Modyul 3 Worksheet

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

UNANG MARKAHAN

Pangalan: Pangalan ng Magulang:


Grade & Sec. Pirma ng Magulang:
Petsa:
SCORE
WORK SHEET: MODYUL III PART I.
PART II. A.
B.
MGA HILIG (INTERESTS)
LAYUNIN: C.
3.1. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o D.
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay EsP7PSIe-3.1
PART III.
3.2. Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito EsP7PSIe-3.2
3.3. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, PART IV.
paghahanda tungo sa
pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa
pamayanan EsP7PSIf-3.3
3.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig EsP7PSIf-3.4

PART I. PAUNANG PAGTATAYA (W.O.) ________/10


Panuto: Suriin kung Tama o Mali ang sinasabi ng mga pangungusap at ilagay sa unahan ng bawat numero ang  kung tama at  kung
mali

1. Ang sumusunod ay HINDI nagpapakita ng katangian ng hilig: Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kaniyang mga kaibigan sa
larong badminton. Nais niyang makasama nang madalas ang kanyang mga kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito
sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang madalas ang gawain na ito nang sama-sama.

2. Ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan ay nakapagpapaunlad ng tiwala


sa sarili.

3. Ang sumusunod ay HINDI paraan sa pagtuklas ng hilig: suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.

4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Outdoor, Artistic, Mechanical, Social Service
 Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
 Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang nagdisenyo at nagsaayos.
 Si Jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.
 Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan.

5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji ay ang sumusunod:
Larangan: musical, literary Tuon: tao, datos, ideya

6. Ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko/bokasyonal ay makatutulong ang hilig upang makakuha ng
trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.

7. Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at
kaganapan sa iyo bilang tao.

8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito kung kaya nagpabili rin siya
sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang buwan nakita
naman niya nauuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga
kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ang matwirang gawin ni Liza ay
suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya.

Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas-oras, pasa-tiyempo, himagal, o dibersyon ay isang gawaing
nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para sa rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao
sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa
nakatatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng
damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na
ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig. Maaari ring
maipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay, mayroon naman
magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng natatanging kasanayan. (Hinango sa:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Hilig)
9. Ang pangkabuuang mensahe ng talata ay kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.

10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito
tungkol sa hilig ay: Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay.

PART II. PAGSASANAY (P.T.)

A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EsP7PSIe-3.1) ________/10


i. Panuto: Basahin at unawain mo ang kasunod na case study. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong na kasunod nito.

Mula pagkabata, nakasanayan na ni Leslie na panoorin ang kaniyang ina sa paggawa ng oatmeal cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang
kaniyang gustong gawin sa kaniyang libreng oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap. Nakatanggap siya ng
maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang timpla. Dahil dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili. Gumagawa siya ng oatmeal
cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga kaibigan bilang regalo. Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa isang ‘Home for the Aged’
dahil nabalitaan niyang wala silang panghimagas. Sa edad na 15, nagtayo siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang dahil sa
kakaibang timpla ng kanyang mga oatmeal cookies. (www.guideposts.com)

Mga tanong:
1. Ano ang kinagigiliwang gawin ni Leslie?
2. Ilarawan ang natatanging kakayahan ni Leslie.

3. Paano nakatutulong sa kaniya at sa ibang tao ang taglay niyang hilig? Ipaliwanag.

ii. Panuto: Ang nasa ibaba ay larawan ng mga kilalang tao sa bansa at sa buong mundo. Ano ang mga bagay na kinagigiliwan nilang gawin?
Tukuyin ito at isulat ang sagot sa ibaba.

Pangalan: HEIDEE MENDOZA Pangalan: ALBERT EINSTEIN


Bagay na minamahal gawin: Bagay na minamahal gawin:

Pangalan: JUAN LUNA Pangalan: GARY VALENCIANO


Bagay na minamahal gawin: Bagay na minamahal gawin:

B. PAGGANAP ________/10
Panuto: Isulat ang sampung gawain na gusto mong gawin sa iyong libreng oras. Iranggo mo ito mula sa iyong pinakagusto (Ranggo 1)
hanggang sa pinakahuling gusto (Ranggo 10). Maaaring ginagawa mo ito sa bahay, sa paaralan, o pamayanan. (EsP7PSIe-3.2)

GAWAIN NA GUSTO MONG GAWIN SA IYONG LIBRENG ORAS RANGO


i.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
ix.
x.

Suriin mo ang iyong isinulat na mga pinagkakaabalahan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong ginawang talaan? Sa iyong ginawang sa pagraranggo sa mga ito?

2. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng sariling mga kinahihiligan? Ang pagpapaunlad ng mga ito?
C. INTEREST-FOCUS INVENTORY. ________/10
Panuto: Ang susunod na gawain ay isang pagsusuri sa iyong mga hilig. Ang gawain ay tinatawag na Imbentaryo ng mga Hilig-Tuon
(Interest-Focus Inventory). Gamit ang kasunod na talahanayan, gawin ang sumusunod:
1. Isulat sa unang kolum ang mga gawaing iyong iniranggo sa unang gawain.
2. Lagyan ng tsek () ang angkop na larangan (interest area) sa ikalawang kolum.
3. Lagyan ng tsek () ang angkop na tuon sa huling kolum.
(EsP7PSIe-3.2)

Larangan ng mga Hilig (Interest Areas)


Tuon (Focus)

OUTDOOR

MECHANICAL

COMPUTATIONAL

SCIENTIFI C

PERSUASIVE

ARTISTIC

LITERARY

MUSICAL

SOCIAL SERVICES

CLERICAL
10 Gawaing Iniranggo

BAGAY

IDEYA
DATA
TAO
i.

ii.

iii.

iv.

v.

vi.

vii.

viii.

ix.

x.

