. Itatanggi mong nasa iyo ang laruan
B. Ibabalik sa may-ari ang laruang nakuha sa bakuran
C. Papaalisin ang bata

9. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili sa tindahan. Sobra ang perang


pambili na naibigay sa iyo.
A. Ibabalik ang sobrang pera
B. Ibibili ng kendi ang sobrang pera
C. Itatago ang sobrang pera

10. Inihabilin sa iyo ng inyong guro na bilangin mo ang mga test tubes na
ginamit ninyo sa eksperimento pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik
na sana nang napatid ka at nabitawan ang mga test tubes na hawak at ito ay
nabasag.
A. Magkunwari na walang alam sa nangyari
B. Ipagtatapat sa guro ang nangyari at sasabihin kung ilan ang
nabasag
C. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

28
Aralin 7: Pagpapahayag ng
Katotohanan
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng
pagkuha ng pag-aari ng iba, pangongopya sa oras ng pagsusulit,
pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa.

Tuklasin Natin!
Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng katapatan sa iyong
kaibigan o kamag-aral o pamilya.

_____________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano nasusuri ang mabuti at di-mabuting dulot ng
nabasa, napakinggan o napanood.

Palagi ka bang nagsasabi ng totoo?

Ano ang pakiramdam mo tuwing nagsasabi ka ng totoo?

Kapag masakit sa iyong kalooban dapat bang hindi na ituloy


ang pagsasabi ng totoo?

Paano mo maipapahayag ang katotohanan kahit na ito ay


masakit sa iyong kalooban?

29
Ang katapatan ay ang pagiging totoo o matuwid ng isang tao na kung saan siya
ay hindi nandaraya o nagsisinungaling. Ito rin ay susi upang mabigyan ng solusyon ang
isang problema at maitama ang maling nagawa. “Ang pagsasabi nang tapat ay
pagsasama nang maluwat,” ayon sa isang kasabihan. Ang pagsasabi ng katotohanan
kahit masakit sa kalooban ay makakatulong upang mas lalo pang mapaunlad ang
kakayahan ng isang tao. Minsan may mga pagkakataon na nasasabi natin ito na
maaaring makasakit sa kanya.
Ang pagsasabi ng totoo at pagsunod sa tama
ay magiging makatwiran at matuwid ang asal at
pananalita. Ang pag-aaral ng mga aralin ay malaki
ang maitutulong upang makakuha ng mataas na
marka.
Ito rin ang paraan upang maiwasan ang pangongopya sa oras ng pagsusulit.
Ang pagkuha ng bagay na pagmamay-ari ng iba ay dapat iwasan dahil ito ay hindi
magandang asal.

Basahin at unawain ang tula. Alamin kung ano ang magandang dulot sa buhay ng
isang batang hindi nagsisinungaling.

Ang Batang Hindi Nagsisinungaling


(Malayang salin ni RG Alcantara mula sa tulang Ingles na The Boy Who Never Told a
Lie ni Isaac Watts)

Minsan may isang batang lalaki,


Kulot ang buhok at may mga matang masaya palagi,
Isang batang palaging nagsasabi ng totoo,
At hindi kailanman nagsinungaling.

Kapag umalis na siya ng paaralan,


Magsasabi na ang lahat ng kabataan,
“Ayun pauwi na ang batang may kulot na buhok,
Ang batang hindi kailanman nagsinungaling.”

Kaya nga ba mahal siya ng lahat


Dahil lagi siyang matapat.
Sa araw-araw, at habang lumalaki siya,
May lagi nang nagsasabi,
“Ayun na ang matapat na bata.”

At kapag nagtanong ang mga tao sa paligid


Kung ano ang dahilan at kung bakit,
Palaging ganito ang sagot,
“Dahil hindi siya kailanman nagsinungaling.”

Talakayin ang tula:


1. Tungkol saan ang tula?
_______________________________________________________________
30
2. Ilarawan ang batang lalaki sa tula?
________________________________________________________________
3. Katulad ka rin ba ng bata sa tula?
________________________________________________________________
4. Paano mo isinasabuhay ang pagmamahal mo sa katotohanan?
________________________________________________________________
5. Sa anong mga pagkakataon mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa
katotohanan?
________________________________________________________________

Subukin Natin!
Sabihin kung sumasang-ayon ka o hindi sa mga pahayag sa
ibaba. Isulat ang Oo kung sumasang-ayon ka at Hindi naman kung hindi
ka sumasang-ayon.

________1. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na pagtatawanan ka ng


ibang tao.
________2. Hindi dapat isinasauli ang bagay na hiniram mo.
________3. Tama lang na angkinin ang papuri sa isang proyektong mahusay na
ginawa ng iba.
________4. Dapat na isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
________5. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang mahalagang
bagay na napulot mo.

Tandaan:
Bilang isang mabuting bata, kailangan mong maipahayag
ang katotohanan. Masakit man ito para sa iyong sarili, sa
iyong kapwa o sa kasapi ng pamilya, mas makabubuting
maging tapat at totoo.

Mahirap mang gawin o sabihin, magkaroon ka ng lakas ng


loob. Isipin lagi na ginagawa mo ito hindi lamang para sa
iyong sarili. Nais mo lamang na maitama ang mali at huwag
mauwi sa mas malaking suliranin. Tandaan na, “Ang
pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.”

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang pagsasabi ng _______ ay pagsasama ng maluwat.


A. maganda
B. mali
C. tapat

31
2. Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan,
Maliban sa _________.
A. totoo
B. kasinungalingan
C. tama

3. Nakita mong itinago ni James ang tsinelas ng kapatid mo. Nang hinahanap
na ito ay sinabi mong hindi mo alam. Ang ginawa mo ay _______
A. Mali, dahil hindi ka nagsabi ng totoo.
B. Mali, dahil dapat ay inako mo ang kasalanan.
C. Tama, upang maiwasan ang away o gulo.

4. Kung hindi ka magsasabi ng totoo, maaaring ___________.


A. mas lumala ang suliranin
B. maulit pa ang pagkakamali
C. lahat ng nabanggit

5. Kung nakagawa ka ng kasalanan subalit alam mong maparurusahan ka,


pipiliin mong ________.
A. umamin at humingi ng tawad
B. isumbong ang ibang tao
C. magsinungaling na lang

6. Nakita ni Rey na nandaraya si Edgar sa pagsagot ng mga aralin. Ano ang


dapat niyang gawin?
A. tumahimik na lamang
B. kumopya rin kay Edgar
C. sabihin ko sa aming guro ang ginawa niya

7. Sinabihan si Mary ng kanyang tatay na huwag sabihing siya ang kumuha


ng pera sa alkansya. Ano ang dapat niyang gawin?
A. susunod na lamang dahil baka siya ay paluin
B. sasabihin ito sa kanyang ina kahit siya ay mapalo
C. ipagsasawalang kibo na lamang ang nangyari

8. Hindi sinasadyang nasira mo ang paboritong laruan ng iyong kapatid. Ano


ang gagawin mo?
A. aamin ako at hihingi ng tawad
B. itatago ko ang laruan para walang ebidensiya
C. sasabihin kong hindi ko alam

9. Nakapulot ka ng cellphone sa palaruan ng inyong paaralan. Ano ang


gagawin mo?
A. itatago ko ang cellphone
B. hahanapin ang may-ari upang maisauli
C. ibebenta ang cellphone

10. Pinuri ka ng iyong guro dahil sa proyektong iyong ginawa ngunit

32
pinagawa mo lamang ito sa iyong ama. Ano ang gagawin mo?
A. sasabihin kong ang aking ama ang may gawa
B. aangkinin ang papuri
C. tatahimik na lamang

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

33
YUNIT 2

34
Aralin 1: Pagtulong sa mga
Nangangailangan
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong
para sa nangangailangan tulad ng biktima ng kalamidad

Tuklasin Natin!
Gumawa ng isang pag-uulat o balita (news script) tungkol sa
isang malakas na bagyong paparating sa inyong lugar. Kailangan mong
mabigyan ng babala ang iyong mga kabarangay.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano tayo makakatulong sa mga nangangailangan.

Handa ka bang tumulong kung sakaling may


nangangailangan?

Handa ka bang mamuno para tulungan ang mga biktima ng


kalamidad?

35
Sa panahon ng sakuna at pangangailangan, pagtutulungan ang dapat asahan.
Napatunayan nating mga Pilipino na isa tayo sa mga pinakamatulungin na tao sa
mundo. Sa lahat ng nagdaang mga pagsubok at kalamidad, pinatunayan natin na kaya
natin kung tayo nagkakaisa at nagsama-sama.
Hindi natin matitiyak kung kailan ito
magaganap. Salamat na lang sa mga piling
ahensya ng ating gobyerno na nangangasiwa sa
mga paparating na kalamidad, tayo ay
nakakapaghanda.
Mahalaga rin na matutunan mo kung
ano-ano ang mga hakbang sa paghahanda sa
panahon ng kalamidad at sakuna. Ito ay
makakatulong sa iyo upang makapagsimulang
mamuno para makapagbigay ng abot-kayang
tulong sa nangangailangan.

Mga Hakbang sa Paghahanda para sa Kalamidad

Paghahanda para sa Lindol

✔ Ugaliing dumalo sa programa ng paaralan


tulad ng earthquake drill
✔ Pag-aralan kung paano magbigay ng
paunang lunas
✔ Palaging ihanda ang mga emergency kits
tulad ng paunang lunas, flashlight, kandila,
posporo, pito, inuming tubig, de-latang
pagkain at iba pa.

Paalala sa Pananalasa ng Bagyo

✔ Ugaliin ang pakikinig sa radyo at telebisyon


para sa mga balita mula sa PAG-ASA
hinggil sa parating na bagyo.
✔ Sa pagdating ng bagyo ay manatili sa
bahay at huwag magpunta sa mga lugar
tulad ng ilog at baybaying dagat.

Mga Dapat Gawin sa Oras ng Sunog

✔ Habang maliit pa ang apoy ay subukan na


itong apulahin, kung hindi mo ito
magagawa ay humingi ng tulong sa mga
kalapit na bahay at tumawag ng bumbero o
sa BFP (Bureau of Fire & Protection).

36
✔ Kung ikaw ay nasa ikalawang palapag o pataas, hintayin ang bumbero upang
ikaw ay masaklolohan. Huwag tumalon, maliban na lamang kung ito na lamang
ang paraan para mailigtas ang sarili.

Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Pandemya


✔ Ito ay mapanganib sapagkat ang sakit ay
madali mong makukuha mula sa ibang tao,
lugar o bagay na hinawakan ng may sakit.
✔ Upang maiwasang mahawa, manatili sa
loob ng tahanan at iwasan ang matataong
lugar. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay,
pagsusuot ng face mask at panatilihin ang
isang metrong layo mula sa ibang tao
(social distancing).
✔ Panatilihing malusog at malakas ang
resistensiya at kumain ng
masusustansyang pagkain.

Ang pag-unawa o pag-alam sa mga hakbang kung paano


maghahanda sa mga kalamidad man o pandemya ay
isang pamamaraan upang makatulong sa kapwa.

Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay


makakatulong naman sa pagligtas ng buhay. Ngunit ang
pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbibigay ng tulong sa
naaapektuhan ng sakuna o trahedya.

Subukin Natin!
Lagyan ng tsek (⁄) kung wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap at ekis (×) kung hindi.

_______1. Mahalaga na ang pagtulong ay galing sa iyong puso.


_______2. Ikaw ay sumasaya pag nakikita mong masaya ang iyong natulungan.
_______3. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa mga panahong tayo ang may
kakayahang tumulong.
_______4. Ang pagtulong sa kapwa ay nagdudulot ng kalungkutan dahil nabawasan
ang iyong gamit.
_______5. Pag ikaw ay tutulong, siguraduhing malaki ang iyong ibibigay.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

37
1. Ito ang ahensiya ng gobyerno na dapat nating tinatawagan tuwing may
sunog?
A. NDRRMC
B. BFP
C. PAG-ASA

2. Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan


ang mga kalamidad tulad ng bagyo.
A. PAG-ASA
B. PHIVOLCS
C. DSWD

3. Ngayong ikaw ay natuto na ng mga hakbang upang makapaghanda sa


panahon ng kalamidad, ano ang pinakamainam mong gawin sa kaalamang ito?
A. Ako ay palaging maghahanda at makikinig sa mga anunsiyo mula sa
radyo at telebisyon.
B. Ako ay sasali sa mga boluntaryong pagtulong sa mga nasalanta ng
kalamidad.
C. Aking isasabuhay ang aking natutuhan sa lahat ng oras.

4. Sa panahon ng kalamidad, alin sa mga sumusunod ang unang hakbang


bílang paghahanda dito?
A. Makinig sa mga balita sa radyo o telebisyon.
B. Pag-aralan ang paglalapat ng paunang lunas.
C. Panatilihing malusog ang katawan at kumain ng masusustansiyang pagkain.

5. Ang mga sumusunod ay mga hakbang bilang paghahanda sa pandemya


maliban sa:
A. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center para sa paglikas.
B. Panatilihing malusog at malakas ang resistensiya at kumain ng
masusustansiyang pagkain.
C.Ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at panatilihin ang
isang metrong layo mula sa ibang tao (social distancing).

6. May gaganaping earthquake drill sa inyong paaralan, inaanyayahan ang


lahat na makilahok. Ano ang gagawin mo?
A. dumalo upang malaman ang gagawin kung sakaling lumindol
B. sabihing masakit ang tiyan
C. tatakas at uuwi na lamang

7. Nabalitaan mong may paparating na bagyo sa isang araw, ano ang


gagawin mo?
A. makipaglaro sa mga kaibigan
B. makinig ng balita sa radyo
C. matulog lamang sa kwarto

8. Ano-ano ang dapat na laman ng iyong emergency kit?


A. flashlight, tubig, kandila, posporo, pagkain

38
B. ballpen, papel, lapis, pantasa, pambura
C. cellphone, IPAD, charger, earphone

9. Narinig mo sa radyo na marami pa rin ang nagkakasakit dahil sa Covid-19


ngunit kailangan niyong mamili ng mga pagkain sa grocery, Ano ang gagawin
mo?
A. makipagsiksikan upang mauna sa pila papasok ng grocery
B. humawak kung saan saan
C. panatilihin ang social distancing at umiwas sa madaming tao

10. Sa panahon ng sakuna at pangangailangan, ___________ ang dapat


asahan.
A. paglilinis
B. pagtutulungan
C. pag aaway

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

39
Aralin 2: Pagbibigay ng Babala
Panibagong Kasanayan
1. Pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol,
at iba pa.

