Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 4

Learning Area: Filipino Module No: 3 Week: 2 Date: ______________


MELCs:
 Natutukoy ang mga element ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay)
(F4PB-Ia-97)
Layunin:
1. Nasasabi ang mga element ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay)
2. Nailalarawan ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay)
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, magbahagi muna ng isang kuwento sa iyong anak. Hayaang magtanong ang
bata tungkol sa kuwentong iyong binanggit.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 6.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong kung ang
iyong anak ay hindi pa masyadong matatas sa pagbabasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
 Matapos nilang masagutan ang mga tanong ipabasa sa bata ang panimula ng aralin na makikita sa
pahina 5.
Tandaan: Maaari kang magtanong muli sa bata ng ilang katanungan batay sa kaniyang binasa.
BALIKAN
 Sa pahina 7 ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang
pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang natutuhan na nakaraang modyul. Basahing mabuti ang
panuto at sagutan ang pagsasanay. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga katanungan.
Tandaan: Hayaang magbasa ang bata at gabayan ang mga ito kung may hindi mabasang salita. Bigyan
ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang kwentong binasa.
TUKLASIN
 Basahin ang isang diyalogo sa pahina 8, at aralin sa pahina 9.
Tandaan: Ang aralin ay dapat unawaing mabuti ng mga bata. Gabayan ang mga bata sa pagbabasa.
Siguraduhin naunawaan ang mahahalagang impormasyon ukol sa mga element ng kuwento.

SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin nito ang
nilalaman ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawain ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
mga elemento ng maikling kuwento sa pahina 10.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ang kahulugan ng Pangngalan at mga halimbawa ng uri nito
para sa malinaw na pagkaunawa sa mga araling ito. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling
talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
 Sa parteng ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin. Mayroong
apat na pagsasanay (Gawain 1-4) ang kaniyang dapat sagutan mula sa pahina 11-21. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang mga inihandang pagsasanay. Sundin
nang tama ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 22.
Kinakailangang nilang isulat ang kanilang natutuhan sa isang hiwalay na sagutang papel.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan. Maaaring balikan ang
aralin upang makatulong sa pagsasagot ng gawain.
ISAGAWA
 Sa puntong ito, makikita sa bahagi ng “Isagawa” na nasa pahina 23 ng modyul. Isusulat ng mga
bata ang kanilang gagawin araw-araw. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagot sa
pagsasanay. Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina
24. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng Pagtataya subalit napakahalaga
na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 25 ng modyul. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin,batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

___________________________ ________________________
Guro I Punong Guro
Petsa: ______________ Petsa: ___________________

You might also like