Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 43

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon

i
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Unang Markahan – Modyul 8: Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rowena T. Lagdan Pandan ES


April Dawn R. Adones Allang ES
Marilou S. Ballon Malama ES
Helen E. Arcos Pandan ES
Florentina T. Perillo Pandan ES
Consuelo M. Llarena Cavasi ES
Angecar O. Enriquez Mahaba ES
Rajani R. Buenafe Balanac ES

Tagasuri: Delia V. Mendoza, Ph.D. EPS in Araling Panlipunan, SDO Ligao


Rachel R. Baltazar MT II, Ligao West Central ES (P)
Romeo B. Lorico MT II, Ligao National High School
Iriz R. Paz SSP I, Barayong National High School
Leo Irwin C. Lindio SSP II, Paulba National High School

Tagalapat: Daryl Prepotente IT teacher, DPPMHS

ii
ARALING PANLIPUNAN 5 – MODYUL 8
Unang Markahan, Linggo 8, Araw 1

I. Pamagat/ Panimula:

Isang makasaysayang araw!

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga ambag ng


sinaunang kabihasnang Asyano na may
kinalaman sa pagkabuo ng lipunan at
pagkakakinlanlan ng mga Pilipino.
Handa ka na ba sa panibagong kaalaman na
iyong matututunan?
Tara, galugarin natin ang sinaunang
kabihasnang Pilipino.

Nasaksihan ng mga dayuhan ang mayamang kultura ng Pilipinas noong unang


panahon. Pinayabong at pinagyaman pa ito nang magsimulang makipag-ugnayan ang
mga ninuno natin sa mga dayuhan.

II. Mga Layunin

Essential Competency:
*Napahahalagahan ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano sa
pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino. AP5PLP-Ij-12

1.) Natatalakay ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano sa


pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino.
2.) Natutukoy ang mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnang Asyano
sa mga Pilipino.
3.) Naisasadiwa ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng sinaunang
kabihasnang Asyano sa mga Pilipino.

1
III. Talahulugan
Bigyang linaw natin ang ilang salita na iyong makikilala at matututunan sa
araling ito.
❖ Kabihasnan – yugto ng kaunlaran ng isang lipunan
❖ Asyano – ito ang tawag sa mga taong naninirahan sa Asya
❖ Lipunan - ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang
nakaayos na komunidad na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga.
Ito rin ay binubuong iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at kultura.
❖ Pagkakakilanlan – ito ay tumutukoy sa katangian.
❖ Kultura – paraan ng pamumuhay ng tao
❖ Kaugalian - ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong
naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

IV. Panimulang Pagsubok

Panuto: Alamin mo! Suriin ang mga larawan at alamin kung ano ang kaugnayan
nito sa ating kultura.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2
V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na talata at


sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong kwaderno.

Sa mga ilog at lambak nagsimula ang kauna-unahang kabihasnan sa Asya


dahil sa mga lupain na angkop sa pagsasaka na naging permanente na rin nilang
tirahan. Sa mga baybayin naganap naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t
ibang dayuhan.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, may sarili nang kultura
at tradisyon ang mga Pilipino. Sa kanilang pakikipagkalakalan sa mga kalapit-bansa
gaya ng China, Arabe at India mas napaunlad pa ng mga sinaunang Pilipino ang
kanilang kultura. Ang mga tradisyon o kaugalian at paniniwala na bahagi ng ating
kultura ay ilan sa mga impluwensiya at kontribusyon ng sinaunang Asyanong
nakasalamuha ng ating mga ninuno na nagbunsod sa kabihasnang Pilipino.

Ang kabihasnan ay may iba’t ibang salik tulad ng kaugalian, relihiyon,


organisado/sentralisadong pamahalaan, sining at arkitektura, sistema ng pagsulat at
antas ng teknolohiya. Ang mga salik na ito ay nagsisilbing batayan ng pag-unlad ng
isang bansa.

1. Ano ang mga naging impluwensiya ng


sinaunang kabihasnang Asyano sa mga
kaugalian ng sinaunang Pilipino?

2. Ano ang mga salik sa pagkabuo ng


kabihasnan?
3. Paano ito nakapagbigay kontribusyon sa
pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlan ng
mga Pilipino?

Alamin mo ang mga naging kontribusyon ng


sinaunang kabihasnang Asyano sa kultura mga Pilipino.

3
Impluwensiya ng mga Tsino

Sa pakikipagkalakalan at pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino noon sa mga


Tsino maraming mga kaugalian ang kanilang natutunan na naging bahagi ng kanilang
pang-araw-araw na buhay.

Isa sa mga impluwensiyang ito ay makikita sa pananamit. Ang pagsusuot ng


mga Pilipino ng camisa de chino at maluluwang na salawal ng mga babaeng Muslim
ay impluwensiyang Tsino. Dagdag pa rito ang ilang paniniwala ng pagsusuot ng puting
damit ng nagluluksa at bughaw na damit para sa pangkaraniwan.

camisa de chino paggalang sa matatanda

Bukod sa pananamit, masasalamin rin sa ilang kaugaliang Pilipino ang kanilang


impluwensiya. Ang paggalang sa matatanda, pagbubuklod ng pamilya, pagsamba sa
kaluluwa ng mga ninuno, pagkaroon ng tagapamagitan sa pamamanhikan at
pakikipagkasundo ng mga anak upang makapag-asawa ay kanilang ambag sa ating
kultura.

Impluwensiya ng mga Arabe

Isa pa sa mga dayuhan na nakahalubilo ng mga sinaunang Pilipino ay ang mga


Arabe. Hindi lamang mangangalakal na Arabe ang nakapunta sa bansa noon kundi
maging ang mga misyonerong Arabe na nagpalaganap ng relihiyong Islam. Ipinakilala
rin ng mga Arabe ang pamahalaang Sultanato ,kung saan ito ay pinamumunuan ng
isang Sultan. Si Abu bakr ang kinilalang kauna – unahang sultan ng Sulu.

Simbolo ng Islam

Natutunan din ng mga Pilipino ang Arabic o paraan ng pagsulat ng mga Arabe,
pagbilang, pagsasalita , pagsulat sa wikang Arabe at paggamit ng kalendaryo. Ang
salitang sulat, salamat at alamat ay ilan sa mga salitang natutunan ng mga Pilipino
mula sa mga Arabe.

4
Impluwensiya ng mga Hindu

Bukod sa mga Tsino at Arabe isa pa sa nakaimpluwensiya sa ating kultura ay


ang mga Hindu. Ang mga salitang Hindu na naging bahagi ng ating wika ay diwata,
maharlika, pari, lakan, lakambini, saksi, mukha at hari.

