Final Filipino11 Q4 M1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

SHS

FILIPINO
(Pagbasa Tungo sa Pananaliksik)
Ikaapat na Markahan-Modyul 1:
Pagsusuri sa Ilang Halimbawa
ng Pananaliksik batay sa Layunin,
Gamit, Metodo, at Etika

May-akda: Junie M. Dela Paz


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin1 – Pagsusuri sa Ilang Halimbawa ng Pananaliksik
Batay sa Layunin, Gamit, Metodo, at Etika

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. nakikilala ang layunin, gamit, metodo at etika sa pananaliksik;
B. nasasagot ang mga tanong sa binasang halimbawa ng pananaliksik sa
Filipino; at
C. nasusuri ang ilang halimbawa ng pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo at etika sa pananaliksik

Subukin
Ngayong batid mo na ang mga dapat mong malaman sa pag-aaral ng
modyul na ito, subukin mo naman ang iyong kakayahan tungkol dito.

Panuto: Isulat sa patlang kung ang tinutukoy ng pangungusap ay layunin,


gamit, metodo at etika sa pananaliksik.

_____1. Ginagamit na batayan ng mananaliksik upang magkaroon ng tiyak


na tuon at direksyon ang kaniyang gagawing pananaliksik.
_____2. Nararapat lamang na kilalanin ng mananaliksik ang pinagmulan ng
mga impormasyon at kaisipang ginamit sa pananaliksik.
_____3. Dito inilahahad ang proseso na isasagawa upang makalap ang mga
datos, gayundin ang pamamaraang gagamitin sa pagsusuri sa mga
nakalap na impormasyon.
_____4. May benepisyong edukasyonal, propesyunal, personal, pambansa,
pangkaisipan at pangkatauhang hatid ang pananaliksik.
_____5. Sa pamamagitan din nito, natutukoy ng mananaliksik kung bakit
ginagawa ang isang pananaliksik.

Aralin Pagsusuri sa Ilang Halimbawa


ng Pananaliksik Batay sa Layunin,
1 Gamit, Metodo, at Etika

Sa araling ito, susuriin mo ang ilang halimbawang pananaliksik sa


Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik. Malilinang
ito kung isasagawa mo nang matapat ang mga gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Balikan
#ThrowbackMemories! Magbalik-aral tayo tungkol sa pananaliksik sa
Filipino. Punan mo ng iyong mga naaalaala tungkol sa pananaliksik ang
sumusunod:

1. Kahulugan ng pananaliksik
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Bakit kailangang magsaliksik?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Mahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsasaliksik


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Paano ka dapat mangalap ng impormasyon?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Di-malilimutang karanasan sa pagbuo ng saliksik.


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula
What’sOnYourMind? Batid kong may paunang impormasyon o
kaalaman ka na tungkol sa pananaliksik sa Filipino, gamitin mo ito upang
magbigay-opinyon sa mga napapanahong isyung panlipunan sa Pilipinas.

1. Pagpapabayad ng buwis sa maliliit na negosyante na online seller.


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Pagkahumaling ng netizen sa paggamit ng Face App sa panahon ng


krisis.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Pagpaparehistro ng bisikleta bilang pangunahing transportasyon sa


panahon ng pandemya.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
B. Pagbasa

Pag-uusapan na natin ngayon ang paksang-aralin. Nasasabik ka na


bang magpatuloy? Simulan ito sa pagbabasa at pagsagot sa paraang
pasalita sa mga gabay na tanong.

Kahulugan ng Pananaliksik

Ayon kay Semorlan (1999), mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa


isang isyu, konsepto at problema.
Batay sa Aklat ni Viscarra (2003), ang pananaliksik ay isang
sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa
haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga
natural na penomenon.
Ayon kina Ordoñez et al., (2007), ang pananaliksik ay pahayag sa
mataas na lebel ng pagsusulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng
mga datos, pag-iimbestiga, pagsusuri, pagbibigay hinuha, at sa pagtatapos
ay pagbibigay- kongklusyon at rekomendasyon.

Layunin sa Pananaliksik
Sa Aklat nila Garcia (2008)

1. Mabigyang kasiyahan ang kuryosidad ng tao;


2. Mabigyan ng kasagutan ang mga tiyak na katanungan;
3. Malutas ang isang partikular na isyu/kontrobersiya;
4. Makadiskubre ng bagong kaalaman;
5. Maging solusyon sa mga suliranin;
6. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid;
7. Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamamaraan at
estratehiya sa pagkatuto ng mag-aaral;
8. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya;
9. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang
tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya;
10. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya,
interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag; at
11. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang
partikular na bagay.

