DLL Filipino 9 Week 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

/ GRADES 1 to 12

Paaralan: Concepcion National High School-Annex Baitang/Antas: 9 Markahan: IKAAPAT Petsa: Hunyo 7, 2022
Pang-Araw-araw na
Tala sa Pagtuturo
Guro: Lady Precious F. Urbano Asignatura: FILIPINO Linggo: IKAPITO Oras: 8:00-9:00 AM

UNANG ARAW

Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari
I. LAYUNIN ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng Formative
Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay
mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunang ginagalawan.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Maipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang sariling paninindigan sa pagpapahalaga sa karapatan ng mga kababaihan at ng mga bata.
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin ng ina at ng anak. F9PS-Ivg-h-62
C. Mga Kasanayan sa a. Naiisa-isa ang mga tungkulin ng ina at anak sa akdang binasa;
Pagkatuto b. Nailalahad ang kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunang ginagalawan
Isulat ang code sa bawat c. Naipapahayag ang sariling paninidigan sa kahalagahan ng kababaihan sa lipunan.
kasanayan

Ang Nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro mula sa Gabay sa Kurikulum. Maaari itong
II. NILALAMAN tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
Noli Me Tangere: Si Sisa
III. KAGAMITANG
Itala ang mga Kagamitang Panturo na gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw ang interes
PANTURO
at pagkatuto ng mga mag-aaral.
A. Sanggunian
1. Gabay ng Guro
2. Kagamitang Pang-Mag-
Filipino 9-Modyul 6
aaral
3. Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Gabay sa Kurikulum ng Filipino, pahina 244-245
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Video at Powerpoint Presentation,Mga Larawan
Panturo
Gawin ang pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may Gawain sa bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog, gabayan ang mga mag-aaral
IV. PAMAMARAAN gamit ang mga istratehiya ng formative assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag-isip ng analitikal at
kusang magtaya ng dating kaalaman na inuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.
UNANG ARAW

A. Balik-aral sa Nakaraang Panuto: Magpakita ng larawan ng mga kagamitang kalimitan ay ginagamit ng mga kababaihan noon. Tukuyin ang lokal na
Aralin o Pagsisimula ng tawag sa mga ito at kung saan ito ginagamit.
Bagong Aralin

Silhig Planggana Plantsang de Rudan Kuyon


uling
Pagluluto
Pagwawalis Paglalaba Pagpaplantsa Paghele ng bata

Tanong:
1. Sino ang kalimitang gumagamit ng mga kagamitang ipinakita?
2. Ano-ano ang mga gampanin o tungkulin ng mga kababaihan ?
3. Parehas ba ang tungkulin ng mga kababaihan noon at ngayon?Ipaliwanag.

Ang mga larawang ginamit ay mula sa www.google.com

Sabayang Pagbigkas
B. Paghahabi sa Layunin ng
Aralin Panuto: Ipabasa nang malakas at sabay-sabay sa mga mag-aaral ang tulang “Pamilya” ni Julyhet Roque gamit ang wastong
diin, hinto at antala. (Ponemang Suprasegmental)Nagagamit ang suprasegmental na antala, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at
haiku. F9WG-Iia-b-47

PAMILYA
ni: Julyhet Roque

Kay sarap pagmasdan / ang masayang pamilya


Si ama’t si ina’y / responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan / sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki / nang may takot sa Diyos


UNANG ARAW

Tinuruang gumawa , / magpaẃis at mapagod


Pagkat puhunan daw iyon / sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak / ay itinataguyod


Kahit na mangapal / ang palad sa pagod
Basta sa pamilya / ay may maitustos.

Di nag-aaway / sa harap ng supling


Kapakanan lagi / ng anak na hirang / ang naśa at pansin
At pagmamahalan / ang laging inaangkin .

C. Pag-uugnay ng
Halimbawa sa Pagsusuri ng Binasang Tula
Bagong Aralin
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang inyong napansin habang binabasa ang tula gamit ang wastong antala,diin at tono?
2. Ano ang tawag sa tono,diin at antala?
3. Mula sa binasang tula, magbigay ng kaisipang nais na iparating nito.
4. Ano ang iyong mararamdaman kung kabaligtaran naman nangyayari sa loob ng tahanan? Bakit?