Ilan sa mga kaugalian sa kasal ay kanila ring ambag gaya ng paggamit ng belo
at kurdon sa kasal, pagsabaog ng bigas at ang pagbibigay ng dote. Ang pagsusuot ng
putong at burdadong bandana ay kanila ring itinuro sa mga sinaunang Pilipino.

belo at kurdon na ginagamit sa kasal

Ang pagsasayaw ng mga mag-asawang hindi magkakaanak sa mga patron na


pinaniniwalaang nakapagbibigay ng anak ay kanila rin impluwensiya maging ang
sistemang barangay sa aspeto ng pamamahala at ang pagsamba kay Bathala, sa
mga diyos at diyosa. Dagdag pa rito ay ang saloobing “bahala na” na hanggang sa
ngayon ay nasa pag-uugali ng mga Pilipino.

Sa pagtanggap ng mga panauhin, nakuha ng mga Pilipino ang kaugaliang


pagsasabit ng mga bulaklak sa mga Hindu. Sa pag-uugali naman ay namana natin
ang pagiging matiisin, mapagwalang-bahala sa hirap at maluwag na pagtanggap sa
mga dusa.

Pagsabit ng garland na bulaklak kay Pope Francis


bilang pagsalubong sa kanyang pagbisita

May mga pamahiin naman ang mga Hindu na dumikit na sa ating kultura gaya ng
hindi makakapag-asawa ang babaeng kumakanta sa harap ng lutuan habang

5
nagluluto, kapag ang buntis ay kumain ng kambal na saging ay magkakaanak din ng
kambal at kung ang isang tao raw ay nanaginip na nalagas ang kanyang ngipin ay
may malapit siyang kamag-anak o kaibigang mamamatay.

Tandaan Mo!
Sa kasalukuyan, marami pa rin sa mga kaugaliang ating natutunan mula sa
mga dayuhan ang naging bahagi na ng ating kultura lalo na ng ating pagkatao
bilang isang Pilipino. Ito ay naging tatak na ng ating paka-Pilipino at kaakibat na
ng ating pag-unlad at pang-araw-araw na pamumuhay. Ang kontribusyong ito ng
sinaunang kabihasnan ang humubog, nagbuklod at naging ugat ng lipunan at
pagkakakilanlang Pilipino. Kung patuloy na ituturo at isasagawa ang kinagawiang
ito ay patuloy itong mananatiling buhay at mayabong.

VI. Pagsasanay 1

Isulat ang T kung ang kaugalian ay mula sa mga Tsino, A kung sa


mga Arabe at H kung sa mga Hindu. Isulat ang tamang sagot sa
kwaderno.

________1. paggalang sa matatanda


________2. pagbibigay ng dote sa magulang ng babaeng pakakasalan
________3. Pagsunod sa mga aral ng Islam
________4. kaisipang “bahala na”
________5. pagsamba sa mga kaluluwa ng mga ninuno

Pagsasanay 2

Isulat ang FACT kung wasto ang ipinapahayag na kaisipan at


BLUFF kung hindi wasto. Isulat mo ang sagot sa iyong kwaderno.

________1. Ang kultura ay maaaring makita sa pangaraw-araw na pamumuhay


ng tao.
________2. Ang pamahiin sa pagkain ng kambal na saging upang magkaroon ng
kambal na anak ay mula sa mga Hindu.

6
________3. Ang paggamit ng belo at kurdon sa kasal ay impluwensiya ng mga
Espanyol.
________4. Lahat ng mga kaugalian na minana mula sa sinaunang Pilipino orihinal
man o mula sa dayuhan ay nagpapatuloy at nananatili pa ring buhay at kumpleto
sa kasalukuyan.
________5. Ang sinaunang kabihasnan ang humubog sa ating pagkakakilanlan
bilang isang Pilipino.

Pagsasanay 3

Sagutin ang bawat tanong batay sa sarili mong saloobin at


kaisipan.

1. Ano-anong tradisyon, pag-uugali o kaugalian mula sa kabihasnang Asyano ang


iyo pang nakikita o nararanasan sa ngayon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bilang Pilipino, paano mo mapapahalagahan ang kulturang ating minana?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. May malaki kayang ambag sa ating pagkatao ang sinaunang kabihasnan?


Pangatwiranan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Sa ating pamumuhay sa ngayon, mahalaga ba ang pagsunod sa mga


sinaunang kaugaliang Pilipino? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7
VII. Pangwakas na Pagsubok

Magbigay ng tatlong mahahalagang ambag ng sinaunang


kabihasyang Asyano sa ating pamumuhay. Paano mo ito
isasabuhay at pahahalagahan? Isulat ang sagot sa kwaderno.

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________

VIII. Karagdagang Gawain

Magdikit ng mga larawan patungkol sa iba pang impluwensiya ng mga


dayuhang Asyano sa sinaunang mga kaugaliang Pilipino. Gawin ito sa
inyong kwaderno.

8
ARALING PANLIPUNAN 5 - Modyul 8
Unang Markahan, Linggo 8, Araw 2

I. Pamagat/Panimula

Isang masayang pagbati sayo!


Ngayon ay pag- aaralan mo sa
modyul na ito ang tungkol sa
sistema ng mga paniniwala ng
sinaunang Pilipino.

II. Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang:


1. Natatalakay ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano
sa larangan ng sistema ng paniniwala ng mga Pilipino.
2. Naiisa- isa ang mga paniniwala ng sinaunang Pilipino.
3. Napahahalagahan ang mga paniniwalang ito.

III. Talahulugan:

Paniniwala- ay nagmula sa sariling pagmamasid, karanasan, pangangatwiran


o mula sa pagbabasa o pakikinig sa paniniwala sa turo ng ibang tao. Ito ay
karaniwang tinatawag na pilosopiya ng buhay o relihiyon.

Relihiyon - ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang


kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan
sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.

9
IV. Panimulang Pagsubok

Panuto: Isaayos mo ang mga jumbled words upang maibigay ang salita
na tumutukoy sa larawan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

MOBUIDS OSMQEU

DUISMOHIN

Sa iyong kwaderno, sumulat ka ng maikling


talata tungkol sa kaugnayan ng tatlong salitang ito sa
salitang paniniwala/ pananampalataya.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________

10
V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Alam mo ba na ang sinaunang Pilipino noon ay may


sarili ng paniniwala na nagbuklod sa ating mga
ninuno.

Ambag ng Sinaunang Kabihasnang Asyano sa Sistema ng


Paniniwala/Pananampalataya ng mga Sinaunang Pilipino

Ayon sa kasaysayan, sa panahong prekolonyal sa Pilipinas ay may iba-iba ng


relihiyon sa bansa gaya ng animismo, mitolohiya tulad ng anito at impluwensiyang
mula sa Hinduismo at Budismo. Ngunit sa pagdating ng Islam at maging ang
Kristiyanismo ay unti-unting napalitan ang matatandang pananampalatayang ito.

Impluwensiyang
Hindu

Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala


ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal
na Muslim.

11
Paglaganap ng Budismo sa Asya Paglaganap ng Hinduismo sa Pilipinas

Ang mga Hindu ay nakarating sa Pilipinas noong ikalabing limang siglo.


