Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 8-Q1-W5


Pagsulat ng Talatang Gamit ang Iba’t ibang
5 Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang dalawang epiko. Pag-aaralan mo ang pagsulat


ng talatang gamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan:

1. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: (F8PS-Ig-h-22)


1.1 Paghahawig o Pagtutulad
1.2 Pagbibigay Depinisyon
1.3 Pagsusuri
2. Naisusulat ang talatang: (F8PU-Ig-h-22)
2.1 Binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
2.2 Nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
2.3 Nagpapakita ng simula, gitna at wakas

Alam kong nais mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang talata at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Nang naging binata na si Aliguyon, tinipon niya ang kaniyang mga kasama
upang lusubin ang kalaban ng kaniyang tatay. Subalit nang makarating sila sa
Daligdigan, ang nakaharap niya ay hindi si Pangaiwan, kundi ang anak nitong si
Pumbakhayon. Kasintapang at kasinggaling ni Aliguyon si Pumbakhayon.

(Hango sa The Epics ni Damiana Eugenio, Panitikang Pilipino 8)

___1. Anong katangian ni Aliguyon sa pakikipagdigma ang inihalintulad kay


Pumbakhayon?
A. magalang sa magulang C. matapang at magaling
B. mapagmahal sa bayan D. mabait at mapagbigay

___2. Tinipon niya ang kaniyang mga kasama para lusubin ang mga kalaban, ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. ibinasura C. pinagwatak-watak
B. pinagsama-sama D. binigyang halaga

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
2

___3. Anong uri ng talata ang iyong binasa?


A. nagsasalaysay C. naglalarawan
B. naglalahad D. nangangatwiran

___4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat tandaan sa paglikha
ng talata?
A. gumamit ng wastong bantas
B. maging malaya sa paglikha ng talata
C. magkakaugnay at maayos ang mga pangungusap
D. may kaisahan ang mga ibabahaging impormasyon

___5. Bakit si Pumbakhayon ang nakaharap ni Aliguyon at hindi


ang kaaway ng kaniyang amang si Pangaiwan?
A. hindi sila magkaedad
B. duwag naman talaga si Pangaiwan
C. ayaw mapahamak ni Pumbakhayon ang kanyang ama
D. may malubhang sakit si Pangaiwan at malapit nang mamatay

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa


nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Tukuyin kung ang nakasalungguhit na bahagi ng pangungusap ay nagsasaad ng A-


Sanhi o B-Bunga.

____1. Nakararanas ng abnormal na panahon ang iba’t ibang bahagi ng mundo dahil
sa global warming.
____2. Nagsumikap siya sa buhay kung kaya nakamit niya ang rurok ng tagumpay.

____3. Nakatipid ang pamilya nila sa gastusin sa pagkain kasi nagtanim sila ng mga
gulay sa kanilang bakuran.

____4. Hindi naging mahirap sa kanya ang home schooling sapagkat laging
nakaagapay ang magulang niya sa kanyang pag-aaral.

____5. Maraming tao ang nawalan ng pinagkakakitaan nang tamaan ng pandemya


ang ating bansa.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa iba’t ibang teknik sa


pagpapalawak ng paksa.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
3

A. Iba’t ibang Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

1. Paghahawig o Pagtutulad

Ang mga tao, bagay, pangyayari atbp. na magkakatulad ay pinaghahambing


upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian.

Hal. babae at bulaklak (parehong may kagandahang angkin)

sanggol at anghel (parehas simbolismo ng kabutihan)

2. Pagbibigay depinisyon o kahulugan

Ang mga salitang hindi agad-agad naiintindihan ay kailangang bigyan ng


depinisyon. Ito ay mga bagay o kaisipan na kailangang higit na masaklaw ng
pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan at kaibahan ng mga salitang ito ay
binibigyang-diin sa pagbibigay ng depinisyon.

Hal. Ang guro sa asignaturang Filipino ay dapat mapag-aralan ang


etimolohiya, ang pag-aaral ng pinagmulan ng salita upang maipaliwanag niya kung
paano nag-iiba ang anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon.

3. Pagsusuri

Nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay kundi


pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.

Hal. Dahil hindi pa rin bumababa ang bilang ng mga nagpopositibo sa covid19,
nagpasya ang pangulo na panatilihin ang Metro Manila sa ilalim ng General
Community Quarantine(GCQ) hanggang katapusan ng buwan ng Hunyo.

Sa pagkakataong ito, kailangan mo nang basahin ang unang epiko. Huwag mong
kalimutan ang mga kaalamang natutunan mo sa iba’t ibang teknik sa pagpapalawak
ng paksa.

