Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

St.

Dwynwen
The Wales Valentine
Patroness of the Broken hearted and Lovers
PINAPAGALING NG DIYOS ANG PUSONG NAWASAK
(Magpakita ng kaharian malapit sa dagat) Noong panahon ng ika-limang siglo, ang lugar ng
Wales England ay pinamumunuan ng isang hari na nagngangalang Brychan Brycheiniog
( larawan ni haring Brychan Brycheiniog) na nagkaroon ng tatlong asawa. Ang hari ay mayroong
24 na babaeng anak, isa sa kanyang mga anak ay si St.Dwynwen (larawan ni st.Dwynwen). Si St.
Dwynwen ay ipinanganak noong 400AD ang kanyang Ina ay si reyna Rigrawst. Sa lahat ng anak
na babae ng hari siya ang pinaka kinagigiliwan ng mga tao dahil sa kanyang angking
ganda,galing at kabanalan, na syang naging dahilan upang asamin ng mga kalalakihan na siya'y
mapakasalan.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, si St. Dwynwen ay meron ng sinisinta sa katauhan ni
Maelon (magpakita ng larawan ng dalawang taong nagmamahalan).Si Maelon ay isang matikas
na binata na lubos ang pag-ibig kay St. Dwynwen. Si Maelon at st. Dwynwen ay nais makasama
ang isat isa habang buhay na siyang naging dahilan upang pumunta sa Maelon sa amang hari ni
st. Dwynwen upang hingiin ang kamay ni st.Dwynwen para ito ay pakasalan. Ngunit lubos itong
tinutulan ng hari sapagkat si Maelon ay hindi nila kapantay ng antas sa lipunan at nagplano na
ang haring ipakasal si st.Dwynwen sa isang prinsipe na kanyang pinili para kay st. Dwynwen.
Labag man sa kalooban ni st. Dwynwen wala siyang nagawa kundi sundin ang kanyang Ama
kahit ang kapalit nito ay ang pagtalikod nya sa kanilang pag-iibigan ni Maelon. Ngunit lubha
itong ikinagalit ni Maelon na syang naging dahilan upang makapag isip siya ng masamang balak
kay st. Dwynwen. Kanyang pinagtangkaan pagsamantalahan si st. Dwynwen na syang lubhang
ikinalungot at ikinagalit ni st. Dwynwen dahil kanyang pinapahalagahan ang kahalagahan ng
kasal.
Sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman si st. Dwynwen (magpakita ng larawan o video ng
kagubatan) ay patakbong umiiyak patungo sa kagubatan at doon siya ay nagmakaawa na
nagdasal sa Diyos na tanggalin ang sakit na kanyang nararamdaman Idinasal nya na malimot na
nya ang kanyang pag-ibig kay Maelon.
Siya ay patuloy sa pag-iyak hanggang sa siya ay makatulog. Sa kanyang panaginip ay nagpakita
ang isang anghel na may dalang potion ibinigay ng angel ang potion kay st. Dwynwen at
sinabing inumin ito upang mabura ang sakit na dulot ng pag-ibig niya kay Maelon at si Maelon
ay magiging yelo. Ininom ni st. Dwynwen ang potion ngunit hindi niya maatim ang nangyari sa
kay Maelon kaya siya ay nagdasal sa Diyos, pinagkalooban siya ng Diyos ng tatlong kahilingan.
Ang kanyang unang hiling, ay ang mapalaya si Maelon sa pagiging yelo pangalawa, na ang lahat
ng nagmamahal ng totoo ay mahanap ang kanilang tunay na kaligayahan, pangatlo na hindi na
muli siyang umibig o magpakasal man.
Naging masaya si Dwynwen sa pagtupad ng Diyos sa kanyang kahilingan at dahil dito iniaalay
ni Dwynwen ang kanyang buhay sa paglilinglod sa Diyos (magpakita ng Sinmbahan or
kombento) siya ay pumasok sa kumbento at naging madre. Siya ay nagtungo sa ibat ibang lugar
at ipinagpatuloy ang pagdarasal para sa mga taong tunay na nagmamahalan. Ang huling lugar na
kanyang pinuntahan ay ang isla ng Llanddwyn sa lugar ng Anglesey at dito narin siya binawian
ng buhay noong 465 AD.
Si St. Dwynwen ay kinilalang santo pagkalipas lamang ng ilang taon ng kanyang kamatayan. Si
st. Dwynwen ay ang patron ng mga magkasintahan at ng mga sawi sa pag-ibig. Ang kanyang
kapistahan ay tuwing Enero 25. Sa bansang Walse ang Enero 25 na kapistahan ni st. Dwynwen
ay itinuturing nila na katumbas ng Pebrero 14 o araw ng mga puso sa atin.

https://www.historic uk.com/History UK/History of Wales/St.Dwynwens-Day.


https://catholicsaints.info/saints-dwynwen. Cadw's Santes Dwynwen ebook. www.historic-
uk.com. www.visitwales.com

You might also like