Ang Alamat NG Bigas

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nabubuhay lamang sa pagkain ng prutas,

gulay, ibon, at hayop-gubat na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Ang pagbubungkal ng


lupa ay wala pa sa isip nila. Ang pagmamanukan at pag-aalaga ng iba pang hayop ay
hindi nila alam. Umaasa lamang sila sa mga pagkaing dulot ng kalikasan.

Sa ganitong paniniwala, hindi sila nagtatagal sa isang lugar; Lumilipat sila ng


tirahan sa oras na wala nang makuhang pagkain sa isang lugar. Pumupunta sila sa
lugar namayroong makakain at pag wala na ay lilipat silang muli.

Ang ating mga ninuno ay tuwang—tuwa sa kanilang kulay kayumanggi at sa kanilang


kinagisnang mga tradisyon. Ito ay kanilang ipinagmamalaki. Labis-labis silang
nagpapasalamat sa "Bathala." Kuntento na rin sila sa uri ng kanilang pamumuhay.

Ang mga kalalakihan ay nanghuhuli ng hayop sa gubat samantalang ang mga kababaihan
at mga bata ay nanghuhuli ng isda, namimitas ng prutas at gulay. Ang lahat ng
kanilang mahuhuli at maaani ay kanilang pinagsasama-sama at pinaghahatian. Pantay-
pantay ang kanilang paghahati sa buong barangay.

Minsan nakaabot sa malayong lugar ang mga kalalakihan sa paghahanap ng usa.


Nakarating sila sa mga bundok ng Cordillera. Sa labis na pagod ay nagpahinga sila
sailalim ng isang puno. Malapit na ang tanghalian kaya't lahat sila ay gutom na
gutom na

Sa kanilang pagpapahinga ay may namataan silang isang grupo ng tao na kakaiba sa


kanilang anyo. Inakala nilang mga bathala ang kanilang nakita. Tumayo sila at
nagbigay galang sa mga "bathala."

Natuwa sa kanila ang mga "bathala." Inanyayahan sila upang dumalo sa kanilang
pagtitipon. Tumulong ang mga kalalakihan sa paghahanda ng mga pagkain. Kinatay nila
ang mga hayop at inihaw. Maya-maya'y may inilabas na bumbong ng kawayan ang alipin
ng mga "Bathala." Ang laman ng kawayang ito ay mapuputing butil. Pagkaluto nito ay
isinaiin ang lutong puting butil sa dahon ng saging na nakalatag sa hapag—kainan.
Ang hapag ay napapalamutian na ng mga prutas, lutong karne ng hayop, gulay at mga
inumin.

Noong una ay ayaw kumain ng mga puting butil ang mga bisita. Akala nila ay mga
bulati ang mga puting butil. "Hindi ka mi kumakain ng mga uod, sag sabi ng mga
bisita.

Ang mga puting butil na iyan ay hindi uod. Iyan ay mga nalutongbigas.Ang tawag
namin diyan ay kanin. Galing sila sa aming pananim na aming inaalagaan at
pinalalaki. Hali kayo, tikman ninyo ito. Pagkatapos ninyong kumain ay maaari ninyo
kaming patayin kung may maramdaman kayong kakaiba sa inyong katawan, ang sabi ng
isa sa mga "Bathala."

Pagkatapos kumain ay nakaramdam ng panibagong Iakas ang mga bisita, hindi dahil sa
sila ay nabusog kungdi dahil sa kinain nilang mga puting butil. Nagpaalam silang
lahat sa mga "Bathala."

Bago lumisan ang mga bisita, bawa't isa sa kanila ay pinabaunan ng mga "Bathala" ng
isang sakong palay.

"ito ang palay," paliwanag ng isang "bathala," "bayunin ninyo ito upang maalis ang
balat nito. Linisin ninyo at hugasang mabuti, Ilagay ito sa loob ng bumbong ng
kawayan. Lagyan ng kaunting tubig. Ilagay ninyd ito sa ibabaw ng
apoy hanggang sa maluto. Ito ay magiging kanin. Ang pagkaing ito ay
nakapagpapalakas ng katawan. Ang ibang palay ay pagyamanin ninyo upang maging
binhi. Itanim ninyo ito pagsapit ng tag-ulan. Pag sapit naman ng tag-araw ay maaari
na ninyo itong anihin. Humayo kayo at ipamalita ito at ituro sa inyong mga
kasamahan. Turuan ninyo silang magbungkal ng lupa. Makikita ninyo at kayo ay uunlad
at hindi na kayo magpapalipat-lipat pa ng tirahan.."

Matapos magpasalamat sa mga "Bathala," ang mga bisita ay nagbalik na sa—kanilang


tribu. Sinunod nila ang bilin ng mga "Bathala." Tinuruan nila ang kanilang mga
kasamahan sa pagbubungkal ng lupa at sa pagluluto ng mga puting butil. Ang ibang
barangay ay gumaya na rin sa kanila.

Magmula noon ang pagbubungkal ng lupa ay naging isang hanapbuhay na ng mga tao at
ang bigas o kanin ang naging pangunahing pagkain natin.

You might also like