Professional Documents
Culture Documents
Modyul V - Aralin I-Vi
Modyul V - Aralin I-Vi
Mga Paksa:
a. Si Dr. Rizal at La liga Filipina
b. Buhay sa Dapitan, Mindanao sa loob ng apat na taon
c. Si Dr. Rizal at pagkakasangkot niya sa kilusang Katipunan
d. Ang paglilitis kay Dr. Rizal
e. Mga huling sandali ni Dr. Rizal
f. Ang labi ni Dr. Rizal makaraan ang pagbitay at ang kanyang bantayog
g. Mga naidulot na epekto ng kamatayan ni Dr. Rizal sa bansa at sa rebolusyon
pangkalayaan
1. Anu-ano ng dahilan ni Dr. Rizal kung bakit niya ninasa na muling bumalik sa
Pilipinas?
2. Sa anong mga kadahilanan nakabatay ang pagpapatapon kay Dr. Rizal sa
Dapitan?
3. Ilarawan ang naging pamumuhay ni Dr. Rizal sa Dapitan.
4. Ano ang mga mahahalagang kaganapan sa paglilitis kay Dr. Rizal?
5. Mayroon bang naging epekto ang kamatayan ni Dr. Rizal sa ating bansa?
Ipaliwanag.
Aralin I
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Kung sakaling anyayahan ka ni Dr. Rizal na maging kasapi ng La Liga Filipina,
pauunlakan mo ba ang kaniyang paanyaya? Bakit?
______________________________________________________________________

_________________________________________________________________
2. Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ni Dr. Rizal, pipiliin mo pa rin bang umuwi sa
Pilipinas sa kabila ng maraming banta na naghihintay sa iyo sa iyong pagbabalik?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Aralin II
Buhay sa Dapitan, Mindanao sa Loob ng Apat na Taon
Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang naging buhay ni Dr. Rizal sa Dapitan
sa kaniyang pagkakatapon sa nasabing lugar. Bibigyang-pansin din ang kahalagahan
ng kaniyang mga ginawa sa Dapitan.
Gawain 1
Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
__________1. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na naging asawa niya.
__________2. Sa kanyang tahanan tumuloy si Dr. Rizal nang siya’y makarating sa
Dapitan.
__________3. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na alay niya sa mga taong nakatira sa
nabanggit na lugar.
__________4. Ito ang tulang nilikha ni Rizal na tungkol sa kaniyang buhay sa Dapitan.
__________5. Isang species ng butiki na natuklasan ni Dr. Rizal sa Dapitan.
Gawain 2
Batay sa inyong naunawaan sa aralin, isulat ang mahahalagang ambag ni Dr. Rizal sa
Dapitan sa mga sumusunod na larangan.
Agham
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________
Medisina

Panitikan

Edukasyon

Aralin III
Si Dr. Rizal at ang Pagkakasangkot niya sa Kilusang Katipunan
Tatalakayin sa araling ito ang mga kaganapan na nagbigay daan sa
pagkakasangkot ni Dr. Rizal sa kilusang Katipunan o ang KKK ANB.
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
2. Ano ang balak ni Dr. Rizal sa Cuba? Bakit niya gustong pumunta sa bansang
iyon?
_______________________________________________________________

Aralin IV
Ang Paglilitis kay Dr. Rizal
Sa araling ito ay iyong matutunghayan ang isinagawang paglilitis kay Dr. Jose
Rizal. Ang panggigipit ng mga Kastila kay Dr. Rizal na kailanma’y ‘di niya ninasang
talikuran at kakitaan ng karuwagan. At ang mga detalyeng may kinalaman sa
nalalabing araw niya sa mundo.
Ang resulta ng imbestigasyon ay ipinarating agad kay Dr. Rizal at siya ay pinapili
ng isang abogado na magtatanggol sa kaniya. Napili niya si Teniente Luis Taviel de
Andrade. Sa loob ng kanyang selda ay binasa ni Andrade na kanyang abogado ang
kasong kinakaharap ni Dr. Rizal. Mga kaso tulad ng sedisyon, at ilegal na pagtatatag ng
isang samahan na di umano’y may balak pabagsakin ang pamahalaang Kastila at
Simbahang Katoliko.
