Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines 5

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
BULAN IV DISTRICT
ALBERTO DE CASTRO ELEMENTARY SCHOOL
Zone-2, Bulan, Sorsogon

EPP-INDUSTRIAL ARTS
GAWAING PAGKATUTO Blg.2
Pangalan ng Mag-aaral: ________________________________________
Baitang/Seksyon: ______________________________________________
Petsa: __________________________________________________________

MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA GAWAING


KAHOY, METAL, KAWAYAN AT IBA PA
I. PANIMULANG KONSEPTO.
Sa araling ito ay palalawakin pa ang iyong kaalaman sa
gawaing pang-industriya. Mahalagang makilala mo at matutunan
ang mga kagamitan at kasangkapan na gagamitin sa gawaing
kahoy, metal, kawayan at iba pa. Ito ay nagiging batayan upang
makagawa ka nang mas mahusay na mga produkto mula sa
gawaing pang-industriya.
Makakatipid ka rin sa lakas at oras sa paghanap kung ano
ang mas angkop na kasangkpan sa gawaing ito.

II. KASANAYANG PAGKATUTO


Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahan na:
Natatalakay ang mga kagamitan at kasangkapan sa gawaing
kahoy, metal, kawayan at iba pa. EPP5IA-0a-1

III. MGA GAWAIN


a. Balik-aralan Mo
Panuto: Kilalanin ang mga materyales sa gawaing kahoy,
metal, kawayan at iba pang local na materyales sa

Page 1
pamayan. Isulat ang pangalan ng materyales na ipinapakita
sa bawat larawan.

1.______________________________ 2. _____________________________

3. _____________________________ 4. ____________________________

5. _____________________________

b. Pag-aralan Mo
Ang paggamit ng angkop na na kasangkapan at
kagamitan sa paggawa ng isang produkto ay napakahalaga.
Isa ito sa mga dahilan ng pagkakalikha ng mga de-kalidad na
produkto sa gawaing pang-industriya. Narito ang mga
kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal, at
kawayan
Pangalan Ng
Larawan Kasangkapan
Gamit
A. Mga Pamukpok
Ginagamit na
Martilyo pambaon sa paet at
pako
Pamukpok sa bakal,
Maso/Malyete
kahoy o goma

Page 2
B. Mga Pampakinis
Pampakinis sa ibabaw
Katam
ng table
C. Mga Panukat
Panukat sa isang
bagay. Karaniwang
Ruler sukat nito ay nasa
sentimentro at
pulgada.
Ginagamit sa
pagsukat ng lapad,
taas at ginagamit din
Eskwala
upang malaman kung
eskwalado ang bahagi
ng kahoy
Ginagamit sa
pagsukat ng taas,
Zigzag Rule
lapad, at kapal ng
material.
D. Pambutas/ Pang-ukit
Ginagamit na
Barena/Electric pambutas sa matitigas
Drill na bagay tulad ng
bakal at semento
Ginagamit na pang-
ukit sa paggawa ng
Paet/Chisel
mga butas sa
hugpungan
Uri ng de-manong
pambutas na
Brace
kinakabitan ng bit o
talim.
E. Mga Panghasa
Panghasa sa tuwid na
kasangkapang
Oil stone
pamutol tulad ng itak
at kutsilyo.
Panghasa sa mga
Kikil
ngipin ng lagari
F. Mga Pamutol
Page 3
Rip Saw Lagari na pamutol
ayon sa hilatsa ng
kahoy
Keyhole Saw Uri ng lagari na
ginagamit na
pambitas nang
pabilog.
Coping saw Ginagamit sa
pagputol ng kahoy na
pakurba
Back Saw Ang lagaring ito ay
mas maliit kaysa ibang
lagari na may maliliit
na ngipin at ginagamit
ito sa mga kanto at sa
pgdudugtong.
G. Mga Pang-ipit
C-clamp Isang uri ng pang-ipit
na mainam gamiton.
Gato Pang-ipit sa kahoy at
bagay.

