Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kalagayan ng Wikang Filipino laban sa Wikang Banyaga

sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon

Bilang bahagi ng pagtupad sa


kahingian ng Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino

Inihanda ni:

RUTH ASHLEE R. OCUMEN


G11 – STA

Ipinasa kay:

Bb. CAMILLE C. ESTEBAN, LPT


Guro sa asignatura
Kabanata I

Ang Suliranin

Panimula
Tunay mahalagang bahagi ng buhay ang wika dahil dito nabubuo ang
mas mabisang unawaan ng mga tao. At upang magkaroon nang maayos
na buhay, kinakailangan ng pagkakaisa at komunikasyon na nagiging
posible dahil sa wikang ginagamit. Nakapaglalahad ng ideya at
opinyon, nakapagpapalitan ng saloobin at damdamin, at nagkakaroon
ng kaayusan sa pagpapatupad ng mga bagay dahil sa wika. Sa kabila
ng pagkakaroon ng iba’t-ibang relihiyon, kultura at lugar na
piangmulan ay nag kakaisa pa rin dahil sa Wikang Filipino. Ang
wikang ito ay sumasalamin sa kultura at lahi nating Pilipino.

Ngunit sa pagpasok ng moderndong panahon, kung saan laganap ang


paggamit ng teknolohiya kagaya ng social media, pag tetext sa
telepono at iba pang gamit na mga gadgets. Hindi natin
maiitatanggi na karamihan sa ating mga Pilipino lalo na sa mga
kabataan ay naiimpluwensyahan na rin at pilit na nakikibagay at
nakikisabay sa mga bagong nagaganap sa ating kapaligiran lalong-
lalo na pagdating sa wika. Nandiyan ang mga iba’t ibang salita
nalilikha sa modernong panahon. Kagaya ng “gay language”,
“jejemon” at mga salitang may halong Ingles. Kalamitan rin
ginagamit sa mga sitwasyon ang mga hugot lines, fliptop at pick-
up lines.

Bagamat umuunlad ang Wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang


nasusulat dito. Ngunit, ano nga ba ang kalagayan ng Wikang
Filipino sa mga kabataan ng Laur sa kasalukuyang panahon?
Layunin ng pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang


malaman ang kalagayan ng Wikang Filipino sa mga kabataan ng Laur
sa kasalukuyang panahon.

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang wika ang siyang susi sa pagbubukod-buklod ng damdamin at diwa


ng bawat mamayanan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawan
ang mga tao. Ito ay labis na napakahalaga sapagkat hindi uunlad
ang isang ekonomiya kung walang wika.

Malaki ang naitutulong ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Guro

Dahil sa pag-aaral na ito, ito ang magiging daan upang mas


palakasin ng administrasyon ng paaralan ang kanilang dapat gawin
at kailangang ipatupad sa paaralan na may ginagampanan sa
paghubog ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.

Mag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila upang malaman nila


ang kalagayan ng Wikang Filipino at maging daan kung ano ang
dapat gawin upang suportahan ito.

Mamayanan

Sa pag-aaral na ito, mabibigyan sila ng impormasyon ukol sa


kahalagahan at kalagayan ng Wikang Filipino at kung paano ito
makatutulong sap ag-unlad ng bayan.
Kabanata II

Metodolihiya

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nauuri sa klasipikasyong


deskriptibo o panlalarawang pananalisik na ginagamit sa mga
pananaliksik at pag-aaral na ukol sa wika at kaugnay na
disiplina.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sap pag-aaral na ito ay tatlumpu’t isa (31)


na mag-aaral na may edad 13-18. Ito ay binubuo ng lambing-walong
(18) na babae at labing-tatlo (13) na lalaki. Random sapling ang
nangyaring pamamaraan ng pagpili ng mga kalahok sapagkat ninais
ng mananaliksik na makuha ang datos ukol sa persepsyon ng mga
kabataan patungkol sa nasabing paksa.

Instrumento ng Pananaliksik

Gumamit ang mananaliksik ng isang talataungan/questionnaire


para sa mga kalahok sa pag-aaral.

Paraan sa Pagkuha ng Datos

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsimula sa


talatanungan na naglalayong malaman ang kalagayan ng o sitwasyon
ng Wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon na una
ng sinagutan ng mga tagasaliksik at sinundan ng pag-e-edit sa
instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang
matiyak ang kaangkupang mga tanong na nais sagutin ng
mananaliksik. Ang survey form ay ipinadala sa facebook messenger
sa bawat kalahok o tagatugon at ibinigay ang tamang panuto sa
pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga
instrument at inihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at
binigyan ng kabuuan.

Kabata III

Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos

You might also like