Peklat Cream

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PEKLAT CREAM

No'ng bata ka, lasenggo 'yung tatay mong abogado


Magulang mo'y nagsabong, nagkulong ka na sa kwarto
Nagtataka kung bakit itim ang eyeshadow ng tanging ina mo
Pambura ng peklat sa mukha
Bilhin mo na itong cream
Kung gusto ka n'yang laging maganda
Bilhin mo na itong cream
Ginamit mo ang cream na pampaputi ng kilikili
Binuklat ang magazine, nalimot ang labahin
Tambak na daw ang hugasin
Nabasag ang plato nang hinampas sa mukha mo
Nagulat ka bigla na ang jowa mo'y parehas sa tatay mong abusado
Pambura ng peklat sa mukha
Bilhin mo na itong cream
Kung gusto mo s'yang laging masaya
Bilhin mo na itong cream
Nilinis mo naman, hindi kuminis
Pinahid mo na nga, pangit pa rin
Kahit ano'ng gawin, s'ya'y maiinis
Ano pa mang sabihin ay gugulpihin
Pambura ng peklat sa mukha
Mga pasang buburahin
Kung ayaw mong iwan ka n'ya
Eh, 'di ikaw na'ng umalis
Pambura ng peklat sa mukha
Mga pasang buburahin
Kung ayaw mong iwan ka n'ya
Eh, 'di ikaw na'ng umalis
Kinuha ang maleta, nagbihis
Suot ang ebidensiya

You might also like