Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg

Modyul 4:

The Great Plebeian College


Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022

Modyul 4
Sa

FIL 203
Masining na
Pagpapahayag
8:00 – 9:00
MWF
(BSE. Eng/Math)

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: https://www.facebook.com/joseph.rafanan.2
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 1
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:

LAGOM PANANAW

Sa bahaging ito ng modyul ay mapag-aaralan at matatalakay ang mga Kawastuhang


Panggramatika, Wastong gamit ng mga kataga at mga salita, Mga kailangan ng mga mabisang
pangungusap. Mahahasa ang kakayahan sa pagbuo ng pangungusap gamit ang mga wastong
salita na madalas nagagamit sa hindi wastong paraan.
Mapag-aaralan rin mula sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng Pagpapahayag, wastong
paraan ng pagsasalaysay at paglalarawan ganoon din ang tamang istilo upang maging malinaw
ang pakikipag-ugnayan. Mahahasa rin ang kakayahan sa pangangatwiran at papapalawakin ang
kaalaman at kakayahan sa pagkikipag-debate.
Lilinangin mula sa modyul na ito ang kakayahan ng isang indibidwal sa
pakikipagkomunikasyon at pagpapahayag sa masining na paraan. Ang komunikasyon ang susi
upang maging maibigay at maisaad ang ating mga nararamdaman.

MGA LAYUNIN

 Makapagsanay sa pagsasalita at pagsusulat ng iba’t ibang komposisyong lilinang sa


kakayahan ng mga mag-aaral na makapagpahayag ng kanilangdamdamin, kaalaman,
karanasan at saloobin;
 Makabuo ng portfolio ng mga sulating naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad at
nangangatwiran batay sa iba’t ibang konteksto tulad ng teknikal at literari;
 Makapagsagawa/Makapagtanghal ng dula, debate o talumpati.

MGA NILALAMAN

Yunit 6: Ang sanaysay


• Uri ng sanaysay
• Pagsulat ng sanaysay
• Komposisyon
• Balangkas ng isang komposisyon
• Pagsulat ng borador
Yunit 7: Pagpapahayg na hango sa karanasan
• Ang Talaarawan at ang journal
• Talambuhay at mga uri nito
• Mga uri ng pagtatalo

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 2
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:

TALAKAYAN/ DELIBERASYON

Ang Sanaysay

Ang sanaysay ay isang akdang nagpapahayag ng kuru-kuro ng may-akda hinggil sa isang


bagay.
Ang sanaysay bilang isang akdang pampanitikan ay nagsimula sa panahon ni Montaigne
sa Pransya noong 1580. Ang salin sa Ingles ni Florio ay nalalaman ni Shakespeare.

Ang mga sanaysay ni Bacon ay ibinatay sa mga akda n Montaigne. Ang mga sanaysay sa
kasalukuyan ay katulad din ng orihinal na porma at may layunin. Maaaring hatiin ang
makabagong sanaysay sa dalawang9 pangkalahatang uri: pormal at di-pormal. Ang pormal na
sanaysay ay maaaring mapanuligsa, makasaysayan, sosyolohikal at may pilosopiya.

DALAWANG URI NG SANAYSAY


1. Pormal na sanaysay - Ang paksa nito ay hindi karaniwan at nanganga- ilangan ng
matiyagang pag-aaral at pananaliksik.
2. Impormal o di-pormal na sanaysay Ito'y karaniwang himig nakikipag- usap lamang.
Ang mga pananalita ay karaniwan at hindi na nanganga- Ilangan ng masusing pag-aaral upang
makasulat ng ganitong uri ng sanaysay.
1. maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita
2. maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan
3. lubos na kaalaman sa paksa
4. mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga pangungusap

Ang malaya o di-pormal na sanaysay ay higit na madali at magaang sulatin sapagkat


simple at kadalasang natural ang paglalahad ng mga kaisipan. Ito ang dahilan kung bakit waring
pamilyar o malapit ito sa damdamin ng mga mambabasa. Madali itong maunawaan at parang
nakikipag-usap lamang.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 3
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:

ANG PAGSULAT NG SANAYSAY

Ang pagsulat ng sanaysay ay nangangailangan ng masusing pag-iisip. Dapat na isaalang-


alang angmga sumusunod:
1.Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano bubuuin ang mga kaisipan
2. Piliin ang paksang kawili-wili
3. Mahusay na pagkakabuo
4. Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang sanaysay
5. Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw na kahulugan

ANG KOMPOSISYON

Bahagi na ng buhay ng mga mag-aaral ang pagsulat ng komposisyon. Ito ang dahilan
kung bakit sila hinahasang mabuti sa pagsulat ng isang talata bago magsimulang sumulat ng
isang komposisyon. Karaniwang binubuo ng tatlo o higit pang mga talata ang isang
komposisyon.

Ang Pagpili Ng Paksa Ng Komposisyon

Ang unang dapat pag-ukulan ng matamang pag-isip ng isang susulat ay ang pagpili ng
paksang tatalakayin. Nararapat na ito ay naaayon sa kanyang interes, karanasan at lubos na
kaalaman sa paksa. Dapat ding isaalang-alang ang mga babasa nito kung magiging kaakit-akit sa
kanila at kung may kapakinabangang makukuha rito. Kailangang hindi ito napakalawak at hindi
rin naman napakakitid. Kailangang pag-ukulan ng pansin kung ito'y makapag- daragdag ng
kaalaman at impormasyon sa mga babasa nito.

Ang isa pang dapat na isaalang-alang ay ang layunin sa pagsulat: magbigay ng


impormasyon, magbigay ng paliwanag, manlibang o itulak sila sa pagkilos. Maaaring isama ang
tanong na "Ano ang tugong nais ko sa mga mambabasa?

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 4
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:
BALANGKAS NG ISANG KOMPOSISYON
I. Pamagat
Ito ang pinakapangalan ng komposisyon, umiinog dito ang kaisipan ng mga talata.

II. Unang Talata


Dito ipinaliliwanag ang pamagat ng komposisyon at ginaganyak ang bumabasa.

III. Mga Gitnang Talata


Sa bahaging ito isinasalaysay, inilalarawan o ipinaliliwanag ang pinakapaksa ng
komposisyon.

IV. Pangwakas na Talata


Maingat na tinatapos dito ang komposisyon. Kailangang di pahabain ang bahaging ito
sapagkat lalabag sa alituntunin sa pagkatha at hindi magiging mabisa. Naglalaman ito ng palagay
o kuru-kuro tungkol sa paksa batay sa tinalakay sa gitnang bahagi ng komposisyon.

ANG PAGSULAT NG BURADOR


Ang pagsulat ng burador ay pagpupuno sa mga bahagi ng balangkas na ginawa at pag-
uugnay-ugnay sa mga bahagi ng sinusulat. Magsimula sa bahaging dapat pasimulan at huminto
kung tapos na. Bigyang pansin sa ganitong hakbang sa pagsulat ang sariling kuru-kuro at
pananaw. Pamalagiin ang kaisahan. Huwag bayaan ang sariling ibuhos ang damdamin sa paraan
o estilo ng pagsulat na maaaring maituwid sa dakong huli. Sumulat nang walang pag-uulik-ulik.
Kung makaisip ng mahalagang pangyayaring wala sa balangkas, huwag mag-atubiling isama ang
mga iyon. Sikaping maging matapat, payak at malinaw ang pagsulat.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 5
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:

Pagsasaayos ng Burador
Lubhang mahalaga ang pagsasaayos ng burador upang maiwasan ang mga kamalian sa
mekanismo, pagsasaayos ng pagkakabuo, pagwawasto sa kaisahan at pagkakaugnay-ugnay, pag-
aalis ng mga hindi kailangang bagay at pagpapasya sa kinakailangang haba. Dapat bigyan-pansin
sa pag-aayos ng buradorang mga sumusunod:

1. Kaisahan - Lahat ba ng mga pangungusap sa burador ay naaayon sa paksa o pangunahing


kaisipan? Lahat ba ng mga pangyayari ay naaayon sa pangunahing kaisipan? Wala bang mga
pagmamalabis? Kung ang ideya o diwa ay nahahati sa iba'tibang bahagi, pantay-pantay ba ang
pagbibigay-diin sa bawat bahagi?

