Lesson Plan in Araling Panlipunan w1 d2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Date: August 23, 2022

ARALING PANLIPUNAN II
Unang Markahan

I. LAYUNIN:
Nailalarawan ang sariling komunidad batay sa pangalan nito, lokasyon, mga
namumuno, populasyon, wika, kaugalian, paniniwala, atbp.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Paglalarawan sa sariling komunidad batay sa pangalan nito, lokasyon,
mga namumuno, populasyon, wika, kaugalian, paniniwala, atbp
B. Kagamitan: larawan ng komunidad, tarpapel
C. Sanggunian: MELC, TG pp. 37-42, Araling Panlipunan 2, Modyul 2
D. Pagpapahalaga: PAGMAMALAKI NG SARILING KOMUNIDAD

III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Awitin ang Ako’y Isang Komunidad
Itanong:
Ano ang kahalagahan ng komunidad sa atin?

2. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng komunidad sa mga mag-aaral at pag-usapan ito

Itanong: Ano-ano ang nakikita Ninyo sa larawan?


B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin ang kuwento.
2. Pagtatalakay:
Itanong:
1. Ano- anong batayang impormasyon ang isinasaad sa kuwento?
2. Mayroon bang pangkat etniko sa iyong komunidad?
3. Sa anong pangkat ka nabibilang? Anong rehiyon ang kinabibilangan mo?
4. Bakit kailangang malaman mo ang mga batayang imprmasyong ito?
5. Ikaw, ano ang kuwento mo tungkol sa iyong komunidad?

3. Paglalahat:
Sabihin: May mga batayang impormasyon ang bawat komunidad na dapat malaman
at tandaan tulad ng pangalan, lokasyon, populasyon, pinuno, wika at mga grupong
etniko at relihiyon.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat:
Panuto: Tukuyin ang mga batayang impormasyon sa bawat kahon. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Tagalog, Ilokano, Pampango


a. Lokasyon b. Wika c. Relihiyon

2. 350, lalake, 418 babae


a. Pangalan ng komunidad b. populasyon c. wika

3. San Enrique, Bacolod, Kabankalan


a. Populasyon b. pangalan ng komunidad c. grupong etniko

4. Kristiyano, Muslim
a. Namumuno b. lokasyon c. relihiyon

5. Gobernador, Alkalde, Kapitan


a. Wika b. pangalan ng komunidad c. namumuno

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.

A B

____1. Grupong etniko A. Davao


____2. Relihiyon B. Sampaguita
____3. Wika C. Iglesia ni Kristo
____4. Lokasyon D. Mayor
____5. Populasyon E. Lalaki 457, Babae 265
____6. Pinuno F. Igorot
G. Tagalog

2. Paglalagom/Pagpapahalaga
Itanong: Ano-ano ang batayang impormasyon ang dapat tuonan ng pansin sa pagkilala
ng isang komunidad?
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Isulat ang mga Batayang impormasyon tungkol sa komunidad

M.L. _____
I.D. _____

Prepared:
MICHELLE F. GALLANO
Grade II-Hope

You might also like