Professional Documents
Culture Documents
Paunang Pagtataya Sa Filipino 9
Paunang Pagtataya Sa Filipino 9
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling
kuwentong _______________.
A. sikolohikal B. pakikipagsapalaran C. makabanghay D. kababalaghan
Para sa aytem 2 at 3
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon,
magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming
iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat).
2. Mula sa binasang teksto, mahihinuhang ang ama ay magiging __________
A. matatag B. Mabuti C. matapang D. masayahin
3. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang __________.
A. magiging Mabuti B. nagdadalamhating ama C. mula ngayon D. dinukot sa bulsa
4. “Gusto mo bang maging masama ako? gaya ng iba. Sigaw ni Sugeng “Pabalik-balik sa kaniyang pandinig ang
sigaw niyang iyon. Anong uri ng tunggalian ang pahayag?
A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa kalikasan D. Tao laban sa
lipunan
5. “Kahit huwad ang mga korporasyong itatayo natin, meron pa ring pagkakagastusan tulad ng buwis, mga
sertipiko, at marami pang iba.
A. kabutihan B. katotohanan C. kagandahan D. opinion
6. Sa tingin ko, nakababahala na ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa virus na COVID19 sa Metro Cebu. Ano
ang ipinahihiwatig ng salitang sinalungguhitan?
A. katotohanan B. opinion C. pahayag lamang D. pag-aalala
7. Mula sa tulang Ang Punongkahoy saknong bilang VI, ano ang pahiwatig ng taludtod na ito:
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
A. malapit na siyang ihatid sa huling hantungan B. nagsisisi dahil sa bata pa’y sa bisyo naaliw
C. ang kanilang ginawa ay inspirasyon sa iba D. nawala lahat ang kanyang kaligayahan;
nararamdaman ang kalungkutan at nag-iisa sa dilim
8. Ano ang simbolo ng hangin sa saknong?
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
baka lagutin ng hanging malakas.
A. mga pagsubok sa buhay B. hanging Amihan at Habagat
C. hanging dala ng mga bagyo D. mga taong sagabal sa pagpapalipad
9. Isa sa mga pagnanais ng isang babeng Javanese noon na mabago ang kaugaliang nakasanayan para sa
kababaihan- ito ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng kababaihan sa kalalakihan. Bilang isang batang
Asyano na naghahangad ng pagkakapantay-pantay, paano mo ipapaalam sa mga kababaihan ang kanilang
karapatan?
A. ibahagi ang RA 9262 o Violence Against Women and their Children
B. magbigay alam sa DSWD sa mga problemang pangkababaihan
C. makipagtulungan sa mga kapwa kababaihan sa lugar
D. tutulungan ang mga kababaihan sa kanilang Karapatan
10. Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan. Anong uri ng pang-ugnay ang
salitang may salungguhit?
A. Pang-angkop B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-abay
11. Ito ay isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari?
A. Melodrama B. Komedya C. Trigikomedya D. Trahedya
12. Kung ang bago ay kasalungat ng luma at ang tao ay isang nilalang na may buhay, kung gayon ano ang isang
baguntao?
A. sanggol B. binata C. katutubo D. bagong-kasal
Para sa bilang 13 at 14. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita.
13. HAIKU
Lakbay ng hirap
Address: Macabulos
Drive, San Roque,
Tarlac City
Telephone No.:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Pangarap ng naglayag
Tuyong lupain
A. Pagtupad sa pangarap B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin
14. TANKA
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
A. May patutunguhan B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin
15. Ano ang tinutukoy na kahulugan ng salitang BUHAY kung ang diin ay nasa unang pantig?
A. kapalaran ng tao B. Huminhinga pa C. Kaginhawaan ng tao D. Kapalaran ng tao
Para sa bilang 16-17: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa tauhan sa diyalogo.
16. Myrna: “Halika na bilisan mo at aalis na tayo!”
Beth: “Hindi na lang ako tutuloy. Mukhang ayaw ninyo naman akong kasama.”
A. pagtatampo B. pagmamalasakit C. paghanga D. pagkahiya
17. Ina: “Ang lakas ng ulan at hindi pa nakakauwi ang iyong mga anak.”
Ama: “Oo nga, wala pa namang dalang mga payong ang mga iyon.”
A. pagkatuwa B. pagsisisi C. pag-aalala D. pagkatakot
18. Ilagay sa mga baitang o antas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag.
1. iyak 2. hikbi 3. hagulgol 4. nguyngoy
A. 2-4-1-3 B. 1-2-3-4 C. 4-5-3-2-1 D. 3-4-5-1-2
Para sa bilang 19: Basahin ang halaw sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng pino. “Bakit ang mga dahon at sanga namin
ang kinukuha niyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang
binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol niyo”.
19. Ipinahiwatig ng salaysay ang NEGATIBONG ugali na ginagawa ng tao sa ating kalikasan. Bilang kabataan ano
ang dapat gawin upang maging POSITIBO ang salaysay.
A. Huwag puputulin ang mga maliliit na punongkahoy. B. Magtanim ng maraming puno ng pino.
C. Panatilihing malinis ang ating mga kagubatan. D. Iwasan ang pagputol ng mga punongkahoy at
panatilihin ang pag-aalaga ng ating kalikasan sa tamang
paraan.
20. Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumatalakay sa anumang
isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guniguni.
A. dula B. Nobela C. Tula D. Sanaysay
Para sa mga bilang 21-24, pakisangguni sa bahagi ng sanaysay sa ibaba.
Sa bawat indak ng lamuymoy sa saliw ng ihip ng hangin na sumasabay sa ngiti ng haring araw ay nagpaaalala
na ikaw ay darating. Babaguhin ang nakagawian na simpleng pabilog lamang ang adorno na nakalagay sa tenga ng
binibining matimtiman. Sa makulay na lumuymoy ako ay tila nahimasmasan sa pagkakatulog sa lupang tigang. Init at
tamis ng pagbabago ay nakita at nalasahan. “Salamat, salamat pipi kong usal dahil sa iyo muling nasilayan tamis ng
kinabukasan.
Ni: Cristia Marie C. Colastre
21. Ano ang paksa ng talata sa itaas? Ipaliwanag.
A. Nagugunita ng sumulat ang panahon na nagbago ang kanyang paligid dahil sa tao na dumating.
B. Nagugunita ng sumulat ang pagbabagong hatid ng taong bagong dating sa kanyang buhay.
C. Nagugunita ng sumulat ang pagkakaiba ng mga tao na dumarating sa kanyang buhay.
D. Nagugunita ng sumulat ang kanyang karanasan sa bawat tao na kanyang nakasalamuha.
22. Ano ang kaisipang nais iparating ng sanaysay? Bakit?
A. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na nagbibigay saya.
B. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na biyaya.
C. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na kamangha-mangha.
D. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na kagila-gilalas.
23. Ano ang layunin ng sumulat ng sanaysay?
A. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng pagkakaroon ng bagong kakilala
Address: Macabulos
Drive, San Roque,
Tarlac City
Telephone No.:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Address: Macabulos
Drive, San Roque,
Tarlac City
Telephone No.:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Address: Macabulos
Drive, San Roque,
Tarlac City
Telephone No.:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
50. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsakop ng mga Kastila sa bansa?
A. pagtuturo ng wikang Kastila B. pagkakaroon ng edukasyon sa bansa
C. pang-aalipin sa mga Pilipino sa sariling bayan D. pagmumulat sa isipan ng mga Pilipino sa mga maling
kaugalian
Address: Macabulos
Drive, San Roque,
Tarlac City
Telephone No.: