Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Senior High School

Baitang 11

Filipino: Unang Semestre


MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Kwarter - Unang Linggo (Aralin 1)

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

KATTIE C. TAGUD RHYNE MAE S. GALES

MARITES C. CAPILITAN, Ph. D.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Mga Konseptong Pangwika
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino

Writers: Ma. Lulubel C. Claro, Ruel Casipe Jr., Kattie C. Tagud,


Rhyne Mae S. Gales, Joseph P. Cagcon, Ma. Tita E. Cadavos

Illustrators: Roel Palmaira, Precious E. Garcia


[

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rhyne Mae S. Gales

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Gilanes June C. Cagbay

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-86);
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang kaalaman sa
modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga dalubhasa
mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito
upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mga mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa malayang


pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay na mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa
kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin
nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang
nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
Mga Konseptong Pangwika
Kumusta ka kaibigan?

Binabati kita dahil ikaw ay nasa unang taon ng Senior High School.
Bagong kapaligiran, bagong mga kaibigan at bagong hamon sa buhay
estudyante. Pero alam kong kaya mo itong harapin lahat. Dagdagan pa natin
ang mga natutuhan mo sa Junior High School.
Ang modyul na ito ay inihanda upang iyong mapag-aralan ang wika na
nagsisilbing behikulo o tagapaghatid ng diwa, kaisipan at damdamin upang
magkaunawaan sapagkat ang wika ay pinakamahalagang salik sa
pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang tahanan, paaralan, pamayanan, at
lipunan.

Kaya sa bahaging ito talakayin natin ang mga sumusunod na kompetensi:

• natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


(F11PT – Ia – 85);
• naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood
na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at
telebisyon (F11PN – Ia – 86)
• naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan (F11PD – Ib – 86); at
• nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30).

Upang lalong malaman ang mga inaasahang matamo sa araling ito, narito
ang mga tiyak na layunin:

• nakikilala ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag;


• natutukoy ang kawastuhan o kamalian ng mga pahayag batay sa binasa; at
• nabubuo ang timeline ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na
nagbigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa.

Handa ka na ba? Halika’t ating sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Nabubuo ba ang araw mo na hindi nakikipag-usap?


Sa silid-aralan, paano nabubuo ang araw ninyo? Kanino ka
nawiwiling making? Kanino ka komportableng nagbabahagi ng iyong
nararamdaman?

1
Gaano kahalaga ang nagaganap na usapan sa mga nangyayaring pakikipagtalastasan?
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Batay sa inyong mga sagot, nag-aalangan ka bang makipag-usap sa iba?
Ano-ano kaya ang mga mangyayari kung walang namamagitan na wika sa bawat
isa?
Wika ang behikulo para pag-ugnayin ang bawat tao. Malaki ang gampanin ng
wika sa daloy ng komunikasyon ng mga tao sa kanilang tahanan, paaralan,
pamayanan at lipunan.
Panuto: Upang lalong maunawaan ang konseptong ito, sa tulong ng concept map,
isulat ang mga katangian o kahulugan ng wika. Kopyahin ang concept map
at sagutin ito sa papel.

A. Ano nga ba ang wika?

WIKA

B. Panuto: Gumuhit ng hugis puso ( ) sa unahan ng bilang kung tama ang


ipinapaliwanag ng pangungusap. Gumuhit naman ng bituin ( ) kung
mali ito.

______1. Ang konsepto sa ugnayang wika at kultura ay nananatili pa ring


malabo.
______2. Wikang Tagalog ang pinagbatayan ng wikang pambansa.
______3. Ang bawat wika ay may masistemang balangkas na sinusunod.
______4. Dinamiko ang wika dahil sa patuloy itong nagbabago.
______5. Ang anyong pasalita ng wika ay may katumbas na anyong pasulat.
______6. Nararapat na iisa lamang ang wikang opisyal at wikang pambansa ng
bansang Pilipinas.
2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
_____7. Namamatay ang wika kapag pumanaw na ang gumagamit nito.
_____8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang wikang pambansa ng Pilipinas.
_____9. Instrumento ang wika sa pagtamo ng mga mithiin sa buhay.
_____10. Ang wika ay binubuo ng mga tunog at sagisag na binibigkas.

A. Basahin at Unawain
Panuto: Basahin at unawain ang susunod na paliwanag tungkol sa wika.

Ang Wika

Wika ang naging instrumento ng komunikasyon. Ang pinagsamang mga


tunog, katumbas na simbolo at natural na tuntunin ay nalilikha ang mga salitang
nagtataglay ng kaisipan at kahulugan. Pasalita man o pasulat, naging pahatiran ang
wika sa maraming bagay gaya ng pabibigay ng ideya, saloobin, kautusan, tuntunin,
impormasyon at ang mga pahayag na tumatagos sa diwa at damdamin ng bawat
tao.

