LS 1 Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

LS 1: Communication Skills (Filipino)

Mga Salitang Hiram

Salitang Hiram – ay bahagi ng wikang Filipino na kinuha sa wikang


dayuhan katulad ng Kastila, Ingles at iba pa. Ang mga salitang ito ay
naimpluwensiya ng ibang wika noong panahon na nagsimulang
nagkaroon ng ugnayan o sakupin ng ibang bansa ang ating bansa.

A. Mga Halimbawa ng mga Salitang Hiram sa Ingles

Mga Salitang Hiram sa Ingles Katumbas sa Filipino


basketball basketbol
ballpen bolpen
computer kompyuter
grocery groseri
driver drayber
jeep dyip
suspect suspek
sorry sori
taxi taksi
teacher titser

B. Mga Halimbawa ng mga Salitang Hiram sa Kastila

Mga Salitang Hiram sa Kastila Katumbas sa Filipino


bario baryo
cheque tseke
familia pamilya
liquido likido
lapiz lapis
principio prinsipyo
economia ekonomiya
calendario kalendaryo
Marzo Marso
Julio Hulyo
C. Mga Halimbawa ng mga Salitang Hiram sa Tsino

Mga Salitang Hiram sa Tsino Katumbas sa Filipino


hi-kau hikaw
laoying lawin
sio-pao siopao
pian-e-sit pansit
a-chi ate
a-kong apo
tih-ke tikoy
tau-iu toyo

C. Mga Halimbawa ng mga Salitang Hiram sa India

Mga Salitang Hiram sa India Katumbas sa Filipino


bathala bathala
balita balita
salita salita
asa asa
diwata diwata
dukha dukha
lakambini lakambini
puri puri
bahagi bahagi
karma karma
yaya yaya
guro guro
Name: ___________________________________ Level: ________Date: _______
CLC: _________________________________Teacher: Mrs. Juvilla A. Batrina

LS 1: Communication Skills (Filipino) Score


Pre-Test

Saklaw/Makrong Kasanayan Pagbasa


Pamantayan sa Pagganap D Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
Pamantayang Nilalaman Nagagamit sa pangungusap ang salitang hiram.
Code LS1CS/FIL-PB-PPD-JHS-21

I. Tukuyin kung saan galing ang mga sumusunod na salitang hiram. Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

________________ 1. guro ________________ 6. matador


________________ 2. tseke ________________ 7. internet
________________ 3. elevator ________________ 8. ekonomiya
________________ 4. hikaw ________________ 9. toyo
________________ 5. yaya ________________ 10. xerox

II. Bilugan ang mga salitang hiram na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Napiglas ang tsinelas ni Juan habang siya ay tumatakbo papalapit sa amin.

2. Si G. Ong ay kilala bilang nagmamay-ari ng pinakamalaking pagawaan ng tikoy


sa Binondo.

3. Ang memorandum tungkol sa pagsusulit sa ALS ay ipapadala sa Lunes.

4. Mabilis bumalik ang karma sa buhay ni Bobby dahil sa panlalamang niya sa mga
tao.

5. Prayoridad na mabibigyan ng ayuda ang mga mahiirap na pamilya.


Name: ___________________________________ Level: ________Date: _______
CLC: _________________________________Teacher: Mrs. Juvilla A. Batrina

LS 1: Communication Skills (Filipino) Score


Post-Test

Saklaw/Makrong Kasanayan Pagbasa


Pamantayan sa Pagganap D Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
Pamantayang Nilalaman Nagagamit sa pangungusap ang salitang hiram.
Code LS1CS/FIL-PB-PPD-JHS-21

I. Magbigay ng tig-tatlong halimbawa ng mga salitang hiram na may katumbas sa


Filipino mula sa mga sumusunod :

1. Ingles - _________________, __________________, __________________

2. Kastila - ________________, __________________, ___________________

3. Tsino - _________________, __________________, ___________________

4. India - _________________, __________________, ___________________

II. Punan ng wastong salitang hiram ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin
ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Bathala porselana giyera


x-ray munisipyo prinsipyo taksi

1. Ayon sa pag-aaral ang ____________ kontra droga ng pamahalaang Duterte ay


hindi lubusang nagtagumpay.

2. _________________ ang tawag sa Diyos ng ating mga ninuno.

3. Maliban sa gintong alahas, pansit at seda. Ang ______________ ay isa rin sa


kilalang paninda ng mga Intsik noong unang panahon.

4. Hindi na mahihirapan o lalayo pa ang mga tao para magpa _____ dahil
mayroon
na ito sa ating lugar.

5. Tila hindi magigiba ang ___________________ ni G. Romulo kahit bayaran pa


ito ng limpak-limpak na salapi.

6. Si mang Kanor ay dalawang dekada nang nagmamaneho ng ___________.

III. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salitang hiram.

1. tsokolate - ________________________________________________________
_______________________________________________________
2. kalendaryo - ______________________________________________________
______________________________________________________

3. lawin - ___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. dyip - ____________________________________________________________
___________________________________________________________
5. balita - ___________________________________________________________
__________________________________________________________

6. pamilya - _________________________________________________________
_________________________________________________________

7. siopao - __________________________________________________________
__________________________________________________________

8. basketbol - _______________________________________________________
_______________________________________________________

9. bahagi - __________________________________________________________
__________________________________________________________

10. baryo - _________________________________________________________


_________________________________________________________
LS 1: Communication Skills (Filipino)

Mga Salitang Hiram

Pre-Test:
I. 1. India 6. Kastila
2. Ingles/Kastila 7. Ingles
3. Ingles 8. Kastila
4. Tsino 9. Tsino
5. India 10. Ingles

II. 1. Tsinelas
2. tikoy
3. memorandum
4. karma
5. Prayoridad

Post-Test

I. (Mga halimbawa lang)


1. Ingles – titser, Xerox, elevator
2. Kastila – ekonomiya, kalendaryo, pamilya
3. Tsino – pansit, ate, toyo
4. India – lakambini, diwata, bathala

II. 1. giyera
2. Bathala
3. porselana
4. x-ray
5. prinsipyo
6. taksi

III. (Halimbawa lang)


1. Binigyan ni Nestor ng rosas at tsokolate ang kaniyang kasintahan.
2- 10 (Teacher’s discretion)

You might also like