Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Luz Marie A.

Corvera
Grade & Section: 8 – Peace/Hope/Justice
Oras: 8:30am-9:30am/ 10:45am-11:45am/ 1:30pm-2:30pm
Petsa: December 1, 2017

I- Layunin
1. Nabibigyang kahulugan nag mga salitang may kaugnayan sa Dokumentaryong
Pelikula.
2. Napapanuod ang pelikulang inihanda at nasusuri ito batay sa paksa, tema, gamit
ng salita at mga tauhan.
3. Nakapagpapahayag ng mga isyung may kaugnayan sa pelikulang napanuod.
4. Nakasusulat ng isang pagsusuri sa pelikulang napanood.

II-
 Paksa
Dokumentaryong pampelikula: Midyum sa nagbabagong lipunan
 Kagamitan
IMs
Laptop
 Sanggunian
Panitikang Filipino 8, Modyul para sa mga mag-aaral (Pahina 168-175)

III-
A. Tuklasin
“Scrambled letter, gawing better!”
Panuto: Aayusin ng mga mag-aaral ang mga letrang inihanda. Ang mga
mabubuong salita ay may kaugnayan para sa susunod na paksa. Pagkatapos
mabuo ay ipapaliwanag ng bawat pangkat ang kanilang ideya para sa mga
nabuong salita.

RATYOKUDEMON
PRIISK
KUILAPEL
AMEKAR IMANEC
B. Linangin
Panuto: Manunuod ang mga mag-aaral ng isang dokumentaryong pelikula
na pinamagatang MANORO at susuriin ito batay sa:

PAKSA, TEMA, GAMIT NG SALITA, MGA TAUHAN

C. Pagnilayan at Unawain
Panuto: Batay sa pelikulang napanuod, magtatala ang mga mag-aaral ng mga
mahahalagang isyu na may kaugnayan sa napanuod na dokumentaryo. Ilalagay ito
sa box na inihanda pagkatapos ay muli silang bubunot mula rito at ipapahayag ang
kanilang opinion batay sa isyung inilagay at kanilang patutunayan kung talagang
may kaugnayan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.

BUNOT BOX

D. Ilipat
Takdang Aralin
Panuto: Pumili ng pinakagustong pelikula (Pilipino) at suriin batay sa mga
sumusunod;
Pamagat ng pelikula
Buod ng pelikula
Kaugnayan sa lipunan
Kaugnayan sa sarili
Aral na nakuha

You might also like