Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

4

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto

Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo


(Aralin 1)
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat ng Talata Gamit ang Sanhi at Bunga
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Winlyn L. Farin


Editor: Maria Joan B. Aguilar
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Suela A. Tolentino
Sheila Marie F. Sanchez
Tagaguhit at Tagalapat: Jacobo C. Gereza
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan sa Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsulat ng Talata Gamit
ang Sanhi at Bunga

Panimula

Alam mo ba na lahat ng ating mga ginagawa ay parang bato


na bumabagsak sa tubig. Mayroon itong mga alon na
nagdudugtong ng mga pangyayari. Kaya palaging mag-isip ng
mabuti bago gumawa ng aksyon dahil palagi itong mayroong
kahihinatnan o magiging epekto.

Makatutulong ang kasanayang pampagkatuto na ito na


malinang ang iyong kakayahan sa pagsulat ng talata na may
sanhi at bunga. Matututuhan mo na lahat ay mayroong sanhi at
bunga.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga. (F4PU-III-2.1)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga pahayag na nagsasaad ng sanhi at


bunga;
2. naibibigay ang sanhi at bunga sa mga sitwasyong binasa; at
3. nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga.

Balik Aral

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang simuno kung ang salitang


may salungguhit ay ang pinag – uusapan sa pangungusap. Isulat
ang salitang panaguri kung ito naman ay nagsasabi tungkol sa
simuno ng pangungusap.

___________1. Si Ginang Alcantara ang nahalal bilang pangulo ng


samahan.

___________2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Karen at


Anna.

___________3. Ang iyong kapatid ay tiyak na matutuwa sa


sorpresa na inihanda mo para sa kaniya.

___________4. Sina Juan, Pedro at Kiko ay naghanda ng masarap


na meryenda para sa mga panauhin.

___________5. Ang mga turista sa Zambales ay hinikayat na


sumali sa pagsasayaw sa parada ng pista.

2|Pahina
___________6. Ibinenta sa mataas na halaga ang antigong banga.

___________7. Namulaklak na ang mga halaman sa hardin ng


paaralan.

___________8. Ang mga planeta ay umiikot sa sarili nitong axis.

___________9. Si Luisa ay isang matagumpay na arkitekto.

___________10. Si Carla ang bago kong kaklase.

Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Magpatulong sa miyembro ng pamilya para basahin ang


kuwento.

Ang Paalala ni Ina


ni Winlyn L. Farin

Sa lalawigan ng Zambales nakatira si Sonny at ang


kaniyang ina na si Aling Maria. Tuwing buwan ng Hunyo ay
madalas ang pag-ulan. Isang hapon, si Sonny ay naghahanda na
sa pagpasok sa kaniyang trabaho. Pinaalalahanan siya ng
kaniyang ina na magdala ng payong
sapagkat madilim ang kalangitan at
nagbabadyang bumuhos ang malakas
na ulan. Ngunit dahil sa kaniyang
pagmamadali ay hindi na niya pinansin
ang paalala ng kaniyang ina at
nagpatuloy na siyang umalis palabas ng
kanilang tahanan.

3|Pahina
Habang siya ay naghihintay ng pampasaherong dyip
mga ilang kanto mula sa kanilang bahay ay biglang bumuhos
ang malakas na ulan. Wala siyang dalang payong kaya naman
mabilis siyang tumakbo papunta sa katabing tindahan. Doon
muna sumilong at naghintay na tumila ang ulan. Kinagabihan
ay umuwi si Sonny sa kanilang tahanan na sinisipon dahil sa
pagkabasa sa ulan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano ang paalala ng ina ni Sonny bago siya umalis ng
kanilang tahanan?
3. Ano ang nangyari nang hindi pinansin ni Sonny ang paalala
ng kaniyang ina?

Suriin natin ang mga pangungusap mula sa kuwento.