Epiko 1: Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin

Sa bayan mula sa Nalandangan, pinilit ni Matabagka si Agyu na sabihin ang


mensaheng mula sa tumanod (gabay na kaluluwa). Sinabi ni Agyu na lulusubin ni
Imbununga ang kanyang kaharian at kapag nangyari ito mawawasak ang kaharian at
maraming mamamatay dahil si Imbununga ang may hawak ng makapangyarihang
taklubu, na kayang lumikha ng napakalakas na mga ipo-ipo at ang baklaw, kung
saan nakatira ang pinakamarahas na mga bagyo. Para matulungan ang kapatid, agad
kinuha ni Matabagka ang sisidlan ng kanyang mga nganga. Sumakay siya sa
sulinday, isang malaking salakot na nakalilipad at tahimik siyang nagtungo sa lugar
ni Imbununga.

Nang masilayan ni Imbununga ang kagandahan ni Matabagka agad siyang


napaibig. Napilitang magpakasal ang babae kay Imbununga para malaman niya ang
mga plano nito, naging mabuting asawa si Matabagka ngunit hindi niya nalilimutan
ang kaniyang misyon. Binigyan ni Matabagka ng nganga na may halong pampatulog
ang kanyang asawa. Nang makatulog ito, ninakaw niya ang taklubu at baklaw.
Tumakas siya sakay ng kaniyang sulinday.

Nang magising si Imbununga ay agad na ipinahabol ang babae. Gamit ang


kaniyang kapangyarihan sa hangin, pinigil ni Imbununga ang paglipad ng sulinday at

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
4

bumagsak si Matabagka sa dalampasigan. Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng babae


at ng mga sundalo ni Imbununga. Nahirapan ang mga sundalo dahil sa husay ni
Matabagka sa pakikipaglaban at sa iniutos na rin ni Imbununga sa kanila na huwag
sugatan ang babae. Napadaan ang mga sundalo ni Agyu sa dalampasigan at
tinulungan nila si Matabagka. Dahil sa labis na pagod, dinala si Matabagka pabalik sa
Nalandangan at agad siyang binigyan ng nganga na may kakayahang magbalik ng
lakas. Ikinuwento ni Matabagka kay Agyu ang lahat nang nangyari, lalong-lalo na ang
pag-aalala sa kaniya ni Imbununga.

Naisip ni Agyu makipagkasundo na kay Imbununga. Pumayag si Imbununga na


wakasan na ang digmaan kung maibabalik sa kaniya ang ninakaw na taklubu at
baklaw. Nang ikinuwento ni Agyu kung bakit ito nagawa ni Matabagka, humanga ang
diyos ng hangin sa babae. Ibinalik ni Matabagka ang taklubu at baklaw kay
Imbununga at ginamit ito ng lalaki para lumikha ng hangin na magpapatigil sa lahat
ng mga sundalo sa pakikidigma. Binuhay naman ni Matabagka ang lahat ng namatay
sa pamamagitan ng kanyang mga nganga. Nagdaos sila ng pista upang ipagdiwang
ang pagsasanib puwersa ng bayani ng Bukidnon at ng diyos ng hangin.

(Hango mula sa The Epics ni Damiana Eugenio, Panitikang Pilipino 8)

B. Pagsulat ng Talata

Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap.

A. May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon. Ito ay


ang sumusunod:

1. Panimula. Ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad


ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kaniyang
ipinaliwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katwiran.
2. Gitnang talata o Talatang Ganap. Ito naman ang nasa bahaging gitna ng
isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang
pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang
ganap na matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.
3. Wakas o Talatang Pabuod. Ito naman ang kadalasang pangwakas ng
isang komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipan na
nabanggit sa gitnang talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw
ang kabuuan ng komposisyon.

B. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Talata:

1. May kaisahan ang mga ibabahaging impormasyon hinggil sa paksang


tinatalakay.
2. Maaaring gumamit ng teknik na mula sa mahalagang impormasyon
patungong pinakamahalaga o baliktad, mula sa pinakamahalagang
impormasyon patungo sa mahalaga.
3. Paggamit ng mga tamang bantas.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
5

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod
na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Piliin ang teknik sa pagpapalawak ng paksa na ginamit sa


sumusunod na pangungusap mula sa epikong binasa. Isulat kung A-
Pagtutulad, B-Pagbibigay depinisyon o C-Pagsusuri.

___1. Pinilit ni Matabagka si Agyu na sabihin ang mensaheng mula sa gabay na


kaluluwa na tinatawag nilang tumanod.

