Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Schools Division Office of Quezon City


Novaliches High School
ARALING PANLIPUNAN 8
Petsa ng
Pangalan: ______________________________________ __________
Pagtanggap:
Pangkat: _______________________________________ Petsa ng Pagsagot: __________
Guro: _______________________________________ Marka: __________
LEARNING ACTIVITY SHEETS
WEEK 5 | QUARTER 4 |
ANG BANSANG NAGKAKAISA (UNITED NATIONS)

Panimula (Susing Konsepto)


A. Kasaysayan ng pagkatatag
Hindi pa natatapos na Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naisip ni Pangulong Roosevelt ng United
States na muling magtatag ng isang samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng mga Bansa.
Ang ideya sa likod ng United Nations ay nakasaad sa deklarasyon, pirmado noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, sa pagpupulong ng mga alyado sa Moscow noong 1943. Ang naging pangulo
ng Estados Unidos na si Franklin Delano Roosevelt ang nagmungkahi sa pangalan na "United Nations".
Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, sina Pangulong Roosevelt at
Punong Ministro Winston Churchill ng Inglatera ay bumalangkas nang deklarasyon, ang Atlantic Charter,
na siyang saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng Mga Bansang Nagkakaisa (United
Nations). Sa isang kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United States, Great Britain at
Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at panatilihin ang kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis.
Sinundan ito ng Deklarasyon ng Apat na Bansa, kasama ang Tsina, para maitatag ang isang
pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mundo.
Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang balangkasin ang Karta ng mga
Bansang Nagkakaisa. Noong ika- 24 ng Oktubre, 1945 ay itinatag ang Mga Bansang Nagkakaisa o United
Nations (UN). Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London noong 1946 at nahalal na
unang Sekretaryo-Heneral, si Trygve Lie ng Sweden.
Ang tinuturing na simula ng United Nations ay ang mismong araw ng 24 Oktubre 1945, pagkatapos
ng ratipikasyon ng Karta ng naging limang mga permanenteng kasapi ng Kapulungang
Panseguridad (ang Republika ng Tsina, Pransiya, Unyong Sobyet, ang United Kingdom of Great Britain
and Northern Ireland at ang Estados Unidos ng Amerika) kasama ang malaking mayoriya ng natitirang 46
na miyembro.
Sa katunayan, ang natatanging may veto sa mga desisyon ng organisasyon ay itong limang
permanenteng myembro ng Konseho ng Seguridad: ang Estados Unidos ng Amerika, Federasyon ng
Russia, Pransiya, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Republikang Bayan ng
Tsina
B. Pangunahing Sangay ng United Nations
Nakabatay ang estruktura ng United Nations sa Charter nito na binubuo ng 111 artikulo. Ang mga
artikulo ang naghahayag sa mga gawain ng organisasyon. Ang gawain ng United Nations ay ipinapatupad
sa buong mundo ng anim na organo nito:
1. General Assembly
Ipinaliliwanag at pinapasyahan ng General Assembly ang mga pandaigdigang isyu gaya ng ukol
sa internasyonal na kapayapaan at seguridad. Ito rin ang bumubuo ng mga polisiya ng
organisasyon.
2. Security Council
Sa Security Council ay limitado ang paksa sa mga usaping kapayapaan at seguridad sa
internasyonal na lebel na siya nitong pangunahing responsibilidad.
Ang Security Council ay binubuo ng 15 miyembro. Lima sa mga ito ay permanenteng
miyembro – ang China, France, Russian Federation, United Kingdom, at United States. Ang 10 di-
permanenteng kasapi ay hinahalal ng General Assembly para sa terminong di-hihigit sa dalawang
taon, at batay sa pinagmulang bahagi ng mundo.
3. Economic and Social Council
Ang Economic and Social Council ay ang konseho para sa pag-uusap ukol sa mga isyu o
problemang pang-ekonomiya, tulad ng ukol sa kalakalan, transportasyon, pag-unlad, at mga
usaping panlipunan. Saklaw din ng konseho ang ukol sa kalusugan, edukasyon, at kultura ng mga
kasaping bansa. Tumutulong din ang Economic and Social Council sa mga bansa sa pagtataguyod