Ang susunod na pagliiltis ay nakaiskedyul sa Disyembre 26, alinsunod kay Hen.
Camilo Polavieja, ang pumalit kay Hen. Blanco. Si Sr. Enrique de Alcocer y de
vaamonde ang itinakdang mag-uusig at maghaharap kay Rizal sa lupon at syang
babasa ng buod ng kaso at magiging sentensya nito.
Maayos na ipinahayag ni Ten. De Andrade ang kaniyang talumpati upang
ipagtanggol ang kaniyang kliyente na si Dr. Rizal. Sa abot ng kaniyang makakaya ay
pinagsikapan niyang mapatunayan na walang kasalanan si Dr. Rizal. Sa kasamaang
palad, hindi nabigyan ng matuwid na paghatol si Dr. Rizal, may sentensya na para sa
kaniya bago pa maganap ang paglilitis. Sa madaling salita, isang huwad na paghatol
ang naganap, isang palabas lang ang paglilitis na nangyari. Hindi man lang siya
nabigyan ng pagkakataong maiharap ang testigo laban sa mga paratang sa kanya.
Binigyan siya ng pagkakataong mailahad ang kaniyang katuwiran ngunit nagbingi-
bingihan lamang ang mga hukom.
Lumabas din agad ang hatol sa kaniya. Pinagtibay ni Gob. Hen. Polavieja ang
hatol na parusang kamatayan. Nakatakda ang pagbibitay sa Disyembre 30 na
gaganapin sa Bagumbayan, Maynila kung saan maraming tao ang makakasaksi sa
pagbitay sapagkat maraming namamasyal sa pook na iyon.
Gawain 1
Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
__________1. Siya ang nagsilbing manananggol o abogado ni Dr. Rizal
__________2. Pinagtibay niya ang hatol na parusang kamatayan kay Dr. Rizal
__________3. Sa lugar na ito gaganapin ang pagbitay kay Dr. Rizal
__________4. Ito ang bilang ng mga araw kung kailan tumagal ang imbestigasyon kay
Dr. Rizal
__________5. Siya ang itinakdang mang-uusig at maghaharap ng mga buod ng kaso
sa paglilitis kay Dr. Rizal.
Gawain 2
Sagutin ng buong husay ang mga sumusunod na katanungan.
1. Naging patas ba ang hatol ng hukom kay Dr. Rizal sa kaniyang paglilitis? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Sa kasalukuyang panahon, may alam ka bang isyu sa ating bansa na may kinalaman
sa ‘di pantay na pagtingin ng batas o inhustisya sa isang tao? Ano ito? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Aralin V
Mga huling Sandali ni Dr. Rizal
Sa araling ito tatalakayin ang mga kaganapan sa huling sandali ng Buhay ni Dr.
Rizal bago ang pagsasakatuparan ng itinakdang paarusang Kamatayan.
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
3. Anu-ano ang mga pakiwari mong mga karapatan ng isang akusado o nasasakdal na
hindi na ipinag-kaloob kay Dr. Rizal?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Aralin VI
Ang Labi ni Dr. Rizal Makaraan ang Pagbitay at ang Kanyang Bantayog
Sa araling ito, tatalakayin ang iba pang mga kaganapan matapos mamatay si Dr.
Rizal mula sa hatol ng inhustisya. Mga kaganapang may kinalaman sa mga pangyayari
sa kaniyang labi ang pagtutuunan ng pansin.
1. Naipaliliwanag ang mga kaganapan matapos ang naging pagbitay kay Dr.
Rizal;
2. Natatalakay ang mga di makataong sinapit ng labi ni Dr. Rizal; at
3. Nasusuri ang kahalagahan ng kanyang bantayog sa iba’t ibang panig ng
mundo.
Agosto 17, 1898 – naipalibing ng pamilya Rizal ang bangkay ni Dr. Rizal sa
disenteng pamamaraan. Nang kukunin ang bangkay niya sa sementeryo sa Paco,
napag-alamang inilibing si Dr. Rizal ng walang kabaong at tila hinagis ang kanyang
bangkay na pabaliktad. Natagpuan nila itong buto na agad at inilagak sa tahanan ng
kanyang ina.
