Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DOKTRINA NI KRISTO

Hesus ang ating Dakilang Saserdote


Ang propeta ay nagsalita sa mga tao mula sa Diyos; ang saserdote o pari ay nagsasalita sa Diyos para sa mga tao.
Sa Bibliya kung saan ginamit ang salitang ito ay sa Genesis 14. Ang kaibigan ng Diyos na si Abraham ay
nakipaglaban upang iligtas ang kanyang pamangking si Lot na binihag ng mga sundalo ng Elam. Sa kanyang
pagbabalik, nagkita sila ni Melquisedek, ang hari ng Salem at saserdote ng Kataas-taasang Diyos. Binasbasan ng
taong ito (na ang pangalan ay nangangahulugan na “hari ng katarungan”) si Abraham dahil sa pagbibigay sa
kanya ng tagumpay ng Diyos. Bilang pasasalamat, ipinagkaloob ni Abraham ang ikasampung bahagi ng lahat ng
kanyang samsam kay Melquisedek. Ang kanyang ginawang ito ay nagpapakilala na kinilala ni Abraham ang
posisyon ni Melquisedek bilang saserdote ng Kataas taasang Diyos.
Pagkalipas ng maraming taon, itinalaga ng Diyos ang apo sa tuhod ni Abraham na si Levi upang maging Ama ng
lipi na panggagalingan ng mga saserdote. Nang ibigay ng Diyos ang kautusan sa Bundok ng Sinai, ipinakilala ang
mga Levita bilang mga lingkod sa Tabernakulo, habang ang pamilya naman ni Aaron ang magsisilbing mga
saserdote. Ang mga saserdote ay responsable sa pamamagitan sa Diyos at sa kanilang bayan sa pamamagitan ng
paghahandog ng mga hayop na susunugin ayon sa itinakda ng Kautusan. Mula sa mga saserdote, may isang
pipiliin upang maging Dakilang Saserdote at papasok siya sa dakong kabanal-banalan isang beses isang taon sa
Araw ng Katubusan upang iwisik ang dugo ng handog na hayop sa luklukan ng Awa ng Kaban ng Tipan (Hebreo
9:7). Sa pamamagitan ng araw araw at taunang paghahandog, pansamantalang napapawi ang poot ng Diyos sa
kasalanan ng mga tao hanggang sa dumating ang Mesiyas upang ang mga kasalanang iyon ay ganap na maalis.

Nang tawagin si Hesus na ating Dakilang Saserdote, ito ay tumutukoy sa parehong pagkasaserdote na gaya ng kay
Melquisedek. Siya ay itinalaga bilang saserdote na hindi sakop ng Kautusan na ibinigay sa bundok ng Sinai
(Hebreo 5:6). Gaya ng pagkasaserdote ng mga Levita, naghandog si Hesus ng handog upang ganapin ang
Kautusan ng Diyos ng kanyang ihandog ang Kanyang sarili para sa ating mga kasalanan (Hebreo 7:26-27). Hindi
gaya ng pagkasaserdote ng mga Levita, na kailangang paulit-ulit na maghandog araw-araw, kinailangan lamang ni
Hesus na maghandog ng isang beses upang ganapin ang walang hanggang pagtubos sa mga taong lalapit sa Diyos
sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya (Hebreo 9:12).

Ang isa pang mahalagang bagay tungkol sa pagka-saserdote ni Hesus ay itinalaga ang bawat saserdote mula sa
mga tao. Si Hesus, bagamat Siya ay Diyos mula sa walang hanggan ay naging tao upang maghandog ng Kanyang
sariling buhay at magsilbing Dakilang Saserdote (Hebreo 2:9). Bilang tao, naranasan Niya ang lahat ng limitasyon
at tukso na ating nararanasan upang personal Siyang makabahagi sa ating mga kahirapan (Hebreo 4:15). Higit si
Hesus sa kaninumang saserdote kaya tinatawag Siya na “lubhang Dakilang Saserdote” sa Hebreo 4:14, at ito ang
nagbibigay sa atin ng lakas ng loob na lumapit sa trono ng Biyaya “upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at
mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan” (Hebreo 4:16).
Ang priesthood ni Jesucristo ay ipinahayag bilang perpektong priesthood, dahil si Jesus ang perpekto at tanging
tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at tao. Siya ay pari, nag-aalay, at ang inialay. Ang kanyang sakripisyo ay ang
perpektong sakripisyo, at ang kanyang priesthood ay walang hanggan.

 Si Melquisedec ay isang uri ni Kristo sa kanyang pangalan.

Ang ibig sabihin ng Melquisedec ay “Hari ng katuwiran.”


DOKTRINA NI KRISTO

“Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una,
siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan” (Sa Mga
Hebreo 7:2).

 Si Melquisedec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pinagmulan.

“Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay
man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa Mga Hebreo
7:3).

 Si Melquisdec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pagkasaserdote.

Si Melquisedec ay “naging katulad ng Anak ng Dios), [na sino] ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa
Mga Hebreo 7:3).
“Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni
Melchisedech” (Mga Awit 110:4).

SI HESUS BILANG HARI


sa Lumang Tipan, hindi kailanman nais ng Diyos na magkaroon ng tao ang Israel bilang hari. Ang angkan ng mga
hari ay pinahintulutan ng Diyos ang kanyang mga tao na makuha ang kanilang hinihiling - na maging katulad ng
ibang mga bansa - at tanggapin ang mga kahihinatnan.
Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan tungkol sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo,
sapagka't hindi ka nila itinakuwil, kundi itinakuwil nila Ako sa pagiging hari sa kanila (1 Samuel 8:7).

 Ang isang hari ay isa na may nararapat na ganap na awtoridad sa iba. Ang posisyong ito ay ipinag-utos
kay Hesus bago siya ipanganak.

“At narito, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalake, at tatawagin mo siyang Jesus.
Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan; at ibibigay sa Kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng Kanyang amang si David; at Siya ay maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at ang
Kanyang kaharian ay walang katapusan” (Lucas 1:31-33).

Si Jesus ay hindi lamang isang hari; hawak niya ang lahat ng awtoridad at siya ang Hari ng mga Hari at ang
Panginoon ng mga panginoon
Pahayag 19:16
At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT
PANGINOON NG MGA PANGINOON.
Filipos 2:9-11
Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 10 Ito
ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga
nasa ilalim ng lupa. 11 Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati
ng Diyos Ama.
DOKTRINA NI KRISTO

Si Kristo ay namamahala sa kakaibang paraan: hindi sa pamamagitan ng kapangyarihang pampulitika, hindi sa


kapangyarihang militar, hindi rin sa kapangyarihang mistikal, ngunit sa pamamagitan ng kanyang Salita at
Espiritu

You might also like