Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

limang taon.

limang taon na ang lumipas nang simulan kong yakapin ang mundo ng pagtuturo. Hindi sigurado sa
bawat hakbang, hindi sigurado sa direksiyong patutunguhan. Ngunit dahan-dahan, natutunan kong
mahalin ang ni sa hinagap ko ay magiging simpleng tahanan ko pala. Munting ngiti sa labi ng mga una
kong mag-aaral ang una kong nasilayan nang pumasok ako sa paaralan na aking unang pinagturuan.
Alangan ngunit naroon ang pag-asam at damdaming hindi ko kayang ipaliwanag. balot ng kaba na unti-
unting nawala nang sila sa akin na ay ipakilala. Baitang dalawa- ang kauna-unahan kong mga mag-aaral.
Sa unang pagtatagpo palang ng aming mga mata, naramdaman ko na ang munting saya, naaninag ko na
ang munting pag-asa mula sa kanilang mga mata. “ito na, sana siya na.” hindi ko kayang ipaliwanag kung
bakit ‘yun ang sa akin ay tumatak. Hanggang isang araw, isang lingo, naunawaan ko rin ang kalakip na
mensaheng una kong nasilayan sa kislap ng kanilang mga mata. Ang uhaw hindi lang sa pagkatuto lalo’t
higit sa pag-unawa at pagmamahal ko sa kanila bilang guro. Sa kanila ko tuluyang naunawaan at
natutunan ang tunay na kahulugan ng salitang- GURO. Hindi sa libro o aklat, hindi sa eksam o resitasyon
ko ito natutunan kundi sa mismong harap ng mga batang sabik matuto at makaramdam ng pagmamahal
mula sa ikalawang ina nila sa paaralan. Sa kanila ko nakita ang kahalagahan ng isang guro. Ang
mahalagang papel na dapat gampanan hindi lamang sa apat na sulok ng isang silid-aralan. Ang
obligasyon at responsibilidad na kaakibat ng propesyong aking napili ay hindi pala nagsisimula at
nagtatapos sa silid na iyon…

dalawang taon na simula nang kumalat sa Pilipinas ang corona virus. Sa hindi inaasahang pagkakataon,
nasubok ang marami sa atin kabilang na ang edukasyon ng mga munting nilalang na dati-rati ay eksayted
pumasok sa paaralan ngunit isang araw, biglang nahinto ang lahat sa kani-kanilang tahanan. Isinara ang
lahat ng establisyemento kabilang na ang ating paaralan. Paano na? hindi ang aking trabaho kundi ang
kanilang pagkatuto? Sila ba ay hihinto? Titingala sa langit at maghihintay ng himala kung kalian muling
bubukas ang eskuwelahan para sa kanila? Maraming tanong na kayhirap bigyan ng kasagutan. Patunay na
hindi lahat ay alam ng isang gurong tulad ko. Muli, naramdaman ko ang pag-aalinlangan at takot noong
ako ay magsisimula palang sa pagtuturo. Kung noon, hindi ko alam paano magsimula, sa pagdating ng
pandemya, hindi ko ulit alam paano magsisimula. Hindi maaaring pumunta ang mga bata para matuto at
makinig sa tulad ko. Hindi gaya ng nakasanayan, walang guro ang tatayo sa kanilang harapan para
magbigay ng leksiyon. Walang magagalit, walang mag-uutos, walang magtatanong, walang magtuturo.
Sino ang gagawa ng lahat ng ito gayong sarado ang eskuwelahan?

You might also like