Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BANAOANG NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – FILIPINO 11

Learning Area: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kwarter: 2 Ikatlong Linggo Petsa: Enero 25-29 2021

MELCs:
 Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan.
Layunin:
1. Nasusuri ang gamit ng wika sa nabasang mga halimbawa.
2. Nakagagawa ng isang pananaliksik na nagpapakita ng ilang halimbawa ng sitwasyon sa lipunan gamit ang wika.
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)

MARTE 7:00-
S 7:30  Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang araw.

MARTE 7:30-
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro ng ating pamilya.
S 8:00

PANIMULANG GAWAIN
MA  Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang kaalamang natutuhan mula sa nakaraang aralin.
RTES 8:00-  Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga
12:00 inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagtataya sa pahina 2-3.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin ang mga pamimiliang sagot , gamitin
ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang
natutuhan na mula sa nakaraang aralin. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga katanungan sa pahina 4.
Tandaan: Hayaang magbigay ang bata ng kaniyang sariling tugon batay sa kanyang pagkaunawa sa iba’t ibang cohesive devices at lumikha
ng sariling pangungusap. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-aralan o natalakay na
noon.
TUKLASIN
 Sa bahaging ito ng modyul, gabayan ang bata sa pagtuklas ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagbasa ng mga talatang nakatala sa
pahina 5.
 Tandaan: Ang mga tanong sa mga susunod na gawain ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng bawat talata.
Habang binabasa ang mga talata ay maaari ka nang magtanong sa bata upang masiguradong nauunawaan niya ang kanyang binabasa.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras upang masuri ang mga pahayag o sitwasyon at maisulat ito sa paraan ng
paggamit ng wika. Magiging gabay ang mga impormasyon at kaalamang natamo mula sa naunang gawain. Gabayan ang mga bata sa
pagsagot ng mga katanungan na nasa pahina 6.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ng iyong anak ang bawat sitwasyon upang masagot ang mga tanong. Gabayan ang mag-aaral sa
pagpapahayag ng kaniyang saloobin.
PAGYAMANIN
 Ito ay gawaing magpapatibay sa iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Gamit ang mga kaalamang natutuhan sa mga naunang
aralin, basahin at unawain ang panuto sa bawat gawain na nasa pahina 8. Ang mga gawain ay magpapakita ng pag-unlad ng kaalaman ng
mag-aaral tungkol sa paksa.
Tandaan: Tiyaking maisasagawa ng mag-aaral ang bawat gawain ng maayos at komprehensibo.
ISAISIP
 Pasagutan sa bata ang pagsasanay sa pahina 8.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung ang lahat ng aytem ay nasagutan.
ISAGAWA
 Gawin ang pagsasanay na nasa pahina 9 bilang aplikasyon ng iyong natutuhan sa buong aralin.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong batay sa sariling
karanasan at pang-araw-araw na pamumuhay niya. Gabayan ang mag-aaral sa isasagawang sarbey. Maaari rin itong gawin sa pamamagitan
ng interbyu o poll gamit ang facebook. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 10-11.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng pagtataya subalit napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo
sa sariling pag-iisip ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa kaalamang natamo niya. Makikita ito sa
pahina 12 ng modyul. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot kung kinakailangan.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki. Bigyan siya ng mga papuri upang lalo
siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.
Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:
 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Iniwasto at Binigyang Puna ni: Sinang ayunan ni:

DAISY MARIE M. ALBA ELVIRA C. HONRADO ELLEN L. FERNANDEZ, Ed.D


T-II HT-III OIC Principal, PSDS

You might also like