Ang wika bilang salita ay halaw sa salitang Latin na lingua na


nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ang salitang Pranses na langue
na nangangahulugang dila at wika ay dito nagmula. Nang tumagal, naging language
na katumbas ng “lengguwahe” sa wikang Ingles. Halos magkapareho ang kahulugan
ng mga salitang “wika” at “dila” sa maraming wika sa mundo. Marahil, ito ang dahilan
ng pagkakaugnay ng “dila” sa pasalitang pagbigkas na nakalilikha ng iba’t ibang
tunog sa pamamagitan ng paiba-ibang posisyon nito. Tahasang masasabi na ang
wika ay mga sinasalitang tunog o vocal symbol na ginagamit ng mga taong
kapangkat sa isang maituturing na pamayanan sa kanilang pakikipag-ugnayan sa
bawat isa.

Ang mga linggwista o mga dalubhasa sa wika ay may nabuong


pagpapakahulugan din sa salitang wika. Tunghayan ang iba’t ibang
pagpapakahulugan:

• Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay likas sa tao na kanyang ginagamit sa
pagbabahagi ng mga kaisipan, nararamdaman at kagustuhan sa makataong
pamamaraan.

• Sinabi ni Caroll (1964) na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo at ginagamit ng isang lipunan. Bunga ito ng dahan-dahang paglinang
sa loob ng maraming dantaon subalit nagbabago sa pagdaan ng bawat
henerasyon sa natatanging panahon ng kasaysayan.

3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
• Sa umiiral na komunikasyon ayon kay Todd (1987), ang wika ay isang set o
kabuuan ng mga sagisag ng binibigkas na tunog at may pasulat na katumbas.
Ang mga sagisag at tunog ay nasa katangiang arbitraryo at may sistemang
sinusunod.

• Ayon naman kay Bram, nakabalangkas sa wika ang masistemang tunog na


binibigkas at mga simbolo na arbitraryong napili ng mga naunang tao at sa
pamamagitan nito’y nagaganap ang pakikisalamuha ng bawat isa sa isang
maituturing na pangkat ng tao.

• Ayon kay Lachica (1993) taglay ng wika ang mga tanda o simbolo
nagkakaroon ng saysay ayon sa gumagamit nito. Tinutukoy na mga tanda o
simbolo ay ang mga salita, numero, litrato, guhit o mga hugis na
representasyon ng isang konsepto, ideya o bagay.

• Ang wika ay para sa tao ayon kay Archibald Hill. Sinisimbolo ng wika ang
nangunguna at tiyak gawaing pantao.

• Ayon kay Henry Gleason, ang wika binubuo ng masistemang balangkas ng


mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa pamamaraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

• Masistema ang wika ayon kay Brown (1980) na nagtataglay ng set ng


simbolong arbitraryo, pasalita, nagagamit sa isang kultura, pantao at
matutunan ng lahat ng taong kapangkat sa lipunan.

Katangian ng Wika
Ang wika bilang instrumento ng komunikasyon ay may katangian at ito ay
totoo sa lahat ng wika sa daigdig. Tunghayan sa mga sumusunod ang katangian ng
mga wika:
1. May masistemang balangkas.
Nakasalig tuntuning panggramatika ang isang wika bago pa man ito
nagagamit sa pakikipagkomunikasyon.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Likas sa tao ang paglikha ng tunog na mabubuo bilang ganap na wika. May
aparato at mga salik sa katawan ng tao na nakakalikha ng mga tunog sa
pagsasalita.
3. Ito ay arbitraryo.
May mga nakagisnang katawagan na sa mga bagay-bagay sa paligid. Mga
katawagang walang tiyak na batayan at gawa-gawa ng mga sinaunang tao.
Ang bawat lalawigan halimbawa ay may kanya-kanyang katawagan sa mga
bagay-bagay sa kanilang paligid. Magkapareho man ang bagay na tinutukoy,
nagkakaiba lamang sa katawagan sa naturang bagay.

4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Halimbawa:
Ang salitang rice sa Ingles, ay arroz sa Kastila, bugas sa Bisaya,
bigas sa Tagalog, at abyas sa Kapampangan.
4. Nakabatay ito sa kultura.
Salamin ng wika ang kultura. Ang bawat uri ng kultura na maaaring
nahahawakan o di nahahawakan ay may katumbas na kataga na maaring
bigkasin o isulat. Ang katagang ito ay may natatanging gamit, halaga at
pagkakakilanlan sa partikular na pangkat ng tao. Samakatuwid, ang wika ay
nagiging daluyan at imbakan ng kultura.