Ang kaniyang pangalan ay isinama sa mga binitay noong Enero 11, 1897
kasama ang tatlo pang miyembro ng La Liga Filipina. Hanggang sa kamatayan ay
binalot nila sa kasinungalingan si Dr. Rizal.
Disyembre 30, 1912 – ang bangkay
ni Dr. Rizal ay inilipat sa Bagumbayan
kung saan sya binaril. Dito siya pormal na
inalayan ng bantayog dahil sa kaniyang
kabayanihan. Ang kaniyang buto ay nasa
loob ng monumento na idinisenyo ni
Richard Kissling. Ang disenyo ng
monument ni Kissling ang siyang nagwagi
sa patimpalak ng mga arkitekto na gagawa
ng monumento ni Dr. Rizal, ito rin ang naging opisyal na disenyo ng mga matatayog na
monumento ni Rizal sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang Iniwang Bakas ni Dr. Rizal
Mula sa pagkamulat ni Dr. Rizal hanggang sa kaniyang kamatayan ay natikman
niya ang bagsik ng hustisya sa kaniyang bayan mula sa kamay ng mga mananakop.
Hindi batid ng mga Kastila na may kapalit ang kanilang ginawa. Sunod-sunod na mga
pag-aalsa ang naganap sa Pilipinas ilang taon matapos mamatay si Dr. Rizal.
Dumagdag pa sa kaba ng mga Kastila ang pag-aalsang nagaganap noong panahon na
iyon sa Cuba at ang unti-unting paghina ng kanilang pwersa laban sa mga Amerikano.
Si Dr. Rizal ay tunay na kamangha-mangha. Ang kaniyang iniwang bakas sa atin
ay hanggang ngayo’y nananalaytay sa ating diwa. Kilala siya hindi lamang sa Pilipinas
kundi sa maraming parte pa ng daigdig. Dalubhasa rin na maituturing dahil sa mataas
na antas ng kaalaman na taglay niya sa iba’t ibang larangan. Higit sa lahat, naging
tanglaw siya sa panahong ang Pilipinas ay nilulugmok ng kadiliman.
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ipaliwanag bakit kinailangan pang ipagkait ng mga kastila sa pamilya ni Dr. Rizal ang
kanyang labi?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Papaano hinarap ni Dr. Rizal ang lahat ng panggigipit na dinanas niya mula sa
kamay ng mga Kastila?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, sapat na ba ang bantayog sa Maynila upang ihayag at alalahanin
ang kaniyang kadakilaan? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Gawain 2
Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at isulat naman ang
Mali kung ito’y hindi wasto.
HULING PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot
sa bawat patlang bago ang mga bilang.
____1. Ito ay isang bayan sa Mindanao kung saan nanatili si Dr. Rizal bilang isang
bilanggo.
a. Basilan
b. Sulu
c. Dapitan
d. Butuan
____2. Siya ang gobernador-heneral na namumuno sa Pilipinas sa panahong binaril si
Dr. Rizal sa Bagumbayan.
a. Gob. Hen. Ramon Blanco
b. Gob. Hen. Narciso Claveria
c. Gob. Hen. Valeriano Weyler
d. Gob. Hen. Camilo Polavieja
____3. Siya ang unang nahalal na pangulo ng kilusang Katipunan o ang KKKANB.
a. Deodato Arellano
b. Roman Basa
c. Andres Bonifacio
d. Trinidad Pardo de Tavera
____4. Sa taong ito naganap ang himagsikan na pinangunahan ng kilusang Katipunan.
a. 1894
b. 1895
c. 1896
d. 1897
____5. Sino ang babaeng kapatid ni Dr. Rizal na kasama niyang bumalik muli sa
Pilipinas noong 1892?
a. Narcisa
b. Lucia
c. Trinidad
d. Angelika
____6. Sa tahanan niya naganap ang pagpupulong na isinagawa ni Dr. Rizal para sa
kanyang itatatag na samahan.