Metodolohiya
ni Rhoderick V. Nuncio et al. (2016)

Ang disenyo ng pag-aaral ay isang plano kung paano maisasagawa ang


pananaliksik at matutupad ang mga itinakdang layunin. Dito tinutukoy ng
mananaliksik kung anong uri ng pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral.

1. Ilalahad ang proseso na isasagawa upang makalap ang mga datos.


Nagpapakita ng partikular na sistema, dulog at lapit upang makalap
ang mga impormasyon.
2. Maaaring pagkuhaan ng impormasyon o datos ang sumusunod: aklat,
diyaryo, dyornal, panayam, sarbey, internet, pampublikong
dokumento, tesis, mga estadistika, sariling karanasan, inilahad na

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
oral na kasaysayan, radyo, telebisyon, pelikula, microfilm, mga
pagtatanghal sa teatro at iba pa.
3. Isinasaad ang ginawang disensyo ng pananaliksik kung kuwalitatibo,
kuwantitatibo o kombinasyon nito.

a. Kuwalitatibo – Inilalarawan ng mananliksik ang kalagayang ng


isang sitwasyon sa disenyong deskriptibo. Ipinakikita rin dito ang
kondisyon o antas ng relasyon ng mga baryabol.
b. Kuwantitatibo – nagbibigay-diin sa mga sukat ng layunin at ang
estadistikal, matematikal o numerikal na analisis sa mga datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik mula sa kalahok o
respondente.

Etika sa Pananaliksik
ni Crizel Sicat-De Laza (2016)

1. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya. Mahalaga ang pagbanggit at


pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at
pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan nito, nakalilikha
ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang
layunin.

2. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok (respondente).


Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa
pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik.
Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam o eksperimento.
Kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuoang
layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon.
Kung ekspreimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok
ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-
loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.
3. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng
kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang
impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa
kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng
mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot
lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga
pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o
kaya’y ibahagi sa colloquim o publikasyon, kailangan pa ring ipaalam
at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan
ng datos sa pananaliksik.

4. Pagbabalik at paggamit ng resulta ng pananaliksik. Mahalagang


ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng
mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na
nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad,
na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at
pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Kung may
awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya o iba pang mahahalagang
rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa
kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o
kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
C. Pag-unawa sa Binasa

1. Bakit kailangang may layunin ang isang pananaliksik?


2. Mahalaga bang banggitin at kilalanin ang ibang mananaliksik at
iskolar sa paggamit ng kanilang mga ideya at impormasyon sa
pananaliksik? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang ikubli ang pagkakakilanlan ng mga kalahok o
respondente sa isang pananaliksik?
4. Paaano naging mahalaga ang pagkakaroon ng proseso sa pagbuo ng
saliksik? Patunayan.
5. Paano nakatutulong ang pananaliksik sa pagpapaunlad ng lipunang
Filipino?

Suriin

#FilipiKnowCorner

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Sa pagkakataong ito, mas palawakin pa natin ang iyong kakayahan at
kaalaman sa pagsuri sa ilang halimbawa ng pananaliksik sa Filipino batay
sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik.

a. Online na Gawain: #PointItOut!

Panuto: Puntahan ang link na ito


https://drive.google.com/file/d/1Ssv6fLbiFk9chMhKMuhy9UTBxP3UlnAZ/v
iew?usp=drivesdk. Suriin mo ang halimbawa ng pananaliksik sa Filipino na
may pamagat na “Kultural at Sosyo-Politikal na Danas ng Mga
Manggagawang Pilipino sa Panahon ng Pandemya Mula sa Facebook Post ni
Rui Rui Perales.” Gamitin mong gabay ang grapikong larawan at
pamantayan sa ibaba.

Kultural at Sosyo-Politikal na Danas ng Mga Manggagawang Pilipino


sa Panahon ng Pandemya Mula sa Facebook Post ni Rui Rui Perales
ni Junie M. De la Paz

