Professional Documents
Culture Documents
KPWKP 2
KPWKP 2
www.shsph.blogspot.com
Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Modyul 2: Sitwasyong
Pangkomunikasyon
www.shsph.blogspot.com
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 2 : Sitwasyong Pangkomunikasyon
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.
Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!
ii
www.shsph.blogspot.com
Sitwasyong Pangkomunikasyon
Panimula:
Magandang araw!
Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin? Sa gawaing ito, makikilala mo ang mga
konseptong pangwika na ginagamit sa radyo, talumpati, panayam at telebisyon.
Malalaman mo rin ang iba’t ibang antas ng wika sa pakikipagkomunikasyon.
O, ano kayang-kaya ba? Halika! umpisahan na natin.
Layunin
1
www.shsph.blogspot.com
Ito ang mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito.
Basahin natin.
Talasalitaan
Pakikipanayam -o pangagaglugad
Ortograpiya – masusi at maingat
ng isang impormasyon ay isang
na pag-aaral tungkol sa
paraaan ng pagkuha ng
pagbabaybay ng mga salita.
impormasyon o kabatiran nang
harap-harapan.
2
www.shsph.blogspot.com
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin
mo nga?
Panimulang Gawain
Panuto: Basahin ang panayam, isulat kung anong antas ng wika (Pambansa,
Pampanitikan, kolokyal at lalawiganin) nabibilang ang mga naka-itim na salita.
Sagot: Hindi naman kami ang magpapaunlad noon (1) eh. Ang bayan
ang gumagamit, ang nagpapaunlad, ng wikang Filipino. Ang ginagawa
lang namin ay (2)pangasiwaan ito. Kung may nakakalimutan – katulad
nga ng paglimot sa pagpapasok ng mga wikang katutubo – eh
kailangang gumawa kami ng (3) plano para magawa at mas maging
aktibo ang mga wikang katutubo.
3
www.shsph.blogspot.com
Basahin mo.
Ang wikang Filipino ay nangunguna sa komunikasyon sa halos lahat ng media
ngayon. Ito ay isa sa mga paraan upang magbigay impormasyon sa masa. Sa radyo,
ito’y nangungunang mass media na abot kaya ng mga pinoy.
________________________________________________________________________
Halimbawa:
MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
Executive Order No. 114 na nagi-institutionalize ng Balik Probinsiya, Bagong
Pag-Asa Program.
Halimbawa:
Una, gusto naming gunitain na isa sa mga layunin nang iproklama ang pagkakaroon
ng isang wikang pambansa batay sa katutubong wika ay 'yong lunggati, 'yong aspiration na
itong wika na ito ay maging sagisag para magbuklod ang mga Filipino (Michael
Buezahttps://www.rappler.com/video/66648-almario-pagpapaunlad-wikang-pambansa-
filipino)
_________________________________________________________________________
Sagot: Kung ang pag-uusapan dito ay kung ito ba ay ginagamit ng mamamayan, natitiyak
ko na ginagamit na ito ng halos lahat ng tao sa Filipinas, magmula sa Batanes hanggang sa
Tawi-Tawi. Nalibot ko na 'yung lahat halos ng pook sa Filipinas, at hindi ako kailanman
gumamit ng Ingles.
_________________________________________________________________________________
Tinatawag na Balbal ang mga salitang nalilikha ng grupo ng tao upang maging wika
nila at sila lang ang nakakaintindi. Salitang kanto ang karamihan nito.
_________________________________________________________________________________
Halimbawa:
Mahigpit na pinaalalahanan ng gobyerno ang mga tao sa pagsunod sa “social
distancing” at pagsuot ng mask sa pampublikong lugar, ngunit tila “deadma” lang ang ilan
nating mga kababayan. Subalit ang iba ay kering-keri ang pagsusuot ng mask lalo pa’t feel
nila ang design nito. Nai-imbyerna naman ang ilang netizens kapag nai-post sa social media
ang hindi nila pagsusuot ng mask. Wiz daw makahinga ang ilan kaya hindi sila nagsusuot ng
mask.
Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.
6
www.shsph.blogspot.com
___________________________________________________
Ang mga salitang i-incentivize, better compliance , nagko-contribute, tax,
ay mga salitang pormal. Ngunit kailangang gamitin natin ang wika na may pantay na
katangian. Hindi ‘yong pinaghalong Ingles at Pilipino. Dito pumapasok ang
Bilingguwalismo. Ang kakayahan ng tao na gamitin ang dalawang wika na may
pantay na galing.
Halimbawa:
Pangatlo po is dadaan po tayo sa data ng SSS and BIR kasi formal sector. Dapat ito
po 'yung gawin natin so that we can target better kasi alam natin kung sino sila at i-incentivize
po natin 'yung better compliance kasi 'yung mga nagko-contribute ng tax at ng SSS, 'yan po
ang unang tutulungan natin.
Ipagpatuloy mo.
Mag FACT or BLUFF tayo para sa ilan pang karagdagang kaalamang dapat
mong matutunan sa konseptong pangwika
7
www.shsph.blogspot.com
8
www.shsph.blogspot.com
Yehey! Nauunawaan mo na ang kaugnayan ng sitwasyong pangwika sa radio, talumpati,
panayam at telebisyon, maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga
pagsasanay.
Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan
2.Ayaw
3.Gunitain
4.Bride
5.Bukas
9
www.shsph.blogspot.com
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.
Iyan ang problema. (1)So inaayos namin ‘yan. Gusto ko lahat mabigyan. Ayaw kong
may mamatay ni isang Pilipino na gutom. Kaya may another survey tayo madalian. Ang dapat
diyan barangay captain because that is your duty, inyong duty ‘yan and the mayors to
determine sino ‘yang hindi nasali sa listahan at mabigyan kaagad.