Nandayuhan sila mula sa Indonesia bago nakarating sa Pilipinas. Ang unang sapit ng
mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo at nagdala ng pananampalatayang Budismo,
epiko at mahika. Ang ikalawang sapit ay galing sa Java at Borneo. Nagdala naman
sila ng pananampalatayang Bramanistiko.

Natutunan ng mga Pilipino ang kulturang Hindu sa pamamagitan ng mga Malay na


naging tagasunod ng relihiyong Hinduismo. Ang relihiyong ito ay naniniwala sa
karma na mula sa salitang Sanskrit patungkol sa anumang bagay na ginawa mo sa
iyong kapwa maganda man o masama babalik ito sa iyo sa tamang panahon.
Natutuhan rin natin sa kanila ang sistemang barangay at ang pagsamba kay Bathala,
sa mga diyos at diyosa.

Ang anitismo, na tinutukoy bilang mitolohiyang Pilipino o mga katutubong


relihiyon ng mga ninuno ng Pilipino, ay mula sa mga alamat, kwento,
at pamahiin na ipinapaniwala ng mga Pilipino (binubuo ng higit sa isang daang
mga etniko sa Pilipinas) na halos nagmumula sa mga paniniwala noong panahong
preHispaniko.

Nagbunga ang mga ibang paniniwala mula sa mga relihiyon bago ang
Kristiyanismo na naimpluwensiyahan ng Hinduismo. Sa kasalukuyan,
pinaniniwalaan pa rin ang mga ibang paniniwalang prekolonyal ng mararaming
Pilipino sa mga syudad at kanayunan.

12
Impluwensiyang Arabe

Simbolo ng Islam paraan ng pagsamba ng mga Muslim

May mga paniniwala na isinasagawa ang mga Pilipinong Muslim na bahagi na


ng ating kultura na mula sa aral ng Islam, isa rito ay ang tungkol sa ang pag-aasawa
at buhay may pamilya.

Hindi pinapayagan ang malayang pakikihalubilo ng mga lalaking Muslim sa


mga babaeng Muslim; o maging ang pagtatalik bago pa ang kasal. Ang pagtatalik sa
labas ng kasal ay may matinding kaparusahan.

Sa mag-asawa naman, ang asawang lalaki at babae ay pantay na magkabiyak


sa loob ng pamilya at ginagampanan ang kanilang magkaibang mga papel.

Pagdating sa kanilang paniniwala na may kinalaman sa pagkain at inumin, ang


lahat ng uri ng inuming nakalalasing ay ipinagbabawal, maging ang pagkain ng
karneng baboy at dugo nito ay ipinagbabawal rin.

Sa pananamit, ang mga Muslim ay dapat na natatakpan ang kanilang katawan


ng maayos at disenteng damit. Walang tukoy na damit ang itinatagubilin, datapwat,
ang kalalakihan ay dapat na matakpan ang kanilang katawan mula sa pusod hanggan
sa mga tuhod. Samantala, ang mga kababaihan naman ay dapat natatakpan ang
kanilang buong katawan maliban sa mukha at mga kamay. Ang anumang damit na
nagpapahiwatig, naaaninag, hapit o halos hubad ay maaaring maghatid ng maling
senyales sa iba; mga senyales na salungat sa turo ng Islam. Dagdag pa rito, ang
purong sutla at ginto ay ipinagbabawal sa kalalakihan.

13
larawan ng mga babaeng Muslim

Ang Islam ay nagtuturo ng mga tamang gawi sa lipunan katulad ng, kagandahang-
asal, kababaang-loob, mabuting-asal, pagtupad sa mga pangako, pagiging
makatotohanan at makatarungan, patas na pakikitungo sa iba, pagiging matulungin
sa mahihirap at nangangailangan, paggalang sa mga magulang maging sa mga guro
at matatanda, pagmamahal sa mga anak at mabuting pakikitungo sa mga kapitbahay
at mga kamag-anak.

VI. Pagsasanay 1

MagTIKTOK tayo. Isulat ang TIK kung wasto ang ipinapahayag


na kaisipan at TOK kung hindi wasto. Isulat mo ang sagot sa iyong
kwaderno.

________1. Ang mga Bumbay o Hindu ay nakarating sa Pilipinas noong ikalabing


pitong siglo.
________2. Dapat natatakpan ang katawan ng mga Muslim ng maayos at disenteng
damit.
________3. Ang unang sapit ng mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo at nagdala
ng pananampalatayang Budismo, epiko at mahika.
________4. Ang Islam ay nagtuturo ng mabubuting-asal.
________5. Dumating sa Pilipinas ang mga misyoneryong Arabe upang ipalaganap
ang Hinduismo.

Pagsasanay 2

Isulat ang H kung ito ay tumutukoy sa Impluwensya ng Hindu at A


kung ito naman ay tumutukoy sa impluwensiya ng Arabe.

________1. Ang lahat ng uri ng inuming nakalalasing ay ipinagbabawal.


________2. Sistema ng barangay

14
________3. Pagsamba kay Bathala.
________4. Hindi pinapayagan ang malayang pakikihalubilo ng mga lalaki sa mga
babae.
________5. Mabuting pakikitungo sa mga kapitbahay at mga kamag-anak.

Pagsasanay 3

Punan ang tsart sa ibaba.Gawin ito sa inyong kwaderno.

IMPLUWENSIYA PANINIWALA TUNGKULIN

BUMBAY

ARABE

VII. Pangwakas na Pagsubok

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Ano-ano ang mahahalagang ambag ng mga Indian/ Hindu/Bumbay sa mga


Pilipino? Ipaliwanag.

2. Ano ang mahalagang ambag ng Arabia sa mga Pilipino? Ipaliwanag.

15
3. Paano mo ito pinahahalagahan?

VIII. Karagdagang Gawain

Gumawa ng pakikipagpanayam sa mga tao sa inyong


barangay. Pag-usapan ang tungkol sa relihiyon na kanilang
kinabibilangan.

16
ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 8
Unang Markahan , Linggo 8, Araw 3

I. PANIMULA/PAMAGAT

Sa modyul na ito matutunghayan mo ang tungkol sa


wika, sistema ng pagsulat at edukasyon ng mga Pilipino na
impluwensiya ng kabihasnang Asyano.

Tara na, pag-aralan natin ito.

II. MGA LAYUNIN

1. Natatalakay ang mga ambag ng mga sinaunang kabihasnang Asyano sa


larangan ng wika, sistema ng pagsulat at edukasyon.
2. Naisusulat ang alpabeto ng sinaunang Pilipino.
3. Napahahalagahan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano sa
larangan ng wika, sistema ng pagsulat, at edukasyon.

III. PANIMULANG PAGSUBOK. Subukan mong sagutin ang mga


sumusunod.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Piipino.
A. Sipol C. Baybayin
B. Characters D. Sanskrit

2. Ang ginagamit na panulat ng mga sinaunang Pilipino.


A. Lapis C. Bolpen
B. Matulis na kahoy D. kutsilyo

3. Ang bilang ng alpabeto ng mga sinaunang Pilipino.


A. 14 C. 3
B. 17 D. 24

4. Paano natuto ang kabataan sa sinaunang kabihasnan?


A. Natuto sila sa kanilang mga magulang.
B. Natuto sila sa kanilang mga guro.
C. Natuto sila sa pagpasok sa paaralan.
D. Natuto sila sa paggawa sa mga gawaing-bahay.