Panimula

Sa halos pagtatapos ng taong 2019, tipikal o normal na sitwasyon lamang


ang pang-araw-araw na pamumuhay na kinahaharap ng sambayanan,
partikular ang mga manggagawang Pilipino. Ngunit, nagimbal ang Pilipinas
at ang buong mundo sa huling buwan ng pagtatapos ng nasabing taon at
pagsalubong sa taong 2020 nang mabilis na kumalat ang nakatatakot na
balita tungkol sa isang uri ng virus; ang Coronavirus disease 2019 o mas
kilala ngayon bilang COVID-19.
Ang Coronaviruses ay pamilya ng mga virus na nagdadala ng iba’t ibang
sakit mula sa pangkaraniwang ubo’t sipon hanggang sa malubhang mga
impeksyon tulad ng ibang virus na nararanasan noon gaya ng SARS-CoV.
Kapareho rin ito ng The Black Death o Bubonic Plague na kumitil sa buhay
nang mahigit sangkatlong (1/3) bahagi ng buong Europa.
Tinagurian itong isang pandemiko, alinsunod sa mga sakit na kumakalat
sa malawak na heograpikong lokasyon o maging ng buong mundo. Ilan pa
sa mga sakit na tinaguriang pandemiko ay ang Cholera, Spanish Flu at ang
wala pa ring lunas na sakit hanggang sa kasalukuyan; ang HIV at AIDS.
Itinuturing na pandemiko ng World Health Organization ang COVID-19
dahil kumalat na ito sa buong mundo. Batay sa South Morning China Post,
naitala ang unang kaso nito sa Wuhan, kabisera ng lalawigan ng Hubei, sa
Tsina noong Disyembre 2019. Mula noon, nagpapatuloy na ito bilang isang
pandemya.
Noong ika-16 ng Marso, nang mapasailalim sa “State of Public Health
Emergency” ang Pilipinas, idineklara ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang
Enhance Community Quarantine o ECQ ang buong Luzon. Dagdag pa ng
pangulo, walang nakapaghanda sa sakit na ito dahil ito ay di inaasahan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Mahigpit na iniimplementa ang ECQ bilang pagpapanatili ng mamamayan sa
loob ng kani-kanilang mga tahanan. Ipinasara rin ang ilang mga negosyo’t
establisimiyento liban sa ilang mga pamilihan gaya ng palengke at
supermarket. Maging ang mga pampasaherong transportasyon ay tigil-
pasada.
Tugon ito sa lumalalang pandemya na kumakalat sa buong mundo.
Subalit sa kabila nito, maraming nagsulputang mga pangamba at
katanungan gaya ng papaano magpapatuloy ang buhay, partikular ang mga
manggagawang Pilipino mula sa pinakamaliliit hanggang sa
pinakamalalaking sektor kung mahigpit ang pagpapatupad ng ECQ?
Papaano sila kukuha ng ihahain sa kani-kanilang hapag-kainan kung iilan
lamang sa kanila ang maaaring magpatuloy sa pagtatrabaho? Sapat nga ba
ang mga ayudang ibinibigay ng pamahalaan upang matugunan ang
kumakalam nilang mga sikmura?
Ayon sa sikolohistang si Divine Love Salvador, “normal” lang na
makaramdam ng ganitong pangamba lalo na’t may krisis. Normal lang din
daw ang magkaroon ng mixed emotions dahil nasa kakaiba tayong
sitwasyon. Pahayag ni Salvador sa kaniyang panayam sa programang Failon
Ngayon. Nakaaapekto aniya ang virus bilang krisis sa araw-araw na
pamumuhay, gaya ng pagpapatupad ng quarantine at pagbabago sa mga
pang-araw-araw na gawain. Kaya natural lang daw na may mga bagong
pananaw dahil may mga bagong routine sa buhay na kailangang gawin.
Dagdag pa niya, “We can work towards accepting,” huwag natin indahin ang
mga bagay na hindi natin kayang kontrolin sa ngayon. Ang mahalaga sa
ngayon ay ang kalusugan ng tao. Dahil hindi natin nakikita ang kalaban,
kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.
Kagitingan at katapangan ang pinaiiral ng ating mga frontliner at health
worker sa patuloy na pakikipaglaban sa virus. Sa gitna man ng banta ng
pandemya, patuloy nilang ginagampanan ang kanilang sinumpaang
tungkulin sa ating bansa. Giit pa ni Francisco Duque III, Kalihim ng
Kagawaran ng Kalusugan, na prayoridad nila ang mga health worker na
magampanan ang tungkulin na pangalagaan ang kalusugan at kapakanan
ng ating mga frontliner. Sinong indibidwal o anong sangay ng pamahalaan
naman kaya ang magbibigay prayoridad sa pangangailangan ng iba pa
nating manggagawa?
Kung tutuusin, higit pa sa kagitingan at katapangan ang ipinakikitang
kabayanihan ng ating mga manggagawang Pilipino upang maibsan ang
kagutumang nararanasan ng sambahayan sa ganitong kritikal na sitwasyon.
Sa kabila nito, tila hadlang ang ilang mga patakaran at tuntuning
ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapahalaga sa makatuwiran at
makataong tunguhin ng manggagawang ang hangad lamang ay makaraos sa
pang-araw-araw na buhay.
Sa papel na ito, susuriin ang mga piling Facebook Post ni Rui Rui Perales,
isang nobelista, social critic at awtor ng mga librong Laglag-Grasya, Chinese
Garter Mogwai at SKARKRO. Makikita mula sa kaniyang mga Facebook post
ang ilang mga personal na argumento hinggil sa kasalukuyang danas ng
mga manggagawang Pilipino na kabilang sa iba’t ibang sektor.
Layunin ng papel na maipakita ang danas at pagdanas sa kultural at
sosyo-politikal ng mga manggagawang Pilipino sa panahon ng pandemya sa
Pilipinas mula sa ilang mga Facebook post ni Perales. Maipakita ang
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
pagsasakripisyo ng mga manggagawang Pilipinong mula sa iba’t ibang sektor.
At masuri kung makatuwiran at makatao ang mga sistema at prinsipyong
umiiral na lubos na nakaaapekto sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay sa bansa, sa gitna ng krisis at sa pagtatapos ng pandemya.