a. Apolinario Mabini
b. Doroteo Ongjunco
c. Macario Sakay
d. Marcelo H. Del Pilar
____7. Bukod sa pagpapagamot sa bansang iyon, ano pa ang isang layon ni Dr. Rizal
kung bakit nais niyang tumungo sa bansang Cuba?
a. Nais niyang dalawin ang ilang mga kaibigan sa Cuba.
b. Nais niyang balikan ang kaniyang mga naiwang gamit.
c. Nais niyang mag-aral pa ng isa pang kurso
d. Nais niyang malaman ang paraan ng Cuba sa pakikipagdigma laban sa
España.
____8. Sa kasaysayan ng bayan ng Dapitan, siya ang misyonerong namuno sa
pagkakatuklas ng bayang ito.
a. Padre Pedro de Valderrama
b. Padre Pedro Gutierrez
c. Padre Andres de Urdaneta
d. Padre Mariano Pilapil
____9. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na kalauna’y naging asawa
niya.
a. Josephine Bracken
b. Leonor Rivera
c. Gertrude Beckett
d. Seiko Usui
____10. Ito ang halaga ng buwanang bayad sa mga kasapi ng La Liga Filipina.
a. Limang (5) piso
b. Pitong (7) piso
c. Sampung (10) piso
d. Labinlimang (15) piso
____11. Sa pagpupulong ng mga kasapi ng La Liga, siya ang nahalal na Pangulo ng
samahan.
a. Jose Rizal
b. Ambrosio Salvador
c. Deodato Arellano
d. Teodoro Plata
____12. Ito ang lugar sa Maynila kung saan unang inilibing si Dr. Rizal.
a. Paco, Maynila
b. Tondo, Maynila
c. Pandacan, Maynila
d. Sampaloc, Maynila
____13. Siya ang dumalaw kay Dr. Rizal sa Dapitan upang ihayag ang plano ng
Katipunan at ipabatid ang plano nyang pagtakas kay Dr. Rizal.
a. Ferdinand Blumentritt
b. Pio Valenzuela
c. Padre Mariano Gomez
d. Andres Bonifacio
____14. Ito ang petsa ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.
a. Disyembre 30, 1893
b. Disyembre 30, 1894
c. Disyembre 30, 1895
d. Disyembre 30, 1896
____15. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na kaniyang niletrahan sa Dpitan.
a. Doctrina Cristiana
b. Pasiong Mahal ni JesuKristo
c. Himno Al Talisai
d. Dasalan at Tocsohan
____16. Siya ang Gobernador-Heneral na namuno sa Pilipinas sa panahong muling
bumalik sa bansa si Dr. Rizal.
a. Gob. Hen. Narciso Claveria y Zaldua
b. Gob. Hen. Carlos Maria Dela Torre
c. Gob. Hen. Eulogio Despujol
d. Gob. Hen. Rafael Izquierdo
____17. Sa lugar na ito unang naitayo ang pinakaunang monumento ni Dr. Rizal.
a. Bagumbayan, Maynila
b. Madrid, Spain
c. Calamba, Laguna
d. Daet, Camarines Norte
____18. Ito ang bilang ng taon na inilagi ni Dr. Rizal sa Dapitan.
a. Tatlo
b. Apat
c. Lima
d. Anim
____19. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagpapatapon kay Dr. Rizal sa Dapitan
maliban sa isa:
a. Naglathala si Rizal ng mga babasahin na naglalaman ng pagtutol sa
Simbahan.
b. Ang El Fili niyang nobela na inialay sa GomBurZa ay nagpasama sa imahe
ng Simbahan sa Pilipinas.
c. Ang kaniyang personal na isyu laban kay Gob. Hen. Despujol.
d. Mga babasahing natuklasan sa kanyang mga dala-dalahan.
____20. Siya ang misyonero ng Dapitan sa panahon ng pagkakabilanggo ni Dr. Rizal
sa bayan.
a. Padre Pablo Pastells
b. Padre Antonio Obach
c. Padre Rufino Pascual
d. Padre Andres de Urdaneta