(2)You know it’s a --- may Comelec listahan. Kayong mga flying voters noon,
kung saan-saan kayo nagboto ayan. Hindi namin malaman ngayon kung nasaan kayo. ‘Pag
10
www.shsph.blogspot.com
tawag, wala naman kayo. So that is really a problem. It is a problema that confronts
government. Problema ninyo, problema namin.
But kung magdating na tayo sa (3)laro ng sisihan, the blame game, eh mag-unawa
sana ninyo kung ano ang talagang sitwasyon ‘yung totoong realidad ng buhay natin.
And sabi ko nga hindi sabihin na kung wala ka, wala ka ng --- (4)purnada ka na. It’s
not that. But kung wala ka, maghintay ka and we will come up --- alam ko sigurado. (5)Tutal
sabi nga hindi tayo maubusan ng pera. Mag-utang tayo nang mag-utang, mag-utang ---
kay mag-utang, ipagbili, mapagbili, ipagbili natin lahat hanggang maubos tapos punta na tayo
lahat sa Amerika.
Halaw sa:https://www.philstar.com/headlines/2020/04/14/2007237/full-text-dutertes-april-13-talk-people-covid-
19-pandemic
3. laro ng sisihan,
11
www.shsph.blogspot.com
NGONGONG PAG-IBIG
ni: Nonoy Marcelo
Ang pinakahuli pong tadyak ng tadhana at
nagpasemplang sa ating bida, e naganap two years ago nang
iniwan siya ng kanyang waswit na si Moses for a 60-year
hostess (opo, sisenta nga ang basa n’yo) ng Paradise Club sa
Espaňa. Ito, ayon kay Menggay, ang kasalukuyang sugar
mommy ng kanyang absentee husband Moses.
Kung sa Bibliya man si Moses ang “sumagip sa mga
Hebrews mula sa kanilang pagkakapiit sa Ehipto,”…ang
Moses ko naman ang sumagip sa aking pagkakapreso sa
trabaho. Nagsilbi ako noon bilang katulong sa isang mayaman
ngunit malupit na mag-asawa. Dahil sa wala na sigurong
mapaglibangan ang mag-asawa, nakagiliwan na nilang
pagmumurahin at pagsasabunutan si Menggay sa bawat
wrong move ng kawawa. And so she was liberated by Moses
from tsimay to housewife…
‘Yon nga lang, walang kalam-alam ang pobre na ang
buhay na kanyang ipinagpalit ay higit pa palang hawla kaysa
nilisan niyang mala- Muntinlupang estate ng mag-asawang
baliw. Isang taon lang nagsama ng matamis ang mag-
asawang Sancho nang natipuhan nga si Moses ni sisenta-year
old hospitality girl. Nag alsa-balutan nga ito mula sa piling niya
at nang kanilang year-old first-born.
(Halaw sa KPwkp Bernales, et al. 2016)
source:imagepngkey.com
12
www.shsph.blogspot.com
Salita Antas ng Wika
tadyak ng tadhana
nagpasemplang
waswit
Bibliya
sumagip
pagkakapiit
tsimay
☺
Panapos na Pagsubok
Panuto: subuking gumawa ng sariling talumpati gamit ang antas ng wika. Gawing gabay ang
ibinigay na halimbawa.
13
www.shsph.blogspot.com
Nagamit mo kaya sa kapaki-pakinabang na gawain ang pag-stay mo sa iyong haybol?
Nakumpuni mo kaya ang mga sirang gamit ng inyong tahanan? Nakatulong ka kaya sa iyong
mudrakels at pudrakels? O baka naman mas nasisiyahan ka sa pag-aalaska sa iyong mga
kapatid. Okay lang na mag krayola ang mga paslit na ito basta’t nag-uumapaw ang saya sa
puso mo.
Panahon na siguro upang baguhin natin ang mga immature nating ginagawa sa buhay.
Simulan natin na maging produktibo tayo sa bawat araw. Gawin natin ang mga bagay na
kapaki-pakinabang upang magalak naman ang ating mga pamilya. Siguro hindi pa naman
huli ang lahat para ipakita natin sa iba na tayong mga kabataan ay bahagi na ng lipunang
matiwasay, payapa, at nagkakaisa.
Pamantayan sa Pagsulat:
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 16.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.
14
www.shsph.blogspot.com
Tanong:
15
16
Pagsasanay 3 Panimulang Pagsubok
1. tadyak ng tadhana- 1. kolokyal
pampanitikan 2. pampanitikan
2. nagpasemplang- 3. lalawiganin
4. pambansa
pambansa
5. lalawiganin
3. waswit-pabalbal
4. bibiliya-pambansa Pagsasanay 1
5. sumagip-pambansa
1.nasagutan na
6. pagkapiit-panitikan
7. katulong-pambansa 2.b,h,q,i
8. kawawa-pambansa
3.r,j,c
9. tsimay-pabalbal
pobre-pambansa 4.p,m,d,o
nilisan-pambansa
5.L,s,e
10. baliw-pambansa
Pagsasanay 2
Panapos na Pagsubok
1. Kolokyal
Ang sagot ay ayon sa nagawa 2. Lalawiganin
ng mag-aaral at susukatin ng 3. Pampanitikan
ibinigay na pamantayan. 4. Pabalbal
5. Pambansa
Susi sa Pagwawasto
www.shsph.blogspot.com
www.shsph.blogspot.com
Sanggunian:
Dr. Marquez Jr, Servillano T. 2017. Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. SIBS Publishing house, Inc. Quezon Ave. Quezon City.
17
www.shsph.blogspot.com