Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang nais ipaabot ng mga mananaliksik sa mga

sumusunod na indibidwal, tanggapan at iba pang mga naging bahagi ng pag-

aaral na ito para sa walang humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang

maisagawa at mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito.

Sa mga kabataan sa Barangay 775 Zone 85 San Andres Bukid,

Maynila para sa kanilang sipag at pagbibigay ng oras na sagutan at naintindihin

ang talatanungan na ibinigay sa kanila ng mga mananaliksik.

Sa aming mga kamag-aral na tumulong din sa amin upang palakasin ang

loob ng bawat isa na kaya naming tapusin ang pananaliksik na ito.

Sa aming mga magulang sa pagpapalakas ng aming loob sa lahat ng

oras at aming gagawin, gayun din naman na amin ding mapagtatagumpayan ang

gawaing ito.

Sa aming butihing Propesor, G. Darell Alejaga Lanuza sa walang

sawang pagtuturo sa amin kung paano iwawasto ang mga pagkakamali sa

aming pananaliksik at sa kanyang pagbibigay ng gabay hinggil sa bawat

kabanata ng pananaliksik na ito.

vii
At higit sa lahat sa Poong Maykapal sapagkat binigyan niya kami ng

pagkakataon na tapusin ng maayos at masigasig ang pananaliksik na ito, hindi

niya hinayaang makaramdam kami ng pagod o sumuko para makamit ang aming

ninanais na matapos ito.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat!

A.J.M.J
N.E.M
P.C.N.J
T.J.R.R
G.O.S

Mga Mananaliksik

viii

You might also like