Final DEMO Si Sisa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin:
Sa loob ng 1 oras ang mga mag aaral ay inaasahan na;
a. natutukoy ang mga simbolismo ng mga tauhan sa akda;
b. nabibigyang halaga ang pagiging isang ina;
c. naihahambing si Sisa noon sa mga kababaihan ngayon.

II. Paksang Aralin


Paksa: Noli me tangere; Kabanata 16: “Si Sisa”
Sanggunian: Modyul sa Noli me Tangere pp.45-47
Mga Kagamitan: manila papers, pentelpen, gunting, envelope at marami pang iba.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Paghahanda
Panalangin
Tumayo ang lahat para sa panalangin
pangunahan mo ___________.

Magandang umaga sa lahat Magandang Umaga po sir.


Kumusta naman ang araw ninyo? Okay naman po sir.
Mabuti kung gayon.

Magsiupo ang lahat

Checking of Attendance

May liban ba sa klase? Wala po sir


Aba! Magaling kung ganun.

Paalala

Bago natin pormal na talakayin ang ating


paksa. Magkakaroon tayo ng mga
kasunduan. Ito ang dapat ninyong tandaan.

Makinig nang mabuti,


Itaas ang kanang kamay kapag sasagot,
Iwasang makipagdaldalan sa klase;
at iligpit ang mga gamit na hindi kasali sa
ating talakayan.

Maasahan ko ba yan lahat klas? Opo sir


Pagwawasto ng Takdang aralin

May takdang aralin ba kayo klas? Meron po sir.


Okay mayroon akong ibinigay na takdang
aralin kahapon ngunit mamaya na natin yan
sasagutan sapagkat konektado yan sa ating Maliwanag po sir.
talakayan, Maliwanag ba?
(Kukunin ang takdang aralin)

b. Pagbabalik aral

Ano nga ba ang paksa noong nakaraang


araw? Kabanata 15: Ang mga Sakristan

Mahusay! Sino sino ba ang dalawang


sakristang tinutukoy sa kabanata? Ang dalawang tinutukoy po na sakristan sa
kabanata ay si Basilio at Crispin po sir.

Nakauwi ba nang ligtas ang dalawang


magkapatid? Hindi na po nakauwi ng ligtas si Crispin sir pero
nakatakas naman po si Basilio

May punto ang inyong mga tinuran. Alam


kung alam nyo na ang lahat ng laman ng
kabanata 15 kaya naman panatag na akong
talakayin ang susunod na aralin.

Bago pa nagsimula ang Ikaapat na


markahan meron na kayong permanenteng Opo sir
grupo, nandiyan na ba kayo sa inyong
grupo?

Kung gayon parinig nga ng inyong mga yell. (Bawat pangkat ay nagbigay ng kanilang mga yell)

Bago tayo tumungo sa ating talakayan. LAYUNIN


Sabay sabay nating basahin ang ating
layunin ngayong umagang ito. A. Natutukoy ang mga simbolismo ng
mga tauhan sa akda;

B. Nabibigyang halaga ang pagiging


isang ina;

C. Naihahambing si Sisa noon sa mga


kababaihan ngayon.
c. Pangganyak

Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang laro,


ang larong ito ay tatawagin nating Picture Opo sir.
Puzzle gusto nyo ba ito?

Syempre pag sinabi nating laro ay may


kaakibat na gantimpala yan, ang gantimpala
na inyong matatanggap ay grado kaya
basahin ninyo ang pagbibigay ko ng puntos
sa inyo.

KRAYTERYA 3 2 1
Lahat ng Hindi lahat Walang
kasapi ay ng gaanong
Kooperasyon tumulong kasapi ang pagtutu-
at tumulong lungan
unang at
nakapagdikit ikalawang
nakapag-
dikit

Kaangkopan Angkop Hindi Walang


ang Masyadong gaanong
ibinigay angkop kaang-
na kopan
imporma-
syon

Okay papangkatin ko kayo sa 3 na grupo at


paunahan lang kayo sa pagbuo ng ginupit
na larawan at kapag nabuo na ang larawan
ay lagyan nyo sa ibaba ng kapsyon kung ano (Binuo ng mag aaral ang ginupit na larawan)
ang masasabi ninyo sa larawang nabuo.

Ilaw
Mapagmahal

Ina

(Pag-usapan ng pahapyaw ang mga


nabuong larawan)

Tungkol po sa isang Ina


B. Paglalahad

Batay sa larawan at sa kapsyon na


inyong nakita at nabuo ano kaya ang
paksang ating tatalakayin?