___2. Ginamit ni Imbununga ang kapangyarihan niya sa hangin para pigilan na


ang labanan sa pagitan ng mga sundalo at katulad din niya si Matabagka na
ginamit naman ang mga makapangyarihang nganga para buhaying muli
ang mga namatay sa labanan.

___3. Si Imbununga ang may hawak ng makapangyarihang taklubu, isang bagay


na kayang lumikha ng napakalakas na mga ipoipo.

___4. Nagpasya si Agyu na panahon na para makipagkasundo sa diyos ng hangin


nang ikuwento ni Matabagka ang pag-aalala ni Imbununga sa kanya.

___5. Sumakay si Matabagka sa sulinday na isang malaking salakot na nakalilipad


upang makarating sa kaharian ni Imbununga.

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong

Bago mo sagutin ang mga sumusunod na tanong ay basahin mo muna ang


pangalawang epiko.

Epiko 2: Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

Sa kaharian ng Kuaman, ngumunguya ng nganga ang magkapatid na sina


Tuwaang at Bai. Sinabi ni Tuwaang na may mensaheng dala ang hangin na
pinapupunta siya sa kaharian ni Batooy dahil may dumating na dalaga doon na ayaw
makipag-usap kaninuman. Hindi pumayag si Bai sa paglalakbay ni Tuwaang dahil
baka mapahamak ang kapatid pero hindi nakinig si Tuwaang. Agad sinuot ang
kanyang mga sandata at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa Pinanggayungan.
Pagkarating doon, bumisita siya sa Binata ng Pangavukad at sinamahan siya
nito sa kanyang paglalakbay. Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Kinausap siya
ng dalaga at nakilala nila ang isa’t isa. Ayon sa Dalaga ng Buhong na Langit, siya ay
tumakas at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may
palamuti sa ulo. Gusto siya nitong pakasalan ngunit tinanggihan niya. Nagalit ang

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
6

binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinusundan ng higante ang dalaga saan man
siya mapadpad at sinusunog ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga.

Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata
ng Pangumanon, balot ng apoy at pinagpapatay ang mga tao sa kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang higante gamit ang kanilang mga sandata ngunit
magkasinlakas ang dalawa at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng higante
ang kanyang patung, isang mahabang bakal, ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay
Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kanyang bisig at namatay ang
apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kanyang patung at ibinato sa higante, lumiyab ito at
namatay ang higante. Pagkatapos ng labanan, binuhay ni Tuwaang ang mga napatay
ng higante gamit ang kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan
sakay ng kidlat.
(Hango mula sa Panitikang Pilipino 8)

1. Ibigay ang pagkakahawig o pagkakatulad ng mga pangunahing tauhan mula sa


mga epikong binasa batay sa mga hinihinging impormasyon sa tsart.

Matabagka Tuwaang
kapangyarihan
paraan kung paano
natanggap ang mensahe
sasakyang ginamit
sa paglalakbay
kabayanihang
ipinamalas

2. Batay sa ipinamalas na kabayanihan ng mga pangunahing tauhan mula sa mga


akdang binasa, ano para sa iyo ang kahulugan ng salitang “bayani”?

3. Sino sa dalawang pangunahing tauhan sa mga akda ang mas nagpamalas ng


lubos na kabutihang taglay? Ipaliwanag ang sagot.

4. Para sa iyo, sino ang kinakatawan ng dalawang pangunahing tauhan sa akdang


binasa sa kasalukuyang panahon? Bakit?

5. Aling wakas ang mas nagustuhan mo sa dalawang akdang binasa?


Pangatwiranan ang sagot.

Pamantayan sa pagpupuntos: (para sa bilang 2-5)

5–Napakahusay ng paliwanag 3 – Hindi maayos ang paliwanag


4 –Mahusay ang paliwanag

Gawain 3 Pagsulat ng Talata

Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang makabuo ng mga


talatang naglalahad.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
7

“Kabayanihan sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa”

Panimulang Talata: Ipaliwanag kung anong krisis o pandemya ang nararanasan ng


ating bansa sa ngayon.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gitnang Talata: Sino-sino ang nagsisilbing mga bayani sa panahong ito at ano-ano ang
mga mahahalagang tungkulin na kanilang ginagampanan at maging mga balakid na
kanilang nararanasan para mapagtagumpayan ng bansa ang krisis o pandemya.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pangwakas na Talata: Sa iyong palagay bakit sila ang nagpapakita ng kabayanihan sa


panahong ito para sa iyo?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng talata:
10 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Binubuo ito ng magkakaugnay at
maayos na mga pangungusap. 8 – dalawang pamantayan
✓ Nagpapahayag ito ng sariling
palagay o kaisipan. lamang
✓ Naglalahad ng angkop na simula, 5 - isang pamantayan lamang
gitna at wakas.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa at mga
paraan sa pagsulat ng talata, narito ang mga dapat mong tandaan.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
8

