Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Yunit 1: Pagguhit

Aralin Bilang 1: Pagguhit ng mga Sinaunang Bagay


Code: A5EL-Ia

Buod ng Aralin

Art History Art Production Art Critism Art Appreciation


Ang mga sinaunang Nakakaguhit ng mga Nasusuri ang gamit Napapahalagahan
bagay o gusali ay sinaunang bagay, ba- ng mga linya,hugis, at ang nga sinaunang
bahagi ng kultura n hay,gusali,mula sa espasyo at ang bagay,bahay,gusali
gating bayan. Ang sariling bayan / prinsipyong paulit ulit mga simbahan na
mga ito ay dapat bansang Pilipinas sa na ritmo at balanseng binuo noong unang
pahalagahan at pamamagitan ng asimitrikal at panahon.
ipagmalaki sapagkat crosshatching simetrikal.
makakatulong ito sa technique,
paglinang ng geometrikong hugis ,
pambansang pagka- espasyo na may ritmo
kakakilanlan at at balance bilang
pagkakaisa. disenyo.

I. Layunin:

A. Nakikilala ang mga pangyayari, kaugalian at kultura na may impluwensya ng mga dayuhan
na dumating sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. (A5EL- IN)

II. Paksang Aralin: Pagguhit ng mga Sinaunang Bagay

A. Elemento ng Sining: Linya,Hugis, Espasyo

B. Prisipyo ng Sining: Ritmo at Balanse

C. Kagamitan: Cartolina, krayon, lapis marking pen

D. Sanggunian: Umawit at Gumuhit 5, Pilipinas Bansang Malaya 5

III. PAMAMARAAN

1. Balik – Aral

Sabihin:

Barter o pakikipagpalitan ng kalakalan ng mga kalakal ang lumaganap na kalakalan sa


Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol.

2. Pagganyak (picture analysis)

Magpakita ng mga larawan ng kalakalan ng mga produkto noong unanag panahon


Itanong:

Ano-anong mga linya,hugis, at disenyo ang makikita ninyo mula sa mga produktong
pangkalakalan noong unang panahon?

B. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad

Ang ugnayang pangkalakalan na namamagitan sa mga Pilipino at mga dayuhan ay nag


iwan ng malaking impluwensya sa ating kultura. Nakaugnayan ng mga unang Pilipino ang mga
dayuhang mangangalakal dahil sa mainam na lokasyon ng Pilipinas.

Ang mga Unang Pilipino ay nakikipagpalitan ng perlas, sigay,banga, pulot pukyutan sa


mga telang seda, tingga, seramika at porselana ng mga Tsino. Tapete, karpet, at
kasangkapang tanso sa mga Arabe. Kristal at aboloryo at pulseras at kasangkapang metal ang
produkto ng mga India n akapalit ng mga produkto n gating mga ninuno.

(sumangguni sa LM Alamin )

Itanong :

1. Ano- anong bagay ang inyong makikita sa larawan?

2. May nakikita ka kayang disenyo sa bawat produkto? Ano-ano ito?

2. Gawaing Pangsining (Pangkatang Gawain)

Magpaguhit sa mga bata ng mga produkto na nais nilang ibenta kung sila ay
nakikipagkalakalan sa isang cartolina at kulayan ito.Ipaskil ang natapos sa gawain

(Sumangguni sa LM Gawin)

3. Pagpapalalim sa Pag unawa

1. Bumase sa napili o iginuhit na produkto.

2. Paano mo ginamit ang ibat-ibang linya,hugis at espasyo sa pagguhit ng mg a


produkto?

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat ( Sumangguni sa LM, Tandaan)

2. Repleksyon

Itanong:

Sa iyong palagay anong ugali ang mainam sa pakikipagkalakalan at bakit?


IV. Pagtataya

(Sumangguni sa LM,Suriin)

V. Takdang Aralin / Kasunduan

Magdala ng mga sumusunod na kagamitan

1. lapis

2. bond paper
YUNIT 1 : PAGGUHIT (LM)

Aralin blg 4: Pagguhit ng mga Sinaunang Produkto noong unang Panahon ng Kalakalan

Alamin:

Maraming mga produkto ang ating mga ninuno pati na rin ang mga dayuhan na
nakikipagkalakalan sa atin. Kung ating susuriin halos lahat ay may produktong gawa sa mga
seramika at porselana. Suriin ang mga nasa larawan.

 1. Ano- anong bagay ang inyong makikita sa larawan?


 2. May nakikita ka kayang disenyo sa bawat produkto? Ano-ano ito?

Gawin:

Kagamitan: kartolina,krayon, lapis, marking pen

Mga hakbang sa paggawa

1. Kumuha ng kartolina at gumuhit ng mga produkto noong unang panahon na nais mo kung
sakali ikaw ay makikipagkalakalan.

2. Iguhit ang mga produkto gamit ang lapis at marking pen.Maaring gumamit o umisip ng
sariling disenyo gamit ang hugis, linya at prinsipyong paulit ulit.

3. Kulayan at punuin ang espasyo ng mga disenyong sa mga produkto inyong ginuhit para lalo
maging kaakit akit ang inyong likhang sining.

4. Kung wala ng idadagdag pwde ng itanghal ang ginawang likhang sining at humanda sa
pagpapahalaga.

TANDAAN:

Ang pag-unlad ng kalakalan noong unang panahon ay may kinalaman sa uri ng kapaligiran ng
bansa at sa mga katutubong ugali nila tulad ng pagiging masipag, malikhain ,mapamaraan,
masinop at mapagkakatiwalaan.

SURIIN: Panuto: Lagyan ng (/) ang angkop na kahon.

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod sa


pamantayan nang hi- pamantayan subalit pamantayan
PAMANTAYAN git sa inaasahan may ilang
pagkukulang
(3) (2) (1)
1.Nalaman ko ang
kahalagahan ng
pakikipagkalakalan
noong unang
panahon.
2. Nakaguhit ako ng
mga produkto mula sa
panahon ng kalakalan
at nakulayan koi to.
3. Naisagawa ko ang
aking likhang sining
nang may kawilihan.

You might also like