Mahusay

Ano naman ang masasabi ninyo


tungkol sa isang ina o anong salita ang
maiugnay natin pag binanggit ang salitang
Ina.

(Pagpapakita ng Concept Map na may


nakasulat na Ina)
‘’Mga Posibleng Kasagutan”
 Matiisin
 Maalaga
 Mapagmahal

-Tinitiis po ng aking ina kahit nahihirapan na sya


makapagtapos lang ako ng pag-aaral
-Maalaga po ang aking ina dahil pinaghahanda niya
po ako ng masarap na pagkain
-Mapagmahal naman po ang aking ina sapagkat
hindi niya gustong masaktan ako

Bakit ninyo nasabi na ang ang isang


Ina ay Matiisin, Maalaga at Mapagmahal?

‘’Si Sisa’’

Tumpak! Ang lahat ng inyong mga


tinuran ay may kaugnayan sa ating bagong
aralin ngayon at itoy pinamagatang ‘’Si Sisa,
Kabanata 16) Opo sir

Excited naba kayong malaman ang ating 1. Sino si Sisa?


talakayan? 2. Bakit pinamagatang si Sisa ang kabanatang
ito?
3. Ano ang mga katangian ni Sisa?
Basi sa ating pamagat, ano ang gusto nyong
malaman sa ating aralin ngayon? Magsulat
ng tig iisang katanungan bawat grupo at
paunahan parin sa pagpaskil sa unahan.

Babalikan natin mamaya ang inyong mga


katangungan pagkatapos nating talakayin
ang ating kabanata.

a. Paghahawan ng sagabal

Ngayon ay bibigyan natin ng


kasingkahulugan ang mahihirap na
salita na matatagpuan natin sa aralin.
Ang tanging gagawin niyo ay
paunahan lamang sa pagbuo ng
salita sa bawat makikita ninyong mga
ginulong titik. Gagawin parin natin
itong paligsahan sa pamamagitan ng
larong tinatawag kong ”Bring me”
Mag-uunahan ang bawat pangkat sa
pagbibigay sa akin sa anumang bagay
na sasabihin ko at ang kung sino ang
unang makapagbibigay sa akin ng
bagay na hinihingi ko ay siya ang
sasagot sa ating talasalitaan at
gamitin ito sa sariling pangungusap, Opo sir.
Syempre paligsahan ito kaya
paramihan ng puntos.

Maliwanag ba? Talasalitaan B


1. busino
2. gaymaibi
Talasalitaan A 3. mamasa
4. bisla na tumankagu
1. nilustay 5. siksiksumi
2. maitustus
3. makahayop
4. paghahagok
5. gumigiit Mga Sagot
1. Inubos
2. Maibigay
1. Sa simula palang ng kanilang 3. Masama
pagsasama, nilustay na ng kanyang 4. Labis na kagutuman
asawa ang mga alahas ni Sisa. 5. sumusiksik
2. Nang wala nang maitustos si Sisa sa
kanyang asawa ay sinimulan na
siyang saktan nito.
3. Hayagang ipinakita nito kay Sisa
ang kanyang makahayop na asal at
pag-uugali
4. Ang hapunang inihanda ni Sisa para
sa mga anak ay buong paghahagok
na inubos ng kanyang asawa
5. Pilit na gumigiit sa isipan ni Sisa ang
kanyang mga anak.

C. Pagtatalakay sa Paksa

Ngayon ay sabay sabay nating panoorin ang


kabanata 16 na pinamagatang “Si Sisa”
1. Si Sisa ay isang ina ng dalawang anak na si
Ngayon ay natapos na nating panoorin ang Basilio at Crispin. Ang kanyang asawa ay si
kabanata kaya naman balikan na natin ang Pedro
inyong mga katanungan na naisulat kanina. 2. Pinamagatang si Sisa dahil ang kabanatang
ito ay napatungkol sa buhay ni Sisa. Ang
kanyang naging pamilya at ang kanyang
1. Sino si Sisa? naging buhay sa piling ng isang sugarol na
asawa ni Pedro.
3. Ang mga katangian ni Sisa ay ang pagiging
mabuting ina at asawa
2. Bakit pinamagatang si Sisa ang
kabanatang ito?

3. Ano ang mga katangian ni Sisa?

Natapos na nating sagutan ang inyong mga


katanungan, ako naman ang magtatanong.
Mayroon ako ditong parte ng damit ni Sisa
na nakalagay sa “Kahon ng Karunongan” na
ipapasa-pasa ninyo ito sabay ng tugtug ng
awitin. Kung sino man ang matapatan sa
paghinto ng awitin ay ang siyang sasagot sa
katanungan at ang magbibihis kay Sisa. Ang
larong ito ay tinatawag na “ Damitan si
Sisa” pagkatapos masagot ng isang mag-
aaral ang tanong ay tatawag siya ng ibang
kaklase sa sinumang gusto niyang sumagot
sa susunod na katanungan at sabay sabing, Opo sir
mahal kong (pangalan ng kaklase) tulungan
mo akong damitan si sisa at tandaan
kinakailangang babae to lalaki at lalaki to
babae.”  Si Sisa ay mababakas na siya ay bata pa
Naintindihan niyo ba? lamang ngunit nang dahil sa kahirapan sa
Handa na ba kayong maglaro? buhay ay parang tumanda siya sa pisikal na
itsura, siya ay may magandang mata
MGA KATANUNGAN

1. Ilarawan ang pisikal na kaanyuan ni  Ang mga katangian ni Sisa ay ang pagiging
Sisa? mabuting ina at asawa
 Ang pagiging martir
 Malaki na ang ipinagbago ni Sisa ngayon
naging matalino na at lumalaban sa
kaapihan ng kung sino.
2. Ibigay ang mga katangian ni Sisa?
Anong ugali ni Sisa ang dapat
mabago? Ihambing si Sisa noon sa
mga kababaihan ngayon.

 Ang naging kapalaran ni Sisa ay hindi


maganda sapagkat naubos ang kanyang
alahas at sila ay lalong naghirap ng dahil sa
kanyang sawa na si Pedro
 Naging masama ang kanyang asawa
sapagkat nilulustay lamang niya ang pera ni
3. Ilahad ang naging kapalaran ni Sisa Sisa at nagsusugal lamang ito at hindi
ng siya ay nag-asawa? Paano mo naghahanap ng trabaho at inalila at inabuso
masasabing naging masama ang pa niya ito.
kanyang Asawa?

 Palaging iniisip ni Sisa ang kanyang mga


anak. Lahat ngf kanyang ginagawa ay para
sa kanyang mga anak.
 Sa pamamagitan ng paggalang sa kanya at
mamahalin ko ng buong puso ang aking Ina.

4. Paano naipapakita ni Sisa ang


kanyang pagmamahal at pagiging  Ang sinisimbolo ni Sisa po sir ay Pilipinas
mabuting ina? Paano mo sapagkat maganda ang katangian ni Sisa at
mapapahalagahan ang iyong ina? kanyang pisikal na kaanyuan kagaya ng
bansang Pilipinas na maganda at mayaman
sa likas na yaman ngunit naghihirap dahil sa
pag-aabuso ng kanyang asawa gaya ng
5. Ano ang sinisimbolo ni Sisa sa sa Pilipinas na naghihirap dahil sa pag-aabuso
Kabanata? Patunayan ang iyong ng mga sakim na mananakop.
sagot?

 Sinisimbolo ni Pedro ang bansang Espanya

 Sinisimbolo ng kanyang mga anak ay ang


6. Kung si Sisa ay sinisimbolo niya ang pag-asa. Sinabi ni Jose Rizal na ang
Pilipinas, ano naman ang Kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
sinisimbolo ng kanyang asawa na si
Pedro

7. Sa tingin ninyo ano naman ang Opo sir


sinisimbolo ng kanyang mga anak o
ang mga kabataan?

Mahusay! Nasagot na ang lahat ng ating


katanungan. Nagustohan nyo ba ito klas? Opo Sir

D. Paglalapat

Pagpapalawak ng Talakayan

Para lubusan na nating maunawaan ang


ating talakayan ay magkakaroon muna tayo
ng pangkatang Gawain, panatilihin lamang
ang pangkat ninyo kanina. Maliwanag ba?
Krayterya 5 3 1

Pero bago yan basahin nyo muna ang Nilalaman Malinaw Malinaw Hindi
At subalit malinaw
pamantayan sa pagbibigay ng puntos
angkop kulang ang
ang pa sa impormasyon
Basahin ng sabay sabay impornasyon kaang
kopan
Presentasyon Maayos ang Hindi Magulo
pagka gaanong
presenta maayos
Pagkakaisa Aktibong Aktibong Hindi
nakikilahok nakikilahok aktibong
ang mga ang ilan sa nakikilahok
kasapi mga kasapi ang mga
kasapi

Pangkat 1: Paghahambing sa katauhan ni Sisa at sa


mga kababaihan ngayon, gamit ang Venn Diagram

Bawat pangkat ay meron kayong gagawin. 3


minuto sa paghahanda at 3 minuto sa
presentasyon.

Pangkat 2: Pagtukoy sa positibo at negatibong


katangian ng pangunahing tauhan sa akda sa
pamamagitan ng spoken poetry

Sisa
Positibo Negatibo

Pangkat 3: Pagsasadula ng piling bahagi sa kabanata

(Nagsimula na ang Gawain)

Tapos na ang inilaan kung oras kaya ipaskil


na ang inyong mga Gawain.

Limang bagsak para sa lahat dahil ang


gagaling ninyo, ang pangkat na nanalo ay
________________.

.
E. Paglalahat/Pagpapahalaga

 Opo, maiihambing naming si Sisa sa aming


“Batay sa kabuan ng inyong ina, sa pamamagitan ng kanilang katangian.
nalaman sa kabanata? Maihahambing ba Katulad na lamang nang pagiging maalaga
ninyo ang inyong ina kay sisa? at mapagmahal.

 Kung ako si Sisa at pag inabuso na ako ng


aking asawa siguro po ay hihiwalayan ko na
po ito sapagkat walang maidudulot na
maganda sa pamilya ang pagpanatili sa
“Kung kayo si Sisa, ano ang aming relasyon at kung mahal talaga ako ng
inyong gagawin kung inaabuso na kayo ng asawa ko hinding hindi niya magagawang
inyong asawa? sasaktan ako.

 Siguro sir, huwag masyadong


magpakamartir upang hindi tayo aabusuhin
ng ating asawa

“Anong kahalagahang
pangkaisipan ang mapupulot niyo sa akda?”
Wala na po sir

Opo sir.
Mahusay! May lilinawin paba kayo sa
araling ito?
Naiintidahan nyo ba lahat klas?

Okay magaling kung gayon. Kaya ngayon ay


magkakaroon tayo ng maikling pasulit

IV. General Rules:


 Bilugan ang titik ng tamang sagot
 Huwag masyadong malapit sa klase, siguraduhin may space kayo ng katabi mo kagaya ng
hinihiling ng ex mo.
 Huwag agad maniwala sa katabi, baka mauto ka ulit tulad ng ginawa ng ex mo sa iyo noon.
 Huwag OA Rebyuhin ang sagot. Hintayin matapos ang oras total sanay ka namang
maghintay
 Hindi kailangan matalino para pumasa sa subject na ito, Gawin mulang priority bagay na
hindi nagawa ng ex mo sayo.
 Pag isipang mabuti ang tamang sagot, baka magkamali ka katulad ng relasyon nyong napaka
malaking pagkakamali.
 Takpan ang sagot ng mabuti, mahirap na, nasa iyo na baka maagaw pa ng iba.

1. Alin sa mga sumusunod na katangian ang hindi na gaanong taglay ng kababaihan ngayon?
a. martir
b. palaban
c. maaruga
d. mapagmahal

2. Ano ang sinisimbolo ni Sisa sa Kabanata?


a. ang bansang Pilipinas kung saan maganda at mayaman ngunit unti-unting inuubos ang
kayaman nito
b. ang bansang Espanya na sumasakop sa bansang Pilipinas
c. mga kabataang na itinuturing pag-asa ng bayan
d. ang mga prayle na nang-aabuso sa mga Pilipino
3. Bilang mabuting anak, paano mo bigyang halaga ang iyong ina?
a. sa pamamagitan ng pagpapasalamat nito lalong lalo na sa usaping pera
b. sa pamamagitan ng buong pagmamahal, paggalang at pagrerespeto na walang kapalit
c. sa pamamagitan ng pag-alala nito tuwing mother’s day
d. lahat ng nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay katangian ni Sisa maliban sa isa?
a. matapang
b. martir
c. maalaga
d. maaalalahanin
5. Ano kaya ang naging damdamin ni Sisa sa naging buhay niya?
a. kontento dahil nangingibabaw ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya
b. masaya dahil kahit papaano ay naging kompleto parin sila
c. lungkot dahil sa kahirapan sa buhay na dinanas niya at sa kanyang mga anak
d. galit dahil inubos ng kanyang asawa ang naipon niyang pera

Sagot: AABAC

V. Takdang Aralin

Sumulat ng isang komposisyon na naglalarawan sa inyong ina, Banggitin ang mga katangian niya
bilang nanay mo at bilang asawa ng tatay mo. Isulat sa boung papel.

Nilalaman= 10 puntos

Kaayosan= 5 puntos

Kabuoan= 15 puntos

Inihanda ni:
Mike Kevin B. Pampilo

You might also like