Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Karunungang-Bayan

- Ito ay ay tumutukoy sa mga


panitikan ng ating mga
katutubo na naglalaman ng
kaugalian, kultura at aral ng
buhay.

- Ito ay panitikan sa panahon ng


katutubo.

- Tinatawag din itong matandang


panitikan.

- Ito ay bugtong, salawikain,


sawikain,kasabihan, palaisipan
at bulong.
Salawikain- karaniwang patalinghaga ang
salawikain na may kahulugang nakatago.
Ito ay karaniwang nasusulat ng may sukat
at tugma kaya masarap pakinggan kapag
binibigkas.
Halimbawa:
Aanhin mo ang palasyo,
Kung ang nakatira ay kuwago?
Mabuti pa ang bahay kubo,
Ang nakatira ay tao.

Ang lumalakad nang mabagal,


kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.

Ang taong nagigipit,


Sa patalim man ay kumakapit.

Kapag may isinuksok,


May madudukot.

Nasa diyos ang awa,


Nasa tao ang gawa.
Sawikain- ang pagsasawikain o pagtatambis
ay isang paraan ng pagsasalita na hindi
gumagamit ng marahas na salita upang
maiwasan ang makasakit ng loob. Ang
sawikain o patambis ay ang salitang
eupemistiko, patayutay o idyomatiko na
ginagamit upang maging maganda ang paraan
ng pagpapahayag.
Halimbawa:
1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw
ng Panginoon.

2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang
bahay.

3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay
at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya
Ising.

4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
Kasabihan- ang kasabihan ay iba sa
salawikain sa dahilang ito ay hindi gumagamit
ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang
kilos, gawi ng isang tao ay masasalamin sa
mga kasabihan.
Halimbawa:
Tulak ng bibig,
Kabig ng dibdib.

Ang batang makulit,


Pinapalo sa puwit.

Ubos-ubos biyaya,
Bukas nakatunganga.

Ang batang matalino,


Nag-aaral nang husto.

Ang batang malinis sa katawan,


Malayo sa karamdaman.

You might also like