Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

Date: ______________________
I. Layunin:
 Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad ng sariling
karanasan.
II. Paksang-Aralin:
Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng Panghalip sa Usapan at Paglalahad ng Sariling
Karanasan.
III. Mga Kagamitan:
Kartolina, pentel pen, tape
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide in Filipino
MELC
Internet
IV. Pamamaraan:
A. Pagganyak:
Ano-ano ang mga naganap na pangyayari sa iyo bago ka pumasok sa paaralan?
Ibahagi ang karanasan.
B. Gawin Natin:
a. Aling bahagi ng binasa mong talambuhay ang maiuugnay mo sa sarili mong
karanasan? Ibahagi sa klase ang kasagutan.

C. Gawin Ninyo:
Sumulat ng isang maikling talata kung paano mo maipapakita ang iyong
pagmamahal sa ating bansa gamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip.
Salungguhitan ang mga ginamit na panghalip at humanda sa pagbabahagi nang
natapos na gawain.

D. Paglalahat:
Iba’t-ibang uri ng panghalip.
1. Panghalip Panao
Ito ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong
pinag-uusapan.
Halimbawa: ako, ikaw, kami, tayo
2. Panghalip Panaklaw
Ito ay nagsasaad ng kaisahan, dami o kalahatan ng pangngalan.
Halimbawa: lahat, sinuman, bawat, anuman
3. Panghalip Patulad
Ito ay inihahalili sa itinutulad na bagay.
Halimbawa: ganito, ganoon, ganyan, ganire
4. Panghalip Paari
Ito ay mga panghalip na nagsasaad ng pagmamamy-ari.
Halimbawa: akin, amin, atin.
5. Panghalip Panlunan
Ito ay inihahalili sa mga pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng
pangngalan.
Halimbawa: dito, doon, hayun, heto
6. Panghalip Pananong
Ito ay panghalip na ginagamit sa pagtatanong ng pangngalan. Ito ay maaaring
isahan o maramihan.
Halimbawa: ano, sino-sino, alin saan
V. Pagtataya:
Tukuyin ang panghalip na ginamit sa pangungusap.
1. Kami ay nandito upang magsaliksik at mag-aral.
2. Doon ako magbabakasyon sa pasko.
3. Tayo ay nilikha upang alagaan ang iba pang nilikha ng Diyos.
4. Ito ang ibibigay kong regalo kay Inay.
5. Ayan ang sinasabi kong pelikula na may kapupulutan ng aral.
VI. Takdang-Aralin:
Sumulat ng limang pangungusap na ginagamitan ng iba’t-ibang uri ng panghalip.
Gawin ito sa kuwaderno.

You might also like