Pagbabalik NG Parusang Kamatayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Pagbabalik ng Parusang Kamatayan"

Ako ay pumapayag sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Una para matigil na ang paglaganap
ng krimen at upang mabawasan na ang mga gumagawa ng krimen sa bansa. Karamihan sa mga taong
kriminal ngayon ay hindi natatakot sa batas kaya patuloy lamang sila sa paggawa ng krimen gaya nalang
ng pagpatay. Ayon sa Exodo kabanata 19:16-25; 20:22 na tinalakay sa sampung kautusan ng ating
Panginoon. Batay sa ika-lima na kautusan “Huwag kang papatay” malinaw at makabuluhang salita ngunit
bakit pumapatay parin ang mga kriminal. Sa una pa lamang alam na nilang mali ang pagpatay ngunit
mga pawang di sila natatakot sa batas maging sa Panginoon. Sunod ay hindi naman lahat ng kriminal ay
nagdudusa kahit hatulan pa ay hindi humihinto sa kasamaan, habang nabubuhay sila ay patuloy silang
lumilikha ng bagong krimen. Ayon kay Bato sa isang report, kailangang maibalik ang Death Penalty na
batas dahil kahit marami na ang namamatay at natutumba, nagdadala parin sila ng maraming drugs at
patuloy na gumagawa ng krimen.

Ilan pang dahilan kung bakit kailangang ibalik na sa ating bansa ang parusang kamatayan ay
dahil dumadami ang mga kriminal at nagkukulang na ang mga pasilidad para paglagyan sa kanila,
nababawasan
ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa kulungan, dahil nagiging headquarters
lang ng mga kriminal ang kulungan, dahil hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan
na, dahil may mgakriminal na hindi hihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila, dahil lumilikha ng mga
bagong kriminal ang mga, dahil binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao (nagsisisi,
nagiging banal, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, hinahanda ang sarili pa rasa pagpanaw), dahil
kahit walang malasakit sa tao ang mga kriminal, may malasakit siya sa sariliniyang buhay (pwede silang
mapigilan sa paggawa ng krimen kung alam nilang tiyak nakamatayan ang magiging parusa sa kanila) at
dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ngmga vigilante na inilalagay ang batas sa kamay nila.
Sa sikat na kataga na ” Paano kung mahatulan ng death penalty ang iyong kamag anak o angiyong ama o
ina? Tututol ka pa ba sa death penalty?” kung mayroon kayong lakas ng loob nasabihin yan, mayroon din
akong karapatan na ibalik sainyo ang mga nabanggit sa katagang“ Kung ang iyong kamag anak o ama o
ina ang pinatay, tututol ka na ba sa death penalty?”

Ang mga karatig nating bansa katulad ng China, Singapore at Indonesia na kung saanisinasabatas ang
'death penalty'.
Mapapansin natin na hindi nila masyadong pinoproblema angmatitinding krimen sa loob ng kanilang
bansa. Hindi katulad dito sa Pilipinas, kung saan pinagkakagastusan pa ng gobyerno ang pangangalaga sa
mga masasamang kriminal sa loob ngkulungan. Maging ang pagpapatayo ng bago at mas malaking
kulungan. Binibigyan din ngtinatawag na 'special treatment' ang mga mamamatay tao at ang mga
nagbebenta ng droga.Tignan niyo na lamang ang mga 'Drug Lords' na nasa loob ng kulungan. Ano nga ba
angnangyayari sa kanila? Natigil ba ang mga ginagawa nila nang nasa labas pa sila? Patuloy pa rinang
malawakang pagbebenta ng iligal na droga maging sa loob ng kulungan; kahit na nasa ilalim pa sila ng
tinatawag na pinakamataas na pagseseguridad.

Sa sikat na kataga na ” Paano kung mahatulan ng death penalty ang iyong kamag anak o angiyong ama o
ina? Tututol ka pa ba sa death penalty?” kung mayroon kayong lakas ng loob nasabihin yan, mayroon din
akong karapatan na ibalik sainyo ang mga nabanggit sa katagang“ Kung ang iyong kamag anak o ama o
ina ang pinatay, tututol ka na ba sa death penalty?”

You might also like