Tuklasin Natin!
Magbigay ng angkop na babala sa mga sumusunod na
pangyayari.

1. bagyo- ___________________________________________________
2. baha- ____________________________________________________
3. lindol- ____________________________________________________
4. landslide- _________________________________________________
5. sunog- ___________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano tayo nakakapagbigay ng babala.

Bakit mahalagang may mga babala at nagbibigay


impormasyon sa panahon ng sakuna o kalamidad?

Ano-ano ang iyong makikita sa mga larawan?

40
Ang babala ay nangangahulugan ng pagsasabi ng nakaambang panganib,
disgrasya, aksidente, sakuna o mga pangyayaring maaaring maging sanhi ng di-kanais
nais na sitwasyon o kalagayan.
Maaari ding isa itong paalala na kung
sinoman ang hindi sumunod sa utos, batas o
nasabing kasunduan ay may kakaharapin na
parusa.
Ito ay nangangahulugan din ng
pagsasabi sa sinuman maging kaaway man ito
o hindi na mag-ingat sila sa kilos o sa gawa, o
maging sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Halimbawa ng mga babala ay:

1. May babala ang PAGASA na lalakas ang bagyo kaya kailangan na nating
lumikas.
2. BABALA: Bawal magtapon ng basura.
3. Mag-ingat! Nakakadulas.

Mahalaga ang pagbibigay ng babala/ impormasyon


upang mailigtas sa kapahamakan ang buhay ng ating
pamilya at kapwa tao.

Subukin Natin!
Lagyan ng masayang mukha kung ang isinasaad ng
pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali.

__________1. Manood at makinig sa balita upang malaman ang mga anunsyo at


babala hingil sa Covid-19 at iba pang mahalagang pangyayari.
__________2. Ibahagi sa iba ang napakinggang balita sa radyo tungkol sa paparating
na sakuna o kalamidad.
__________3. Magkaroon ng radyo upang may magamit sa pakikinig ng balita.
__________4. Tumakbo ng mabilis at iwanan ang nakakabatang kapatid palabas ng
bahay kapag may lindol.
__________5. Manatili sa loob ng bahay kapag may bagyo kahit pinasok na ito ng
baha.

41
Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang _____________ ay nangangahulugan ng pagsasabi ng nakaambang


panganib, disgrasya, aksidente, sakuna o mga pangyayaring maaaring maging
sanhi ng di-kanais nais na sitwasyon o kalagayan.
A. pandemya
B. babala
C. impormasyon

2. Narinig mo sa radyo na may darating na bagyo sa susunod na Linggo. Ano


ang dapat mong gawin?
A. Ipaalam sa pamilya ang tungkol sa balita upang makapaghanda.
B. Wala gagawin na hakbang.
C. Magmadali na sabihin ang narinig sa kapitbahay at pasobrahan ang balita
kahit hindi naman nabanggit ng radio.

3. Ang pagbibigay ng babala sa mga kakilala ay _________.


A. walang halaga sa iba
B. pakikipag-away
C. tulong para maging handa ang iba

4. Anong ahensya ang inatasang magbibigay ng mga babala tungkol sa


baha, bagyo at pampublikong taya ng panahon?
A. Philippine Weather Bureau
B. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration
C. Department of Science and Technology

5. Kailan natin nalalaman na ang bagyo ay paparating na sa ating bansa?


A. Ilang araw bago ito dumating, kaya may pagkakataon para tayo ay maghanda
B. Isang oras bago ito dumating, kaya kailangan kumilos kaagad
C. Ilang minuto bago ito dumating, kaya walang pagkakataon na maghanda

6. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?


A. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement
B. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha
C. Lumabas ng bahay o gusali ano man ang taya ng panahon

42
7. Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan?
A. Subukan tawiriin ang baha
B. Lumangoy sa baha
C. Humanap ng ibang daan

8. Ang pagiging handa at alerto sa oras ng sakuna ang makapagliligtas sa


bawat isa.
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

9. Ang pagkakawanggawa ay pana-panahon lamang.


A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

10. Tungkulin ng bawat mamamayan ang makialam at makisangkot sa mga


napapanahong isyu tulad sa panahon ng trahedya maging ito man ay bunga ng
natural na mga pangyayari.
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

43
Aralin 3: Pagbibigay-alam sa
Kinauukulan Tungkol sa Anumang
Kaguluhan o Pangyayari
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa.
(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan / kinukutya / binubully.

Tuklasin Natin!
Nakaranas ka na ba ng kaguluhan? Paano mo ito nalampasan?
Gumawa ng talata tungkol sa isang kaguluhang iyong naranasan.

_____________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin paano ipagbibigay-alam sa kinauukulan ang tungkol sa
anumang kaguluhan o pangyayari.

Nakasaksi o nakakita ka na ba ng kaguluhan sa inyong


komunidad?

Ano ang ginawa mo? Nagbigay tulong ka ba?

Ipinagbigay alam mo ba ito sa kinauukulan?

Isa sa pinakamagandang kaugalian nating mga Pilipino ay ang pagiging


matulungin sa kapwa. Ang isang Pilipino ay hindi nagdadalawang isip na tumulong
kapag may nangangailangan. Tinatawag rin itong pagmamalasakit sa kapwa. Paano
mo ba ito maipapakita bilang kabataang Pilipino?

44
Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng
pagtatanggol sa mga nabubulas, pagpigil o
pagsaway sa mga nambubulas at pagbigay natin
ng impormasyon sa kinauukulan sa mga hindi
magandang pangyayari sa ating kapaligiran na
nasaksihan ng mamamayan. Paano nga ba
magbigay-alam sa kinauukulan?

Napakahalaga na ikaw bilang bata ay


marunong magbigay-alam sa kinauukulan tungkol
sa kaguluhan o insidente at marunong kang
magmalasakit sa kapwa na sinasaktan, kinukutya,
o binubulas (bullying).

Ipagbigay alam mo sa mga sumusunod na kinauukulan:

1. Sa iyong pamayanan o kumunidad ay ang


tagapagpatupad ng batas tulad ng pulis at
mga opisyal at tanod ng barangay.

2. Sa loob ng paaralan ay ang iyong Adviser at


mga guro, Guidance Counselor at Principal.

3. Sa inyong tahanan at kapitbahayan ay ang


iyong mga magulang o tagapangalaga naman at mga
nakatatanda na maaaring magtanggol (elders in the
community) .

Sa sitwasyon na ikaw ay may magagawa


upang makatulong, gawin mo ito tulad na lamang
ng pagsaway sa iyong kamag-aral o kaibigan
kapag nakita mong binubulas o sinasaktan niya
ang inyong isa pang kamag-aral o kaibigan.

45
Sa mga pagkakataon naman na masaksihan mo ang isang insidente at maaari
maglagay ito sa iyo sa mapanganib na sitwasyon tulad ng makasaksi ka ng isang
pagnanakaw o pananakit o pambubogbog, ipagbigay-alam agad ito sa kinauukulan o
nakakatanda.

Subukin Natin!
Lagyan ng tsek ( ⁄ ) kung dapat itong iparating sa kinauukulan at
(×) kung hindi.

_______1. Pinapagalitan si Charisse ng kaniyang magulang dahil sa bagsak na grado.


_______2. Binubulas si Alan ng kaniyang kaklase dahil sa kakaiba niyang itsura.
_______3. Pinasok ng magnanakaw ang bahay ni Joya.
_______4. Kinukuha ni Cyril ang baon ng kaniyang kaklase nang sapilitan.
_______5. Nakita ni Ethan ang kaniyang kaklase na naninigarilyo sa loob ng palikuran.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang kamag-aral na nakararanas ng


pambubully?
A. magkibit-balikat
B. sumali sa pambubully
C. ipagbigay alam sa guro

2. May nakita kang kahina-hinalang lalaki sa gilid ng daan. May dala itong
malaking bag na naglalaman ng mga mukhang patalim. Ano ang gagawin mo?
A. tumakbo agad
B. magsumbong sa nagpapatrolyang pulis
C. baliwalain

3. Ang kaklase mong si Bob ay parating nanloloko ng kaklase. Sinasaway na


siya ng inyong mga kaklase pero ginagawa parin niya ito. Ano ang gagawin mo?
A. isumbong siya sa inyong guro
B. sampalin siya pag niloko ka
C. hayaan siyang gawin ang gusto niya

4. Sa loob ng mall, napansin mo ang isang batang umiiyak at naghahanap sa


kanyang nawawalang ina. Ano ang gagawin mo?
A. tawanan ang bata
B. hayaan ang batang maghanap
C. ipagbigay-alam sa guwardiya ng mall

5. Ang buong pamilya Reyes ay may lakad sa araw na iyon kaya walang tao
sa kanilang bahay sa buong araw. Pagdating ng hapon ay may napansin kang
tao sa loob ng bahay nila na hindi mo kilala at ito ay naghahakot ng mga gamit.
46
Ano ang dapat mong gawin?
A. tumawag sa pulisya
B. huwag silang pansinin
C. lapitan ang mga tao at tanungin kung sino sila

6. Pagsapit ng recess, nakita mong sinasaktan at pinagbabantaan ang iyong


kaibigan ng inyong kaklase upang makuha ang kaniyang baon. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Tutulungan ang kaibigan upang awayin ang nananakit at nananakot sa
kaniya.
B. Hayaan na lamang sila dahil maaari kang madamay sa gulo nila.
C. Ipagbibigay-alam ito sa guro upang mapagsabihan ang kaklaseng
nambubulas.

7. Sa pagmamalasakit sa iyong kapwang sinasaktan, kinukutya, o binubulas,


ano dapat ang una mong kailangan isaalang-alang?
A. Ang nagkasala sapagkat dapat maparusahan siya sa maling ginawa.
B. Ang kapakanan ng biktima dahil siya ang higit na nangangailangan sa
sitwasyon.
C. Ang sariling kaligtasan sapagkat maaaring ikaw ay malagay sa alanganing
sitwasyon.

8. Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa kalye.


Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito?
A. Ipagbigay alam ito sa pulis upang mahuli ang snatcher.
B. Hahabulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag.
C. Hayaan na lamang ito upang hindi na madamay sa insidente.

9. Nakita mong umiiyak ang iyong bagong kamag-aral. Binubulas ito ng


iyong mga kaklase dahil sa kakaiba nitong itsura. Ano ang una mong dapat
gawin sa sitwasyon?
A. Hayaan na lámang sila upang hindi madamay.
B. Magsumbong sa magulang ng biktima upang pumunta ito sa paaralan.
C. Isumbong ito sa guro o guidance counselor at hayaan silang humarap
dito.

10. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang kinauukulan maliban sa:


A. Guro
B. Pulis
C. Bumbero

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

47
Aralin 4: Paggalang sa mga Dayuhan
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng
mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan,
paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at
dayuhang kakaiba sa kinagisnan.

Tuklasin Natin!
Gumawa ng isang maikling tula na nagpapakita ng paggalang sa
mga dayuhan sa pamamagitan ng mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga
katutubo at mga dayuhan at paggalang sa natatanging
kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang kakaiba sa
kinagisnan.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ang paggalang sa mga dayuhan.

Iginagalang mo ba ang taong may ibang kultura o


paniniwala?

Tinatanggap ba ng iyong pamilya ang mga bisita o dayuhan


ng magiliw?

48
Kakabit ng ating pagiging Pilipino ay ang pagiging magalang at magiliw sa
pagtanggap (hospitable) ng mga dayuhan at may ibang kultura. Ito ang mga kaugalian
nating mga Pilipino na dapat nating pagyamanin.

Alam mo ba na noong 2012, nakapasok ang Pilipinas sa ikawalong puwesto sa


listahan ng Top 15 Friendliest Countries in the World at nakakuha ng unang pwesto
sa Asya (Forbes Magazine). Tinatayang 7.1 milyong dayuhan naman ang naitalang
bumisita sa Pilipinas noong 2018 (DTI). Isang patunay na bukod sa magagandang
pasyalan sa ating bansa, dinadayo ito dahil sa mainit nating pagtanggap sa mga bisita
at mabuting pagtrato sa kanila (hospitality).
Mahalaga rin na maunawaan mo ang
kahalagahan sa paggalang sa ating mga kapwa
katutubo. Nakasaad sa saligang batas ng ating
bansa na ang mga katutubo ay protektado sa
anumang uri ng diskriminasyon (Article XII Sec. 5 )
at dapat irespeto ang kanilang mga kultura at
paniniwala (Article XIV Sec. 10) ayon sa Saligang
Batas.
Ang pagpapakita ng paggalang sa katutubo ay
hindi lamang masusukat sa pagkakataon na sila ay
nakita mo nang personal ang kanilang pisikal na
kaanyuan. Mayroon rin silang sariling kultura at
paniniwala na sinusunod bilang sistema ng kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay na dapat nating
irespeto at pag-aralan.

Maaari rin nating ipakita ang paggalang sa


kanila sa pamamaraan ng kaugaliang Pilipino. Ang
paggamit ng “po” at “opo” at pagmamano kung
nakakatandang katutubo o dayuhan ang kausap ay
pagpapakita ng mabuting pagtrato sa kanila.

