Professional Documents
Culture Documents
ESP7 - q1 - CLAS4 - Mga-Aspekto-Ng-Sarili - RHEA ANN NAVILLA
ESP7 - q1 - CLAS4 - Mga-Aspekto-Ng-Sarili - RHEA ANN NAVILLA
ESP7 - q1 - CLAS4 - Mga-Aspekto-Ng-Sarili - RHEA ANN NAVILLA
PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter I – Linggo 4
Mga Aspekto ng Sarili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
_________2. Ano ang tawag sa paniniwala sa sariling kakayahan at matatapos ang isang
gawain nang may kahusayan?
A. hilig B. talento C. kakayahan D. tiwala sa sarili
_________3. Magkaedad sina Myrna at Sarah. Ngayong nasa ikapitong baitang na sila ay
mas matangkad na si Sarah kay Myrna. Dahil dito ay nahihiya ng sumabay
si Myrna kay Sarah tuwing uwian. Anong aspekto ng sarili ni Myrna ang
kulang siya ng tiwala sa sarili?
A. Emosyonal B. Pisikal C. Ispirituwal D. Mental
_________4. Ang sumusunod ay mga paraan upang malampasan ang mga kahinaan
MALIBAN sa
A. maging positibo at lakasan ang loob.
B. hindi magpapaapekto sa sinasabi ng iba.
C. manalangin at humingi ng gabay sa Diyos.
D. tatangapin na lamang ang negatibong paghuhusga ng kapwa.
_________5.Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan upang malampasan ang mga
kakulangan ng pagtitiwala sa sarili?
A. Pagtanggap sa sarili.
B. Alamin at paunlarin ang angking talento at kakayahan
C. Tanggapin na lamang ang lahat ng kahinaan sa sarili.
D. Tibayan ang iyong kalooban at maging positibo ang pananaw sa buhay.
1
Ating Alamin at Tuklasin
Paghawan ng Balakid
Ang Aspekto ng Sarili ay negatibong nakikita sa sarili na nagpapababa ng
kumpiyansa o tiwala sa sarili.
Ang tiwala sa sarili ay paniniwala sa sarili mong kakayahan na magagawa mo ang
isang gawain nang may kahusayan.
Tinalakay natin ang Teorya ng Mutiple Intelligences o iba’t ibang talento o talino ng
tao ayon kay Dr. Howard Gardner. Malinaw na ba sa iyo ang tamang kahulugan ng talento
at kakayahan? Ibinigay mo rin ba ang iyong naging saloobin at posisyon kaugnay sa
talenton at kakayahan?. Natatandaan mo pa ba ito?
Karamihan sa isang tinedyer na tulad mo ay nakararanas ng kakulangan ng
kumpiyansa sa sarili. Madalas ayaw makihalubilo sa kapwa tinedyer. Bagamat may mga
dahilan sila, nararapat na matutunan kung paano malampasan ang mga ito. Ano ang
napapasin mo sa iyong sarili na nagiging dahilan ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili?
Nararapat na maging handa ka sa pagharap sa mga ito at gumawa ng paraan na
malampasan at mahubog ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
Pakatandaan, ang taong walang kumpiyansa sa sarili ay tatanggapin na lamang
kung ano ang sasabihin ng iba at hahayaan na lamang na diktahan sila ng ibang tao.
1. PISIKAL NA ASPEKTO
Ito ang pisikal na pangangatawang kadalasan ay
pinoproblema ng mga tinedyer dahil sa panlabas na
pangangatawan. Sa aspektong ito marahil ang isang tinedyer
na tulad mo ay madalas nakararanas ng kakulangan ng
kumpiyansa sa sarili dahil sa panlabas na pangangatawan
lalo na kapag kinukumpara mo ang iyong sarili sa ibang
tinedyer. Marahil ito ay dahil sa napapansin mo na
iba o higit ang kanyang pangangatawan o hitsura.
Ang iba ay dahil sa may kakulangan sa sarili o may kapansanan.
Minsan may mga katanungan ang isang tinedyer na tulad mo kung bakit higit na
matangkad ang iyong kasing edad na tulad ng iyong kasarian? Bakit maputi siya kaysa sa
iyo? At maraming tanong na “Bakit” ang tumatakbo sa iyong isipan kapag pisikal ang pinag-
uusapan. Pero hindi ka dapat panghinaan ng loob bagkus ito ay magsilbing inspirasyon
upang iangat ang sarili. Matutong mahalin ang iyong sarili at paunlarin ang mga kakayahan
upang mabuhay nang maayos at walang pangamba.
2
2. EMOSYONAL NA ASPEKTO
Sa aspektong ito nakararamdam ka ng awa sa sarili at
nakararanas ng kalaliman ng buhay lalo ng isang tulad mo.
Ito ay bahagi ng iyong pagkatao kung saan ang paghahangad
ng makahulugang pakikipag-ugnayan sa kapwa tinedyer.
Ang paghahangad na matanggap ng kapwa tinedyer sa
maayos at mabuting pakikipag-ugnayan. Ang pagiging
emosyonal ay nagiging parte ng buhay ng isang kabataang
tulad mo na iyong nararamdaman na may kaugnayan sa
iyong pisikal na pangangatawan.