• Wala siyang dalang payong (sanhi) kaya naman mabilis


siyang tumakbo papunta sa katabing tindahan. (bunga)

• Kinagabihan ay umuwi si Sonny sa kanilang tahanan na


sinisipon (bunga) dahil sa pagkabasa sa ulan. (sanhi)

Batay sa iyong nabasang kuwento, ito ay mayroong sanhi at


bunga

Ano kaya ang sanhi at bunga?

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o


dahilan ng isang pangyayari.

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan


o dulot ng pangyayari.
4|Pahina
Mayroong mga pangatnig na nagpapahayag upang madaling
makilala ang sanhi at bunga.

Sanhi: Bunga:
• dahil • kung
• kung kaya • kapag
• kasi • kaya
• sapagkat • upang

Halimbawa:

Kapag nauuna ang sanhi sa pangungusap.


➢ Magdamag sumakit ang tiyan ni Kardo kaya hindi siya
nakatulog nang maayos. (bunga)
➢ Nawala ang paboritong laruan ni Melissa kung kaya
malungkot siya maghapon.
➢ Hindi masisira agad ang laptop ni Shiela kung iniingatan
niya ito.
➢ Kailangan mo mag-aral nang mabuti upang maabot ang
iyong pangarap.
➢ Gumagamit ng dinamita ang mga mangingisda sa dagat
kaya nasisira ang ating yamang tubig.

Kapag nauuna ang bunga.


➢ Nagkakaroon ng baha sa iba’t ibang lugar dahil sa walang
tigil na pagtatapon ng basura kung saan-saan.
➢ Pumayat nang husto si Nika sapagkat hindi siya kumakain
sa tamang oras.
➢ Nagkamit si Russel ng pinakamataas na karangalan sa pag-
awit dahil palagi siyang nag-eensayo.
➢ Marami siyang natanggap na regalo kasi mabait at
masunurin siyang bata.
➢ Nahihirapan maglakad si Kyle dahil sa aksidenteng
pagkahulog niya sa hagdan.
5|Pahina
Natukoy mo na ang mga pangungusap na nagsasaad ng
sanhi at bunga. Susunod naman ang pagsulat ng talata na may
sanhi at bunga.

Balikan natin ang kuwento ng Ang Paalala ni Ina.

Habang siya ay naghihintay ng pampasaherong dyip mga


ilang kanto mula sa kanilang bahay ay biglang bumuhos ang
malakas na ulan. Wala siyang dalang payong kaya naman
mabilis siyang tumakbo papunta sa katabing tindahan. Doon
muna sumilong at naghintay na tumila ang ulan. Kinagabihan ay
umuwi si Sonny sa kanilang tahanan na sinisipon dahil sa
pagkabasa sa ulan.

Ilang pangungusap ang nakita mo sa talata sa itaas? Ano


ang napansin mo sa pagbuo ng pangungusap? Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Narito ang mga dapat mong tandaan sa pagsulat ng talata.

1. Magkaroon ng isang paksa kung saan nakatuon ang diwa ng


mga pangungusap.
2. Ipasok ang unang salita ng unang pangungusap.
3. Isulat sa malaking letra ang unang salita ng bawat
pangungusap.
4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng tuldok at kuwit.
5. Ayusin ang mga pangungusap ayon sa pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari.
6. Isaisip na ang mga pangungusap ay magtutulong-tulong sa
pagpapahayag ng kaisipang nais iparating sa mambabasa.

6|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

A. Panuto: Tukuyin kung alin sa mga pariralang nakakahon at


may salungguhit ang nagsasaad ng sanhi at bunga. Isulat sa
sagutang papel ang Sanhi kung ito ay sanhi at Bunga kung
ito ay bunga.

Halimbawa: Pumayat nang husto si Nika sapagkat hindi siya


kumakain sa tamang oras.

Sagot: Bunga Sanhi

1. Nasugat ang daliri sa paa ni Joshua dahil sumabit ito sa


alambre.

2. Nakatanggap ng tropeyo si Karlos dahil sa kaniyang


pagkapanalo sa paligsahan sa pag – awit.

3. Lagi siyang naglilinis sa bahay kaya tuwang-tuwa ang


kaniyang pamilya.