49
Mga Paraan kung Paano Natin Maipapakita ang Paggalang sa mga Dayuhan

1. Pagtanggap at maayos na pag-aasikaso sa mga bisitang dayuhan sa ating


bansa.
2. Pakikinig nang mabuti kapag may dayuhang nagpapahayag ng kaniyang
saloobin.
3. Pagpapahalaga sa mga paraan ng pamumuhay ng mga dayuhan.
4. Pagtuturo sa dayuhan ng ilang kaugaliang nakagisnan.
5. Pagpapakita ng interes sa mga pangkulturang gawain

Subukin Natin!
Isulat ang NP kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
paggalang at HNP naman kung hindi.

_______1. Pinagtawanan ni Abel ang nakasalubong niyang pilay habang papasok siya
sa paaralan.
_______2. Madalas tulungan ni Sebastian sa pagtawid ng kalye ang sinumang
matandang nakakasabay nya sa pagtawid.
_______3. Naniniwala si Myra na hindi dapat pakialaman ang gamit ng iba nang hindi
nagpapaalam.
_______4. Madalas makisali sa usapan ng iba si Jessica.
_______5. Iniiwasan ni Tony na mapalapit sa kapitbahay nilang dayuhan dahil ayaw
niyang magsalita ng wika nito.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang mga pangkat etniko ay kapwa ko Pilipino, sapagkat sila ay mga


______________.
A. nararapat din natin silang igalang
B. magalang na nakikinig sa kanila
C. katutubong Pilipino

2. Kapag may mga dayuhang pumupunta sa Pilipinas at hindi ko


maintindihan ang kanilang wika, ako ay _______________________.
A. nararapat din natin silang igalang
B. magalang na nakikinig sa kanila
C. katutubong Pilipino

3. Nasa pang ilang pwesto nakakuha ang Pilipinas sa listahan ng 15


Friendliest Countries in the World?

50
A. unang pwesto
B. ikawalong puwesto
C. ikatlong puwesto

4. Kung ang mga dayuhan o katutubo ay bumisita sa inyong tahanan. Paano


mo ipapakita ang paggalang mo sa kanila ?
A. Patutuluyin sila sa loob ng bahay.
B. Itataboy ko sila.
C. Dadabogan ko sila ng pinto.

5. Sa anong batas nakasaad na ang mga katutubo sa ating bansa ay


protektado sa anumang uri ng diskriminasyon?
A. Article XIII Sec 4
B. Article XII Sec 5
C. Article XI Sec 3

6. Habang naglalakad, nakasalubong ni Marie ang isang dayuhang


nagtatanong ng direksyon. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Takbuhan ang dayuhan.
B. Huwag pansinin ang dayuhan.
C. Magalang na makipag-usap at ituro ang direksyon.

7. Mayroong dayuhang naghahanap sa ama ni Jim. Ano ang dapat niyang


gawin?
A. Sabihing umalis ang kanyang ama.
B. Pag-antayin sa labas ng bahay hanggang sa dumating ang ama.
C. Papasukin ito at paupuin sa sala habang nag-aantay.

8. Nagdiriwang ng kapistahan sa inyong barangay. Napakaraming


namamalimos na mga Ita at Mangyan upang sila ay may makain. Hindi malinis
ang kanilang pangangatawan, madudumi ang kanilang mga damit at marurungis
ang kanilang mga mukha. Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan ko sila ng makakain dahil madami namang handa.
B. Ipagtatabuyan ko sila dahil nakakahiya sa mga bisita.
C. Hindi ko sila papansinin.

9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo?


A. Hindi papansinin dahil sa kanilang pisikal na anyo
B. Pagtrato sa kanila ng pantay at tama
C. Pinagtatawanan dahil sa kanilang kulay

51
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan?
A. Igalang at Irespeto ang kanilang kaugalian
B. Hindi pag intindi sa kanilang paniniwala
C. Pagtawanan ang kanilang pananalita

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

52
Aralin 5: Paggalang sa Anumang
Nabuong Ideya o Opinyon
Panibagong Kasanayan
1. Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa anumang
ideya/opinion

Tuklasin Natin!
Gumawa ng isang maikling kuwento (maaring gumuhit o gumawa
ng comic strip) tungkol sa iyong karanasan na nagpapakita ng paggalang
sa anumang ideya/opinyon ng iyong kaibigan maaring tungkol sa paborito
ninyong laro o laruan.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ang paggalang sa anumang nabuong ideya o
opinyon.

Paano ka ba nagpapahayag ng iyong ideya?

Iginagalang mo ba ang opinyon ng iyong mga kaibigan,


kalaro, kaklase at lalo na ang ideya ng iyong mga kapatid at
mga magulang?

53
Ang bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng Maykapal ng isip at Kalayaan upang
malaya tayong makapagbigay ng kuro-kuro o opinyon. Sa madaling salita, tayo ay
malayang makapagpahayag ng ating nararamdaman o ideya sa isang tao, bagay o
pangyayari. Ngunit kasama ng malayang pagpapahayag ng ating opinion ay ang
responsibilidad at tungkulin na dala nito.
Bilang Pilipino, isa mga kaugalian natin ay ang
pagiging magalang. Naniniwala tayo na ang
tunay na pagpapahayag ng opinyon o ideya ay
nakabatay sa respeto at paggalang.
Nagkakaroon ng tunay na pagkakaunawaan at
kapayapaan kung nangingibabaw palagi ang
paggalang lalo na sa opinyon o ideya ng iba.
Sa ating bansang Pilipinas, mayroong tayong tinatawag na Freedom of Speech
(Article III, Bill of Rights Section 4). Ito ay ang malayang pagpapahayag ng opinyon
na hindi hinahadlangan ng sinoman. Ngunit ito ay mayroong limitasyon.
Hindi mo maaaring gamitin ang kalayaan
mo sa pagsasalita sa paninira ng puri ng iyong
kapwa, pagbibintang ng walang sapat na
ebidensya, pagmumura o pambabastos,
pagsuway sa batas at pagsisiwalat ng pribado at
maseselang impormasyon sa publiko. Ang mga ito
ay may karampatang parusa kapag iyong nilabag
kung kaya’t ikaw ay maging maingat sa iyong
opinyon.
Ang pagbibigay ng opinyon sa bawat isa ay hindi isang paraan upang malaman
kung sino ang tama o kung sino dapat ang manalo. Ang pagbibigay ng opinyon ay
daan upang magkaroon ng bagong kaalaman at makapagbahagi ng sariling kaalaman
na magtatapos sa isang makabuluhang usapan. Ang ilan sa mga paraan dito ay ang
mga sumusunod:
1. Pakikinig nang mabuti sa opinyon ng iyong
kapwa. Ikaw man ay sumasang-ayon o
di-sumasang-ayon, makinig ka muna at
pagkatapos ay maaari mong ilahad ang iyong
opinyon sa maayos at mahinahong paraan.

2. Ilagay ang sarili sa sitwasyon ng iyong


kausap. Ito ay isang paraan upang mas
maunawaan ang opinyon ng kausap. Sa
pakikipag-usap sa kapwa, iwasang gumamit ng
nakakasakit na salita tulad ng pagmumura at
pambabastos.

54
3. Isaalang-alang ang damdamin ng taong kausap.
Ang magandang ugnayan ay palaging nagtatapos sa
magandang usapan.

Subukin Natin!
Lagyan ng (☺) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon
at (☹) naman kung hindi.

______1. Hinihintay ni Dave na matapos ang pagbibigay ng opinyon ng kaniyang


kausap bago ito sumagot.
______2. Sinisigawan ni Peter ang kaibigan sa tuwing hindi nito nagugustuhan ang
mga opinyon tungkol sa kaniya.
______3. Kahit hindi sang-ayon ang mga ka-grupo ni Yen ay ipinagpatuloy pa rin niya
ang sariling kagustuhan para magawa ang kanilang proyekto.
______4. Hindi man sang-ayon si Gel sa opinyon ng kaibigan ay nakinig muna itong
mabuti at saka ipinahayag ang opinyon niya.
______5. Palaging iminumungkahi ng lider na si Mike na magbigay ng opinyon ang
kaniyang mga miyembro upang mas mapaunlad ang kanilang mga proyekto.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Sa bansang Pilipinas, mayroong tinatawag na freedom of speech (Article


III, Bill of Rights Section 4). Ano ang kahulugan nito?
A. malayang pagsasabi ng opinyon na sa huli dapat ikaw ang tama.
B. malayang pagpapahayag ng opinyon na hindi hinahadlangan ng sinoman.
C. malayang pagsasabi ng lahat ng iyong gusto sa kapwa, nakakasakit man ito
ng damdamin o hindi.

2. Ang mga sumusunod ay ang limitasyon ng freedom of speech sa Pilipinas


maliban sa:
A. pagsuway sa batas
B. paninirang puri sa iyong kapwa
C. hindi pag sang-ayon sa opinyon ng kapwa

3. Dapat ba ay palagi kang sumang-ayon sa opinyon ng iyong kapwa?


A. Opo, upang hindi masaktan ang damdamin ng iyong kapwa.
B. Opo, dahil mas mahalaga ang opinyon ng kapwa kaysa sa sariling opinyon
C. Hindi po, dahil maaaring maging mas makabuluhan ang usapan kung
magbabahagi ng mga sariling opinyon sa kapwa

55
4. Magkaiba ang pananaw niyo ni Joana tungkol sa gagawin niyong
proyekto. Ano ang gagawin mo?
A. Sigawan siya upang masunod ang plano ko.
B. Makinig sa kanya at ipaliwanag din ang aking saloobin ng may paggalang.
C. Hayaan na lamang siya dahil ikaw parin ang masusunod.

5. Hindi mo nagustuhan ang opinyon sa iyo ng iyong kaklase. Ano ang


gagawin mo?
A. Makipag-away sa kanya at ipilit ang sarili.
B. Hayaan na lamang siya sa kanyang opinyon.
C. Magsalita ng masasakit na salita tungkol sa kanya.

6. May naisip kang suhestiyon para sa ginagawa nyong proyekto. Ano ang
gagawin mo?
A. Ipipilit ang gusto kong gawin.
B. Gagawing mababa ang boses sa pagbibigay ng suhestiyon.
C. Magalit upang mapakinggan.

7. Narinig ni Camille ang pahayag ng kanyang kaklase tungkol sa kanya at


hindi niya ito nagustuhan. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magalit at awayin ang kaklase.
B. Makipagsabunutan upang ipagtanggol ang sarili.
C. Makinig ng mabuti at suriin ang sinasabi ng kaklase.

8. Ipinatawag kayo sa Barangay Hall upang makilahok sa isang pagtitipon


kaugnay ng gaganaping "Oplan Linis Kapaligiran". Ano ang gagawin mo?
A. Makinig ng mabuti at magbigay ng suhestiyon ng may paggalang sa lahat ng
kasapi.
B. Magalit sa mga magbibigay ng hindi mo gustong suhestiyon.
C. Kontrahin ang opinyon ng iba.

9. Isa sa mga hakbang upang igalang ang opinyon ng ibang tao ay ang
pag-unawa nang mabuti.
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

10. Maaaring magtanong sa kausap upang mabigyang linaw ang ibang bagay
o mas maunawaan ang kanyang inilalahad na opinyon.

56
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

57
Aralin 6: Pagsasaalang-alang sa
Kapakanan at Karapatan ng Iba
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng
kapwa.
2. Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba

Tuklasin Natin!
Sumulat ng tatlong (3) sitwasyon na nagpapakita ng
pagpapaubaya sa sariling kapakanan para sa kabutihan ng iba.

Halimbawa: Nagpaparaya ng upuan sa mas nakakatanda sa dyip kung


wala nang bakanteng upuan.

1. _________________________________________________________
_________________________________________________________
2. _________________________________________________________
_________________________________________________________
3. _________________________________________________________
_________________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano maisasaalang-alang ang kapakanan at
karapatan ng iba.

Paano mo maipapakita ang pagsasaalang-alang sa


kabutihan at kapakanan ng kapwa?

Ang paggalang sa karapatan ng bawat tao


ay isa ring pagpapakita ng pagbibigay respeto.
Ito ay paggalang sa nararamdaman ng kapwa sa
lahat ng oras at pagkakataon.

58
Ang hindi pagpipilit ng sariling paniniwala sa iba, hindi pagkuha ng mga bagay
na pag-aari ng iba, hindi pag “Videoke”sa kalaliman ng gabi, hindi pagkakalat ng
kamalian ng iba at hindi pagtawa at pagmaliit sa kakulangan at kapansanan ng ibang
tao ay naglalarawan ay pagsasaalang-alang sa karapatan ng kapwa tao.

Karapatan ng bawat batang Pilipino

1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.

2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga.

3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.

4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.

5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.

6. Mapaunlad ang kakayahan.

59
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.

8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at


karahasan.

9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.

10. Makapagpapahayag ng sariling pananaw.

Ang karapatang mabuhay, maging malusog, makapag-aral


at mamuhay ng payapa ay ilan lamang sa mga karapatang
taglay ng bawat tao. Ang pagsasaalang-alang sa
karapatan ng iba ay nagpapakita ng paggalang sa iyong
kapwa.

Ito ay kalugod-lugod na katangian na dapat tularan ng


isang batang katulad mo.Mahalagang isaalang-alang ang
karapatan ng iba upang makaiwas sa gulo at makamit ang
tunay na kapayapaan sa buhay ng bawat isa.

60
Subukin Natin!
Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang nakasaad sa
pangungusap ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa karapatan ng
ibang tao at malungkot na mukha ☹ kung hindi.

_________1. Pagbabasa ng sulat na hindi para sa iyo.


_________2. Pagsasabihan ang mga kaklaseng nanunukso ng kamag-aral na may
kapansanan.
_________3. Pagpipilit ng sariling opinyon sa iba.
_________4. Pagpapatay ng videoke kung alas dyes na ng gabi.
_________5. Pagsali sa pagbato sa taong grasa.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang paggalang sa karapatan ng bawat tao ay isa ring pagpapakita ng


pagbibigay ___________.
A. respeto
B. patnubay
C. pagmamahal

2. Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng isang bata maliban sa


___________.
A. karapatan maisilang
B. karapatang magkaroon ng tahanan
C. karapatang makipag-away

3. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay tanda ng pagmamahal sa ____________.