17
5. Alin sa mga ito ang mahalagang matutunan ng isang bata sa sinaunang panahon?
A. Pagtatanggol sa sarili, pangangaso, at pangingisda
B. Pagtatanggol sa sarili, paglaba at wastong pagkain
C. Pagtatanggol sa sarili, pakikidigma at paglilinis
D. Pagtatanggol sa sarili, pagbasa at pagsulat

IV. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON

May sariling sistema ng pagsulat, wika, at edukasyon ang mga


sinaunang Pilipino. Dahil sa pagkakapangkat-pangkat ng mga sinaunang Pilipino,
marami at iba- iba ang nabuong wika sa Pilipinas. Sinasabing may 87 wika ang mga
sinaunang Pilipino. Hango ang mga ito sa wikang Malayo-Polynesian. Ilan sa mga
wikang ito ang Tagalog, Ilocano, Bicolano, Pampango at Pangasinense.

Ang Baybayin ay isang makalumang paraan ng pagsulat sa bansa


pinaniniwalaang nagmula sa India. Ang alpabeto nito ay binubuo ito ng 17 titik na may
tatlong patinig at 14 na katinig. Gumamit ang mga sinaunang tao ng mga balat ng
punongkahoy at dahon ng saging bilang papel at matalim at matulis na kahoy o bakal
bilang panulat na kung tawagin ay sipol at dagta ng halaman bilang tintang panulat.
Ang ilan sa kanilang mga tala ay inukit nila sa mga kahoy, palayok na gawa sa luwad,
at sa dingding ng mga yungib na tinatawag na petroglyphs.

Ang Baybayin kasama ang pagbigkas sa bawat titik.

Samantala, hindi pormal ang uri ng edukasyong ginamit noong sinaunang


panahon. Di-pormal ang edukasyon sapagkat wala itong istruktura ng pormal na
edukasyon. Walang paaralang pinapasukan at mga asignaturang pinag-aaralan.
Gayunpaman, mataas ang antas ng marunong bumasa at sumulat ng mga Sinaunang
Pilipino. Sa loob ng tahanan nagsimula and edukasyon at ang kanilang mga magulang
ang kanilang mga guro. Tinuturuan sila na magbasa, magsulat, magbilang at

18
manampalataya. Ang mga lalaki ay tinuturuan maging mangdirigma, mangangaso,
mangingisda, magsasaka at iba pang gawain. Samantala ang mga babae ay
sinasanay sa mga kaalamang ukol sa pagluluto, pananahi, paghahabi at iba pang
gawaing pantahan. Sa pagdating ng mga Arabeng Muslim, ang edukasyon ay
nakabatay sa kanilang relihiyon.

larawan ng ina na nagtuturo sa kanyang mga anak

V. PAGSASANAY 1

Pag-ugnayin ang Hanay A sa Hanay B sa pamamagitan ng


paglagay ng guhit. Gawin ito sa iyong kwaderno.

HANAY A HANAY B
1. Baybayin a. bilang papel
2. Patinig b. alpabeto ng mga sinaunang Pilipino
3. Katinig c. 14
4. Dahon ng Saging d. ukit o guhit sa mga bato
5. Matalim na Bakal e. bilang panulat
6. Petroglyph f. pangangaso at pangingisda
7. Edukasyon g. 3
8. Kasanayan h. nabuong wika sa Pilipinas
9. Pangkabuhayan i. pagtanggol sa sarili
10. 87 Wika j. di-pormal

19
PAGSASANAY 2
Bigyang halaga ang wika, sistema ng pagsulat at edukasyon ng
mga sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng pagsulat ng katambal
na salita NOON sa mga salita sa kasalukuyan.

KASALUKUYAN NOON
Alpabetong Pilipino -------- _____________________
Limang Patinig -------- _____________________
Papel -------- _____________________
Lapis -------- _____________________
Edukasyon -------- _____________________

PAGSASANAY 3

Panuto: Subukang isulat ang alpabeto ng mga sinaunang


Pilipino. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Ba de no

Ha yi

VI. PANGWAKAS NA PAGSUBOK

A. Isulat and TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI


kung ang pangungusap ay mali.
__________1. Binubuo ng 17 titik ang baybayin.
__________2. May limang patinig ang baybayin.
__________3. Balat ng kahoy o dahon ng saging ang ginagawang sulatan ng mga
sinaunang Filipino.
__________4. Ginawa din nilang ukitan ang dingding ng mga yungib.
__________5. Natuto ang mga kabataan sa sinaunang kabihasnan sa kanilang mga
magulang.

20
B. Sagutin ang mga tanong.

1. Mahalaga bang matutunan ang wika, sistema ng pagsusulat at edukasyon ng mga


sinaunang Pilipino? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano nakatulong ang wika, sistema ng pagsulat at edukasyon ng sinaunang


kabihasnan sa paghubog ng kasalukuyang edukasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VII. KARAGDAGANG GAWAIN

Gamit ang baybayin, subukan mong isulat ang mga sumusunod


tungkol sa buhay mo sa kwaderno.
1. pangalan
2. tirahan
3. paaralan
4. mga paboritong pagkain, kulay, laro at iba pa

21
ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 8
Unang Markahan, Linggo 8, Araw 4

I. PAMAGAT/ PANIMULA

Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang tungkol sa


iba’t ibang uri ng sining, musika, sayaw at panitikan noong
sinaunang panahon na impluwensiya ng kabihasnang
Asyano.
Naisalin din nila sa mga sumunod na henerasyon
ang mayaman nilang kultura sa pamamagitan ng musika,
awit, sayaw at panitikan. Ilan sa mga mga ito ay nanatiling
bahagi ng modernong kultura sa Pilipinas.

II. MGA LAYUNIN


1. Natatalakay ang ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano sa larangan ng
musika, sayaw, sining at panitikan sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang
Pilipino.
2. Natutukoy ang mga naging ambag ng kabihasnang Asyano sa musika, sayaw,
sining at panitikan ng sinaunang Pilipino.
3. Napahahalagahan ang mga ambag na ito.

III. TALAHULUGAN

Alamin ang kahulugan upang lubos na maunawaan ang aralin.


Pag-aralan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

• Singkil - isang kinaugaliang sayawa ng Pilipino na


natutulad sa isang kuwento ng engkanto.
• Epiko - ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
• Pabula – ito ay kuwento na mga hayop ang mga tauhan at
nag-iiwan ng aral sa mambabasa.
• Arabesque- ito ay isang pattern ng mga curving line na
nakalagay sa mga elemento ng intertwined, tulad ng mga
vine at dahon, at mga abstract form na hindi katulad ng
anumang natagpuan sa kalikasan.
22
IV. IV. PANIMULANG PAGSUBOK

Pamilyar ka ba sa mga ipinapakita ng


larawan?
Tara, ating alamin ang kaugnayan nito sa
ating kultura at pagkakakilanlan.