Maraming itinutumbas ang mga Pinoy sa rice ng mga Amerikano. May


palay, bigas at kanin. Maari pang idagdag dito ang binhi, punla, malagkit,
sinuman, nilugaw at iba pa na ayon sa ginagawa niya sa rice na tawag
lamang ng mga Amerikano
5. Ang wika ay dinamiko --- namamatay, nabubuhay.
Ang wikang buhay ay umuunlad kapag patuloy na ginagamit. Kailan man ay
hindi ito static o walang pag-unlad. Ang wika ay namamatay kapag hindi na
ginagamit sa maraming henerasyon. Isang katotohanan na may mga salita na
unti-unting namamamatay sapagkat hindi na nagagamit sa
pakikipagtalastasan at sa pagdaan ng panahon ay nababaon na sa limot. Sa
kabilang banda, may mga nabubuhay na mga salita na madalas dala ng
makabagong teknolohiya, imbensyon, globalisasyon at midya.
6. Ito ay midyum sa komunikasyon.
Sinasabi nina Alcaraz et al. (2005) ayon kay Otanes (1990), na ang wika ay
kasangkapan sa pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa. Ayon naman
kay Swanson (1976), tulay ang wika upang maghatid, magtanggap at mag-
unawa ng mensahe o teksto.
7. Ito ay makapangyarihan.
Nailalabas ng wika ang iba’t ibang emosyong positibo ay negatibo,
napapayaman ang diwa, nabubuksan ang kinikimkim ng puso at
napapagalaw ang tao.
8. May pulitika ang wika.
Nababahiran din ng isyu ang wika katulad ng mga pagpili ng wikang
pambansa, mga panukalang batas tungkol sa wika, implementasyon ng
paggamit ng wika sa akademya at sa mga transaksyon ng pamahalaan.
Tinukoy ni Almario (1997) ang pulitika sa wika sa panahong kinikilala ang
wikang pambansa at sa pagsulong ng isang komon na wika sa buong
kapuluan. Naisali rin ang isyu sa pagitan ng mga puristang Tagalog laban sa
hindi Tagalog.

5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
9. Walang wikang Superyor
Lahat ng wika ay may halaga at may gamit sa isang lipunan. Walang wikang
nakalalamang at higit na kapuri-puri sa lahat. Halimbawa na lamang sa Ingles
na tinuturing na unibersal na wika. Kailanman ay hindi maituturing na
nakakaangat sa lahat dahil hindi ito ang batayan ng karunungan at
katalinuhan sa mundo.

Ang Wikang Pambansa


Ang wikang buhay kapag ginagamit ay lalong yumayabong at umuunlad sa
paglipas ng panahon. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dumaan sa proseso ng
paglilinang sa tulong ng mga katutubong wika at sa wikang maituturing na banyaga.
Nakaambag din sa proseso ang pag-unlad ng iba’t ibang barayti ng wika, bilang ng
taong nagsasalita, iba’t ibang sanligang sosyal, naging paksa ng talakayan at mga
pang-iskolar na pagdinig.
Art. XIV, Sek. 3 ng S. B. (1935)
“… ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Ito’y batay
sa Tagalog {Kautusang tagapagpaganap Blg. 134 (1937)}

Art. XIV, Sek. 6 ng S.B. (1987)


“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.

Kautusang Pangkagawaran Blg 7, s. 1959


Nilagdaan ni Kalihim Jose F. Romero at itinatagubilin na kailanma’t tutukuyin
ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ang siyang gagamitin.

Sinuportahan ng dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino


sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988.
Ito ay “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamalahaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para
sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya.”

Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Ang opisyal na wika ay isang lenggwahe na napagkalooban ng natatanging


pagkilala ng saligang batas ng isang bansa, estado at ng isang teritoryo. Ito ang
wikang ginagamit sa lehislatibong mga kagawaran ng bansa, bagama't ninanais din
ng batas sa maraming bansa na masalin ang mga dokumento ng pamahalaan sa
ibang wika, nangangahulugan, ang wikang ginagamit sa anumang uri ng

6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
komunikasyon, lalo na sa anyong pasulat sa mga transaksyon ng alinmang sangay
ng pamahalaan sa loob at labas ng bansa.

Artikulo XIV, Sek. 7 ng SB 1987


“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles”.Ang
mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at
opsiyonal ang Kastila at Arabik.