Kultural at Sosyo-Politikal na Danas ng Mga Manggagawang Pilipino sa


Panahon ng Pandemya Mula sa Facebook Post ni Rui Rui Perales
Layunin Gamit Metodolohiya Etika

Pangkalahatang Suri:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

b. Offline na Gawain: #SuriinNgayon!

Panuto: Magsaliksik ng isang napapahanong isyung panlipunan sa Pilipinas


na sa tingin mo ay kinakailangang gawan ng isang pananaliksik. Suriin ang
mga nasaliksik at punan ang mga hinihingi sa ibaba.

Isyung Panlipunan sa Pilipinas na kinakailangan ng pananaliksik


_________________________________________________

Layunin kung Gamit sa Proseso ng Pagkilala sa mga may-


bakit gagawan lipunang pangangalap akda/mananaliksik/iskolar
ng pananaliksik Filipino ng datos at
impormasyon

Pangkalahatang Suri:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Gamiting gabay ang pamantayan:

Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos
Malinaw na nasuri ang layunin ng 5
pananaliksik sa Filipino
Malinaw na nasuri ang gamit ng pananaliksik 5
sa Filipino
Malinaw na nasuri ang metodo ng 5
pananaliksik sa Filipino
Malinaw na nasuri ang etika ng pananaliksik 5
sa Filipino
Kabuoang Puntos 20

Sundin ang iskala sa pagbibigay puntos:


5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman ang husay
2 – Di-gaanong mahusay
1 – Nangangailangan pa ng pagsasanay

Isaisip

Ang pagkilala sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik sa


pagsuri sa ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino ay lubos na mahalaga
sa isang papasibol pa lamang na mananaliksik na tulad mo. Kung kaya,
maaari mong pagnilayan ang pahayag na ito:

“All you need is love. False. You need love


of research – and lots of it.”

Isagawa
Ilapat mo sa pang-araw-araw na buhay ang iyong mga natutuhan sa
aralin. Pumili ng DALAWANG gawain sa ibaba na nais isakatuparan.

Gawain bilang. 1: #I-addToCartNaYan!

Panuto: Handa ka na bang mag-shopping? Teka, basta h‘wag kang mag-


panic buying! Basahing maigi ang bahagi ng halimbawang pananaliksik na
nasa bahaging PAGYAMANIN. Tukuyin at itala sa isang hiwalay na papel
ang mga pangungusap na tumutukoy sa layunin ng pananaliksik.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Gawain bilang 2: #I-ProductReviewMo!

Panuto: Gamit ang mga sagot mula sa Gawain bilang 1, I-VLOG ang
pangkalahatang pagsusuri sa mga itinala na LAYUNIN NG PANANALIKSIK.
Tiyaking hindi lalampas sa 3-5 minuto ang bidyo.

Gawain bilang. 3: BuyandSellKayoDyan!

Panuto: Gamit ang teksto sa PAGYAMANIN, suriin at ipaliwanag ang


GAMIT AT PAKINABANG ng halimbawang pananaliksik sa Filipino. Punan
ang organizer sa ibaba.

Kultural at Sosyo-Politikal na Danas ng Mga Manggagawang


Pilipino sa Panahon ng Pandemya Mula sa Facebook Post ni Rui
Rui Perales
GAMIT PAKINABANG

Gawain bilang. 4: #I-TitleReviewNaYan!

Panuto: Gamit ang pamagat ng halimbawang pananaliksik sa Filipino na


“Kultural at Sosyo-Politikal na Danas ng Mga Manggagawang Pilipino sa
Panahon ng Pandemya Mula sa Facebook Post ni Rui Rui Perales,” suriin
kung anong pamamaraan ang maaaring ginamit ng mananaliksik bilang
METODO SA PANANALIKSIK.

