Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

YOBHEL CHRISTIAN ACADEMY INC.

San Vicente Pili Camarines Sur


A/Y: 2021-2022

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga


pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang
pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya
nito sa kasalukuyang panahon.

Pamantayan sa Pagganap: Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa


pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang 80% ng mag-aaral ay inaasahang:
a. Mauunawaan ang konsepto ng sistema ng edukasyon sa panahon ng
espanyol
b. Napaghahambing ang sistema ng edukasyon sa panahon ng ninuno at
sistema ng edukasyon sa panahon ng espanyol sa pamamagitan ng venn
diagram.
c. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagbabago sa sistema ng edukasyon
sa panahon ng Español
II. NILALAMAN
A. Paksa: Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Espanyol
B. Sanggunian: Smart Class Araling Panlipunan.Vibal Group, Inc.1253 G.
Araneta Avenue cor.Ma.Clara Street,Talayan,Quezon City.2020,pahina
224
C. Gamit sa Pagtuturo: Powerpoint Presentation at Laptop
D. Konsepto: Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagdulot ng
malawak na pagbabago sa mga buhay ng mga Pilipino. Kabilang sa mga
ito ay ang panahanan,antas sa lipunan at edukasyon.
E. Kasanayan: Pagtatala,, Pagsisiyasat at Intepretasyon ng impormasyon,
Pakikinig
F. Pagpapahalaga: Skillful and Assertive
G. Subject Integration:
H. Stratehiya sa Pagtuturo: Explicit Teaching
I. Oras: 60 minuto

III. PAMAMARAAN

GAM
GAWAIN NG MAG- SA
ORAS TEACHING HINTS GAWAIN NG GURO
AARAL PAGT
UR

3min. A. PANIMULANG
GAWAIN
1. Pagbati Magandang umaga mga bata! Magandang umaga titser!
Maari po bang magsitayo ang
(Tatayo ang mga mag-
2. Panalangin lahat para sa ating panalangin
aaral para sa panalangin)
Bago natin simulan ang ating
aralin mayroon lamang akong
mga paalala para sa ating
3. Pagsasaayos
online class.
ng klase (Makikinig sa guro)
Mayroon ba tayong liban sa
klase?
4. Pagtatala ng
liban sa klase Wala po
May ibinigay po ba akong
5. Pagwawasto takdang aralin sainyo?
sa Takdang- Wala po
Aralin

6. Balik - Aral Bago tayo magpatuloy sa


panibagong aralin ano ang
huling paksang ating
tinalakay?

Maari mo bang ibahagi Tungkol po to sa Antas


Georgina? ng Lipunan at Katayuan
ng Kababaihan sa
Panahon ng Espanyol

Tama!

Tinalakay natin ang tungkol


sa Antas ng Lipunan at
Katayuan ng Kababaihan sa
Panahon ng Espanyol

Ano- ano kaya ang nagbago Nahati sa iba’t-ibang


sa Antas ng Lipunan sa pangkat/uri ang lipunan
Panahon ng Espanyol? mula sa iba’t-ibang lahi.

Tama!

Sa panahon ng Espanyol
nagkaroon ng pagpapangkat
mula sa iba’t-ibang lahi, dito
namayagpag o nanguna ang
lahi ng mga Espanyol.
Pinanatili nilang nasa
pinakamataas o superyor ang
kanilang uri. Samantalang
ang ibang lahi lalong lalo na
ang mga katutubong Pilipino
ay ay nanatili sa
pinakamababang antas ng
lipunan. Nagkaroon din ng
matinding diskriminasyon sa
pagitan ng iba’t –ibang lahi
kung saan makikita sa ilang
sitwasyon ang pagiging
mapagmataas ng mga lahi ng Opo titser!
Espanyol.

Naunawaan po ba? Nawalan ng


kapangyarihan o
karapatan ang mga
Pagdating naman sa kababaihan na makilahok
katayuan ng mga kababaihan sa mga gawain
sa panahon ng espanyol? panlipunan at iba pa.
Ano-ano ba ang nagbago?

Magaling!

Sa panahon ng espanyol,
nanaig ang patriyarkal na
lipunan kung saan higit na
makapangyarihan ang mga
kalalkihan kumpara sa mga
kababaihan. Nawalan ng
boses at karapatan ang mga
kababaihan dahil sa
paniniwalang hindi nila
kayang gampanan ang mga
mahahalagang posisyon sa
lipunan at pamilya. Opo titser!

Naunawaan po ba ang
talakayan natin tungkol dito?