Ang wikang panturo naman ay lenggwahe na ginagamit sa sistemang pang-


edukasyon sa bansa. Ito ang wikang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo at
pagkatuto ng mga mag-aaral at ang wikang ginagamit sa mga paglilimbag ng mga
aklat at iba pang mga kagamitang panturo sa silid-aralan.

Ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Sek. 6 (1987) ang paggamit sa Filipino


bilang wikang panturo.

…“alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng


Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Sa pangkalahatan, ang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang


panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o
unang wika ng mga mag-aaral batay sa kinalakihang lugar ay naging opisyal na
wikang panturo mula Kindergaten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko
at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-
MLE).

Sinabi ng dating DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, na malaki ang
gampanin ng wikang natutunan sa tahanan sa pag-unlad ng wika at kaisipan ng mga
mag-aaral sa unang mga baitang ng pag-aaral. Pinatitibay nito ang kamalayang
sosyal ng mga mag-aaral.

Pinatutuhan ito ng mga lokal at internasyonal na pananaliksik patungkol sa


paggamit ng kinagisnang wika sa unang mga taon ng pag-aaral. Napatunayang ang
wikang kinagisnan ay nakalilinang sa mga mag-aaral na mabilis na matuto at
umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika.

Sa unang mga taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay itinadhana ng DepEd ang


labindalawang lokal o panrehiyong wika at diyalekto para magamit ang MTB-MLE.
Subalit sa taong 2013 ay nadagdagan pa ito ng pito kaya’t labinsiyam na wika at
diyalekto na ang ginagamit tulad ng mga sumusunod: Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Iloko, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan,

7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Maranaw, Chavacano, Ybang, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at
Surigaonon. Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: (1)
bilang hiwalay na asignatura; at (2) bilang wikang panturo.

Gagamitin at ituturo pa rin ang wikang Filipino at Ingles sa mga paaralan.


Pasalitang pagpapahayag ang magiging tuon sa kindergarten at unang baitang. Sa
ikalawa hanggang ikaanim na baitang naman ay bibigyang-diin ang mga makrong
kasanayan sa wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Sa mas
mataas na baitang, Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o
medium of instruction.
B. Pag-isipan
Gawain A
Panuto: Batay sa mga natutuhan na kahulugan ng wika ayon sa mga dalubwika,
magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng wika sa pamamagitan ng
pagguhit ng simbolo sa bawat letra sa ibaba at ipaliwanag kung bakit ito
ang napili mong simbolo. Ang unang kolum ay ginawa upang maging iyong
gabay.

W I K A

Simbolo Simbolo Simbolo Simbolo

Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag:

Ang watawat ay
nagpapakita ng
pagkakakilanlan ng
isang bansa
kagaya ng wika ito
ay nagsasaad ng
bansang
pinagmulan.

8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Gawain B
Panuto: Suriin ang mga konseptong pangwika na tinalakay. Punan ng mga angkop
na impormasyon ang graphic organizer sa ibaba.

Kahulugan, Kabuluhan at
MM
kung saan ginagamit ang
mga Konseptong Pangwika

Wikang Pambansa Wikang Opisyal Wikang Panturo

Gawain C
Panuto: Pag-aralan at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Alinsunod sa itinadhana ng Saligang Batas, ano-ano naman ang ating mga
opisyal na wika at wikang pampagtuturo?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang MTB-MLE? Paano ito makatulong sa mga mag-aaral sa mga unang taon
ng pagpasok nila sa paaralan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Naniniwala ka ba na mas epektibo ang paggamit ng wikang kinagisnan sa
pagtuturo? Magbigay ng mga patunay.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Sa hinaharap, anong unang wika ang imumulat mo sa iyong magiging anak o mga
anak, ang wika bang umiiral sa inyong lugar o ang wikang Ingles? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Gawain A.
Panuto: Iugnay ang mga natutuhang konseptong pangwika sa iyong sariling
kaalaman, pananaw at mga karanasan sa pamamagitang ng pagsasagawa
ng mga sumusunod:

Ibigay ang inyong pananaw mula sa mga siping ito:

a. “We should become trilingual as a country. Learn English well and


connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain
your dialect and connect to your heritage.”
-Pres. Benigno Aquino III
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
b. ‟If the communications are easily understood, regulatory offices and
nongovernment watch groups will be able to follow the information and
participate promptly and more effectively. In using plain language, we will be
able to communicate information to a broader range of recipients in terms of
educational capacity. We will be able to reach out to more people inside and
outside of the government.”
-Senator Miriam Defensor-Santiago
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Gawain B.
1. Opinyon mo, I-post mo! (50 puntos)
Panuto: Kunwari ang larawan sa ibaba ay iyong Facebook Account. Bumuo ng
isang facebook post na hihikayat sa iba lalo na sa mga kapwa mo kabataan
upang gamitin, ipagmalaki, at mahalin ang ating pambansang wika.