A. pinagpapala
B. Diyos
C. pagtulong

4. Karapatan ng bawat bata na mamuhay ng payapa at ligtas. Sino ang


katulong sa pangangalaga ng kaligtasan ng mga bata?
A. Guro at Karpintero
B. Doktor at Nars
C. Pulis at Barangay Tanod

5. Kung may talento ang isang bata, ano ang dapat gawin?
A. Suportahan siya upang lalo siyang gumaling
B. Sabihan siya na hindi siya magaling at pangit ang kanyang ginagawa

61
C. Itapon ang kanyang mga ginagamit

6. Madalas mong nakikita ang isang batang natutulog lamang sa isang upuan
sa parke. Marumi ang damit at mukhang gutom ang bata. Ano ang gagawin mo?
A. Pakiusapan ang mga magulang na ipagbigay-alam sa DSWD upang
matulungan siya.
B. Ipagbigay-alam sa pulis upang hulihin siya.
C. Bibigyan ng regalo para kahit papaano ay magiging masaya siya.

7. May sakit ang iyong nanay pero gusto mo sanang manood ng TV. Ano ang
gagawin mo?
A. Bubuksan parin ang TV at manonood.
B. Maglalaro sa loob ng bahay
C. Tatahimik upang makapagpahinga ang nanay.

8. Madalas kinukutya ang isa mong kaibigan ng iba mo pang kaibigan. Alam
mong hindi ito mabuti. Ano ang gagawin mo?
A. pagtatawanan lang sila
B. sasawayin ang isa kong kaibigan upang malaman niyang hindi na ito mabuti
C. sasali sa away

9. Dahil magaling ka sa pagsasayaw ay sinuportahan ka ng iyong mga


magulang na sumali sa mga patimpalak. Anong karapatan ito?
A. karapatan mabigyan ng sapat na edukasyon
B. karapatan mapaunlad ang kakayahan
C. karapatan manirahan sa payapa at tahimik na lugar

10. Jose ang ipinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang. Anong


karapatan ito?
A. karapatan maisilang at magkaroon ng pangalan
B. karapatan mapaunlad ang kakayahan
C. karapatan manirahan sa payapa at tahimik na lugar

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

62
Aralin 7: Pakikipagkaibigan

Panibagong Kasanayan
1. Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay
pakikipagkaibigan

Tuklasin Natin!
Isulat ang pangalan ng lima mong kaibigan. Sa tapat ng bawat
pangalan,isulat kung paano mo sila naging kaibigan.

Halimbawa: Lara- Binigyan ko siya ng aking baon.

1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano tayo makikipagkaibigan.

Ikaw ba ay may kaibigan na napagsasabihan mo ng iyong


mga kasiyahan at kalungkutan?

Siya ba ay handang tumulong sa iyo kahit walang


inaasahang kapalit?

63
Minsan ay may mga nakikilala tayong mga kaibigan sa patimpalak o
paligsahang ating sinasalihan. Lahat tayo ay may mga kaibigan. Sila ang mga taong
nasasabihan natin ng ating kasiyahan at kalungkutan. Dahil kaibigan natin sila, halos
nagkakapareho ang ating interes at paboritong mga bagay.
Madalas nasasabi na ang kaibigan ay isang
kayamanang dapat ingatan dahil sila ay
mahalaga. Madalas nasasabi na ang kaibigan ay
isang kayamanang dapat ingatan dahil sila ay
mahalaga. Makikilala ang isang tunay na kaibigan
sa mga pagkakataong may problema at
kalamidad dahil sila ang mga taong handang
tumulong nang walang inaasahang kapalit. Sila
ang maituturing na kapamilya.

Alam mo ba na hindi lahat ng nagiging


magkaibigan ay nananatili sa habang panahon?
Minsan may mga magkakaibigang nagkakagalit
dahil sa prinsipyo o pagbabago ng kanilang ugali.
Ang isa sa mga nagiging dahilan ng paghihiwalay
ng mga magkakaibigan ay ang kawalan ng
paggalang sa isa’t isa kapag ang sari-sariling
prinsipyo at katwiran ay hindi kayang tanggapin
ng bawat isa.
Ang pagkakaibigan ay nagtatagal kung
may pag-uukol ng paggalang sa pamamagitan ng
mabuting asal at pananalita.

Subukin Natin!
Markahan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangungusap na
nakasaad ay nagpapakita ng pagiging palakaibigan sa isang patimpalak
o paligsahang sinalihan at (×) kung hindi.

______1. Nilalapitan at kinakausap ko ang ibang kalahok sa isang paligsahan kahit na


sila ay mga katunggali ko.
______2. Iginagalang ko ang anumang hatol ng hurado kapag may paligsahan.
______3. Ngumingiti ako sa ibang kalahok ng paligsahan kahit hindi ko sila kakilala.
______4. Pinapalakpakan ko ang ibang kalahok na kasali sa patimpalak matapos
silang magtanghal.
______5. Nakikipag chat ako sa mga naging kakilala ko sa isang paligsahan upang
mapalapit kami sa isa’t isa

64
Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang ____________ ay nagtatagal kung may pag-uukol ng paggalang sa


pamamagitan ng mabuting asal at pananalita.
A. pagkakaibigan
B. kaaway
C. kapatid

2. Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamabuting katangian ng


isang kaibigan?
A. Madalas na sumasama sa iyo
B. Nakikinig sa mga kuwento mo
C. May positibong impluwensiya sa iyo

3. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa inyong mga kaibigan. Minsan, kapag


nag-uusap kayo, napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano
ang maari mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Pilitin na lang na ibahin ang paksa ng inyong usapan.
B. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa iyong relihiyon
C. Huwag na lang intindihin ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon

4. Bagong lipat sa isang paaralan si Jaime. Nagmula siya sa ibang bansa


kaya nahihirapan siyang makisalamuha sa kanilang mga kamag-aral. Anong
klaseng tulong ang maaari mong gawin?
A. Pahiramin siya ng aklat na maaari niyang basahin.
B. Kausapin ang inyong guro para ipakilala siya sa bawat isa.
C. Ayain mo siya na makipagkwentuhan sa iba ninyo pang kamag-aral.

5. Ano ang maaring gawin ni Carlo upang maipakita ang kaniyang


pagkamahabagin sa isang kamag-aral na nahihirapang lumakad dahil bukod sa
nakasaklay ito ay marami pa siyang bitbit na libro?
A. Tawagin ang janitor para tumulong
B. Tingnan kung kaya niya ang mga dalahin
C. Magboluntaryo na bitbitin ang kaniyang libro

6. Nagkaroon ng isang malubhang karamdaman si Gel. Araw-araw ay


binibisita siya ng kaniyang mga kaibigan at mga kamag-aral upang mapasaya
nila siya. Anong katangian ang ipinakita ng mga kaibigan at kamag-aral ni Gel?
A. Mapagbigay

65
B. Mapagmalasakit
C. Masunurin

7. Paano ka makapagtatamo ng kaibigan sa mga paligsahan o patimpalak?


A. makipagkilala sa iba pang mga kalahok
B. huwag pansinin ang iba
C. antayin silang lumapit

8. Binabasa mo ba ang mga mensahe sa cellphone ng kaibigan mo?


A. oo
B. hindi
C. pwede

9. Ibahagi mo ba ang iyong kagamitang pangguhit sa iyong kaaway na


humingi ng tulong sa iyo?
A. oo
B. hindi
C. pwede

10. Sinisikap mo bang tulungan ang iyong kaibigan na may kapansanan?


A. oo
B. hindi
C. pwede

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

66
Aralin 8: Pagsasagawa ng mga
Tungkulin sa mga Programa ng
Paaralan
Panibagong Kasanayan
1. Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o
proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan.

Tuklasin Natin!
Sagutin ang tanong.
Bilang isang mag-aaral, paano mo magagampanan ang wastong
paggamit ng media at teknolohiya sa paggawa ng iyong mga proyekto sa
pag-aaral?

_____________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ang pagsasagawa ng mga tungkulin sa mga
programa ng paaralan.

Lumalahok ka ba sa mga programa o patimpalak sa


paaralan?

Anong mga programa o patimpalak ang sinalihan mo?

Nangangailangan ng pakikiisa ng mga


mag-aaral at batang tulad mo ang karamihan sa
mga gawaing pampaaralan upang maging
matagumpay ito. Ilan dito ay ang mga palaro,
paligsahan, pagdiriwang at iba pa.

67
Ang pakikiisa sa mga gawaing ito tulad ng paglalaro at pakikilahok sa mga
programa ay nakatutulong upang mapagyaman ang sarili sa kagandahang–asal at
pakikipagkaibigan. Ikaw, bilang kabahagi at miyembro ng isang pamilya at pamayanan
ay may tungkuling dapat gampanan. Ang tungkuling nakaatang sa iyo ay dapat gawin
mo nang buong puso, may kasiyahan at pakikiisa na hindi naghihintay ng anumang
kapalit.

Ang tunay na pakikilahok at pakikiisa sa mga


gawaing pampaaralan ay nakikita kung ginagawa itong
bukal sa kalooban at hindi napipilitan lamang. Hindi rin ito
namimili o umaayaw sa anumang gawain. Gumagawa ito
ng paraan na pagkasyahin o gamitin ang anumang
teknolohiya o gamit na mayroon lamang. Ito ang tatak
Pinoy. Ganito ang tunay na Pilipino. Pinagkakasya at
ginagawan ng paraan ang anumang mayroon at kaya.
Mabuhay ka! Mabuhay ang kaugaliang Pilipino!

Subukin Natin!
Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pakikiisa o pakikilahok sa programa. Ekis (×) naman kung hindi.

______1. Si Vince Ryan ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa barangay upang


magkaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan.
______2. Si Lance Perry ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sa
kanilang paaralan.
______3. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Pearl na may ngiti sa mga
labi habang ginagawa ito.
______4. Ipinagyayabang lagi ni Yana ang pagiging kabahagi niya sa patimpalak sa
pag-awit sa kanilang bayan.
______5. Maganda ang naging palabas ng Grade 5–A Mabini kahit na hindi kumpleto
ang teknolohiyang ginamit nila.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang tunay na ______________at pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan ay


nakikita kung ginagawa itong bukal sa kalooban at hindi napipilitan lamang.
A. pakikilahok
B. pakikisama
C. pagmamahal

2. Araw ng pagsusulit, hindi nakapag-aral si Liza dahil nawili siyang manood


ng bagong pelikula. Nakita mong kumopya siya ng mga sagot sa kaniyang
kwaderno. Matalik kayong magkaibigan ni Liza. Nais mo siyang isumbong sa
inyong guro subalit nangangamba kang baka siya ay mawala sa honor roll.
68
Isusumbong mo pa rin ba siya sa inyong guro sa kabila ng pagiging magkaibigan
ninyo? Bakit?
A. Hindi, dahil gusto ko siyang makakuha na malaking marka
B. Oo, para kasiyahan ako ng aming guro
C. Oo, dahil ayokong mapasama ang aking kaibigan at magabayan siya ng
aking guro kung ano ang tama.

3. Inanyayahan ni Fred si James na sumali sa gaganaping Boy Scout


Jamboree subalit maglalaro siya sa may ilog kasama ng iba pa niyang kaibigan.
Ano ang dapat niyang gawin?
A. sabihin kay Fred na masakit ang kanyang katawan
B. sumama kay Fred upang matuto
C. huwag pansinin si Fred

4. Ang magkakaibigang Jasmin at Jane ay nagkaisang sumali sa patimpalak


ng sayaw sa kanilang barangay ngunit kulang pa sila ng isang miyembro. Ano
ang dapat nilang gawin?
A. Huwag na lang sumali dahil kulang sila.
B. Mag-antay ng sasali sa kanilang grupo
C. Ayain ang isang kaibigan na mayroon ding hilig sa pagsasayaw.

5. Napili si Jacob upang sumulat ng isang story piece para sa kanilang


school paper. Ano ang dapat niyang gawin?
A. galingan ang pagsulat ng story
B. tanggihan ito dahil siya ay natatakot
C. magpasa ng kung ano-anong story lamang

6. May Brigada Eskwela na gaganapin sa inyong paaralan ngunit inaaya ka


ng iyong mga kaibigan na maglaro sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. makipaglaro na lamang sa parke
B. huwag pansinin ang Brigada Eskwela
C. makilahok sa Brigada Eskwela at sabihin sa mga kalaro na sa sunod na
lamang sasali

7. Nalaman mong ang kaklase niyong si Gemma ay ayaw sumali sa grupo ng


Girl Scout sa kanilang paaralan dahil siya ay nahihiya. Ano ang gagawin mo?
A. kakausapin ko siya upang magkaroon siya ng kasama
B. magsasawalang kibo na lamang
C. hahayaan ko siya

8. Kulang ang teknolohiyang gamit ng Grade 5-Sampaguita para sa kanilang


presentasyon. Ano ang dapat nilang gawin?
69
A. lumahok parin at galingan ang presentasyon
B. sumali na lamang upang may grade
C. umatras na

9. Si Simon ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sa kanilang


paaralan.
A. tama
B. mali
C. pwede na

10. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si MJ na may ngiti sa mga


labi habang ginagawa ito.
A. tama
B. mali
C. pwede na

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

70
YUNIT 3

71
Aralin 1: Pagpapakita ng mga
Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino tulad ng
nakikisama sa kapwa Pilipino, tumutulong/lumalahok sa bayanihan at
palusong, at magiliw na pagtanggap ng mga panauhin

Tuklasin Natin!
Isulat ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng kaugalian
ng mga Pilipino at DK kung hindi.

_______ 1. Pagtutulungan o bayanihan ng bawat kasapi ng pamayanan.


_______ 2. Pagtangkilik sa mga produktong banyaga.
_______ 3. Pagtanaw ng utang na loob.
_______ 4. Pakikiisa sa mga gawain tuwing piyesta.
_______ 5. Hindi paghahanda ng mga prutas na bilog tuwing sasapit ang
bagong taon.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ang pagpapakita ng mga kanais-nais na
kaugaliang Pilipino.

Ano-anong mga kaugalian ang mayroon ang mga Pilipino?

Sa iyong palagay, ano-anong mga kaugalian ang


maipagmamalaki nating mga Pilipino?

Ang pagmamahal sa bansa ay isa sa


mga kaugalian nating mga
Pilipino.Maipapakita natin ito sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga
katangian, kultura at kaugaliang
kumakatawan sa ating mga Pilipino.

Basahin mo ang maikling kuwento at samahan mo akong tuklasin ang hiwaga ng


bayanihan.

72
Bayanihan sa Panahon ng Pandemya

Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong


ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna
ng kanilang kapitan na si G. Rhalp Vea. Isang
proyekto ang kanilang napagkasunduang gawin
upang matulungan ang mga pamilya na nawalan
ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Naisipan ng kapitan na lumapit sa mga may


kayang mamamayan ng barangay upang humingi
ng donasyon na makatutulong sa mga pamilyang
naapektuhan ng pandemya.

Marami ang tumugon sa naging proyekto ng


barangay, isa na rito ang pamilyang Mabunga na
nagbigay ng mga donasyon tulad ng bigas, de lata
at hygiene kit. Maliban sa kanila marami pang
may-kayang pamilya ang nakilahok at nagbigay ng
tulong sa nasabing proyekto dahil sa magandang
adhikain nito.

Ipinapakita lamang nito na ang pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat isa


ay tanda ng pagmamahalan at pagmamalasakit sa kapwa.

Naunawaan mo ba ang maikling kuwento?

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino ang nanguna sa pagpupulong?

2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong?

3. Sino-sino ang mga naghandog ng donasyon para sa proyekto?

4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng mga mamamayang nagbigay ng


donasyon para sa proyekto ng kanilang barangay?

5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon kung ang pamilya niyo ay nakaluluwag
din sa buhay? Bakit?

73
Likas sa ating mga Pilipino ang mga natatanging kaugalian. Kilala tayo sa
pagiging matulungin sa ating kapwa ito’y kaugaliang kanais-nais, magiliw na
pagtanggap sa mga panauhin, mapagmahal sa pamilya, pagiging masayahin ay ilan
lamang sa mga mabubuting kaugaliang Pilipino.

Lagi nating tatandaan na ang pagtutulungan o bayanihan


ay hindi natin dapat makaligtaan kahit kailan. Sapagkat
ito ang magiging daan tungo sa kaunlaran ng buong
sambayanan.

Subukin Natin!
Iguhit ang masayang mukha (☺) kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at malungkot na
mukha (☹)kung hindi.

__________ 1. Nagmamano sa magulang at nakatatanda bilang paggalang.


__________ 2. Gumagamit ng “po” at “opo” sa pagsagot sa mga nakatatanda.
__________ 3. Nagsisikap na tumulong sa abot ng makakaya.
__________ 4. Inaasikaso at pinauupo ang mga panauhin sa tahanan.
__________ 5. Handa akong tumulong sa aking kapwa sa lahat ng pagkakataon.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng Mcdo habang kayo ay


kumakain. Maraming pagkain ang nasa inyong mesa sapagkat natanggap na ng
iyong ina ang kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng ito.
Ano ang iyong gagawin?
A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata.
B. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
C. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita.

2. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat na
bayong. Hirap na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip. Ano ang iyong
gagawin?
A. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang makauwi agad sa
bahay.
B. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo.
C. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala
niyang bayong hanggang sa sakayan.

74
3. Naliligo ang pamilyang Gamboa sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si
Junnie. May batang babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya, nakarinig
sila ng tinig na humihingi ng tulong. Namumulikat ang paa ng batang babae kaya
nahihirapan siyang lumangoy. Ano ang posibleng gagawin ng pamilyang
Gamboa?
A. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil hindi naman nila
kaano-ano iyon.
B. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
C. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.

4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo. Ikaw lamang ang
nakakita sa kaniya dahil hindi matao ang lugar na iyon. May dala kang first aid kit
sa iyong bag. Ano ang gagawin mo?
A. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay ninyo.
B. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo.
C. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo sa
kaniyang pagkakadapa.

5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan.


Ang bahay ng iyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantalang hindi naman
nadamay ang inyong bahay. Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung
maaaring makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong
magiging tugon ukol dito?
A. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong
kaibigan.
B. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
C. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.

6. Dumating ang iyong tiyahin na galing sa ibang bansa may dala itong mga
pasalubong. Ano ang gagawin mo?
A. kunin ang mga pasalubong
B. papasukin sa loob ng bahay at alukin ng maiinom
C. hindi papansinin

7. Ipinagmamalaki ko ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.


A. palagi
B. hindi kailanman
C. paminsan-minsan

8. kinalulungkot kapag tumutulong lang ang mga tao sa kapitbahay kung


binabayaran sila o binibigyan ng pabuya.

75
A. palagi
B. hindi kailanman
C. paminsan-minsan

9. Madalas akong makipag-away at nananakit sa kapwa ko kabataan.


A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

10. Tumutulong ako sa pagbibigay –babala sa mga tao kapag may parating na
bagyo.
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

76
Aralin 2: Pagpapamalas ng
Pagkamalikhain
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit at
sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya

Tuklasin Natin!
Iguhit ang bituin ( ) kung ang mga sumusunod na pangungusap
ay nagsasaad ng wastong paggamit ng multimedia o teknolohiya sa
pagpapakita ng iyong talento at bilog ( ) naman kung hindi.

__________ 1. Nakabuo ng sariling awitin ang pangkat tungkol sa


kapaligiran
matapos mapakinggan ang kanta sa radio.
__________ 2. Paggaya o pagkopya ng poster na nakita sa internet.
__________ 3. Pagsali sa paligsahan ng pag-awit gamit ang voice
recorder.
__________ 4. Paggamit ng “Tiktok” sa paggawa ng sayaw.
__________ 5. Pagguhit gamit ang application sa tablet.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano maipapamalas ang pagkamalikhain.

Ano ang iyong talento?

Paano mo ito ginagamit o pinapaunlad?

Ang pagkamalikhain ng isang Pilipino ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa


paglikha ng isang bagay. Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang angking talento tulad
ng pag-awit, pagsayaw at pagguhit na binigay ng Maykapal na gagamitin natin sa iba’t
ibang paraan para maging kapaki-pakinabang.

77
Maraming paraan din ang maaari nating gamitin upang malinang ang mga
kasanayang ito. Isa na rito ang paggamit ng multimedia o teknolohiya na nagpapakita
rin ng ating pagiging malikhain. Ganoon din ang pagsali sa mga paligsahan upang
mapaunlad ito.

Nasubukan ninyo na bang sumayaw ng carińosa?


Ating alamin ang kasaysayan ng sayaw na carińosa.
Karamihan sa mga sayaw ng mga Pilipino ay nagpapahayag ng matitinding
emosyon o damdamin kaya ito ay isinasagawa ng may kaukulang pag-iingat. Isang
halimbawa nito ay ang cariñosa.
Magiliw na sayaw ang cariñosa na kung saan
ang magkaperahang babae at lalaki na animo’y
nasa aktong nagliligawan. Ito ay hango sa salitang
mapagmahal. Isa ito sa mga sikat na sayaw na
isinasagawa tuwing araw ng kapistahan noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas,
na magpahanggang ngayon ay isinasagawa pa rin
ng mga Pilipino tuwing sumasapit ang Linggo ng
Wika. Noong taong 1992 nang palitan nito ang
tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.

Ang babaeng mananayaw ay karaniwang nakasuot ng ating pambansang


kasuotan na sinamahan ng pamaypay na ginagamit upang itago ang kanilang mukha
kasabay ng pinong pagsasakilos ng sayaw.
Ang lalaking mananayaw naman ay may hawak na panyo habang nakatingin sa
mata ng kaparehang babae upang ipakita ang kaniyang pagmamahal. Ang sayaw na
ito ay nagpapabatid sa mga manonood kung gaano kamahal ng magkapareha ang isa’t
isa.

Sagutin ang mga tanong:


1. Kailan naging pambansang sayaw ang cariñosa?
_______________________________________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang cariñosa?
_______________________________________________________________
3. Paano ito isinasayaw?
_______________________________________________________________
4. Bakit mahalaga na alam natin ang kasaysayan nito?
_______________________________________________________________

May iba’t ibang paraan upang mapagyaman mo ang iyong mga talento:

1. Ipakita ang iyong talento at sikaping mapaunlad ito hindi lamang para sa sariling
kapakanan ngunit para sa kabutihan ng lahat.

78
2. Maging gawi ang pagbabahagi ng iyong talento sa proyektong nakapagpapabuti sa
kapwa.
3. Paggamit ng multimedia o teknolohiya sa pagpapaunlad ng iyong talento at pagiging
malikhain.
4. Gamitin ang talento upang mapayaman ito.
5. Ugaliing makilahok sa mga paligsahan upang lalo pang mahasa ang iyong talento.

Narito ang ilan sa mga kaugaliang Pilipino na dapat tandaan sa pagsali sa patimpalak
o paligsahan.
1. Maging mapagpakumbaba sa pagtanggap ng papuri ng ibang tao at maging
responsable sa paggamit ng iyong mga talento.
2. Tanggapin ang pagkatalo nang maluwag sa kalooban.
3. Isapuso at isabuhay lagi ang katapatan sa pakikilahok sa paligsahan.

Subukin Natin!
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng tama at ekis ( x ) naman kung mali.

__________ 1. Pagtawanan ang kalaban sa paligsahan kung siya ay nagkamali.


__________ 2. Hindi na dapat pang linangin ang ating mga talento.
__________ 3. Lumahok nang buong tapat sa mga paligsahan.
__________ 4. Gawin ang lahat upang manalo sa patimpalak kahit sa maling paraan.
__________ 5. Tanggapin ang pagkatalo ng maluwag sa kalooban.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang __________ ng isang Pilipino ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa


paglikha ng isang bagay.
A. pagkamalikhain
B. pagmamahal
C. pagkakaisa

2. Ipakita ang iyong __________ at sikaping mapaunlad ito hindi lamang para
sa sariling kapakanan ngunit para sa kabutihan ng lahat.
A. pag-ibig
B. talento
C. mukha

3. Ugaliing _________ sa mga paligsahan upang lalo pang mahasa ang iyong
talento.
A. makilahok
B. makipagtalo
C. makisama

79
4. Tanggapin ang pagkatalo ng _______ sa kalooban.
A. masikip
B. masama
C. maluwag

5. __________ at isabuhay lagi ang katapatan sa pakikilahok sa paligsahan.


A. isapuso
B. isahan
C. isiguro

6. Sa paaralan ni Rey ay may gaganapin na paligsahan sa pag-awit. Ang


kanilang guro ay naghahanap ng maaaring kumatawan sa kanilang klase. Si Rey
ay may talento sa pag-awit ngunit siya ay mahiyain. Kung ikaw si Rey ano ang
iyong dapat gawin?
A. Magtatago ako dahil ayaw kong ipakita ang aking kakayahan sa pag-awit.
B. Magkukusa akong sumama upang maipakita ko ang aking talento.
C. Aawayin ang guro kapag pinilit akong umawit.

7. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi ipinaliwanag


ng inyong guro kung paano ito gawin. Ano ang maaari ninyong gawin upang
magawa ito?
A. Walang gagawin para magawa ito dahil proyekto lang naman iyon.
B. Maghihintay na ipaliwanag ito ng guro.
C. Maghahanap sa internet kung papaano gawin ang paper folding.

8. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng


presentasyon gamit ang MS Powerpoint Presentation. Alam mong marunong si
Ken sa paggawa nito. Bilang kaibigan niya, papaano mo maipapalabas ang
pagkamalikhain ni Ken?
A. Hindi ako magsasalita at hahayaan ko sila.
B. Sasabihin sa kaibigan ito na ang pagkakataon na para ipakita ang kaniyang
kakayahan.
C. Magtuturo ng ibang kaklase kahit wala siyang kaalaman sa paggamit ng MS
Powerpoint Presentation

9. Ikaw lamang ang marunong mag-edit ng larawan at video gamit ang


kompyuter sa inyong pangkat. Kinakailangan na ang kinuhanan ninyong video
ay mai-edit muna bago ipasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Tuturuan ko sila kung paano mag-edit ng larawan at video.
B. Tuturuan ko lamang sila kung may kapalit.
C. Hahayaan ko sila at gagawa ako ng sarili kong video.

80
10. Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa inyong pangkat. May
dula-dulaan kayong gagawin sa asignaturang Filipino at ito ay kailangang
kuhanan ng video na ipapasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa sa aming guro at hindi ko
sasabihin sa iba kong kagrupo.
B. Itatago ko ang aking cellphone at sasabihing nawala ko ito.
C. Ipahihiram ko ang aking cellphone upang kami ay makapagpasa.

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

81
Aralin 3: Pagpapanatili ng Pagiging
Mabuting Pilipino
Panibagong Kasanayan
1. Napananatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa pamamagitan
ng pakikilahok.

Tuklasin Natin!
Gumuhit ng larawan na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng
pagiging mabuting mamamayang Pilipino.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano panatilihin ang pagiging mabuting Pilipino.

Ikaw ba ay nakikiisa sa ibat ibang gawain sa inyong


pamayanan?

Ano-anong mga gawain ang iyong nasalihan?

82
Basahin natin ang lyrics ng kanta.
Bayan Ko
By Freddie Aguilar
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Sagutin ang mga katanungan.


1. Ano ang mensahe ng awit?
____________________________________________________________
2. Ayon sa awit, bakit nahikayat ang mga dayuhan sa Pilipinas?
____________________________________________________________
3. Saan ikinumpara ang Pilipinas?
____________________________________________________________

83
4. Ano ang nais ng sumulat na mangyari sa Pilipinas?
_______________________________________________________________

Gawaing pansibiko
Ipinapakita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas sa lebel ng
pakikipagkapwa. Dahil dito, kakikitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isa’t isa.
Nagkukusang-loob silang mapaglingkuran lalo na ang mahihirap at mga
nangangailangan ng tulong na mga mamamayang Pilipino.

Gawaing Pampamayanan
Ang paglilingkod na pampamayanan ay isang paglilingkod o gawin na
isinasagawa ng isang tao o pangkat ng tao para sa kapakanan ng o institusyon nito. Ito
ay boluntaryong ginagawa ng isang tao o pangkat ng tao.

Subukin Natin!
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng tama at ekis ( x ) naman kung mali.

____1. Makibahagi sa mga proyektong magpapaunlad ng inyong barangay.


____2. Hindi dapat maniwala na ang pagkakaisa ay pag-unlad.
____3. Gawin ang kasalungat ng mga alituntunin sa pamayanan.
____4. Makiisa sa programa ng pamahalaan.
____5. Tumulong sa kapwa mamamayan.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

84
1. Ipinapakita ng gawaing ___________ ang pinakamataas sa lebel ng
pakikipagkapwa.
A. pansibiko
B. pampamayanan
C. pampaaralan

2. Ang paglilingkod na _________ ay isang paglilingkod o gawin na


isinasagawa ng isang tao o pangkat ng tao para sa kapakanan ng o institusyon
nito.
A. pansibiko
B. pampamayanan
C. pampaaralan

3. Paano mo maipapakita sa iba ang pagiging isang mabuting Pilipino?


A. magdadabog ako pag inuutusan
B. tutulong ako sa mga nangangailangan
C. uunahin ko ang paglalaro kaysa gawin ang mga takdang-aralin

4. Alin sa mga sumusunod ang isang mabuting kaugalian ng mga Pilipino na


dapat isabuhay at pahalagahan.
A. Pagsabat sa usapan ng iba
B. Paglabag sa mga tuntunin
C. Pagsunod sa tagubilin

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pakikiisa sa gawaing


pangkalinisan?
A. Pagwawalis ng paligid isang beses sa isang linggo
B. Paglilinis ng paligid araw-araw
C. Pagtatapon ng basura sa likod-bahay

6. Alin ang nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin sa paaralan?


A. Naglalakad ng tahimik sa pasilyo
B. Nagtapon ng tissue paper ang iyong kapatid sa toilet bowl ng palikuran
C. Pinipitas ng isang mag-aaral ang bulaklak sa hardin ng paaralan.

7. Ang iyong kaibigan ay gumagamit ng radyo sa loob ng silid-aklatan. Ano


ang dapat gawin?
A. Sisigaawan ko siyang huwag maingay
B. Makikinig ako sa kanyang radio
C. Mahinahon kong sabihin sa kanya na bawal ang ginagawa

85
8. Ang sabi ng iyong ina, kailangang umuwi agad sa bahay pagkagaling sa
paaralan. Nang araw na iyon, may mahalagang proyekto kayong gagawin. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Umuwi at magpaalam muna sa magulang
B. Hindi na ako makikisali sa paggawa ng proyekto
C. Sasama ako dahil hindi naman niya malalaman

9. Ano ang mangyayari saiyo kapag hindi ka sumunod sa tagubilin ng mga


nakakatanda?
A. Magiging magaling ka paglaki
B. Maaaring mapasama ang iyong buhay
C. Magiging masayahin ka habang buhay

10. Bakit kailangan nating sundin ang mga tuntunin sa paaralan at tahanan?
A. Upang maging matagal matapos ang gawain
B. Upang maging mabait ang lahat
C. Upang maging maayos ang takbo o daloy ng gawain

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

86
Aralin 4: Pagsunod ng may Masusi
at Matalinong Pagpapasiya
Panibagong Kasanayan
1. Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan.

Tuklasin Natin!
Isulat ang Tama kung ang isinasaad sa pangungusap ay
nagpapakita ng matalinong pagpapasya sa banta ng kalamidad o sakuna
at Mali kung hindi.

_____1. Maging alerto sa mga nangyayari sa kapaligiran.


_____2. Lumabas ng iyong bahay kahit na nabalitaan mo na may
bagyong paparating.
_____3. Sumang-ayon kaagad sa babalang sinabi lamang sayo ng iyong
kaibigan.
_____4. Para sa wastong pagpapasiya, mangalap ng wasto o tamang
impormasyon.
_____5. Linisin ang mga kanal upang makaiwas sa pagbaha.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ang pagsunod ng may masusi at matalinong
pagpapasiya.

Ano ang kalamidad?

Ano ang mabuting gawin upang maiwasan ito?

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang


responsibilidad o tungkulin upang mapanatili ang
kaligtasan. Narararapat lamang na ang bawat isa sa
atin ay magmalasakit sa ating kapaligiran. Kailangang
magkaroon ng disiplina, maging responsable at
palaging isaisip ang magiging resulta ng kilos na ating
gagawin.

87
Mahalaga rin na magkaroon ng kaalaman sa mga kalamidad upang masiguro
ang kaligtasan ng bawat isa. Makinig ng mga balita, makiisa sa proyekto ng barangay,
makiisa sa pagtatanim ng mga puno at tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaligtasan ng ating kapaligiran.
Bukod dito, kailangan din nating maging
mapanuri at magkaroon ng matalinong
hakbang sa pagbuo ng pasiya kung tayo ay
nasa panganib lalo na kung ang nakataya rito
ay ang kapakanan at kaligtasan ng lahat.Lagi
mong tandaan, upang makaligtas sa anumang
banta ng panganib, sumunod nang maayos sa
mga paalala at gumamit ng matalinong
pagpapasiya para sa kaligtasan ng bawat isa.
Hindi natin matitiyak kung kailan ito
magaganap at kung saan ito mananalasa
kung kaya kailangan nating maging handa sa
tulong ng mga piling tanggapan ng ating
pamahalaan na nangangasiwa sa mga
paparating nakalamidad o banta ng
panganib.Bukod dito, mahalaga rin na
matutunan mo kung ano-ano ang mga
hakbang sa paghahanda na dapat gawin sa
panahon ng kalamidad at sakuna. Ang
kaalaman na ito ay makatutulong sa iyo
upang makapagbigay ng abot-kayang tulong
sa nangangailangan.
Ang pag-unawa o pag-alam sa mga hakbang kung paano maghahanda sa mga
kalamidad man o pandemya ay isang pamamaraan upang makatulong sa kapwa. Ang
pagbibigay ng babala o impormasyon sa iyong kapwa ay makatutulong naman upang
sila ay maging ligtas sa anomang kapahamakan o panganib.

Subukin Natin!
Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang pangungusap ay
nagsasaad at nagpapakita ng tamang pagpapasiya para sa kaligtasan at
malungkot na mukha ☹ kung hindi

________1. Inalis ni Claude ang pagkakasaksak ng telebisyon pagkatapos niyang


gamitin.
________2. Pinalitan ni tatay ang lumang electrical wire na maaaring mag-init at
pagmulan ng sunog.
________3. Sumama pa rin si Jonny sa kaniyang mga kaibigan na maligo sa dagat
kahit may babala ng pagtaas ng tubig dahil sa bagyo.
________4. Nakinig ng balita sa radyo si Peter tungkol sa paparating na bagyo.
________ 5. Inilagay ni Boyet sa mataas na lugar ang posporo upang hindi
mapaglaruan ng kaniyang nakababatang kapatid.

88
Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang responsibilidad o tungkulin upang


mapanatili ang __________.
A. kalitasan
B. kapakanan
C. kalikasan

2. Nanonood ng TV sa sala si Johnny ng tawagin siya ng kanyang mga


kaibigan para maglaro sa court. Ano ang dapat niyang gawin?
A. sumama sa kaibigan at hayaan ang TV na nakabukas
B. patayin at tanggalin sa saksakan ang TV upang maiwasan ang sunog.
C. ibilin sa nakababatang kapatid ang TV sa sala

3. Narinig ni Mang Cardo sa radyo ang balita tungkol sa paparating na


bagyo.Ano ang dapat niyang gawin?
A. Ayusin ang bubong ng bahay upang maging sigurado sa kaligtasan
B. Hayaan na lamang dahil wala namang masisira sa bahay
C. Linisin ang buong bahay

4. Inaya si Seth ng kanyang mga kaibigan na maligo sa dagat, ngunit naalala


niyang may babala na ng pagtaas ng tubig dahil sa bagyo. Ano ang dapat niyang
gawin?
A. sumama parin dahil marunong naman siyang lumangoy
B. huwag pansinin ang balita
C. mananatili na lamang sa bahay at sasabihan ang mga kaibigan tungkol sa
balitang nakalap

5. May Earthquake Drill na gaganapin sa inyong paaralan. Ano ang gagawin


mo?
A. makilahok sa earthquake drill
B. matulog na lamang
C. sasabihing masakit ang tiyan

6. Sa pagdating ng _________,manatili sa bahay at huwag magpunta sa mga


lugar tulad ng ilog at baybaying dagat.
A. sunod
B. bagyo
C. lindol

7. Magsuot ng ______________ sa tuwing lalabas ng bahay at panatilihin ang


isang metrong layo mula sa ibang tao.
A. facemask
B. bayong
C. kurtina

8. Nakita mong barado ang kanal niyo dahil sa mga basura at sa sunod na
araw ay may paparating na bagyo. Ano ang gagawin mo?
A. pabayaan ang bara dahil huhupa din naman agad
B. magsawalang kibo

89
C. lilinisin ang kanal upang makaiwas sa pagbaha

9. Ang pagbaha ay bunga ng mga gawain ng tao tulad ng


___________________sa paligid.
A. pagpuputol ng puno
B. paglilinis ng bahay
C. pagtatapon ng basura

10. Maging matalino sa anumang pagpapasiya upang maging


_________________ sa lahat ng pagkakataon.
A. ligtas
B. sagabal
C. maganda

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

90
Aralin 5: Pagpapakita ng Isang
Magandang Halimbawa Bilang
Responsableng Tagapangalaga ng
Kapaligiran
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging
responsableng tagapangalaga ng kapaligiran, pagiging mapanagutan, at
pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran.
2. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan.

Tuklasin Natin!
Gumuhit ng isang larawan o poster na nagpapahayag ng pagiging
responsableng tagapangalaga ng kapaligiran.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano nasusuri ang mabuti at di-mabuting dulot ng
nabasa, napakinggan o napanood.

Ano ang magagawa mo upang mapangalagaan ang ating


kapaligiran?

91
Lahat tayo ay may tungkulin at reponsibilidad na nakaatang sa ating mga balikat
na kailangan nating gawin at isakatuparan. Bilang isang mag-aaral, dapat alamin ang
mga paraan sa wastong pangangalaga ng kapaligiran. Kailangan na maging isang
responsableng mamamayan tungo sa isang magandang kinabukasan.
Kung hangad natin ang maaliwalas na
paligid, sariwang hangin, at malinis na bukal ng
tubig, lagi nating pakatandaan na ito ay
nakasalalay lahat sa ating mga kamay.
Pangalagaan, ingatan at gamitin ito nang
wasto.Ang pangangalaga sa kapaligiran ay
mahalaga. Ito ay dapat bigyan ng pansin at
hindi pinababayaan. Kapag hinayaan natin na
masira ito, magdudulot ito ng masamang
epekto tulad ng pagkakaroon ng matinding
pagbaha, polusyon, pagguho ng lupa, at
marami pang iba na makasasama sa kalikasan.

Upang maiwasan ang mga sakunang dulot nito. Bawat isa sa atin ay may
responsibilidad na dapat gampanan ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Huwag magtapon ng basura kung
saan-saan; ilagay ito sa tamang
lalagyan.

2. Magtanim ng mga puno at halaman na


makatutulong upang maging sariwa at
malinis ang hangin.

3. Panatilihing malinis ang mga daluyan


ng tubig.

4. Pakikiisa sa mga programang


pangkapaligiran.

5. Pagiging mapanuri sa mga iligal na


gawain na nakasisira sa kapaligiran.

92
Ang kalikasan ang tunay nating tahanan kung kaya dapat
lamang natin itong ingatan at pangalagaan.

Subukin Natin!
Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at
malungkot na mukha ☹ naman kung hindi.

_____1. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbing kayamanan ng isang pamayanan.


_____2. Pagsasaayos o pagkukumpuni ng mga bagay na maaari pang ayusin sa halip
na ito ay itapon.
_____3. Pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at dagat.
_____4. Pagsunod sa mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa
pangangalaga ng kapaligiran.
_____5. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastic sa


inyong Barangay. Kung isa ka sa opisyal ng barangay, ano ang maaari mong
gawin?
A. Pagagalitan ko ang may-ari ng pagawaan.
B. Pupulungin ko ang mga kabaranggay at magrarally sa tapat ng pagawaan.
C. Ipapaalam ko ito sa tanggapan ng Punong Lungsod.

2. Nagbakasyon ka sa probinsiya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na


inuutusan ang isa niyang tauhan na magkaingin sa kaniyang bukid o pagtabas at
pagsunog ng mataas na damo. Ipinagbabawal ito dahil may masamang epekto sa
tao at sa kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
A. Ipaliliwanag mo sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin din ang
masamang epekto nito sa tao at kapaligiran.
B. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad.
C. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito

3. Magtanim ng mga ___________ na makatutulong upang maging sariwa at


malinis ang hangin.
A. kamote
B. puno at halaman

93
C. oregano

4. Lahat tayo ay may tungkulin at ________________ na nakaatang sa ating


mga balikat na kailangan nating gawin at isakatuparan.
A. damdamin
B. responsibilidad
C. mamamayan

5. Panatilihing ____________ ang mga daluyan ng tubig.


A. malumot
B. madumi
C. malinis

6. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbing kayamanan ng isang


pamayanan.
A. mali
B. tama
C. wala sa nabanggit

7. Pagsasaayos o pagkukumpuni ng mga bagay na maaari pang ayusin sa


halip na ito ay itapon.
A. mali
B. tama
C. wala sa nabanggit

8. Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran.


A. Ang mga nagmamahal lang sa kalikasan ang dapat mangalaga sa kalikasan.
B. Lahat ng tao ay dapat pangalagaan ang kalikasan.
C. Pili lamang ang maaaring mangalaga sa kalikasan.

9. Alin sa mga sumusunod ang pangangalaga sa kalikasan?


A. Hindi pamamaril sa mga hayop sa kagubatan.
B. Pagpuputol ng puno nang walang permiso.
C. Paggamit ng dinamita ng sa pangingisda.

10. Ang mga basurang ___________ ay maaaring muling gamitin o iresaykel.


A. nabubulok
B. di-nabubulok
C. nababago

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

94
Aralin 6: Pakikiisa sa mga Programa
ng Pamahalaan
Panibagong Kasanayan
1. Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan tulad ng paggalang sa
karapatang pantao, paggalang sa opinyon ng iba, at paggalang sa ideya
ng iba.
2. Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa
kabutihan ng lahat tukad ng pangkalinisan, pangkaligtasan,
pangkalusugan, pangkapayapaan, at pangkalikasan

Tuklasin Natin!
Gumawa ka ng isang maikling liham para sa iyong malapit na
kaibigan na nanghihikayat na makiisa nang may kasiyahan sa mga
programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan.

____________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano makikiisa sa mga programa ng pamahalaan.

Nakikiisa ka ba sa mga programa ng pamahalaan?

Ano-anong programa ang iyong sinalihan?

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ay isang programa na


nagbibigay ng tulong-pinansiyal mula sa pamahalaan upang matulungan ang mga
mahihirap na pamilyang Pilipino. Ang Department of Welfare and Development o
DSWD ang namamahala dito.

95
Sadyang napakarami ng programa ng pamahalaan lalo na sa pagpapanatili ng
kapayapaan. Ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID19, napakahalaga na
makiisa tayo sa mga programang ito hinggil sa pangkalusugang pangkaligtasan ng
ating pamilya.
Ang pamahalaan ang
nangangalaga at nagbibigay
proteksyon sa kaniyang mga
nasasakupan. Ito ay nagpapatupad
ng iba’t ibang programa na may
kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan. Ang pagiging
mapayapa ng bansa ang isa sa
pangunahing responsibilidad ng
mga namamahala dito. Bilang
responsableng mamamayan,
kailangan na makiisa tayo sa mga
proyekto o programa nito.

Narito din ang ilan sa mga programa na nangangalaga sa karapatang pantao:


Bantay Bata 163 - may layuning protektahan ang mga
bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Child Protection Policy – ipinapahayag nito na ang


mga bata ay may karapatan upang maprotektahan
laban sa pang-aabuso at pananamantala.

“Laban Kontra Droga” - isang programa na


pumupuksa sa paglaganap ng mga krimen sa ating
bansa. Ang mga tao na sangkot dito ay binibigyan ng
pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang mga sarili
bilang paggalang sa kanilang karapatang pantao.

Human Rights Education – katuwang ng Commission


on Human Rights ang mga akademikong institusyon at
mga civil society organizations sa pagtataguyod ng mga
programa para sa edukasyong pangkarapatang pantao
kagaya ng mga memorandum of agreement on human
rights education, pagdevelop ng mga education
curriculum at teaching exemplars para sa mas
epektibong pagtuturo ng karapatang pantao sa
kabataan.

96
Ang mga programang ito ay nagnanais na mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa lahat ng panig ng ating bansa.
Ang paggalang sa karapatang pantao ay nagdudulot ng matiwasay na
pamumuhay saan mang pamayanan. Sa pakikiisang ito, nabubuo ang kasiya-siyang
samahan at magandang relasyon na nagpapanatili ng pagkakaunawaan.

Narito naman ang ilang magagandang dulot ng paggalang sa opinyon at ideya


ng iba:

❑ May maayos at matatag na samahan.


❑ Mapanatili ang pagkakaunawaan.
❑ Matuto na makapagtimpi sa kapwa at maging mahinahon sa pakikinig.
❑ Magkaroon ng pantay na pagtingin sa karapatan ng ibang tao.
❑ Maiwasan ang makasakit sa damdamin ng iyong kapwa.
❑ Makatulong sa tiyak na gawain na nangangailangan ng iyong ideya o opinyon.

Subukin Natin!
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa
paggalang sa karapatang pantao, opinyon, at ideya ng iba at MALI
naman kung hindi.

_______1. Binalewala ng tatay ni Shaira ang paanyaya ng kanilang kapitan na makiisa


sa gagawing programa sa mga nakikipag-away sa kanilang lugar.
_______2. Sumama sa mga barangay tanod ang kuya ni Gemma na magbantay sa
checkpoint para pigilan ang pagpasok ng ibang tao mula sa kalapit na lugar.
_______3. Nakita ni John na nagdodroga ang mga kaibigan ng kaniyang kapatid at
hinayaan niya lamang ang mga ito dahil natakot siya sa mga pagbabanta sa kaniya.
_______4. Ipinahiya ni Pat ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan
ang ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto.
_______5. Hinikayat ni Gng. Reyes ang mga mag-aaral na laging igalang ang ideya at
opinyon ng kanilang kapwa.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ano ang ibig sabihin ng 4Ps?


A. Pantakas Pamilyang Pilipino Program
B. Pantawid Pamilyang Pilipino Program
C. Panlibot Pamilyang Pilipino Program

2. Ano ang ibig sabihin ng DSWD?


A. Department of Welfare and Development
B. Department of Work and Development
C. Department of Wine and Development

3. Ito ay may layuning protektahan ang mga bata laban sa anumang uri ng
pang-aabuso.

97
A. Child Protection Policy
B. Bantay Bata 163
C. Human Rights Education

4. Ipinapahayag nito na ang mga bata ay may karapatan upang


maprotektahan laban sa pang-aabuso at pananamantala.
A. Child Protection Policy
B. Bantay Bata 163
C. Human Rights Education

5. Isang programa na pumupuksa sa paglaganap ng mga krimen sa ating


bansa.
A. Human Rights Education
B. Laban Kontra Droga
C. Child Protection Policy

6. Ang paggalang sa karapatang ____________ ay nagdudulot ng matiwasay


na pamumuhay saan mang pamayanan.
A. panghayop
B. pamayanan
C. pantao

7. Ang mga pangungusap ay magagandang dulot ng panggalang sa opinyon


ng iba, maliban sa ______________.
A. Maiwasan ang makasakit sa damdamin ng iyong kapwa.
B. Matuto na makapagtimpi sa kapwa at maging mahinahon sa pakikinig.
C. Hindi napapanatili ang pagkakaunawaan.

8. Pinayuhan ni Telma ang kaniyang anak na laging igalang ang karapatan ng


iba.
A. tama
B. mali
C. pwede na

9. Si Bam ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo Narding na


umalis ng gabi.
A. tama
B. mali
C. pwede na

10. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Leo sa mga opinyon ng kaniyang mga


kagawad tungkol sa nalalapit na kapistahan.
A. tama
B. mali
C. pwede na

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph
98
Aralin 7: Paggawa ng Isang Proyekto
Gamit ang Iba’t ibang Multimedia at
Technology Tools
Panibagong Kasanayan
1. Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang multimedia at
technology tools sa pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan,kaligtasan,
kalusugan at kapayapaan
2. Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at
daigdig

Tuklasin Natin!
Magbigay ng tatlong (3) multimedia at technology tools na
ginagamit natin sa pag-aaral at ipaliwanag kung paano ito nakakatulong
sa atin.

1. __________________________________________________________
__________________________________________________________
2. __________________________________________________________
__________________________________________________________
3. __________________________________________________________
__________________________________________________________

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ang paggawa ng isang proyekto gamit ang
iba’t ibang multimedia at technology tools.

Nakagamit ka na ba ng iba’t ibang multimedia at technology


tools sa iyong mga proyekto?

Nais mo ba itong malaman?

Napakahalagang malaman ng isang batang tulad


mo ang iba’t ibang multimedia at technology tools na
maaari mong magamit upang lalong mapadali at
mapaganda ang iyong proyekto para sa pagpapatupad
ng batas sa kalinisan, kalusugan at kapayapaan. Dapat
lamang na malaman mo ang tamang paggamit nito kung
kaya’t kailangan mo ang gabay ng iyong magulang o iba
pang miyembro ng iyong pamilya.

99
Basahin ang tula.

Multimedia at Technology Tools, Mahalaga Ba?


Ni Luzviminda T. Marcelo

Sa pang araw-araw na pamumuhay sa mundong ibabaw


Makikita mga mag-aaral, subsob sa pag-aaral
Kahali-halina kung sila’y ating pagmasdan
Di matatawaran sakripisyong kanilang iniaalay.

Kayraming mga bagay kanilang dapat tapusin


Kasama mga proyektong sobrang dami pa man din
Paano nga ba lahat ng ito’y kanilang kakayanin
Kung buong araw nila’y kulang na kulang pa rin.

Mabuti na lang imbensyo’y napagtagumpayan


Iba’t ibang teknolohiya at multimediang kay inam
Dyaryo, cellphone, radyo, telebisyon at internet man
Mga kagamitang sadyang kagila-gilalas.

Sa mga mag-aaral tunay na kaydaling intindihin


Lalo na mga proyektong sa batas ay sangkot din
Kalinisan at kaligtasan dapat nating alamin
Kasama ang kalusugan, kapayapaa’y paunlarin.

Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang binasang tula?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ano raw ang kinakaharap na suliranin na dapat tapusin ng mga mag-aaral?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Ibigay ang mga bagay na nakatutulong upang mapadali ang paggawa nila ng
proyekto.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Saan may kaugnayan ang proyektong nabanggit sa tula?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
6. Sa iyong palagay, malaki ba ang naitutulong ng iba’t ibang multimedia at
technology tools?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

100
Subukin Natin!
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at
MALI naman kung hindi.

_______1. Agad na sumunod si Benjie nang malaman ang mga batas na nagbabawal
sa paglabas ng mga batang labinlimang taong gulang pababa nang mapanood niya ito
sa telebisyon.
_______2. Hindi mo ginawa ang iyong proyektong mangalap ng mga batas
pangkalusugan dahil wala kayong internet.
_______3. Tinulungan mo si Aljie dahil naintindihan mo ang kalagayan ng kaniyang
pamilya na hindi nila kayang makabili ng computer at alam mong gustong-gusto niyang
matuto sa paggamit nito para sa kaniyang proyekto.
_______4. Hindi mo pinansin si Marlene na gustong makigamit ng iyong computer
dahil abala ka rin sa paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong mahuli ka sa
pagpapasa sa inyong guro.
_______5. Lumapit si Mike sa isang kamag-aral na may computer sa bahay at
magpapatulong siya kung paano ito gamitin upang magawa ang proyektong may
kinalaman sa batas ng pangangalaga sa kalinisan ng kanilang barangay.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa sumusunod ang magandang dulot ng paggamit ng technology at


multimedia tool sa pamayanan?
A. Mas mabilis, madali, malawakan ang anunsyo sa mga programa o
importanteng impormasyon sa pamayanan.
B. Magagamit upang makapagpakalat ng mga fake news.
C. Magagamit upang makapanakit ng ibang tao.

2. Ano ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga


proyektong pampamayanan?
A. Pagsasawalang bahala
B. Pakikiisa at suporta
C. Pagiging pasaway

3. Uri ng babasahin na kung saan nakapaloob dito ang iba’t ibang pangyayari
o kaganapan sa ating bansa, maging ito man ay sa pulitika, showbiz,
paghahanap ng trabaho, anunsyo, mapaglilibangan at ulat panahon.
A. cellphone
B. radyo
C. dyaryo

4. Isang sistemang pinakikinabangan ng buong mundo sa pamamagitan ng


pagkonek sa mga kompyuter at iba pang gadgets na ginagamitan ng kable upang
ang mga impormasyon ay maipaabot at malaman ng mga tao.
A. internet
B. radyo
C. cellphone

101
5. Isang bagay na kasama sa pang araw-araw na pamumuhay na ginagamit
upang magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao lalo na sa mga mahal sa buhay
sa pamamagitan ng tawag at text.
A. internet
B. cellphone
C. radyo

6. Dito napakikinggan ang mga kaganapang napapanahon na nangyayari sa


ating bansa sa pang araw-araw na pamumuhay.
A. radyo
B. cellphone
C. internet

7. Abala ka sa paggawa ng iyong proyekto sa asignaturang Filipino. Lumapit


ang isa mong kaklase at nagpapatulong na turuan mo siya sa paggamit ng
computer dahil wala silang gadget sa bahay. Alam mo ang sitwasyon nila sa
buhay kaya alam mong nagsasabi siya ng totoo sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mo siya papansinin dahil abala ka rin sa paggawa ng iyong proyekto at
ayaw mong mahuli ka sa pagpapasa sa inyong guro.
B. Tutulungan mo siya dahil naintindihan mo ang kalagayan ng kaniyang
pamilya na hindi nila kayang makabili ng computer at alam mong gustong-gusto
niyang matuto sa paggamit nito.
C. Pauuwiin mo siya at sasabihang magpabili sa kaniyang magulang upang may
magamit siya dahil nakaabang pa ang iyong kapatid na kasunod na gagamit
nito.

8. Agad na sumunod si Benedict nang malaman ang mga batas na


nagbabawal sa paglabas ng mga batang labinlimang taong gulang pababa nang
mapanood niya ito sa telebisyon.
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

9. Tinulungan mo si Arlene dahil naintindihan mo ang kalagayan ng kaniyang


pamilya na hindi nila kayang makabili ng computer at alam mong gustong-gusto
niyang matuto sa paggamit nito para sa kaniyang proyekto.
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit

10. Hindi mo pinansin si Mary na gustong makigamit ng iyong computer dahil


abala ka rin sa paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong mahuli ka sa
pagpapasa sa inyong guro.
A. tama
B. mali
C. wala sa nabanggit
Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph
102
Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

103
YUNIT 4

104
Aralin 1: Pagpapakita ng Tunay na
Pagmamahal sa Kapwa
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang
pamayanan, pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat at
pagkalinga at pagtulong sa kapwa.