B. Panlinang na
Gawain

Pagganyak Ngayon bago tayo magsimula Powe


sa panibagong aralin may nt
larawan akong ipapakita. Prese
io

Ano ang nakikita niyo sa Paaralan


larawan? Ano ba ang tawag
sa imprastukurang ito?

Tama!

Punong-Guro, Guro, at
Sino-sino ba ang mga tauhan mag-aaral
na bumubuo sa paaralan?

Magaling!

Ito ay binubuo ng iba’t ibang


miyembro ng paaralan.

Parang kagaya lang ng mga


paaralang naitatag sa
panahon ng Espanyol.
Mayroon rin itong mga guro at
mag-aaral.

2min Paglalahad ng aralin Sa araw na ito, ang aralin na PPT


tatalakayin natin ay tungkol sa
Sistema ng Edukasyon
panahon ng Español

Handa na bang makinig ang Opo titser!


lahat?

30min Pagtalakay

Bago paman dumating ang


mga Espanyol mayroon na
sariling sistema ng edukasyon
ang ating mga ninuno.

Di-pormal na Sistema ng
edukasyonang tawag dito
dahil walang mga
estrukturang pampaaralan at
walang mga propesyunal na
guro ang nagtuturo sa mga
katutubong Pilipino.

Sa pagdating ng Espanyol ito


nagbago.

Edukasyon sa Panahon ng
Espanyol

Isa sa malalaking
pagbabagong naidulot ng
pananakop ng mga Espanyol
ay naranasan sa sistema ng
edukasyon.Ginamit din ito
upang masakop ang isipan ng
mga katutubo.

Nakatuon sa relihiyon ang


edukasyong ipinalaganap ng
mga misyonerong prayle na
lalong nagpatatag ng kanilang
kapangyarihan sa lipunang
kolonyal. Tatlong antas ng
paaralan ang kanilang
ipinatayo: elemetarya,
sekondarya, at unibersidad.

Ang mga misyonero ang


nagsilbing guro sa mga bata
na tinuruang sumulat,
bumilang, at bumasa.
Tinuruan din nila ang mga
Pilipino ng mabuting asal at
pagdarasal. Ang paraan ng
pagtuturo ay sa pamamagitan
ng pagsasaulo. Higit sa lahat,
ginamit ng mga misyonero
ang mga paaralan upang
palaganapin ang
kristyanismo.

Nagpatayo ang mga


misyonero ng paaralan para
sa pagsasanay ng mga guro.
Gayundin, nagpatayo ng
magkakahiwalay na paaralan
para sa mga lalaki at babae.
Ang beatrio ay mga paaralang
itinatag ng mga
kongegasyong relihiyoso para
sa mga anak na babae ng
mayayamang Espanyol. Ang
mga asignaturang tinuro sa
beatrio ay mga gawaing
bahay, pagluluto, pananahi, at
pagbuburda at iba pang
gawaing pambahay.

Colegio de Santa
Potenciana(1591)

Colegio De Sta Isabel (1632)


Colegio De La Concordia
(1868)

Ang unang paaralan naman


na ipinatayo ng mga
misyonero para sa mga lalaki
ang Colegio de San Ignacio
na ipinatayo ng mga Jesuit sa
Maynila noong 1589.

Naitatag din ang escuela pia


na ipinagkatiwala ng
pamahalaan sa mga jesuit. Sa
kalaunan, ito ay tinawag na
Ateneo De Municipal na higit
na kilala sa kasalukuyan
bilang Ateneo De Manila
University.

Itinatag ang Colegio de San


Ildefonso sa Cebu noong
1599 at ang Colegio de San
Jose noong 1601
I

Itinatag ang mga Dominican


ang Unibersidad ng Santo
Tomas noong 1611.

Lalo pang nadagdagan ang


mga paaralan at naging mas
sistematiko ang edukasyon sa
pagpapalabas ng Dekretong
Pang-edukasyon noong 1863.
Itinakda rito ang isang
sistematikong pagtatayo ng
escuela primaria
(primaryschool) sa mga
pueblo. Itinakda rin ng
kautusang ito ang tamang
edad sa pagsisimula ng pag-
aaral at kung ilang taon ang
kanilang maaring magugol sa
pag-aaral

Sa unang tingin, maituturing


na malaking tulong sa mga
katutubong Pilipino ang
pagbabago sa edukasyon.

Subalit ayon sa pagsusuri ng


mga propagandista tulad ni
Jose Rizal, ang sistema ng
edukasyong ipinagkaloob ng
mga espanyol lalo na sa
unang bahagi ng pananakop
nito ay nagdulot ng
kamangmangan sa mga
pilipino dahil bukod sa
kakulangan sa pasilidad at
mga libro lara sa pag aaral
aywala ring motibasyon ang
mga pilipino na makibig at
maniwala sa parehongtaong
nagpahirap at nagsamantala
sa kanila.