Panuto: Magsulat ng isang pangungusap patungkol sa iyong kaalaman sa


bawat larawang ipinapakita.

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

______________________________________ _________________________________
______________________________________ _________________________________
______________________________________ _________________________________
______________________________________ _________________________________
______________ _________________________________
_
23
V. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
Ambag ng Kabihasnang Asyano sa Musika, Sayaw, Sining at
Panitikan ng mga Sinaunang Pilipino

Impluwensiyang Hindu sa Panitikan


Karamihan sa mga pabula at kwento sa kulturang Pilipino ay nakaugnay sa
panitikan ng Hindu gaya ng pabulang Si Pagong at Si Matsing sa Ingles ay “The
Tortoise and the Monkey” . Ito ay isang pabulang Pilipino tungkol sa isang pagong na
nagawang lokohin ang isang unggoy o matsing para sa isang puno ng saging.

Bukod sa pabula isa pang ambag sa panitikan ng mga Hindu ang mga epikong
Pilipino. Ang Epikong Darangen ay isang sinaunang epikong awitin na sumasaklaw
sa isang kayamanan ng kaalaman ng mga mamamayang Maranao na nakatira sa
rehiyon ng Lake ng Lanao ng Mindanao. Nangangahulugang literal na "upang
magsalaysay sa awit", ang Darangen ay umiiral bago ang Islamisasyon ng Pilipinas
noong ika-labing apat na siglo at bahagi ng isang mas malawak na kulturang epiko na
konektado sa mga unang tradisyon ng Sanskrit na umaabot sa halos lahat ng
Mindanao.

Isa pang epiko na may impluwensiyang Hindu ang Maharadia Lawana ng


Maranao. Ito ay isang epikong Maranao na nagsasabi sa isang lokal na bersyon ng
epikong India na Ramayana. Sinasalaysay nito ang mga pakikipagsapalaran ng
unggoy-hari na si Maharadia Lawana , na binigyan ng kawalang-kamatayan ng mga
diyos.

Ang Hud-Hud ng Ifugao ay isa pa sa mga epikong Pilipino na mula sa epiko


ng Hindu na Ramayana at ang Mahabharata. Ito ay binubuo ng narrative chants na
tradisyunal na ginanap ng pamayanan ng Ifugao, na kilala sa mga kanikanang bigas
na umaabot sa mga kabundukan ng hilagang isla ng kapuluan ng Pilipinas. Ginagawa
ito sa panahon ng paghahasik ng palay, sa oras ng pag-aani at sa mga paggising at
mga ritwal sa libing.

Ang Biag ni Lam-ang ng naman na epikong Ilokano ay mula sa mga


mamamayan ng hilagang Pilipinas. Ito ay sinasabing ang kumpletong epiko mula sa
isang grupong katutubo ng Christianized Philippine. Umiikot ang epikong-bayan na ito
sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Pambihirang bata si Lam-ang dahil
kaya na niyang magsalita at may taglay siyang kakaibang lakas. Hinanap ni Lam-ang

24
ang kanyang ama na hindi na bumalik. Nagtungo siya sa lugar ng mga Igorot dahil
duon raw nagtungo ang kanyang ama. Pinagpapatay ni Lam-ang ang mga Igorot ng
makita niyang patay na ang kanyang ama. Pagbalik niya, nakilala niya ang dalagang
si Ines Kannoyan. Ikinasal siya rito ng naibigay niya ang lahat ng mga hiling ng
magulang nito. Ngunit ng minsang nangisda si Lam-ang ay nakain siya ng berkakan,
isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang labi at sa tulong ng
kaniyang tandang, muli siyang nabuhay at namuhay nang matiwasay.

Ang Epikong Ibalon ay isa rin sa naging impluwensiya ng mga Hindu. Ito ay
tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog,
Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol. Si Baltog ay
nakarating sa Ibalon dahil sa kanyang tinutugis na baboy-ramo. Mula noon ay
nanirahan siya roon at naging hari. Si Handiong naman ay kaibigan ni Baltog na
tumulong sa kanya na gapiin ang masasamang nilalang. Halos natalo nila ang mga
kalaban bukod kay Oriol. Ngunit hindi pa rin natalo ni Oriol si Handiong kaya nakianib
na lamang ito. Ang humalili naman na sumunod na tagapagligtas ng Ibalon ay si
Bnatong.

Impluwensiyang Hindu sa larangan ng Sining

Maliban sa panitikan ang sining ay isa rin sa naimpluwensyahan ng mga Hindu.


Ang Sarimanok na katulad ng Indian Garuda ay isang maalamat na ibon ng mga
Maranao ng katimugang Pilipinas . Ito rin ay isang makulay na okir na karaniwan ay
gawa sa tanso, sa anyo ng isang nakatayong ibon at may nakasabit
na isda sa tuka nito. Kinakatawan ng sarimanok ang mayamang sining ng mga
Maranao at ito'y sumisimbolo rin ng kasaganahan.

25
Impluwensiyang Hindu sa Sayaw

Ang Singkil ay nagmula sa mga Maranao na naninirahan sa baybayin ng Lake


Lanao . Ito ay nagmula sa isang kwento sa Darangen , ang interpretasyon ng
Maranao tungkol sa sinaunang epikong Indian , ang Ramayana . Ito ay
nangangahulugang "upang ma-engganyo ang mga paa na may nakakagambalang
mga bagay tulad ng mga ubas o anumang bagay sa iyong landas". Ang Singkil ay
isang tanyag na sayaw na isinagawa sa panahon ng pagdiriwang at iba pang maligaya
na libangan.

Impluwensiyang Arabe sa Sining

Ang Arabesque sa mga Mosque ay isang disenyo na impluwensiyang Arabe. Ang


mga pattern ng pandekorasyon na arabesque ay matatagpuan na sumasaklaw sa
mga ibabaw ng mga gusali tulad ng mga moske, pati na rin ang sa mga ceramic tile
at mga kagamitan sa salamin.

Impluwensiyang Arabe sa Sayaw

Bukod sa sining may impluwensiya rin sila sa mga katutubong sayaw gaya ng
Kapiil sa Munsala. Ito ay isang sayaw gamit ang scarf ng Maranao. Maari itong
isayaw ng solo o ng pangkat. Ito ay halos kapareho ng Asik at Aparet na mga sayaw

26
ng Maranao. Ang tatlong sayaw na ito ay itinatanghal tuwing pagdiriwang ng Maranao
o bilang pagtanggap sa mga panauhin.

Ang Kandingan ay sayaw sa kasal ng mga Moro ,mula sa Jolo, Sulu. Ayon
sa mga matatanda ang pangalan nito ay nagmula sa salitang “gandang” o
“gandangan”. Ang "Gandangan" ay isang instrumento na katulad ng tambol, cylindrical
sa anyo at natatakpan ng balat ng kambing sa magkabilang dulo. Kapag ang mga
katutubo mula sa Sulu ay nagsasagawa ng sayaw na ito, ang bilang ng mga hakbang
ay di-tiyak, walang pagkakasunud-sunod ng mga numero maging linya ng direksyon,
at walang partikular na mga paa at paggalaw ng braso ang isinama.