4. Kumain tayo ng gulay upang maging malusog.

5. Bumaha sa bayan ng San Narciso dahil sa malakas


na ulan kahapon.

6. Malayo sa kabihasnan ang barangay ng Omaya kaya


mahirap itong puntahan.

7. Nais niyang magkaroon ng magandang kinabukasan kaya


gagawa siya ng paraan upang makatapos ng pag – aaral.
7|Pahina
8. Lumapit sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang
pagkain.

9. Nahuli siya sa klase dahil hindi siya natulog nang maaga.

10. Uhaw na uhaw si Maya kung kaya’t naparami ang inom


niya ng tubig.

B. Panuto: Gumuhit ng tatsulok kung ang parirala ay bunga


at bilog kung ito ay sanhi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. _______Nasunog ang niluluto ni ate


_______dahil napalakas ng apoy sa kalan.

2. _______Tumakbo nang mabilis ang bata


_______kaya siya ay nadapa.

3. _______Hindi ako pumasok sa paaralan kahapon


_______sapagkat malakas ang ulan.

4. _______Kapag mabait kang bata


_______marami ang iyong magiging kaibigan.

5. _______Maging malinis sa katawan


_______upang hindi magkasakit.

6. _______Madalas nauubusan ng pera si Manuel


_______sapagkat siya ay mapagbigay sa kapwa.

7. _______Bumili ng magandang damit ang tatay


_______dahil malapit na ang kaarawan ng aking nanay.

8|Pahina
8. _______Umaga na nang dumating si Johnny sa kanila
_______dahil nakitulog siya sa bahay ng kaibigan.

9. _______Maaga akong uuwi


_______upang maabutan ko sa bahay ang aking kuya.

10. _______Napakabait ni Nene


_______kaya maraming gustong makipaglaro sa kaniya.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sanhi o bunga ng mga
pahayag sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

HANAY A HANAY B
1. Nakatutok sa amin ang a. kung kaya’t nasira ang mga
electric fan pananim at kabahayan.
2. Tinapos ng maaga ni Niko b. upang mabilis matapos ang
ang kaniyang takdang – gawain ng kanilang ama.
aralin
3. Napakalakas ng bagyong c. kasi napakainit ng panahon
Rolly ngayong tanghali.
4. Kailangan nilang tumulong d. kapag ito ay nagugutom.
magbilad ng palay
5. Kapag hindi ka kumain ng e. kaya siya ay pinayagang
tanghalian makapanood ng paborito
niyang palabas sa telebisyon.
6. Nabundol si Lolo Nilo ng f. tiyak na manghihina ka.
sasakyan
7. Walang asenso sa g. kung mag – aaral siyang
buhay si Berto mabuti.

9|Pahina
8. Malakas ang iyak ng h. dahil siya ay tamad.
sanggol
9. Nakapagtapos siya ng i. kaya nakakuha siya ng
pag –aaral magandang trabaho.
10. Makakakuha siya ng j. sapagkat siya ay biglang
mataas na marka tumawid sa kalsada.

B. Panuto: Hanapin sa mga larawan ang sanhi o bunga ng


pangyayari sa bawat bilang. Isulat ang letra ng sagot sa
sagutang papel.

a.

b.

10 | P a h i n a
c.

d.

e.

_____1. Pagbaha o pagguho ng lupa.


_____2. Labis na pagkain ng mga junkfoods.
_____3. Nasunog ang bahay.
_____4. Maling paraan ng pagtatapon ng basura.
_____5. Mataas na marka sa pagsusulit.

11 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sanhi o bunga ng mga
pangyayari sa bawat bilang.