Tuklasin Natin!
Gamit ang Concept Map, isulat sa loob ng mga bilog ang bawat
salita na may kinalaman sa salitang kapwa.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano ipapakita ang tunay na pagmamahal sa
kapwa.

Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkapwa tao?

Sa anong mga paraan kaya maipapakita natin ang ating


pakikipagkapwa tao?

105
Ang pakikipag-ugnayan sa kapwa ay ang pagtanggap na kailangan natin ang
ating kapwa at kailangan din nila tayo. Ito ay nagpapakita ng tungkuling
isinaalang-alang ang kapakanan ng kapwa. Ipinapakita rito ang malasakit sa isa’t-isa.
Tayo ay nabubuhay hindi lamang para sa ating sarili kung hindi para din sa iba.
Tunay na mahalaga ang
pakikipag-ugnayan o pakikipag-kapwa tao sa
ating buhay. Ito ay isa sa mga gawaing
maipagmamalaki nating mga Pilipino. Sa
kabila ng hirap na dulot ng iba’t-ibang
pagsubok, maaasahan pa rin natin ang tulong
at pagdamay ng ating kapwa.

Pagsasaalang-alang/Pagmamalasakit sa Kapwa

Ang pagpapakita ng malasakit, pagbibigay ng


respeto at paggalang sa kapwa ay tanda ng pagmamahal
sa ating kapwa.Isa ito sa mahalagang utos ng Diyos na
“Ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili” kung saan itinuturo sa atin na mahalin ang
ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili.

Ilan sa mga paran ng pagpapakita ng pagsasaalang-alang/malasakit sa ating kapwa:

1. pagtulong sa nakatatanda at may kapansanan,


2. pagbibigay tulong sa mga biktima ng iba’t-ibang kalamidad,
3. paggalang sa karapatan nila bilang tao at
4. pagdamay/ pagbibigay payo sa kanilang pinagdadaanan.

Subukin Natin!
Ayusin ang pinagbali-baliktad na mga letra ng salita upang mabuo
ang katangiang ipinakita sa mga sitwasyon.

________________1. yamdapag - Matiyagang pinakinggan ni Alice ang problemang


pinagdadaanan ng kanyang kaibigan.
________________2. halmamapag - Maraming batang lansangan ang inaaruga at
kinakalinga ng DSWD.
________________3. mamalapagsakit - Naging trending sa social media ang pangkat
ng mga riders dahil sa pag-aayos ng bahay ng isang matanda sa Samar.
________________4. longpagtu - Inalalayan ni Ken ang matandang papatawid ng
kalsada.
________________5. langgapag - Pinakinggang mabuti ng pinuno ang mga
suhestiyon ng kanyang kasapi bago bumuo ng desisyon.

106
Bukod sa ating sarili, dapat din nating
isaalang-alang ang kapakanan ng ating kapwa. Hindi
lamang tayo nabubuhay para lamang sa ating sarili.
Kailangan tayo ng ating kapwa at kailangan din natin sila.
Malasakit sa isa’t-isa ang susi ng pagkakaroon ng
matiwasay na pamumuhay. Maipapakita ang
pagsasaalang-alang sa kapwa kahit sa munting paraan.

Kaya kung may pagkakataon, huwag mag-aalinlangang


magbigay ng pagtulong o di kaya’y pagdamay sa kapwa.
Sa ganitong paraan, makamit natin ang kalutasan sa
anumang pagsubok at kasiyahan sa kapwa at sa ating
N sarili.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba ay dapat ginagawa


____________________
A. kung nais mo lang.
B. kung may kapalit.
C. sa abot ng makakaya.

2. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsasaalang-alang sa kapwa?


A. Ayaw makipaglaro ni Dianne kay Ella dahil sa ito’y mahirap.
B. Si Jerica lamang ang tinulungan ni Ally dahil sa kaibigan nya ito.
C. Si Marco ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa mabilisang paggaling ng
kanyang amang may sakit.

3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay


__________________________________
A. laging humihingi ng kapalit
B. nagbibigay kasiyahan sa puso.
C. nakapagtataas sa sarili.

4. Ang sumusunod ay naglalahad ng pagsasaalang-alang sa kapwa maliban


sa isa, alin ito?
A. Pagbibilang ng mga naitulong sa kapwa.
B. Pagdarasal para sa kapakanan ng bawat isa.
C. Pag-iisip ng ikabubuti ng kapakanan ng bawat isa.

5. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapanan ng iyong


kapwa, ikaw ay ___________________
A. giginhawa ang buhay.
B. kawiwilihan ng lahat.
C. gagantihan ng iyong kapwa.
107
6. Nabahaan ang isa sa iyong mga kamag-aral. Nakiusap ang iyong guro na
magbigay kahit ano para makatulong sa kanya. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaang sila lamang ang magbibigay kasi marami na sila.
B. Magkunwaring walang alam sa sinabi ng guro.
C. Sabihin sa mga magulang ang pakiusap ng iyong guro.

7. Nakita mong matamlay na nakaupo sa ilalim ng puno ang kamag-aral mo.


Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagbigay alam sa iba pang kamag-aral ang iyong nakita.
B. Lalapitan siya at magtatanong kung anong problema niya.
C. Iiwan siyang mag-isa baka gusto niyang mapag-isa.

8. Madalas mong nakikita ang isang batang natutulog lamang sa isang upuan
sa parke. Marumi ang damit at mukhang gutom ang bata. Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan ng regalo para kahit papaano ay magiging masaya siya.
B. Hayaan siyang matulog sa parke baka wala siyang bahay.
C. Pakiusapan ang mga magulang na ipagbigay-alam sa DSWD upang
matulungan siya.

9. Nalaman mong may lagnat ang iyong kaibigan subalit pumasok pa rin siya
sa paaralan kasi mayroon kayong pasulit sa araw na iyon. Ano ang gagawin mo?
A. Pakokopyahin siya sa iyong mga sagot kasi hindi maganda ang pakiramdam
niya.
B. Ipagbigay-alam sa guro ang kalagayan niya.
C. Hayaan lamang siyang pumasok kahit may lagnat.

10. Nalaman mong iniiwan ang mga maliliit na bata sa kanilang bahay ng
kanilang mga magulang dahil kailangan nilang magtrabaho para kumita ng pera.
Walang matandang tumitingin sa kanila. Ano ang gagawin mo?
A. Aalukin ang mga magulang nila na doon sa inyong bahay iiwan ang mga bata
upang walang masamang mangyari sa kanila.
B. Pagsabihan ang kanilang mga magulang na masama ang kanilang ginagawa.
C. Isumbong sa pulis ang kanilang ginagawa.

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph

108
Aralin 2: Pagpapasalamat sa Diyos
Panibagong Kasanayan
1. Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.

Tuklasin Natin!
Gumawa ng isang “Liham”. Isulat kung ano ang gusto mong
idalangin o sabihin sa Diyos.

Aralin Natin!
Alamin natin kung paano magpasalamat sa Diyos.

Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong


pananampalataya at pananalig sa Diyos?

Ano-ano ang iyong mga natatanggap na biyaya galing sa


Diyos? Paano mo ito pinahahalagahan?

Z
Bilang sukli ng biyayang bigay sa iyo, paano mo maipakikita
ang pagmamahalat pasasalamat sa Diyos?

109
Basahin ang tula. Tuklasin kung bakit mahalaga ang pananampalataya. Bakit kaya ang
pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa Diyos ay nagpapakita ng pasasalamat sa
kanya.

Pananalig at Pananampalataya sa Diyos


ni Rosalie Guliman Abante

Ang bawat nilalang ay mahalaga


Lahat ay ginawa ng Diyos na napakaganda
Siya ang puno’t dulo ng pag-ibig na bigay niya
Kaya gusto niya magmahalan ang bawat isa

Kaisa –isa niyang anak ay inalay


Upang makamit ang walang hanggan na buhay
Ganyan tayo kahalaga sa ating Diyos
Kahit buhay at dugo ay ibinigay ng lubos

Bilang katumbas sa lahat ng natanggap na biyaya


Karapat- dapat na pasalamatan at purihin Siya
Wala tayong magagawa sa ating sariling ideya
Kundi sa tulong lamang at gabay niya

Utos ng Diyos ay kusang sundin


Pagpunta sa simbahan para manalangin
Pagtulong sa kapwa ay ating gawin
Yan ang diwa at tunay na pagsamba ng Diyos natin.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang mensahe ng tula?


_______________________________________________________________
2. Aling linya sa tula ang pinakagusto mo? Bakit?
_______________________________________________________________
3. Bakit mahalaga na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos?
_______________________________________________________________
4. Paano mo maipapakita ang pananampalataya sa Diyos?
_______________________________________________________________

Nilalang tayo ng Diyos na may puno ng pagmamahal. Dahil diyan gusto niya na
matutunan din natin itong ibahagi sa lahat ng mga tao. Kailangan na ipakita natin ito sa
gawa at hindi lang sa salita. Laging tandaan na kung ang ano ang ipinadama at
ipinakita natin sa kapwa ay ito rin ang ating ginagawa sa Diyos.
Gusto ng Diyos na mamumuhay tayo sa mundong ito na
matiwasay at puno ng pananalig sa kanya. Lagi nating
isaisip na Siya lamang ang ating masasandalan at
mahihilingan ng tulong sa oras ng ating pangangailangan at
kagipitan.

110
Oo nga at nariyan ang ating mga pamilya, kaibigan o kakilala na handang
tumulong sa atin. Ngunit sa usaping ispiritwalidad, may higit pa na makatutugon sa
lahat ng ating kahilingan sa buhay.Bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap
na galing sa Diyos, karapat-dapat na Siya ay paglingkuran at sundin ang kanyang mga
utos upang tayo ay makalaya sa lahat ng ating mga kasalanan.
Ipakita ang tunay na pananampalataya sa
Diyos, gawing kaugalian ang pagsisimba sa araw
ng pagsamba, pag-aralan ang mabubuting asal at
magdasal palagi kahit anuman ang iyong gagawin
upang ikaw ay gabayan sa lahat ng oras. Sa
pamamagitan nito, tayo ay napapalapit sa Diyos at
higit sa lahat, ito ay nagpapatatag ng ispiritwalidad
ng mga tao.

Subukin Natin!
Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita
ng pananampalataya sa Diyos o hindi. Iguhit sa bawat bilang ang
(hugis bituin) kung nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos at
iguhit ang (hugis bilog) kung hindi.

________1. Nagbabasa at nagbabahagi ng banal na kasulatan sa iyong mga kaibigan.


________2. Inaanyayahan ang mga kakilala na pumunta sa pook dalanginan.
________3. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit.
________4. Pagsasalita nang mahinahon at may malasakit sa damdamin ng iba.
________5. Pagbibigay ng mga donasyon sa gitna ng COVID-19 pandemya upang
sumikat sa social media.

Sukatin Natin!
Alin sa mga sumusunod na sagot ang naaayon sa bawat
tanong? Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Bakit kaya tayo nagdarasal?


A. Para sa mga taong nangangailangan ng tulong.
B. Para sa mga gustong manalo ng sugal.
C. Para magkaroon ng bagong cellphone.

2. Ano ang pinakamahalagang regalong kaloob ng Diyos?


A. Magkaroon ng maraming pera.
B. Ang magkaroon ng buhay.
C. Magkaroon ng masasarap na pagkain.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama?


A. Igalang mo ang iyong ama at ina.
B. Huwag kang magnakaw.
C. Kasiyahan ang manira ng puri sa iba.

111
4. Bakit kailangan igalang ang kapwa?
A. Para masaya ang lahat.
B. Para manatili ang katahimikan.
C. Para igalang ka rin ng kapwa mo.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa utos ng Diyos?


A. Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat.
B. Magnakaw ka.
C. Huwag mong igalang ang nanay at tatay mo.

6. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit ang pagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa at sa Diyos ay nagpapakita ng pasasalamat sa kanya,
maliban sa isa.
A. Iisa lamang ang hiling niya na dapat pagmamahal ang mangingibabaw sa
buong mundo.
B. Sapat na sa kanya na tayo ay magmahalan bilang tanda ng pasasalamat sa
kaniya.
C. Kinakailangan upang tayo ay bigyan ng maraming pera at maging mayaman
sa mundong ibabaw.

7. Paano maaaring maipakita at maipadarama ang pananalig at pagmamahal


sa Diyos ng bawat isa sa atin?
A. Pagsasawalang-bahala sa mga kakailanganin ng kapwa na kaya mong
tugunan.
B. Pagtangging lumahok sa mga programang makatutulong sa kapwa dahil sa
walang gana.
C. Pagmamalasakit sa kalagayan ng kapuwa at pagbibigay pag-asa sa Kanila.

8. Namasyal ka kasama si nanay. Nakita mong may tumatawid na matanda.


Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin mo na lamang na mag-iingat siya.
B. Pagtatawanan mo siya.
C. Magpaalam sa nanay at ihahatid ang matanda sa tawiran.

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng batang may malalim na


pananampalataya sa Diyos?
A. Igalang ang kapwa kahit saan man magpunta.
B. Pagdarasal na may bagong gadget
C. Magsabi ng totoo sa lahat ng oras.

10. Ang mga sumusunod ay ang mga iba’t ibang paraan ng pagsasamba sa
Diyos, maliban sa isa.
A. Pumunta sa simbahan tuwing araw ng pagsamba.
B. Pagdarasal na may gamot na sa COVID-19 virus.
C. Pagkukwentuhan sa katabi sa panahon ng pagsisimba.

Sanggunian
https://depedcommon.gov.ph
112

You might also like