3. MENTAL NA ASPEKTO
Ito ang isa sa mga dahilan na nagpapababa ng
pagpapahalaga sa sarili ng isang tinedyer sa sobrang pag-iisip
ng mga negatibo sa sarili o nangyayari sa sarili. Kung iyong
pababayaan ay maaaring humantong sa depresyon. Ang
pagpabababa ng pagpapahalaga sa sarili na kung saan
nakatuon ka sa mga negatibo dahil hindi napapansin ang
iyong mga magandang nagawa o hindi napahahalagahan
kapag ang nasa isip mo ay hindi ka magaling sa isang bagay
o gawain, nakararamdam ka ng kalungkutan , galit at hiya sa
sarili dahil kulang ng tiwala sa sarili sapagkat ang iyong kaisipan ay mga negatibo na
nakaaapekto sa iyong kalusugan kapag masyado kang nag-iisip ng negatibo sa sarili dahil
nawalan ka na ng gana sa anumang bagay.
4. ISPIRITUWAL NA ASPEKTO
Ang iyong buhay-pananampalataya o pananalig sa
Diyos kadalasan ang pananampalataya ng isang tinedyer
na tulad mo ay napapansin nating hindi nahuhubog sa
buhay mo bilang isang tinedyer. Maaaring dahil na rin sa
mga impluwensiya ng mga nangyayari o mga taong nasa
paligid mo. Nagiging mahina na ang iyong paniniwala sa
Diyos dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa iyong
buhay. Kadalasan, hindi na natututong makipag-usap o
wala ng ugnayan sa Diyos dahil hindi nahubog sa iyong
pagkatao nagiging dahilan ng kakulangan ng pagtitiwala sa sarili.
3
Halika,ating alamin ang mga paraan upang malampasan ang mga kakulangan ng
pagtitiwala sa sarili.
4
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga nagulong letra sa ibaba upang makabuo ng mga salita na
nagsasaad ng aspekto ng sarili. Isulat sa patlang ang tiyak na sagot
___________1. L M T E A N
___________2. L I K S P A I
___________3. M L E O N O S Y A
___________4. W A L I P S I R I U T
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang aspekto
ng sarili. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ang letra sa nakalaang
patlang bago ang bilang.
5
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Iguhit ang hugis bilog ( ) kung ito
ay nagpapahiwatig ng kakulangan ng tiwala sa sarili at hugis tatsulok ( ) naman
kung nagtataglay ng tiwala sa sarili.
_____ 1. Isang bulag ngunit boses ang naging puhunan ni Joan upang makakuha
ng libreng pag-aaral dahil sa kahusayan niya sa pagkanta.
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin sa kahon ang paraan upang
malampasan ang kakulangan ng pagtitiwala sa sarili. Isulat ang sagot sa
pa nakalaang patlang bago ang bilang.
A. Pagtanggap sa sarili
B. Alamin at Paunlarin ang angking Talento at Kakayahan
C. Manalangin at patatagin ang pananampalataya sa Diyos
D. Tibayan ang iyong kalooban at maging positibo ang pananaw sa buhay
E. Mahalin at tulungan ang sarili na maging kaaya-aya sa paningin ng iba
6
Ang Aking Natutuhan
Panuto:
Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag mula sa natutuhan sa
aralin.Piliin ang angkop na salita sa loob ng puso at isulat ito sa
nakalaang patlang sa kahon.
7
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
________2. Magaling kumanta si Anna. Madalas siyang sumali sa mga patimpalak dahil
alam niyang may talento siya sa pagkanta. Anong katangian ang taglay ni
Anna?
A. Kahusayan C. Sipag
B. Tiwala sa sarili D. Kabutihan
__________4. Ang sumusunod ay mga paraan upang malampasan ang mga kahinaan
MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Maging positibo at lakasan ang loob.
B. Hindi magpapaapekto sa sinasabi ng iba.
C. Manalangin at humingi ng gabay sa Diyos.
D. Tatangapin na lamang ang negatibong paghuhusga ng kapwa.
_________5. Madalas ay naikukumpara si Michelle sa kaniyang Ate Carla. Mas maganda ang
kaniyang Ate Carla sa kaniya. Laging iniisip ni Michelle na siya ay nilikha ng
Diyos na may sariling angking kagandahan. Hindi man siya maganda sa
paningin ng iba ay naniniwala siya na hindi lang sa pisikal na kagandahan ang
batayan ngunit ang magandang kalooban. Anong ang ipinamalas ni Michelle
upang lampasan ang kahinaan?
A. Pagtanggap sa sarili.
B. Maging maganda sa paningin ng iba.
C. Hindi naiinggit sa kaniyang Ate Carla.
D. Hindi pinansin ang mga tao sa paligid nya.
8
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. C 2. D 3. B 4. D 5. C
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
1. Mental 2. Pisikal 3. Emosyonal 4. ispirituwal
Gawain 2
1. F 2. C 3. A 4. E 5. F
Ating Pagyamanin
Gawain 1
1. 2. 3. 4. 5.
Gawain 2
1. A 2. C 3. E 4. D 5. B
Ating Tayahin
1. D 2. B 3. C 4. D 5. A
Sanggunian
Aklat
Miranda, Aprilyn G., Bontia, Maria Tita Y., Valdez, Jona Kristen M., Rafal, Joel V., Arnedo,
Patricia Jane S., Jornales, Jasper, Martin, Kate F., Navarro, Frisa L., Bonifacio,
Janeth A., Yumul, Benedick Daniel O. Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Pasig City:
Department of Education.2015.
9
FEEDBACK SLIP
A. PARA SA MAG-AARAL
Wala
PANGALAN NG PAARALAN:
10