Nasiyahan ka ba sa gawain? Sa pagkakataong ito, sagutin mo ang sumusunod na tanong:


1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong mga hilig?

2. May pagkakatulad ba ang larangan ng iyong mga hilig sa mga uri ng talentong natuklasan mo batay sa resulta ng isinagawa mong Multiple
Intelligence Survey sa ikalawang modyul? Ipaliwanag.

3. Sa kabuuan, ano-ano ang tuon ng iyong mga hilig? May kaugnayan ba ang mga ito sa:
a. pagtupad ng iyong mga tungkulin? Ipaliwanag.
b. pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal? Ipaliwanag.
c. sa pagtulong sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan? Pangatwiranan
D. TSART NG PAGPAPAUNLAD NG AKING MGA HILIG. Punan mo ang kasunod na Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig.
Magandang karanasan ito upang masanay kang magplano para sa iyong sariling pag-unlad. (EsP7PSIf-3.4) ________/10

Mga Taong Paano


Mga Hilig Panahong Mga Pangarap
Hinihingan ng Malalampasan
Paano ko Ilalaan na Gusto kong Maaaring
Tulong/ Suporta ang mga Ito
Pauunlarin Ito? Makamit Gamit Balakid
o
ang Hilig
KokunsultahiN
Halimbawa:  Tutugtog ako Mga kaibigan at Isang oras Tuturuan ng Baka may Ipangangako ko
Pagtugtog ng sa loob ng guro araw-araw pagtugtog ng ipagawa sa aking sa aking
gitara isang oras gitara ang mga gawain sa bahay magulang na
araw-araw kapitbahay pagbubutihin ko
upang ang pag-aaral,
 Mag-eenrol mapaunlad ang para payagan
ako sa isang aming ugnayan nila ako sa mga
guitar school at mailapit ko sila hilig ko.
sa Diyos.

III. PAGLALAGOM (W.O.) Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot. ________/10

1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig maliban sa:


A. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya bilang isang inhenyero.
Namulat siya sa gawain ng kanyang ama at napansin niyang nagkakainteres na rin siya matematika, pagguhit at
pagdidisenyo.
B. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kaniyang mga kaibigan sa larong badminton. Nais niyang makasama nang madalas
ang kanyang mga kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang madalas
ang gawain na ito nang sama-sama.
C. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa kanilang patahian at lumaon
ay nakahiligan na niya itong gawin. Natutuwa sa kanya ang kanyang ina dahil mahusay na siyang magdisenyo ng
mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo.
D. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang kapwa. Nang makatapos ng pag-aaral ay
naging misyon na niya ang kumalap ng tulong sa mga nakaaangat sa buhay para sa mga nangangailangan.
Nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach programs at refief operations.
2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
A. Nakapagpapasaya sa tao
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap

3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:


A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.

4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang larangan ng kanilang kinahihilig?
 Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
 Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang nagdisenyo at nagsaayos.
 Si Jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.
 Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan.

A. persuasive, outdoor, clerical, mechanical


B. naturalist, visual, existential, intrapersonal
C. outdoor, artistic, mechanical, social service
D. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual

5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji.
A. Larangan: musical Tuon: tao
B. Larangan: musical, artistic Tuon: tao, ideya
C. Larangan: musical, literary Tuon: tao, ideya
D. Larangan: musical, literary Tuon: tao, datos, ideya

6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko/bokasyonal?


A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
B. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
C. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pagaaral upang maitaas ang antas ng
pagkatuto.
D. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pangakademiko o teknikal-bokasyonal

7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?


A. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
B. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
C. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
D. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.

8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito kung kaya nagpabili rin siya
sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang buwan nakita
naman niya nauuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga
kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano ang matwirang gawin ni Liza?
A. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.
B. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyangpansin ang nauuso.
C. Suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya.
D. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga ang kanyang
nararapat na pagtuunan ng pansin.

Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas-oras, pasa-tiyempo, himagal, o dibersyon ay isang gawaing
nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para sa rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao
sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa
nakatatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng
damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na
ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig. Maaari ring
maipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay, mayroon naman
magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng natatanging kasanayan. (Hinango sa:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Hilig)
9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?
A. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal, at pandamdamin.
B. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.
C. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig
D. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng kanilang hilig

10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito
tungkol sa hilig ay:
A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay
C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa
D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.

IV. PAGNINILAY (P.T.) ________/10


Sagutin ang mga tanong ng hindi bababa sa limang pangungusap. (EsP7PSIf-3.3)

1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?


2. Bakit mahalaga ang mga hilig?
3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
4. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng mga hilig.
5. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at ang tuon ng mga ito?

You might also like