Impluwensiyang Arabe sa Musika

Sa musikang Pilipino, ang ilang ambag ng mga dayuhan ay ang paggamit ng


mga instumentong musikal gaya ng Kulintang. Ang Kulintang ay grupo ng walong
nakahanay at magkakaibang sukat na gong na nakapatong sa pahabang kuwadro.
Nakatono ang mga ito sa eskalang pentatonic o limang tono. Ang musika ng kulintang
ay nakabatay sa tatlong uri ng ritmo: duyug, sinulog, at tidtu. Ang duyug ay ritmong
ginagamit sa pagtugtog sa kasal, libangan, at pista. Ang sinulog at tidtu ay naman
ay ginagamit sa pagtugtog sa paglilibang, sa kasalan, at iba pang mga pagdiriwang.

27
Ang Kudyapi naman ay isa pang instrumentong musikal na impluwensiya ng
mga Arabe. Ito ay may dalawang string na lute na gawa sa kahoy, isang string para
sa melodiya at ang isa ay para sa drone. Walong mga fret na orihinal ang nakalagay
sa leeg ng lute sa pamamagitan ng isang sticky rubbery substance, propolis , na mula
sa honey bees upang ayusin ang mga pinsala at bukana sa hive . Ang lute ay nilagyan
ng mga floral motives na disenyo at ang buntot naman ay inukit upang kumatawan sa
isang naka-istilong ulo ng buwaya.

VI. PAGSASANAY 1
Sagutin ang mga katanungan:

1. Paano mo pahahalagahan ang mga ambag ng kabihasnang Asyano sa ating


kultura?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Anong mga impluwensiyang Hindu ang patuloy pa ring isinasagawa ng mga


Pilipino hanggang sa ngayon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

28
3. Paano naimpluwensiyahan ng kulturang Hindu at Arabe ang kulturang
Pilipino? (2 puntos)
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY 2
Sagutin ng OO/ HINDI ang mga sumusunod na pangungusap kung nais
mong ipagmalaki ang kagawian ng mga sinaunang Pilipino.

__________1. Mahirap unawain ang mga epiko sa Pilipinas dahil ito ay galing sa
impluwensiya ng mga dayuhan.
__________2. Hindi na uso ang sinaunang sayaw ng mga katutubo kaya ayaw ko ng
matututong sumayaw ng mga ito.
__________3. Ang paggamit ng iba’t ibang disenyo sa kagamitan noon ay tanda ng
pagiging malikhain ng mga sinaunang Pilipino.
__________4. Ako’y namamangha sa mga kagamitang nahukay ng mga eksperto sa
iba’t ibang panig ng ating bansa dahil natututo ako sa pinanggalingan ng ating lahi.
__________5. Ang Epikong Ibalon ng mga Bikolano ay isang magandang halimbawa
ng panitikan na nais kong matutunan.

PAGSASANAY 3

Panuto: Iguhit ang puso kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


pagpapahalaga sa kultura at bilog kung hindi. Isulat ang sagot sa kwaderno.

________1. Nais matuto ni Carla ng sayaw na Kapiil sa Munsala.


________2. Mas gusto ni Ana na sumali sa pangkat na sasayaw ng modernong sayaw
kaysa sa folkdance.
________3. Mahilig gumuhit si Ton. Sa kanyang sinalihang patimpalak, ang kanyang
iginuhit ay ang Sarimanok.
________4. Mahilig magbasa si Bea ng iba’t ibang panitikan lalo na ang tungkol sa
mga epiko sa Pilipinas.
________5. Tuwing klase sa PE, si Marlo ay sabik matututo mga tradisyunal na
sayaw.

29
VII. PANGWAKAS NA PAGSUBOK
Punan ng salita o lipon ng mga salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

__________________1. Ito ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki


ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong.
__________________2. Ito ay isang maalamat na ibon ng mga Maranao ng
katimugang Pilipinas .
__________________3. Ito ay isinasagawa ng mga Ifugao sa panahon ng
paghahasik ng palay, sa oras ng pag-aani at sa mga paggising at mga ritwal sa libing.

__________________4. Ito ay sayaw sa kasal ng mga Moro mula Jolo, Sulu.


__________________5. Ito ay isang pattern ng mga pakurbang linya na nakalagay
sa mga elemento ng intertwined gaya ng dahon na karaniwang makikita na disenyo
ng Moske.

VIII. KARAGDAGANG KAALAMAN

Bilang isang Bikolano, magbigay ng mga katutubong sayaw ng Bikol.


Saan patungkol ang mga sayaw ng mga Bikolano? Isulat ang sagot
sa journal.

30
ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 8
Unang Markahan, Linggo 8, Araw 5

I. Pamagat/Panimula

Magandang araw! Ngayon ay pag-


aaralan mo sa modyul na ito ang
iba’t ibang panahanan ng ating mga
ninuno na natutunan mula sa
impluwensiya ng kabihasnang
Asyano.

II. Mga Layunin


Sa modyul na ito, inaasahang:

1. Natatalakay ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano


sa larangan ng panahanan tungo sa pagkabuo ng lipunan at
pagkakakilanlang Pilipino.
2. Naiisa-isa ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano sa
larangan ng panahanan.
3. Napapahalagahan ang mga ambag na ito.
III.

Talahulugan

Pansinin kung saan gawa ang inyong bahay,


pati na rin sa inyong komunidad, Ano ang
masasabi mo tungkol dito?
Meron bang pagkakapareho sa mga ito?
Meron din bang pagkakaiba ?
Isa-isahin ang mga ito.

31
❖ Panahanan - kasingkahulugan o tumutukoy sa tirahan, tahanan o bahay

❖ “Bahay na bato” - ay isang uri ng gusali na nagmula sa panahon ng Kolonyal


ng Espanya ng Espanya . Ito ay isang na-update na bersyon ng tradisyonal
na bahay kubo.

❖ Bahay kubo - (Ingles: nipa hut) o kubo lamang ay isang katutubong bahay na
ginagamit sa Pilipinas. Ito ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na
may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng nipa / anahaw.

❖ Bangkang Tirahan “houseboat” – isang bangka na karaniwang ginagamit ng


tao bilang tirahan

IV. Panimulang Pagsubok

Alam niyo ba kung ano ang nasa larawan?


Nakakakita ka pa ba nito sa ngayon?
Maaari mo ba itong ilarawan kung anong uri ng disenyo
o arkitektura mayroon ito?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

32
V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Alam mo ba na noong unang panahon , ang ating mga ninuno ay


naninirahan sa mga kuweba, gubat, tabing-ilog o baybay-dagat. Dito
nila kinukuha ang kanilang makakain. Sila ay walang permanenteng
tirahan. Lumilipat sila sa ibang lugar upang mangalap ng kanilang
pang-araw-araw na pagkain. Ang tawag sa kanila ay nomads.

