Professional Documents
Culture Documents
Filipino KPWKP11 Finalized WHLP5
Filipino KPWKP11 Finalized WHLP5
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE 1 PANGASINAN
BANAOANG NATIONAL HIGH SCHOOL
STA. BARBARA
Learning Area: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Week: 7-8 Date: Nobyembre 08-19, 2020
MELCs:
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
Layunin:
1. Natutukoy ang mga modernong teknolohiya bilang instrumento sa pagunawa sa konseptong pangwika.
2. Nagagamit ang wika sa modelong teknolohiya tulad ng aplikasyon sa social media, ang Facebook, Twitter, at Instagram.
3. Nakasusulat ng sariling post (hal. Hugot Lines o Pick-Up Lines) sa Facebook at iba pang aplikasyon sa modernong teknolohiya.
MARTES 7:00-7:30 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang araw.
Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro ng ating pamilya.
MARTES 7:30-8:00
PANIMULANG GAWAIN
MARTES 8:00-12:00 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang kaalamang natutuhan mula sa nakaraang aralin.
Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na kanilang gagamitin sa
pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
Pasagutan sa mag-aaral ang paunang pagsusulit sa pahina 2-3.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin ang mga pamimiliang
sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
BALIKAN
Dito masusukat ang kaalaman ng mag-aaral hinggil sa nakaraang mga aralin. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng paliwanag at
argumento tungkol sa mga paksang tinutukoy sa pahina 4.
Tandaan: Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-aralan o natalakay na
noon.
TUKLASIN
Sa bahaging ito ng modyul, gabayan ang mag-aaral sa pagtuklas ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng
mga partikular na paksa (Unang Wika, Pangalawang Wika at Kinggwistikogn Komunidad) na nasa pahina 5-6.
Tandaan: Ang mga tanong sa mga susunod na gawain ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng
bawat paksa.
SURIIN
Sa bahaging ito, kakailanganin ang gamit ng teknolohiya at social media. Gamit ang social media gumawa ng sariling
post ayon sa hinihinging katanungan at mga sitwasyon na nasa pahina 7-8.
Tandaan: Gabayan ang mag-aaral sa paggamit ng social media. Ipaalala ang mga dapat isaalang – alang sa paggamit nito.
PAGYAMANIN
Higit na mabibigyan na lalim ang pag – unawa sa konseptong pangwika. Mula sa 10 gawaing nakatala sa pahina 9-10,
pumili lamang ng tatlong gawaing nais bigyang – pansin. Maaring gumamit ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng
tahanan.
Tandaan: Siguraduhing gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng bawat Gawain dahil ito ay nangangailangan ng maingat at
maayos na pagsasagawa.
ISAISIP
Mula sa mga sumusunod na kaban ng kalam na nasa pahina 11, pumili ng tatlo at ipaliwanag ang isinasaad nitong
kabuluhan. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel.
Tandaan: Hayaan ang mag-aaral na magbigay ng sariling pagpapaliwanag. Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng
aytem na pinili ay nasagutan.
ISAGAWA
Pasagutan sa bata ang gawain sa pahina 12.
Tandaan: Hayaan ang mag-aaral na makapag – isip at magnilay hinggil sa kanyang obserbasyon at karanasan upang
mailapat sa gawain.
TAYAHIN
Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 13-14.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng Pagtataya subalit napakahalaga na ang sagot ay
magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa kaalamang natamo niya.
Makikita ito sa pahina 15 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa hiwalay na papel.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki. Bigyan siya ng mga
papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.