“Kultural at Sosyo-Politikal na Danas ng Mga Manggagawang Pilipino sa


Panahon ng Pandemya Mula sa Facebook Post ni Rui Rui Perales”

Paraang
ginamit ng
mananaliksik
Paliwanag

Gawain bilang. 5:#FactOrBluffChallenge

Panuto: Sa napag-aralang ETIKA SA PANANALIKSIK, suriin ang


sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang “Fact” kung ang pahayag
ay may katotohanan at “Bluff” naman kung walang katotohanan.

_____1. Kailangang bigyang-pagkilala ang mananaliksik/iskolar na


pinanggalingan ng impormasyon, ideya, pahayag, larawan at
iba pa.
_____2. Maituturing na pagnanakaw ang pangongopya ng impormasyong
hindi ipinaalam sa lehitimong may-ari.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
_____3. Maaaring ilabas ang bidyo ng isang respondenteng kinapanayam
sa isang colloquim.
_____4. Pilit na pinasagot ang isang kaibigan sa sarbey ng ginagawang
pananaliksik.
_____5. Ang pagsunod sa etika sa pananaliksik ay pagpapakita ng
pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan at pagpapanguna sa
kapuwa.

Tayahin
#PiliSuriSulat!
Ngayong nauunawaan mo na ang ating aralin, susubukin natin ang
iyong mga natutuhan. Magsaliksik ng isang halimbawa ng pananaliksik sa
Filipino na nakapukaw ng iyong interes. Suriin ito at tiyaking maitatala ang
layunin, gamit, metodo at etika ng napiling pananaliksik. Gamiting gabay
ang pamantayan na makikita sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Karagdagang Gawain
Binabati kita! Kung nais mo pang subukin ang iyong mga natutuhan
sa naging aralin at makakuha ng karagdagang puntos. Pumili ng ISANG
gawain sa ibaba at isakatuparan ito.
Gawain 1: #PostI!! Gamit ang iyong Facebook account, ipaskil sa’yong
wall ang mahalagang natutuhan sa aralin. Maaari mo ring kausapin
sa’yong post ang ilang Facebook friends lalo na ang mga kagaya mong
nag-aaral ng pananaliksik sa Filipino. Ano kaya ang mensaheng nais
mong ipabatid matapos ang aralin?

Gawain 2: #KulayangHashtag! Kung nais mong ilabas ang iyong


pagkamalikhain, kumuha ng tatlong makukulay na papel at gupitin ng
hugis kahon na sinlaki ng sangkapat (1/4) na bond paper. I-calligraphy
sa mga ginupit na papel ang tatlong hashtag (#) na naiisip mo matapos
matutuhan ang aralin.

Kasiya-siya ang ipinakita mong sigasig upang matapos mo ang


modyul na ito! Ang ganyang dedikasyon ang isa sa mga katangiang
kinakailangan upang maging mahusay na mananaliksik. Binabati kita!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

Badril, Villanueva et al., (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Vibal Group, Inc.

Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2017). Pinagyamang PLUMA 11: Pagbasa
at Pagsusuri sa Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.

De la Paz, J. (2020). Kultural at Sosyo-Politikal na Danas ng Mga


Manggagawang Pilipino sa Panahon ng Pandemya Mula sa Facebook
Post ni Rui Rui Perales. Di-nailathalang tisis. Pamantasan ng Lungsod
ng Marikina

Magpile, C. (2016). LIRIP:Pagbasa at Pagsusuri sa Filipino Tungo sa


Pananaliksik. Quezon City: The Inteligente Publishing, Inc.

Nuncio, R. V. et al., (2016). SIDHAYA 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Filipino. Quezon City: C & E Publishing, Inc.

San Juan, David Michael M. “Wika at Kalusugan: Mga Modelong Tugon sa


Krisis na Dulot ng COVID-19 sa Loob at Labas ng Pilipinas”
(PSLLF/DLSU/Tanggol Wika)

Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik. Quezon City: REX Book Store, Inc.

https://www.doh.gov.ph/node/19588

https://www.facebook.com/rurui.perales

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2924817054273052&id=177
282632359855

https://news.abs-cbn.com/news/04/08/20/alamin-paano-ikokondisyon-
ang-mental-health- habang-may-covid-19-com
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Junie M. Dela Paz (Guro, SEHS)


Mga Editor: Gladys P. Rafols (Guro, FHS)
Christian Paul I. Camposano (Guro, CISSL)
Tagasuri-Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri-Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like