1. Sanhi: Nag–aral ng mabuti si Ely


Bunga: _____________________________________________________

2. Bunga: Tanghali na siya nagising kinabukasan


Sanhi: _____________________________________________________

3. Bunga: Sumakit ang ngipin niya


Sanhi: _____________________________________________________

4. Sanhi: Naglinis si Joseph sa buong bahay


Bunga: _____________________________________________________

5. Sanhi: Umakyat sa puno ng bayabas ang bata


Bunga: _____________________________________________________

6. Sanhi: May sugat si Heidi


Bunga: _____________________________________________________

7. Bunga: Bumaha sa barangay San Jose


Sanhi: _____________________________________________________

8. Sanhi: Tumakas si Alex sa kanilang bahay at naglaro sa labas


Bunga: _____________________________________________________

9. Sanhi: Itinago ng bata ang lapis ng kaniyang kaklase


Bunga: _____________________________________________________

10. Bunga: Maruming umuwi si Anton


Sanhi: ____________________________________________________

12 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang


talata na may sanhi at bunga na binubuo
nang hindi bababa sa limang pangungusap.

• Ang Pagpuputol ng Kahoy sa Kabundukan


• Madalas na Paggamit ng Gadget
• Ang Paborito Kong Pagkain

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA NA MAY SANHI AT BUNGA

Pamantayan 5 4 3 2 1
Lohikal at mahusay ang
pagkakasunod – sunod ng mga ideya.
Maayos at malinaw ang pagkakabuo
ng pangungusap sa talata.
Wasto ang paggamit ng malaki at
maliit na letra at mga bantas.
Nagagamit nang wasto sa
pangungusap ang sanhi at bunga.

5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

13 | P a h i n a
Pangwakas
Panuto: Punan ang patlang ng mga salita mula sa kahon
upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

kinalabasan resulta dahilan


pinagmulan epekto

Natutuhan ko na ang sanhi ay tumutukoy sa _____________


o ______________ ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga
kadahilanan ng mga pangyayari.

Ang bunga naman ay ang ______________ o _____________ o


dulot ng pangyayari. Ito ang ________________ ng kadahilanan ng
pangyayari.

14 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Kagamitan ng Mag – aaral (Yaman ng Lahi). Unang Edisyon


2015. Pahina 84 – 87.

Maetro, Valle Rey. February 26, 2020. Accessed December 15,


2020. https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-sanhi-at-
bunga-depinisyon-at-halimbawa/

Most Essential Learning Competencies 2020 MELCs-F4PU-IIIi-


2.1 Pahina 160

Patnubay ng Guro (Yaman ng Lahi). Unang Edisyon 2015.


Pahina 160 – 161.

15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
Balik – aral
Pinatnubayang Pagsasanay 2
1. Simuno
A. 2. Panaguri
1. C 3. Panaguri
2. E 4. Simuno
3. A 5. Panaguri
4. B 6. Simuno
5. F 7. Simuno
6. J 8. Panaguri
7. H 9. Panaguri
8. D 10. Simuno
9. I
10. G Sagutin
B. 1. Si Sonny at ang kaniyang inang si
1. d Aling Maria.
2. e 2. Si Sonny ay pinaalalahanan ng
3. b kaniyang ina na magdala ng payong.
4. a 3. Si Sonny ay nagkaroon ng sipon
5. c kinagabihan
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Pang-isahang Pagsasanay
A.
A. Maaaring magkakaiba ang sagot ng 1. Bunga Sanhi
mga mag – aaral. 2. Bunga Sanhi
3. Sanhi Bunga
4. Sanhi Bunga
Pagsusulit 5. Bunga Sanhi
6. Sanhi Bunga
Magkakaiba ang sagot ng mga mag – aaral. 7. Sanhi Bunga
8. Bunga Sanhi
9. Bunga Sanhi
10. Sanhi Bunga
Pangwakas
B.
1. pinagmulan 1. 6.
2. dahilan
3. resulta
4. kinalabasan 2. 7.
5. epekto
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-
aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa
mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:
For inquiries of feedback, please write or call:
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Department
Zone of Education – Region III – Division of Zambales
6, Iba, Zambales
Learning
Tel./Fax Resources
No. (047) 602 1391Management Section (LRMS)
Zone 6, Iba, Zambales
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Tel./Fax No. (047) 602 1391
Website: www.depedzambales.ph

You might also like