Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

GRADES 1 to 12 Department of Education


Daily Lesson Log REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
KAYLAWAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Kaylaway, Nasugbu, Batangas

Kaylaway National High


School Grade Level Grade 9
School

Teacher Julius M. Bayaga Learning Area ESP

August 30- Sept. 2, 2022 Quarter First

Teaching Date and


Time

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang
kabutihang panlahat).
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang
pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at
pangkapayapaan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto a. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat. EsP9PLIa-1.1
b. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
c. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan
sa pamamagitan ng pagguhit.

II. NILALAMAN Modyul 1: Layunin ng Lipunan-Kabutihang Panlahat

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 1-4
ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 1-5
Pang-Mag-aaral
3. Internet https://www.youtube.com/watch?v=l8udMkneUiI
https://www.youtube.com/watch?v=j5oBGOPj7Ns

B. Iba pang kagamitang


panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang 1. Habang pinatutugtog ang isang instrumental music, magkaroon ng pagbabalik
aralin at/o pagsisimula ng bagong gunita habang nakapikit ang mga mag-aaral. Isa-isahin ang mga pananagutan sa
aralin sarili at sa kapwa. Ipaalala ring mahalagang mamulat ang bawat mag-aaral sa
lipunang kanilang ginagalawan upang makamit ang kabutihang panlahat.
Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi
Address: Brgy. Kaylaway, Nasugbu, Batangas
 [09175553085]
 [kaylaway_nhs@yahoo.com/kaylawaynhs@gmail.com]
 [facebook.com/kaylawayhigh1971]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
KAYLAWAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Kaylaway, Nasugbu, Batangas

ng kanilang mga realisasyon. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective


Approach)

2. Pasagutan sa notbuk ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.


(Gawin sa loob ng 7 minuto) (Reflective Approach)

A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng


B. Paghahabi sa layunin ng aralin.
Aralin
1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
2. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
3. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa
pamamagitan ng pagguhit

B.Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang ipinakikitang sitwasyon ng


lipunan sa kasalukuyan. Ipalarawan ang opinyon ng mga mag-aaral ukol dito.
Tumawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral na magbabahagi. (Gawin sa
loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Pakinggan at panoorin ang awiting isinulat at inawit ni Noel Cabangon na may pamagat
halimbawa sa bagong aralin na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”. https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78.
Tumawag ng mga mag-aaral na magsasagot ng mga katanungan na nasa ibaba. (Gawin sa
loob ng 10 minuto) (Integrative and Reflective Approach)

Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good?
D. Pagtalakay ng bagong Gamit ang Powerpoint Presentation, talakayin ng guro ang mga sitwasyon sa bansa
konsepto at paglalahad ng kung saan kapansin-pansin ang hindi pagkakasundo o pag-aalitan ng mga tao,
bagong kasanayan #1 kaguluhan sa pulitika at opisyal ng gobyerno, negosyo, kahirapan, gutom, sakuna at
mga isyung nagpapakita sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan at sagutin ang
sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach)
1. Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Pangatuwiranan.
2. Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang
nangangarap ng matiwasay na lipunan at marahil ay isa ka sa mga ito. Paano nga
kaya magkakaroon ng katiwasayan sa lipunan? Magbigay ng halimbawa.
3. Ano kaya ang maipapayo mo? Bakit?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ng Manila paper at marker ang
konsepto at paglalahad bawat isang grupo. Gumawa ng isang recipe para sa Matiwasay na Lipunan.
Sundin ang gabay na direksyon sa ibaba.
Address: Brgy. Kaylaway, Nasugbu, Batangas
 [09175553085]
 [kaylaway_nhs@yahoo.com/kaylawaynhs@gmail.com]
 [facebook.com/kaylawayhigh1971]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
KAYLAWAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Kaylaway, Nasugbu, Batangas

ng bagong kasanayan #2 Pumili ng isang miyembrong magbabahagi ng natapos na gawain. (Gawin sa loob
ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain.
Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat
din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang
recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito
makakamit? Gagawin mo iyan sa gawaing ito: Recipe para sa Matiwasay na
Lipunan. Ang magiging nilalaman nito ay ang sumusunod:
 Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan
 Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo,
at iba pa.
 Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal.
Ilagay ang katarungan sa isang malaking lalagyan at haluan ito ng
pagmamahal. Matapos itong mapagsama-sama ay budburan ito ng bukas
na komunikasyon)
F. Paglinang ng kabihasaan Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. Ibahagi ang kasagutan sa klase:
1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na
lipunan? Ipaliwanag.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na
lipunan?
Ipaliwanag.
G. Paglalapat ng aralin sa Itala sa notbuk ang mga pansariling pamamaraan upang makamit ang
pang-araw-araw na buhay kabutihang panlahat. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach)
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________

H. Paglalahat ng Aralin Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang
pagkakalikha sapagkat binubuo ang tao ng lipunan at binubuo ng lipunan ang tao.
Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito at ito ang tunay na kahulugan ng
kabutihang panlahat.
I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan. Gumawa ng drawing nito sa isang bondpaper.
Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)

Kraytirya:
a. Pagiging malikhain 40%
b. Kaangkupan sa Paksa 30%
c. Pagkakatugma sa ninanais na paglalarawan 20%
d. Kalinisan 10%
J. Karagdagang Gawain A. Magsagawa ng pananaliksik sa alinmang sumusunod na pamamaraan:
maaaring sa silid-aklatan, internet o interview tungkol sa mga kasalukuyang
kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na institusyong
panlipunan:
Address: Brgy. Kaylaway, Nasugbu, Batangas
 [09175553085]
 [kaylaway_nhs@yahoo.com/kaylawaynhs@gmail.com]
 [facebook.com/kaylawayhigh1971]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
KAYLAWAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Kaylaway, Nasugbu, Batangas

 Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Negosyo
 Pamahalaan
B. Maghanda para sa presentasyon ng ginawang pananaliksik.
IV. TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang na mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni: Inaprubahan ni:


JULIUS M. BAYAGA ANSELMO L. JOLONGBAYAN EdD
Teacher 1/ESP Principal II

Iwinasto nina:

Address: Brgy. Kaylaway, Nasugbu, Batangas


 [09175553085]
 [kaylaway_nhs@yahoo.com/kaylawaynhs@gmail.com]
 [facebook.com/kaylawayhigh1971]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
KAYLAWAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Kaylaway, Nasugbu, Batangas

LEONCIA P. MERCADO
Head Teacher II

MELINDA N. GUILLERMO
Head Teacher II

Address: Brgy. Kaylaway, Nasugbu, Batangas


 [09175553085]
 [kaylaway_nhs@yahoo.com/kaylawaynhs@gmail.com]
 [facebook.com/kaylawayhigh1971]

You might also like