Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ano ang IEC?

Ang IEC ay tumatayo para sa “Information, Education and Communication”. Bilang isang uri ng
komunikasyong pangmadla, ang IEC ay nakikipag-ugnayan sa mga grupo, tulad ng mga komunidad o
people’s organizations (PO). Iba ito sa tinatawag na inter-personal communication at group
communication. Mas malaki ang saklaw na sakop ng IEC. Ang isang programang IEC ay naglalayong
tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad na malaman at mapag-aralan ang mga impormasyon
ukol sa iba’t ibang isyu, proyekto at kung ano pa mang mahahalagang bagay na umaapekto o aapekto sa
kanilang pamumuhay.

Bakit ito mahalaga?


Ang pagbibigay-impormasyon ay napakahalaga bilang pinatitibay nito ang abilidad ng isang komunidad
na mag-isip at tumugon na aayon sa ikabubuti ng interes nito. Mahalaga rin na maalam ang mga
komunidad para matimbang nito ang mga paraan o aksyon na maari nitong pagpilian.

Ano ang karaniwang sistema na ginagamit?


Para mapadali ang paglalarawan ng mga gawain ng IEC, mainam na maintindihan ang sistemang ito:

Sender (Nagpapadala) Message(Mensahe) Audience(Tumatanggap)


 *Feedback* 

Ang sender ang organisasyon, katawan o taong nagnanais na may maiparating na mensahe. Malimit sa
komunikasyong pangmadla, ang sender ay ang gobyerno, isang NGO or isang korporasyon (Isipin po ang
mga komersyal sa telebisyon.)

Ang audience ay binubuo ng isang malaking grupo ng mga tao na madalas ay isang komunidad o
organisasyon ng mga taong may karaniwang interes, tulad ng mga manggagawa.

Ang mensahe ang siyang ideyang ipinararating ng sender sa kanyang audience. May iba’t ibang motibo
ang sender para sa pagpapakalap ng impormasyon. Madalas, ito’y para maiba ang pang-kasalukuyang
pag-iisip, pag-uugali at kilos ng audience. Isipin na lamang ang isang politikong nanliligaw ng mga
botante o isang kompanyang gustong makabenta ng bagong produkto.

Isa ring bahagi ng sistema ng IEC ang Feedback. Ito’y madalas na isinasagawa sa pamamagitan ng
paggawa ng survey. Mahalaga ito upang malaman kung epektibo ang naging programa ng IEC sa isang
lugar o komunidad.

Ano ang ginagawa ng IEC?


May tatlong gawain ang IEC: mangalap ng impormasyon, idaan ito sa proseso, at ipamahagi ito sa
audience.

Bilang mga IEC officers na kumakatawan sa sender, ano ang kailangan alamin sa pagpaplano?
 MENSAHE - Ano ang mensahe?
o Hindi lamang mahalaga na matukoy ang mensahe ngunit kailangan din ito maunawaan
ng mga sender upang mas mainam nila itong maipararating sa audience.
 SENDER - Sino ang nagpapadala ng mensahe?
o Mainam ring matukoy kung sino ang nagpapadala ng mensahe. Ito’y gobyerno ba, o
pribadong kompanya? Dito malalaman kung anong klaseng mensahe ang nais na
maiparating. Madalas, ang gobyerno ay nagsasagawa ng IEC para sa mga proyekto nito.
Ang mga pribadong kumpanya at nagsasagawa naman ng kampanya kung nais nitong
ipagbili ang kanilang produkto.
 MOTIBO/LAYUNIN - Bakit niya nais magpadala ng mensahe o ano ang dahilan ng
nagpapadala?
o Mahalaga rin sa pag-unawa ng mensahe ang malaman ang motibo ng sender. Sa
halimbawa ng PhilCCAP, nais ng sender na palawigin ang pag-unawa ng mga komunidad
sa pagbabago ng klima, at ihain ang ilang proyekto na tutulong sa mga komunidad na
isaayos ang kanilang pamumuhay para hindi ito maapektuhan nitong pagbabago sa
klima.
o Tulad ng nabanggit, nilalayon ng isang programang IEC ang makapagbigay-impormasyon
upang maimpluwensiyahan nito ang pananaw, pag-uugali at, sa kalaunan, ang pagkilos
ng isang audience.
 AUDIENCE - Sino ang tatanggap ng mensahe?
o Importante ang pagtukoy sa uri ng audience para malaman ang tamang paraan na sa
pagharap dito.
o Ilang sa mga paglalarawan sa audience na mahalagang tukuyin ay:
 Anong medyum ang kanilang madalas na makasalamuha?
Mga paraan ng pagbibigay ng mensahe (medyum)
 Print
 Broadcast (TV at radyo)
 Web
 Word of Mouth (pinaka-epektibo)
 Anong venue o pagtitipon ang madalas dinadaluhan ng mga kasapi ng
komunidad o organisasyon?
 Ano ang kanilang estado sa buhay?
 Ano ang kanilang hanapbuhay?
 Ano ang kanilang edad? Civil status? Kasarian?
 Ano ang karaniwang pinagkaka-abalahan ng mga miyembro ng komunidad?
Halimbawa: isports, mga pagtitipong kultural o relihiyoso

Sa pagpapatupad ng isang programa ng IEC, ano ang kailangan?


1) Gumawa ng materyales na naayon sa napiling medyum at sa uri ng audience na haharapin.
2) Bumuo ng isang sistema ng pagkakalat ng mga naturang materyales. Nakadepende rin ito sa
medyum na gagamitin at sa uri ng materyales.
Make participants answer guideline questions based on the above.

You might also like