H. Iba pang Kasangkapan


Gunting Ginagamit sa
paggupit ng mga
materyales tulad ng
sinulid, himaymay, lata,
tela, papel ayon sa uri
nito.
LIyabe Ginagamit na
pampaluwag o
panghigpit sa mga
dugtungan yari sa
bakal.
Disturnilyador Ginagamit na
pampahigpit o
pampaluwag sa
turnilyo
Plais Pamputol ng alambre
o kawad. Ginagamit

Page 4
ding panghawak,
pantuwid, pambunot
ng pako at turnilyo.
c. Pagsanayan Mo
Panuto: Isagawa ang hakbang sa gawain sa ibaba.
Mga Hakbang sa Gawain
1. Ilabas ang lapis at pangkulay.
2. Gumuhit ng mga kagamitan o kasangkapang pang-
industriyang kahoy, metal at kawayan.
3. Gumuhit lamang ng tig-iisang halimbawa sa kagamitang
pamukpok, panukat at pambutas. At lagyan ito ng
pangalan.
4. Kulayan ang iyong ginawa upang maging maganda
itong tingnan.

Pamukpok Panukat Pambutas

d. Tandaan Mo
Sa pagsasagawa ng anumang proyekto sa gawaing
pang-industriya, nararapat na pag-aralan ang mga kagamitan
at kung paano ito gamitin. Ang kaalaam sa paggamit ng mga
kagamitan ay lubos na makatutulong upang lalong
mapaganda, mapatibay, at mapadali ang mga gawain.

e. Gawin Mo
Kasanayan 1
Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin
ang angkop na sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa patlang.

martilyo zigzag rule plais lagari paet


Page 5
1. Si Anton ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Sa
kanilang klase mayroon silang pangkatang proyekto sa
paggawa ng lampshade. Naatasan siyang magdala ng
pamputol sa wire. Alin kaya sa itaas ng kaniyang dadalhin?
_________________
2. Natapos na ni Mang Jose ang kanilang nagawang kabinet.
Gusto pa niya itong pagandahin sa pamamagitan ng
paglilok ng desinyo. Tulungan mo si Mang Jose sa pagpili ng
kanyang kasangkapang gagamitin. Ano-anong mga gamit
ang iyong pipiliin?
___________________________________
3. Isa si Eric sa pinakatanyag na tagagawa ng mesang kainan.
Gusto niyang makuha nang wasto ang lapad at taas nito.
Sa palagay mo, anong kagamitan kaya ang dapat niyang
gamitin?
_______________________
4. Gumawa ng silya si Andoy at natapos na ito, pero napansin
niyang masyadong mataas ang paa nito. Kaya kinuha niya
ang ____________ para putulin ang sobrang bahagi nito.
5. Mainam na gagamitin ang ______________ bilang pamukpok
at pambaon sa pako at paet.
Kasanayan 2
Panuto: Sagutin ang tanong. At malayang ibigay ang iyong
opinyon at isulat ito sa ibaba.
Batay sa ating aralin, bakit kailangan ang mga
kagamitan at kasangkapan na angkop sa anumang
gagawing proyekto?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Page 6
___________________________________________________________

f. Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat sitwasyon o
katanungan sa ibaba. Alamin kung ano ang tinutukoy sa
bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong uri ng kagamitan ang ginagamit bilang pamutol ng
pahalang sa hilatsa ng kahoy?
a. Paet c. katam
b. Cross-cut saw d. Plais
2. S mang Juan ay may pakikinisin na kahoy, ano ang
gagamitin niyang kagamitan?
a. Hasaan c. katam
b. Liyabe d. lagari
3. May napansin si Kuya na may nakausling pako sa upuan,
anong kagamitan ang kailangan niya para maayos ito
a. Lagari c. Paet
b. Martilyo d. Barena
4. Ang kikil at oil stone ay kagamitang ______________.
a. Panghasa c. Panukat
b. Pamutol d. Pampakinis
5. Anong kagamitan ang gagamitin kung may luluwagan o
hihigpitan na turnilyo?
a. Liyabe c. Martilyo
b. Disturnilyador d. Hasaan
6. Si maria ay may gugupitin na manila paper sa kanyang
aralin, ano ang dapat niyang gamitin?
a. Lagari c. Kikil
b. Plais d. Gunting
7. Ito ay ginagamit na pang-ukit at sa paggawa ng mga
butas at hugpungan sa kahoy.
a. Gunting c. Paet
b. Lagari d. Disturnilyador
8. May tatanggalin si Eddie na gripo, anong kagamitan ang
dapat niyang gamitin?
a. Plais c. Liyabe
b. Katam d. Maso
9. Anong kagamitan ang gagamitin sa pagputol ng pakurba
sa gawaing kahoy?