2. Poster mo, I-post mo! (50 puntos)


Panuto: Pumili ng isang tema at gumawa ng poster. Maging malikhain sa paggawa
nito. Ilagay sa ito sa bondpaper.
a. Wika sa Lipunan sa Kasalukuyang Panahon
b. Kalagayan ng Wikang Pambansa bilang Wikang Opisyal
c. Ang Kahalagahan ng Wika sa Panahon ng Pandemya

10
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Rubrik sa Pagmamarka ng Poster
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Kalinawan Malinaw na naipakikita ang temang napili 25
Orihinalidad Orihinal ang kahulugang ibinigay 15
Pagkamalikhain Malikhain/nakaaakit ang disenyo ng poster 10
Kabuuan 50
Kahulugan ng puntos:
50 – 41 Napakahusay ang paggawa ng poster
40 – 31 Mahusay ang paggawa ng poster
30 – 21 Mahusay-husay ang paggawa ng poster
20 pababa - Hindi gaanong mahusay ang paggawa ng poster

Binabati kita at narating mo ang bahaging ito. Dito susubukin ang iyong mga
natutuhan sa ating aralin.
Gawain A.
Panuto: Kilalanin ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang sagot
sa linya.
________________ 1. Dalubhasa sa wika na naniniwala na matatagpuan sa wika
ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan
ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay
maaring salita, bilang, guhit, larawan o anumang hugis na
kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay.
________________ 2. Naniniwala naman ang dalubhasang ito na ang wika ay
sistematiko, may set ng simbolong arbitraryo, pasalita,
nagaganap sa isang kultura, para sa tao at dapat matamo ng
lahat ng tao.
________________ 3. Ang kautusan ang nilagdaan ni Kalihim Jose F. Romero at
itinatagubilin na kailanma’t tutukuyin ang wikang pambansa,
ang salitang Pilipino ang siyang gagamitin.
________________ 4. Saan ibinatay ang wikang pambansa ng Pilipinas noong
1935?
________________ 5. Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

11
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
________________ 6. Ang bilang ng mga wika at diyalektong pinangalanan ng
DepEd upang gamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral mula
kindergarten hanggang grade 3 noong 2013?
________________ 7. Siya ang Kalihim ng DepEd na nagunguna sa pagtataguyod
ng mga pagbabagong dala ng K to 12 kurikulum.
________________ 8. Ayon sa kanya, ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na
anyo ng simbolikong gawaing pantao. Malinaw na tinukoy sa
pagpapakahulugan na ang wika ay pantao.
________________ 9. Ito ang Atas Tagapagpaganap na naglalayong magamit ang
Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya sa pamahalaan.
________________ 10. Katangian ng wika na nagpapatunay na mayaman sa salita
ang mga Pilipino. Kaya, umusbong at patuloy na
ipinapanganak ang ilang katawagan at barayti ng wika na
maituturing na buhay na buhay na minsan naman ay
namamatay kapag walang tagatangkilik.

Gawain B.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat
ang salitang TAMA sa linya. Kung mali naman, isulat sa linya ang salitang
magpapatama sa pahayag.
________________ 1. Itinatadhan ng Saligang Batas ng 1987 na ang wikang
opisyal Pilipinas ay Filipino lamang.
________________ 2. Itinuturing na pantulong na wikang opisyal at pantulong na
wikang panturo ang mga wikang panrehiyon alinsunod pa rin
sa Saligang Batas ng 1987.
________________ 3. Sa K to 12 Kurikulum, ang gagamiting wikang panturo sa
(mga paaralan) mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong
baitang ay ang unang wika o kinagisnang wika ng mga bata.
________________ 4. Hindi na gagamitin at ituturo sa mga mag-aaral sa kinder
hanggang ikatlong baitang ang mga wikang Filipino at Ingles.
________________ 5. Ang mga wika at diyalektong kabilang sa MTB-MLE ay
gagamitin sa dalawang paraan: bilang hiwalay na asignatura
at bilang wikang panturo.

12
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)
Gawain C.
Panuto: Buuin ang timeline ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
nagbigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa.
Punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayari. Gawing gabay ang
mga petsang nakatala sa bawat kahon.

Magaling! Binabati kita sa iyong pagsagot. Ipagpatuloy ang iyong mabuting


gawain sa susunod na aralin.

13
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85); Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (F11PN-Ia-
86); Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86); Nagagamit ang
kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30)

You might also like