9th Monthly-Evaluation - Filipino10 WEEK 17-18 - Gel Cauzon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Good Samaritan Colleges

Burgos Avenue, Cabanatuan City


JUNIOR HIGH SCHOOL

Teacher: Ms. Gel V. Cauzon

Subject: FILIPINO 10 30
NINTH MONTHLY EVALUATION
A.Y. 2021 – 2022

TANONG NA MARAMING PAGPIPILIAN


PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong/pahayag sa mga sumusunod at piliin ang
tamang sagot.
1. Nagsimula ang Epiko ni Sundiata noong?
A. Isinumpa ang hari
B. Pinatay ang hari
C. May nanghula sa hari
D. Naging pangit ang hari
2. Upang maisilang ang magiging tatanghaling bayani ng kaharian ng Mali. Kinakailangan ng hari
na siya ay makapangasawa ng isang?
A. Magandang babae
B. Prinsesa
C. Pinakapangit na babae
D. Malakas at matapang na babae
3. Siya ang hari ng Mali na nagtiwala sa pangitain ng isang manghuhula na siya ay magkakaroon ng
isang anak na bayani.
A. Maghan Sundiata
B. Maghan Kon Fatta
C. Sogolon Kedjou
D. Dankaran Touman
4. Siya ang sinasabing babae na may pinaka hindi kaaya-ayang itsura sa kaharian ng Mali at sa
kaniyang sinapupunan magmumula ang ang isang magiting na bayani.
A. Sassouma Berete
B. Sundiata
C. Maghan Kon Fatta
D. Sogolon Kedjou
5. Siya ang sinasabing magiging bayani at siya ay magiging hari ng dalawang kaharian.
A. Maghan Sundiata
B. Maghan Kon Fatta
C. Dankaran Touman
D. Farakourou
6. Siya ang magandang babae na unang naging asawa ng hari.
A. Farakourou
B. Dankaran Touman
C. Sogolon Kedjou
D. Sassouma Berete
7. Siya ang sinasabing dapat maging hari at siya ang karapat-dapat dahil siya ay may kakisigan at
malusog.
A. Farakourou
B. Dankaran Touman
C. Maghan Kon Fatta
D. Sundiata
8. Ito ang dalawang kaharian na pinamunuan ni Sundita sa pagtatapos ng Epiko.
A. Mali at Sossos
B. Sossos at Mema
C. Mali at Mema
D. Boabab at Sossos
9. Ito ay dalawang makrong kasanayan na dapat taglayin sa pagsulat ng iskrip at pagtatalumpati.
A. Pagsulat at pagsasalita
B. Pagsasalita at pakikinig
C. Pagbasa at pakikinig
D. Pagsulat at pagbasa
10. Ito ay ang pagtukoy sa kung ano ang nais talakayin sa isang talumpati na siyang magiging
batayan ng daloy ng talumpati.
A. Pagpili sa Paksa
B. Pagsasaliksik tungkol sa paksa
C. Pagtukoy sa target na tagapakinig
D. Pamimili ng wastong salita o pahayag
11. Dito nanirahan ang sinasabing pinakapangit na babae na hinahanap ng hari.
A. Bukid
B. Kagubatan
C. Tabing Dagat
D. Kaharian ng Mema
12. Ito ay ang dapat na isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati upang maging wasto ang mga datos
ukol sa paksa na magbibigay ng kabuluhan at epektibong pagtatalumpati.
A. Pagpili sa Paksa
B. Pagsasaliksik tungkol sa paksa
C. Pagtukoy sa target na tagapakinig
D. Pamimili ng wastong salita o pahayag
13. Isa sa estratihiya sa pagbuo ng iskrip ng talumpati ang pagtukoy sa kung sino ang mga
tagapakinig. Sapagkat ito ay magbubunsod ng makabuluhang talumpati.
A. Pagpili sa Paksa
B. Pagsasaliksik tungkol sa paksa
C. Pagtukoy sa target na tagapakinig
D. Pamimili ng wastong salita o pahayag
14. Ito ay nakapagdaragdag ng kabuluhan sa talumpati sapagkat nagiging kapani-paniwalang husto
ang pahayag kung ito ay nakabatay sa wasto at katotohanan.
A. Pagpili sa Paksa
B. Pagsasaliksik tungkol sa paksa
C. Pagtukoy sa target na tagapakinig
D. Pamimili ng wastong salita o pahayag
15. Sa bahaging ito ng talumpati ang pagbati at pagpapakilala sa paksang bibigyang pansin ay
mahalaga. Malaking bahagi rin ito ng pagiimbita sa interes ng mga tagapakinig ang paggamit ng
mahusay na panimula.
A. Katawan
B. Panimula
C. Konlusyon
D. Wakas
16. Sa bahaging ito ng talumpati ay kinakailangang ilahad ang mga pahayag o talatang maiuugnay
sa paksa. Kinakailangang ang bawat pahayag ay magbibigay ng kabuluhan at magagandang
puntos.
A. Katawan
B. Panimula
C. Konlusyon
D. Wakas
17. Ito ay ang bahagi ng talumpati na karaniwan na ang mga naalala ng mga mambabasa,
tagapakinig, o tagapanuod ay ang bandang dulo ng isang akda. Kaya kinakailangang ito ay
nagtataglay ng mga pahayag na siyang susuporta sa binubuong talumpati.
A. Katawan
B. Panimula
C. Konlusyon
D. Wakas
18. Ito ay tungkol sa pinag-aralang paksa sa simula at sa katawan ay nararapat makapagbigay ng
isang makabuluhan at makatotohanang paglalahat na maaaring humantong sa pagbibigay ng
isang rekomendasyon.
A. Katawan
B. Panimula
C. Konlusyon
D. Wakas
19. Ang Bapor Tabo ay naglalakbay sa pagitan ng?
A. Maynila at Laguna
B. Laguna at Los Baños
C. Los Baños at Maynila
D. Laguna at Cavite
20. Sila ang tatlong paring martir na pinatay ng mga Kastila.
A. Mariano Gomez, Jose Zamora, at Jacinto Burgos
B. Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
C. Mariano Burgos, Jose Gomez, at Jacinto Zamora
D. Mariano Zamora, Jose Burgos, at Jacinto Gomez
21. Kailan natapos ang pagsulat ni Dr. Jose P. Rizal ng El Filibusterismo sa Belgium?
A. March 28, 1890
B. March 29, 1890
C. March 29, 1891
D. March 28, 1891
22. Sino ang nagsagawa ng panghahalay kay Juli?
A. Padre Florentino
B. Padre Damaso
C. Don Timoteo Pelaez
D. Padre Camorra
TAMA O MALI
Panuto: Unawaing Mabuti ang bawat pahayag n amula sa binasang nobela na El Filibusterismo at
tukuyin kung ito ay TAMA o MALI.