Sa paglipas ng panahon, nagsimulang magkaroon ng payak na


kaalaman sa arkitektura ang ating mga ninuno dulot ng impluwensiya
ng Asyano sa paggawa at pagdisenyo ng kanilang tirahan.

Halina’t tuklasin natin ang iba’t ibang panahanan ng


mga sinaunang Pilipino.

Makikita sa mga larawan ang mga uri ng panahanan ng mga


sinaunang Pilipino na impluwensiya ng kabihasnang Asyano. Una rito ang bahay
na bato at ang ikalawa ay ang bangkang tirahan. Ang mga panahanang ito ay
makikita pa rin sa kasalukuyan ngunit sa iilang lugar na lamang sa Pilipinas.

33
• Bahay na bato

Juban Sorosogon Calzada, Ligao City

Ang “bahay ng bato" ay isang uri ng gusali o tahanan na nilikha


sa isang hybrid ng Austronesian at Tsino. Sa paglipas ng panahon ang
bahay na bato ay nagkaroon ng panibagong mukha noong panahon ng
Espanyol at Amerikano. Ang disenyo nito ay binagong bersyon lamang
ng tradisyunal na bahay kubo ng sinaunang Pilipino.

Pinapanatili pa rin ng bahay na bato ang arkitektura ng bahay


kubo na tumutugma sa klimang tropiko ng bansa, tulad ng pagkakaroon
ng bagyo, baha at lindol.

Ang bahay na bato ay may overhanging na kahoy sa itaas ng


palapag. Gawa sa nipa o yero ang bubong at ito ay may balustrades,
ventanillas, at capiz shell sliding windows. Ang bahay na bato ay gawa sa
mga bloke ng bato o bricks at ang poste ay gawa sa troso.

• Bangkang Tirahan “Houseboat”

Yari sa kahoy at kawayan


na sari-sari ang disenyo at
laki. Karaniwang nasa cabin
ng bangka ang layag,
lampara, lutuan,banig at
unan. Mayroon ding bintana
at pinto upang maliwanag at
presko. Ang ganitong uri ng
tirahan ay ginagamit ng
mga Badjao.

34
Ang ilang mga Sama-Bajau (Badjao) ay naninirahan ayon sa
kaugalian. Nakatira sa mga “houseboats” ( lepa , balutu , at vinta na ang pinaka-
karaniwang uri) na sa pangkalahatan ay mapaunlakan ang isang solong pamilya na
nuklear (karaniwang limang tao).

Ang mga “houseboat” kasama ang mga pamilya ay naglalakbay nang sama-
sama sa mga flotillas sa pangingisda at iba pang gawain.

Ang Sama-Bajau ay regular na tumatawid kasama ang mga kamag-anak ng


asawa o asawa. Ang Sama-Bajau ay maaaring regular na tumawid sa mga
hangganan ng Pilipinas, Malaysia, at Indonesia para sa pangingisda, pangangalakal,
o pagbisita sa mga kamag-anak.

➢ Vinta

Ang vinta ay isang tradisyunal na bangka ng outrigger mula sa isla


ng Pilipinas ng Mindanao . Ito ay gawa ng Sama-Bajau , Tausug at Yakan na
mga tao na nakatira sa Sulu Archipelago , Zamboanga peninsula, at southern
Mindanao. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga makukulay na hugis-
parihaba na mga saksak na lug ( bukay ) at bifurcated na mga baboy at
mga stern , na kahawig ng nakangangaang bibig ng isang buwaya. Makukulay
ang mga banderitas ng vinta na sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura
at kasaysayan ng mga naninirahan sa Kapuluan ng Sulu. Kilala ang lugar
ng Zamboanga dahil sa mga ito. Ginagamit ang Vinta bilang mga sasakyang
sa pangingisda, barko ng kargamento, at mga gamit sa bahay.

35
➢ Lepa

Ang ay kilala rin bilang lipa o lepa-lepa , ito ay mga katutubong barko ng
mamamayan ng Sama-Bajau sa Pilipinas , Malaysia , at Indonesia . Karaniwan nang
ginamit bilang mga houseboats. Ito ay mga medium-sized na bangka, kadalasang
umaabot sa 30 hanggang 50 ft (9.1 hanggang 15.2 m) ang haba, at sa paligid ng 5
hanggang 7 ft (1.5 hanggang 2.1 m) ang lapad; na may hull averaging sa taas na 5 ft
(1.5 m).
Ang isang nababakas na istruktura nito ay tulad ng bahay (ang kubu o balutu )
ay madalas na itinayo sa gitna ng katawan, na may isang naaalis na decking na kilala
bilang sahig. Ang bubong ( sapaw ) nito ay ginagawa gamit ang mga naka- plaid
na dahon ng nipa na nakakabit sa mga nababagay na mga poste na hugis-Y.
Ang mga modernong lepa ay ginagamit sa ngayon sa pangingisda at sa
pagdadala ng mga kargamento.

VI. Pagsasanay 1

Sagutin. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.


1. Ano ang mga panahanan noon na impluwensiya sa atin ng
kabihasnang Asyano?
2. Bakit kaya iba’t iba ang uri ng panahanan ng mga sinaunang Pilipino?

3. Nakikita pa ba ang ganitong disenyo ng tirahan sa ngayon? Saan?

Ang galing mo! Ngayon alam


mo na ang iba’t ibang panahanan
ng ating mga ninuno.

36
Tandaan Mo!

May iba’t ibang uri ng tahanan ating mga ninuno. Ang panahanan
ng mga Pilipino noon ay iniaangkop sa kanilang kapaligiran. Kahoy,
kawayan, pawid ,kugon at sawali ang ginagamit ng ating mga ninuno sa
paggawa ng tahanan. Ang mga materyales na ito ay sagana sa
kapaligiran at angkop sa mainit na klima ng bansa.
Ang bahay na bato at bangkang tirahan ay ilan lang sa mga
panahanan noon na ambag sa atin ng kabihasnang Asyano.

Pagsasanay 2

Panuto: Iguhit o ilarawan ang disenyo ng tirahan ng ating mga ninuno na


nakikita pa hanggang sa ngayon. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Pagsasanay 3
Punan ang talahanayan sa ibaba ng impormasyon patungkol sa mga
panahanang tinalakay. Isulat ito sa iyong journal.
Uri ng Panahanan Disenyo/Katangian Kapakinabangan nito

37
VII. Pangwakas na Pagsubok

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang inilalarawan sa bawat


pahayag. Isulat ang sagot sa kwaderno

___________1. Pangkat etniko na naninirahan sa bangkang tirahan.


___________2. Ito ay nagsisilbing tirahan noon na may makukulay na bandiritas
at sa ngayon ay ginagamit sa pangingisda.
___________3. Ito ay hango sa disenyo ng tradisyunal na bahay kubo.
___________4. Ito ay medium-sized na bangka na nagsilbing tirahan ng mga
Badjao na may istruktura ng kubo sa gitna.
___________5. Sila ay isa sa mga nakaimpluwensiya sa bahay na bato.