10min C. Panglinang na Para malaman kung talagang


kasanayan may natutunan kayo sa ating
aralin may aktibiti tayong
gagawin.
Opo titser!
Handa na po ba ang lahat? Panuto: Gamit ang Venn
Diagram paghambingin
ang sistema ng
edukasyon ng ating mga
ninuno at sistema ng
edukasyon sa panahon
ng espanyol.

Sistema
Sistema ng
ng
Edukasyo edukasyon
n sa sa panahon
Panahon ng
ng Ninuno
espanyol.

5min D. Indibidwal na Ngayon para mas maunawan


Pags asanay niyo ang paksang ating t
inalakay. May ibibigay akong
karagdagang Gawain.

Handa na ba ang lahat? Opo titser!

Natutuhan niyo na may


tatlong antas ng pag-aaral
tungo sa pagtatayo ng
matagumpay na edukasyon.
Ngayon pa lang ay
nangangarap ka nang maging
guro, doctor, abogado, atbp.
Nasa unang hakbangan ka pa
lang ng pag-aaral at marami
pang taon ang magdaraan Anu-ano ang nararapat
mong gawin?

Sumulat ng mga
pansariling pangako.
Pagkatapos ay ibahagi sa
klase.
Ang Aking mga
Pangako
5 E. Paglalahat Naunawaan ba ang ating Opo titser! PPT
talakayan?

Muli ano ulit ang paksang Tungkol sa sistema ng


ating tinalakay? edukasyon sa Panahon
ng Espanyol.
Tama!

Ano-ano ba ang nagbago sa


sistema ng edukasyon sa
pagdating ng espanyol?
Magaling!

Tama!

Sa araling ito, nalaman natin Nagkaroon ng Paaralan


na ang mga espanyol pala at mga gurong misyonero
ang nagpakilala sa atin ng
primarya, sekundarya at
uniberisidad na paaralan.
Dahil din sa kanila nagkaroon
ng pormal na edukasyon ang
mga Pilipino. Naitatag din ang
iba’t ibang paaralan sa iba’t
ibang bahagi ng Pilipinas
lalong lalo na sa ka
Maynilaan.

Ang pagbabago sa sistema


ng edukasyon ay maituturing
na malaking tulong sa mga
Pilipino dahil maraming
Pilipino ang naturuan ng iba’t
ibang kasanayan. Ngunit kung
ating susuriin isa lamang ang
edukasyon sa paraan na
kanilang ginamit upang mas
makontrol at mapasailalim ng
kanilang kapangyarihan at
pamamahala ang mga
Pilipino.

Opo!
Naunawaan po ba?
Tama!

. Dahil ito ay bahagi nan


gating kultura at
Bakit kaya mahalagang makakatulong ito sa atin
malaman natin ito? para maunawaan ang
sistema ng edukasyon na
ginagamit natin sa
kasalukuyan

Magaling!

Mahalagang maunawaan
natin ito dahil maaari nating
matrace kung ano yung
pinagmulan ng sistema ng
edukasyon na ginagamit natin
sa kasalukuyan.

Magaling!

Naunawaan po ba ang
paksang ating tinalakay?

Ngayon handa na ba ang


lahat para sa pagsusulit?

IV. PAGTATAYA (5 minutes)

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat bilang.


Colegio De San Ignacio Beatrio Misyonero Colegio de San Jose

Unibersidad Inhenyero Bahay Pampaaralan

1. Tatlong antas ng paaralan ang ipinatayo ng Espanyol ito ay ang


elemetarya, sekondarya, at ________.
2. Ang unang paaralan na ipinatayo ng mga misyonero para sa mga lalaki
ay ang ___________ na ipinatayo ng mga Jesuit sa Maynila noong 1589
3. Ang ________ay mga paaralang itinatag ng mga kongegasyong
relihiyoso para sa mga anak na babae ng mayayamang Espanyol.
4. Ang mga _______ang nagsilbing guro sa mga bata na tinuruang
sumulat, bumilang, at bumasa.
5. Ang mga asignaturang tinuro sa beatrio ay mga gawaing ______.

.
V. TAKDANG ARALIN
Sagutan ang nasa pahina 232 ng inyong aklat “PAGSASANAY”. Isulat ang
inyong sagot sa kwaderno.

VI. REMARKS

VII. REPLEKSYON

Inihanda ni by:

MA. THERESA P. ACABADO


Pre-Service Teacher

You might also like