1. May iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa, kabilang dito ang


pagtutulad, pagbibigay depinisyon at pagsusuri.
2. Ang talata ay dapat binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap at nagtataglay ito ng tatlong bahagi, ito ay ang panimula, gitnang
talata o talatang ganap at wakas o talatang pabuod.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sumulat ng isang komposisyong naglalahad mula sa mga sumusunod na


paksa. Pumili lamang ng isa at isulat ito sa hiwalay na papel. Maaari ka ring
pumili ng ibang paksa na nais mo. Lumikha ng angkop na pamagat ng
komposisyon.

Pagpipiliang paksa: 1. Social Media 2. Edukasyon 3. Kalikasan 4. At iba pa

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng talata:
10 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Binubuo ito ng magkakaugnay at
maayos na mga pangungusap. 8 – dalawang pamantayan
✓ Nagpapahayag ito ng sariling
palagay o kaisipan. lamang
✓ Naglalahad ng angkop na simula, 5 – isang pamantayan lamang
gitna at wakas.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ayon sa DepEd, ang ipatutupad sa pasukan ngayong taon ay ang blended


learning, ito ang paggamit ng modyul, internet, telebisyon o radyo para sa pag-aaral
ng mga bata. Ang impormasyong ito ay pumawi sa pangamba ng maraming magulang.
Inakala kasi nila na online classes lamang ang kaparaanang gagamitin para
makapagpatuloy ng pag-aaral ang mga bata sa taong ito. Ikinabahala nila ang
kawalan ng kakayahang bumili ng mga mamahaling gadget tulad ng smartphone at
tablet maging laptop at desktop computer para sa online classes. Nagpasakit din ng
ulo nila ang kawalan ng internet connection sa kanilang mga tahanan. Pero dahil
nilinaw na ng DepEd ang maling impormasyong ito, muli silang nakahinga ng
maluwag. Ikinatuwa rin nila ang pangako ng gobyerno na dadagdagan ang pondo ng

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
9

kagawaran para maisakatuparan ang blended learning at masiguro ang kaligtasan ng


bawat mag-aaral sa gitna ng pandemya.

___1. Anong dalawang bagay ang inihalintulad sa laptop at desktop computer na


maaaring gamitin sa online classes?

A. modyul at internet C. smartphone at tablet


B. telebisyon at radyo D. DepEd at blended learning

___2. Anong teknik sa pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa unang pangungusap sa


talata?

A. pagsusuri C. pagbibigay depinisyon


B. pagkakaiba D. pagtutulad o paghahawig

___3. Anong uri ng talata ang iyong binasa?

A. naglalahad C. nagsasalaysay
B. naglalarawan D. nangangatwiran

___4. Alin sa mga sumusunod na dapat tandaan sa paglikha ng talata ang tinataglay
ng talata sa itaas?

A. mayroon itong tatlong bahagi


B. pagiging malaya sa paglikha ng talata
C. napapanahon lamang ang paksang tatalakayin
D. magkakaugnay at maayos ang mga pangungusap

___5. Paano napawi ang pangamba ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang anak
sa taong ito?

A. Magbibigay ang gobyerno ng pinansyal na ayuda sa mga magulang.


B. Sinabi ng gobyerno na magpapakabit sila ng internet connection sa bawat
paaralan.
C. Nangako ang DepEd na bibigyan ang lahat ng mga mag-aaral ng gadget na
maaari nilang gamitin sa online classes.
D. Ipinaliwanag ng DepEd ang kanilang mga kaparaanang gagamitin para
makapagpatuloy ng pag-aaral ang mga bata sa gitna ng pandemya.

Pagninilay

Sa panahon ng krisis o pandemya, marami sa atin ang nagpapamalas ng di


matatawarang kabayanihan. Bilang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa panahong ito. Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagsulat
ng sariling talata.

Bilang kabataan, panata kong_________________________________________________


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
10

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng talata:
5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Naaangkop at malinaw na nailahad
ang kaisipan. 4 – dalawang pamantayan lamang
✓ Binubuo ito ng magkakaugnay at
maayos na mga pangungusap. 3 – isang pamantayan lamang
✓ May apat hanggang limang
pangungusap.

Binabati kita sa ipinamalas mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong


bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa
iyong guro.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like