Nood-Kinig ng Komiks
D. Pagtalakay ng Bagong
Konsepto Panuto: Ipapanood sa mga mag-aaral ang mga pangyayari sa buhay ni Sisa na isa sa mga tauhan sa Noli Me Tangere .
at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1
E. Pagtalakay ng Bagong Talakayan!
Konsepto Panuto: Talakayin ang nilalaman ng napanood na mga kabanata ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga
at Paglalahad ng Bagong tanong.
Kasanayan #2 1. Buhat sa iyong napanood na mga kabanata,ano-ano ang mga naranasan ni Sisa at ng kaniyang mga anak?
2. Sa kabila ng mga naranasan ni Sisa at ng kaniyang mga anak,nagampanan ba nila ang kanilang mga tungkulin
bilang ina at mga anak?Ipaliwanag.
3. Ano-ano nga ba ang tungkulin ng isang ina maging ng isang anak?
4. Mahalaga ba ang tungkulin o gampanin ng isang babae sa lipunang ating ginagalawan? Bakit?
5. Sa ating bansa,mayroon bang mga batas na nangangalaga sa mga kababaihan at mga bata?Ano-ano ang mga ito?
F. Paglinang sa Kabihasaan Thumbs Up and Down
(Tungo sa Formative Panuto: Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pahayag tungkol sa napag-aralang aralin at alamin kung sang-ayon ba sila o hindi .
UNANG ARAW

Assessment) Kapag sang-ayon ang kanilang sagot,kailangang maipakita nila ang thumbs up at kapag hindi naman sang-ayon ay thumbs
down naman ang ipapakita.

1. Maalalahanin si Sisa sa kaniyang mga anak na sina Crispin at Basilio.


2. Nararapat na ang anak ang bumuhay sa pamilya kapag siya ay nasa hustong gulang na.
3. Ang ina ay kinakailangang magtiis ng pang-aabuso at hirap para sa kapakanan ng pamilya.
4. Kailangang magpakamartir ang isang ina at huwag alintanain ang mga pananakit at patuloy na sambahin ang asawa
para manatiling buo ang pamilya.
5. May karapatan ang isang bata na ilihim sa mga magulang ang totoong nangyaring pagpapahirap sa kaniya upang di
maging mapanganib ang buhay ng buong pamilya.

G. Paglalapat ng Aralin sa Hashtag Ko!Boses Ko!


Pang
Araw-araw na Buhay Panuto: Magpagawa ng isang hashtag na nagpapakita ng paninindigan sa pagpapahalaga sa mga gampanin ng
kababaihan at sa mga karapatan ng mga bata.

Halimbawa:
# Babae Ka,at hindi Babae Lang

H. Paglalahat ng Aralin Itala Mo! Tungkulin Mo!

Panuto: Magpatala ng mga tungkuling nagagampanan ng anak, ina at ama sa pamilya at ang resulta nito.
Tungkuling Nagampanan Ko Resulta

Tungkuling Nagagampanan ng Nanay Ko Resulta

Tungkuling Nagagampanan ng Tatay Ko Resulta

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Ipasulat ang Tama kung ang pahayag ay totoo at Mali naman kung hindi.

1. Ang Nobelang Noli Me Tangere ang naging daan ni Jose Rizal upang imulat ang mata ng mga mamamayang Pilipino
na maging ang mga bata ay may karapatan ding dapat pangalagaan.
2. Ang RA 7610 ay ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan.
3. Ang RA 9262 ay ang batas na nagbibigay proteksiyon sa kababaihan at anak na nakararanas ng pang-aabuso
4. Ang mga bata ay may karapatang mabigyan ng kalinga,wastong nutrisyon at maproteksiyunan sa lahat ng uri ng pang-
aabuso.
UNANG ARAW

5. Mas mataas ang tingin ng lipunan sa mga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa kasalukuyan.
Mga Sagot:
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali
J. Karagdagang Gawain para sa Panuto: Magpagawa ng isang tula tungkol sa isang ina.
Takdang-Aralin at Remediation Pamantayan:
a. Ang tula ay blangko berso, may tugma walang sukat o may sukat walang tugma,binubuo ng 3 saknong pataas. -10
b. Gumagamit ng salitang naglalarawan sa ina- 10
c. Naglalahad ng pasasalamat sa ina-10
V. MGA TALA
Magnilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito
VI. PAGNINILAY naisakatuparan? Anong pantulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan?
Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
masosolusyunan sa tulong
ng aking punongguro at
supervisor?
UNANG ARAW

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:

Lady Precious F. Urbano


Guro sa Filipino

Health 8 -2nd Quarter


Analyzes the importance of responsible parenthood (H8FH -IIg - h -37)

Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing -anim na siglo

ESP
Society›Crime & Law Enforcement
PREMIUM
Number of cases of violence against women and children Philippines 2016-2020
Published by Statista Research Department, Dec 3, 2021
In 2020, the number of cases of violence against women and children reported in the Philippines reached about 11.16 thousand. Overall, the number of such cases
of violence in the country had been gradually declining in the past five years.
Number of reported cases of violence against women and children in the Philippines from 2016 to 2020(in 1,000s)

https://www.statista.com/statistics/1264780/philippines-cases-of-violence-against-women-and-children/

You might also like