Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pagsusuri ng Bidyu

“Mother’s Love”

Ang buhay ay walang kasiguraduhan, sulitin ang bawat oras bago dumating ang pagpikit
ng araw. Ang bidyu ay tungkol sa pagmamahal ng isang anak sa kaniyang ina. Ang mga
pangunahing tauhan ay si Ginoong Prajak at ina nito. Si Ginoong Prajak ay isang mapagmahal
na anak sa bahay dahil sa patuloy na pagaaruga sa kaniyang ina, mahusay na guro sa
paaralan sapagkat hindi lamang tungkol sa asignatura ang itinuturo nito sa mga mag-aaral
kundi pati ang pagmamahal sa magulang at panghuli, may respeto sa kapwa bilang isang
indibidwal dahil sa walang humpay nitong pagintindi sa mga tao na nakakasalamuha. Sa
kabilang banda, ang ina ni Ginoong Prajak ay may malubhang karamdaman na tinatawag na
Alzheimer.

Buhat ng karamdaman ng kaniyang ina ay napagdesisyunan ni Ginoong Prajak na


dalhin sa paaralan ang ina upang matutukan at maalagaan ito. Subalit hindi lahat ng tao ay
sangayon sa kaniyang ginawa lalo na ang magulang ng mga mag-aaral. Karamihan sa mga
magulang gustong tanggalin sa pagiging guro si Ginoong Prajak sapagkat ang pagdadala nito
sa kaniyang ina sa paaralan ay naaapektuhan ang pagaaral ng mga mag-aaral sa paraan na ito
ay nakakaistorbo sa klase at nagiging responsibilidad ng mag-aaral na alagaan ang kaniyang
ina. Nagbago lamang ang ihip ng hangin ng ipaliwanag ng punong-guro ang sitwasyon ni
Ginoong Prajak sa lahat ng magulang. Ang sitwasyon na siya lamang ang mayroon ang
kaniyang ina at ang ina niya lamang ang mayroon siya kung kaya't hindi niya kayang
ipagkatiwala sa pangangalaga ng iba ang kaniyang ina dahil ito ang nagbigay ng buhay sa
kaniya. Ang sitwasyon na nagpamulat sa mga magulang upang intindihin ang pinagdadaanan
ng guro.

Sa aking palagay, ang pagdala ng guro sa kaniyang magulang sa paaralan ay


makatarungan sapagkat wala naman itong natatapakan na tao bagkus ay natututo pa ang mga
mag-aaral na mahalin at alagaan ang kanilang magulang tulad ng ginagawa ng guro sa
kaniyang ina. Kung ako ang nasa kalagayan ni Ginoong Prajak ay gagawin ko rin ang kaniyang
ginawa sapagkat hindi ko kayang ipagkatiwala ang buhay ng aking ina sa kamay ng ibang tao.
Bilang isang anak, naipaparamdam ko ang pagmamahal sa aking magulang sa pamamagitan
ng pag-intindi sa kanila lalo na sa mga sitwasyon na nakakaranas sila ng kahirapan. Ang
kwento na ito ay nagbigay aral na dapat munang alamin at intindihin ang tunay na sitwasyon
bago magbigay ng opinyon. Sa huli, ang buhay sa mundo ay hindi pangmatagalan kung kaya't
iparamdam sa mga mahal sa buhay ang walang katumbas na pagmamahal habang sila ay
nabubuhay.

You might also like