23. Nagtuloy pa rin si Simoun sa pagbabalak ng paghihiganti sa pamahalaan. Upang matuloy ang
kanyang balakin ay nakipagsanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito.
A. Tama
B. Mali
24. Makalipas ang dalawang buwan ng pagkakakulong ay nakalaya din si Basilio sa tulong ni
Simoun.
A. Tama
B. Mali
25. Hindi natuloy ang balakin ni Simoun na paghihimagsik dahil sa ginawa ni Isagani. Tumakas siya
patungo sa bahay ni Padre Florentino, isang paring Pilipino.
A. Tama
B. Mali
26. Nang malapit ng dumating ang mga huhuli kay Simoun ay uminom ito ng lason upang huwag na
siyang abuting buhay ng mga ito. Dito na rin niya ipinagtapat sa pari ang kanyang katauhan.
A. Tama
B. Mali
27. Nagsimula ang lahat makalipas ang labintatlong taon mula ng mamatay sina Sisa at Elias.
A. Tama
B. Mali
28. May isang bapor na kung tawagin ay Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at
Cavite. Ilan sa mga sakay nito ay ang mag-aalahas na si Simoun, Basilio, at Isagani.
A. Tama
B. Mali
29. Nang makarating si Basilio sa San Diego ay dinalaw niya ang puntod ng kanyang ina sa libingan
ng mga Ibarra. Sa ‘di inaasahang pangyayari ay nagkita sila ng mag-aalahas na si Simoun.
Nakilala niyang ito ay si Crisostomo Ibarra na nagbabalatkayo.
A. Tama
B. Mali
30. Upang maitago ang lihim ni Ibarra, tinangka niyang patayin si Basilio. Ngunit hindi ito natuloy
kaya hinimok na lamang ni Simoun si Basilio na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila. Tinanggihan ito ng binata dahil nais niyang makatapos sa kanyang pag-
aaral.
A. Tama
B. Mali

You might also like