AP8 PAGE 1
ng respeto para sa mga karapatang pantao sa buong mundo at sa pagsusulong sa posisyon ng
kababaihan sa daigdig.
4. Trusteeship Council
Nilikha ng United Nations ang Trusteeship Council sa hangaring makapagtatag ng isang
International Trusteeship System. Layon ng Trusteeship System na isulong ang pag-unlad ng mga
mamamayan ng mga Trust Territories gayon din ang kanilang pagsulong patungo sa pagbuo ng
kanilang nagsasariling pamahalaan o pagkamit ng ganap na Kalayaan.
5. International Court of Justice (ICJ)
Itinatag noong 1946, ang International Court of Justice ang siyang pangunahing sangay ng
United Nations na nagbibigay ng hatol sa mga legal na usapin. Inaayos nito ang mga legal na
sigalot na ipinasa ng mga estado at nagbibigay ng advisory opinion sa mga legal na katanungan
na ipinasa rito ng mga awtorisadong internasyonal na sangay, ahensiya, at ng UN General
Assembly.
6. Secretariat
Ang Secretariat ay pinamumunuan ng Secretary General ang Secretariat ang tumutugon
sa pang-araw-araw na aktibidad ng organisasyon. Ang mga gampanin nito ay sindami ng mga
isyung kinakaharap at tinutugunan ng United Nations—mula sa pamamahala sa mga
peacekeeping operations hanggang sa pagpapagitna sa mga internasyonal na sigalot at
pagsubaybay sa mga kaganapan at problemang panlipunan at pang-ekonomiya sa mundo.

C. Layunin ng United Nations


May apat na layunin ang United Nations:

Panatilihin ang pandaigdigang


kapayapaan at seguridad

Makipagtulungan sa
paghahanap ng solusyon sa Paunlarin ang mabuting
mga suliraning pandaigdig at pagsasamahan ng mga bansa
sa pagtataguyod ng respeto
para sa karapatang pantao
Layunin

Maging sentro ng
pagkakasundo ng mga bansa

Kasanayang Pagkatuto at Koda

Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na Gawain

Pamamaraan

Gawain I: Iguhit ang logo ng United Nations at tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolo ng
logo.

AP8 PAGE 2
Gawain 2: Buuin ang Chart ng mga pangunahing sangay ng United Nations at Ipaliwanag ang mga
tungkulin ng bawat isang Sangay.

Sangay ng
United
Nation

Gawain 3: Relate the Picture

Iugnay ang mga sumusunod na larawan sa mga layunin ng United Nations. Ipaliwanag kung paano
natutugunan ng United Nations ang mga layuning ito.

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________________________
a.

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_
b.

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
c. _

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_
d.

AP8 PAGE 3
Rubrik sa Pagpupuntos

Gawain Pagpupuntos Puntos


1 10 puntos para sa maayos at malinis na pagkaguhit ng logo 20
10 puntos sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng logo
2 1 puntos para sa mga sangay ng United Nations 12
1 puntos sa pagpapaliwanag ng tungkulin ng bawat sangay
3 1 puntos sa mga layunin ng UN 8
1 puntos sa pagpapaliwanag sa pagtugun ng bawat layunin

Pangwakas 5 puntos sa tamang sagot. Kailangan may 2-3 pangungusap ang 5


na Gawain pagpapaliawang
Kabuuang puntos 45 puntos

Pangwakas

Paano ang ginawangang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian

Batayang aklat ph. 484-485


Kasaysayan ng Daigdig ni Ederlina D. Balena et.al ph. 175
https://www.pinterest.ph/pin/472315079642354197/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_Nagkakaisang_Bansa
https://ourhappyschool.com/ANG%20UNITED%20NATIONS%3A%20ISANG%20PAGPAPAKILALA
https://www.massive.se/blog/news/world-in-conflict-10-years/
https://ahvalnews.com/united-nations-general-assembly/erdogan-discuss-international-peace-security-un-
meeting
https://www.voanews.com/usa/un-elects-judges-international-court-justice

Inihanda ni:

JOVIRISA D. MARQUEZ
Writer

AP8 PAGE 4

You might also like