Page 7
a. Zigzag Rule c. Brace
b. Gunting d. Coping Saw
10. Uri ng pang-ipit upang maiwasang gumalaw ang
materyales na puputulin.
a. C-clamp c. Kikil
b. Disturnilyador d. Hasaan

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


Batayan sa Pagmamarka sa nasa “Pagsanayan Mo”
“Gumuhit ng tig-iisang halimbawa sa kagamitang pamukpok,
panukat at pambutas.
Iskor ng
Kasanayan sa
5 4 3 mag-
Pagmamarka
aaral
Nakaguhit Nakaguhit Nakaguhit Nakaguhit
nang tama sa nang tama sa nang tama sa nang tama sa
bawat 3 katangian 2 katangian 1 katangian
katangian
Nahusayan Naiguhit nang Naiguhit nang Naiguhit nang
ang pagguhit may may may
sa bawat kahusayan kahusayan kahusayan
katangian ang 3 ang 2 ang 1
katangian katangian katangian
Nakulayan ng Angkop ang Angkop ang Angkop ang
angkop na kulay 3 kulay 2 kulay 1
kulay ang kagamitan kagamitan kagamitan
mga
kagamitan
Kabuuan

Batayan sa Pagmamarka sa nasa “Gawin Mo”, Kasanayan2.


“Batay sa ating aralin, bakit kailangan ang mga
kagamitan at kasangkapan na angkop sa anumang
gagawing proyekto?”
Kasanayan sa Iskor ng
Pagmamarka 5 4 3 Mag-
aaral
Wastong ideya Kapag Kapag Kapag
ng Kasagutan nabanggit ang 3 nabanggit ang 2 nabanggit ang 1
katangian na katangian na katangian na
maaaring maaaring maaaring
magawa sa magawa sa magawa sa
produkto sa produkto sa produkto sa
paggamit ng paggamit ng paggamit ng
angkop na angkop na angkop na

Page 8
kagamitan sa kagamitan sa kagamitan sa
gawain. gawain. gawain.
Tamang Lahat ng May isang(1) May dalawang
Pagkakabuo ng pangungusap pangungusap (2)
Pangungusap ay tama at na hindi tama pangungusap
wasto ang ang na hindi tama
porma ng pagkakabuo ang
talata. ngunit wastong pagkakabuo
porma ang ngunit wastong
talata. porma ang
talata.
Linis Walang bura May isang (1) May dalawa (2)
Pagkakasulat ng Pagkakasulat ng bura ang o higit pang
Talata Talata Pagkakasulat ng bura ang
Talata Pagkakasulat ng
Talata
Kabuuan

V. SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsanayan
Balik-aralan Mo Gawin Mo pagtataya
Mo
1. Kahoy Ang Pagsanayan 1 Pagsanayan 2 1. b 6. d
2. Kawayan wastong 1. Plais Ang 2. c 7. c
3. Kabibe sagot ay 2. Paet at wastong 3. b 8. c
4. abaka depende sa Martilyo sagot ay 4. a 9. d
sagot ng depende 5. b 10. a
5. Seramika 3. Zigzag rule
mag-aaral sa sagot
4. lagari ng mag-
aaral
5. martilyo
VI – SANGGUNIAN
1. Curriculum
Guide, Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan 5,
EPP5IA-0a-2.1.1
2. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran5, Batayang Aklat, pp.182-
191
3. Kaalana at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, Manual ng Guro, pp.43-50

Inihanda ni:
ALLAN L. DIVINA
Teacher III

Page 9

You might also like