Malay Vinta bahay na bato Tsino Badjao Lepa

VIII. Karagdagang Gawain


Gamit ang venn Diagram, ibigay ang pagkakapareho at ang pagkakaiba
ng panahanan noon at ngayon.

Panahanan Noon Panahanan Ngayon

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul


na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

38
SANGGUNIAN
Araw 1

• https://aqdegamon.wordpress.com/category/hekasi-iv/
• https://www.slideserve.com/chapa/mga-dayuhang-impluwensya-sa-sinaunang-panahon
• https://www.slideshare.net/ProfDale/mga-impluwensya-ng-mga-dayuhan
• clipart-library.com
• https://varsitarian.net/filipino/20171202/higit-sa-po-at-opo-ang-paggalang-kawani-ng-kwf
- larawan ng pagmamano
• https://www.slideserve.com/chapa/mga-dayuhang-impluwensya-sa-sinaunang-panahon
https://philnews.ph/2019/07/23/ano-ang-lipunan/ - kahulugan ng lipunan
• http://newsinfo.inquirer.net/files/2015/01/Pope-Francis1.jpg

Araw 2

• https://relihiyongislam.com/ano-ang-islam-mga-haligi-paniniwala/
• https://www.wikiwand.com/tl/Kultura_ng_Pilipinas
• https://aqdegamon.wordpress.com/category/hekasi-iv/
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Islam
• gotquestions.org/Tagalog/Hinduismo.html
• http://aralingasya.blogspot.com/2014/10/relihiyong-hinduismo.html
• https://mimirbook.com/tl/bb95fe6fd5d
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Relihiyon
• https://www.slideshare.net/KenStudious/grade-7-4th-quarter-ang-asya-sa-sinaunang-
panahon-mga-relihiyon-sa-timog-at-kanlurang-asya?qid=bddd820e-5e2a-4ab2-9e05-
39d7ab29054f&v=&b=&from_search=1
• https://www.slideshare.net/jcbergantin/impluwensiya-ng-mga-dayuhan-sa-pilipinas-
sosyolohiya
• https://prezi.com/_s6qzonf8nlh/impluwensya-ng-mga-bumbay/
• http://aralingasya.blogspot.com/2014/10/relihiyong-islam_15.html
• http://middleclassdub.blogspot.com/2011/05/end-apartheid-for-women-in-saudi-
arabia.html - larawan ng mga babaeng Muslim

Araw 3
• Pilipinas Bilang Isang Bansa ph. 93
• https://tribune.net.ph/index.php/2020/04/29/deped-urges-parental-support-on-kids-
education-system/ - larawan ng ina na nagtuturo sa anak

Araw 4
• https://www.wikizero.com/en/Religion_in_pre-colonial_Philippine
• https://www.slideserve.com/chapa/mga-dayuhang-impluwensya-sa-sinaunang-
panahon

• https://mythology.wikia.org/wiki/Sarimanok - larawan ng sarimanok


• https://ich.unesco.org/en/RL/hudhud-chants-of-the-ifugao-00015 kahulugan ng Hud-
hud
• https://philippineculturaleducation.com.ph/lam-ang-hero-of-the-epic-biag-ni-lam-ang-
of-the-ilocano/ - Lam -Ang
• https://pinoycollection.com/si-pagong-at-si-matsing/ - Pabula Si Matsing at Pagong
• https://ich.unesco.org/en/RL/darangen-epic-of-the-maranao-people-of-lake-lanao-
00159
• https://www.wikizero.com/en/File:Lam-Ang_Philippine_folklore_hero.JPG – LAM-
ANG PICTURE

39
• https://www.wikizero.com/en/Maharadia_Lawana
• https://www.wikizero.com/en/File:0045MuseumFilipinojf_08.JPG – sarimanok picture
• https://www.wikizero.com/en/Singkil
• https://jiebelle.weebly.com/singkil.html - Singkil larawan
• https://www.tagaloglang.com/epiko/ - kahulugan ng epiko
• https://www.tagaloglang.com/ano-ang-pabula/ - kahulugan ng pabula
• http://ccat.sas.upenn.edu/tagalog/singkil.htm- kahulugan ng Singkil
• https://study.com/academy/lesson/arabesque-designs-patterns-islamic-western.html -
Arabesque kahulugan
• https://maemarin.files.wordpress.com/2013/06/catssheancalliarab.jpg - larawan ng
Arabesque
• https://www.dancepinoy.com/2009/04/kapiil-sa-munsala.html - Kapiil sa Munsala
• http://allofusaroundtheworld.blogspot.com/2014/02/philippines-kapiil-sa-munsala.html
- larawan ng Kapiil sa Munsala
• http://raizhelle18.tripod.com/thesis/lesson5b.html - kandingan info.
• https://marsmalou.weebly.com/dances.html – picture of Kandingan
• https://www.wikakids.com/filipino/epiko/biag-ni-lam-ang-epikong-ilokano/ -
impormasyon tungkol sa Biag ni Lam-ang
• https://www.tagaloglang.com/ibalon/ - Epikong Ibalon
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Sarimanok - Impormasyon sa sarimanok
• http://raizhelle18.tripod.com/thesis/lesson5b.html - Kandingan
• https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18448028351 -Kulintang
• https://www.kipas.nl/Instruments/Kudyapi.html - Kudyapi

Araw 5
• https://en.m.wikipedia.org/wiki/Bahay_na_batoAng Bahay na bato
• http://albay3d.blogspot.com/2014/08/standing-still.html - bahay sa Ligao City
• https://www.pinoyadventurista.com/2012/02/old-spanish-houses-in-juban.html
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Kubo
• https://johnryanrecabar.wordpress.com/tag/bahay-kubo/ - larawan ng Bahay-kubo
• http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/09_POOK_TIRAHAN_NG_ATING_MGA_NI.
PDF - larawan kweba
• https://theseagypsies.tumblr.com/post/148983708864/kultura
• https://indigenouspeoplebadjao.wordpress.com/2014/12/12/badjao-sino-nga-ba-sila/
• https://www.wikiwand.com/tl/Mga_pangkat_etniko_sa_Pilipinas
• https://translate.google.com/translate?hl=fil&sl=en&u=https://en.wikipedia.org/wiki/Sa
ma-Bajau&prev=search
• https://en.wikipedia.org/wiki/Lepa_(ship)
• https://www.insightguides.com/inspire-me/blog/visual/colourful-vinta-sailboat-in-the-
philippines
• https://en.wikipedia.org/wiki/Lepa_(ship)#/media/File:National_Museum_of_Ethnolog
y,_Osaka_-_Houseboat_-_Bajau_people_-_State_of_Sabah_in_Malaysia.jpg –
larawan ng Lepa

• https://theseagypsies.tumblr.com/

40
For inquiries or comments, please contact:

41

You might also like