Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region V

Bicol University Polangui Campus

SY 2021-2022

Kathleen B. Borja BTLED 2B May 10, 2022

I. PAMAGAT NG PELIKULA

IN TIME
Ang pelikula ay pinamagatang In Time, sapagkat binigyang diin sa pelikulang ito ang kahalagan ng
oras, na maaring kumitil ng isang buhay. Ang "In Time" ay isa ring representasyon ng isang mundo kung
saan ang oras ay ang makabagong pera.

II. DIREKTOR NG PELIKULA


Andrew Nicol
Si Andrew M. Niccol (ipinanganak noong 10 Hunyo 1964) ay isang tagasulat ng senaryo, producer,
at direktor na ipinanganak sa New Zealand. Siya ang sumulat at nagdirek ng Gattaca, S1m0ne, at Lord of
War. Siya rin ang sumulat at nag-co-produce ng The Truman Show, na nakakuha sa kanya ng nominasyon
ng Academy Award para sa pinakamahusay na orihinal na screenplay noong 1999 at nanalo sa kanya ng
isang award ng BAFTA para sa Best Screenplay. Marami sa kanyang mga pelikula, gaya ng Gattaca, S1m0ne
at The Truman Show ay tumitingin sa mga isyung panlipunan o pampulitika sa pamamagitan ng isang
fantasy-science fiction lens. Ang Lord of War, gayunpaman, ay isang kontemporaryo, bagay-ng-
katotohanang paggalugad ng pagpapaputok ng baril.

Si Niccol ay ipinanganak sa Paraparaumu, New Zealand noong 1964 at lumaki sa Auckland, kung saan
siya nag-aral sa Auckland Grammar School. Umalis siya sa New Zealand sa edad na 21 at nagsimulang
magdirek ng mga patalastas sa London, England. Sa panahon ng paggawa ng S1m0ne, nakilala niya ang
modelong si Rachel Roberts, kung saan mayroon siyang isang anak na lalaki, si Jack noong 2003, at isang
anak na babae, si Ava noong 2008.

III. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PELIKULA

Ang pelikulang “In Time” ay nabuo noong 2011, kung saan ay nagkaroon din ng tinatawag na “economy
crash” sa Estados Unidos. Ang 2011 U.S. Debt Ceiling Crisis ay isa sa mga serye ng paulit-ulit na debate
tungkol sa pagtaas ng kabuuang sukat ng pambansang utang ng U.S. Ang krisis ay dinala ng napakalaking
pagtaas sa pederal na paggasta pagkatapos ng Great Recession.

IV. BUOD NG PELIKULA

Napagbintangan si Will Salas na nagpatay at nagnakaw ng oras kay Henry Hamilton.


Pumunta si Will sa lugar na kung saan mga mayayaman lamang ang nakatira at doon nakilala niya
si Sylvia Weis na anak nina Michele at Philippe Weis na merong mga malalaking kompanyang
timelenders o pautangan ng oras. Inanyaya si Will ng pamilya Weis na dumalo sa kanilang
pagdiriwang sa bahay. Sa bahay natuntun ng kaibigan ni Philippe na si Raymond Leon na isang
tagapangalaga ng oras si Will at kinunan ng isang libo’t isang daang taon na bayad sa pagpatay
niya kay Henry at akmang papatayin na sana ngunit nakawala si Will at hinostage niya si Sylvia.
Ipinunta ni Will si Sylvia sa lugar kung saan lumaki si Will at nakita ni Sylvia kung ano ang kalagayan
ng mga tao doon sa lugar ng mahihirap kaya naman nakonsensya siya sa mga ginagawa ng mga
mayayaman katulad ng kanyang pamilya at namigay ng libreng oras sa mga tao. Simula doon lagi
ng sasama si Sylvia kay Will na magnakaw ng oras sa mga corrupt na mayayaman at namimigay
ng mga oras sa mahihirap at sa huli nakuha nila ang isang milyung taon na itinago ni Philippe Weis
sa kanyang banko at ipinamigay sa maraming mahihirap sa kanilang lugar.

V. ELEMENTO NG PELIKULA

a. Mga tauhan

Justin Timberlake -- Will Salas

Shyloh Oostwald -- Maya

Johnny Galecki -- Borel

Olivia Wolde -- Rachel Salas

Matt Bomer -- Henry Hamilton

Alex Pettyfer -- Fortis

Amanda Seyfield -- Sylvia Weis

Bella Heathcote -- Michele Weis

Vincent Kartheiser -- Phillippe Weis

b. Tema ng Pelikula

Ang halaga ng oras ay isang unibersal na tema: lahat tayo ay nagnanais na magkaroon tayo ng
higit pa nito, nais nating maibalik ito, lahat tayo ay nagsisikap na huwag sayangin ito, atbp.

c. genre ng pelikula

Action, Thriller, Science Fiction

VI. BISANG PANGKAISIPAN

Ano ang nais ipabatid ng pelikula?

Ang pelikulang ito ay nagbigay ng isang makabuluhang mensahe saakin, ito ay ang
pagpapahalaga sa lahat ng bagay sa bawat oras. Isa rin itong pagmumulat saakin kung paano nagiging
maraya at hindi patas ang lipunan sa mayayaman at mahihirap

VII. BISANG PANGKAASALAN

Dahil dito, mas naging mapagpahalaga ako sa bawat oras na aking ginugugol, maging sa
akademiko, pamilya, kaibigan at sarili man.
VIII. BISANG PANDAMDAMIN

Sa pelikulang ito ay naipakita ng isang anak ang pagmamahal sa kanyang ina, ngunit hindi naging
sapat ang oras para mailigtas niya ito. Napagtanto ko sa oras na iyon, na ang oras para sa mahirap at
mayaman ay tunay na hindi patas. Sapagkat ang mahirap ay kailangan ng doble kayod para mabuhay at
ang mayaman ay may kakayahan para magsayang ng oras ng walang iniinda.

IX. BISANG PANLIPUNAN

Sa pelikulang ito ay pansamantalang naipakita ang sitwasyon ng iba’t ibang estado at katayuan
ng tao sa lipunan. Kung saan hindi pantay ang benepisyo na naiaabot para sa mayaman at nasa laylayan

X. TEORYA O DULOG NG PELIKULA

Ang pelikulang ito ay marahil na ginamitan ng Dulog “Marxismo” sapagkat ipinakita rito kung
paano hindi naging pantay ang turing sa mayaman at mahirap. Tumutuon din ito sa ugnayan at hidwaan
ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon kung saan sinusuri ang epekto
ng kapitalismo sa paggawa, produktibidad, at pag-unlad ng ekonomiya.

You might also like