2 Katuparan ng layunin - Natupad ba ang layuning nasa isip ng sumulat? Ang sariling
pananaw ba ng may-akda ay napanatili?

3 Kaliwanagan at Katiyakan - Ang pagkakabuo ba ng burador ay maliwanag? May mga


halimbawa ba ang sumulat upang mapanindigan ang kanyang ideya? Wasto ba ang pagkakapili
ng mga salita upang maiparating nang maliwanag ang diwa? Ang kaisipang napapaloob ay
orihinal ba o sarili ng may-akda?

4. Makatotohanan at Walang Pagkiling - Makatotohanan ba ang mga 4. talang


tinalakay ng sumulat? Ang mga sanggunian ba ay buong ingat na sinipi? Wala bang pagkiling
ang may-akda sa pagtalakay sa paksa? Hindi kaya niya pinamayani ang sariling damdamin at
napatangay sa silakbo ng kalooban? May saligan ba ang kanyang mga kuru-kuro?

5. Kabagayan - Nababagay ba sa paksa at sa mga mambabasa ang wikang ginagamit? Ang


paraan ba o estilo ng pagsulat ay makinis, natural at orihinal? Ang mga pananalitang ginamit ay
tinatanggap ba ng lipunang ating ginagalawan? Ang burador bang nayari ay umaakit ng
kawilihan, kapana-panabik, at madaling basahin?

6. Pagkakabuo - Makatwiran ba ang pagkakabuo? Makinis ba ang pagkakasulat ng mga


talata? Makatwiran ba ang mga pagbibigay-diin sa mga bahagi o may mga bahaging labis na
binigyan-diin ng sumulat? Napapanahon ba ang paraan ng pagkakabuo? Naaayon ba ang haba ng
burador sa layunin ng pagsulat? Anu-ano kaya ang maaaring ialis nang hindi masisira ang diwa
ng burador?

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 6
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:

7. Mekanismo - Nabigyan-pansin ba ng sumulat ang mga sumusunod na bagay: Wastong


pagbaybay, wastong bantas at gamit ng malalaking titik; ang mga panuring; kaisahan sa simuno
at panaguri; haba ng mga pangungusap; walang saysay na pag-uulit; mahahalagang sangkap ng
pangungusap; gamit ng mga tambilang; mga pananalitang kinaligtaang isama; tinig at aspekto ng
pandiwa; at mahahalagang dapat tandaan sa pagbuo ng talata.

ANG TALAARAWAN AT ANG JOURNAL

Ayon sa diksyonaryo, ang talaarawan ay tala ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay


ng isang tao. Avon naman kay Maryann Manning (Maryann Manning on Teaching Reading and
Writing) ang talaarawan ay sinusulat sa araw-araw. Naglalaman ito ng ating personal na
damdamin tungko sa ating buhay.

Ang salitang diary ay nanggaling sa Latin na diarum ("daily allowance nanggaling sa dies
"day" na karaniwang nasa anyong maramihan (plurai) diaria). Hanggang sa sumapit ang ika-20
dantaon sa pandaigdig na pagtaas ng literacy o kaalamang bumasa at sumulat, ang pagsulat ng
talaarawan ay palag nang ginagawa ngmgataong nasa gitnang uri at ng nakatataas na uri.

Ang journal ay para sa pagtatala ng ating obserbasyon o mga pangyayaring nasaksihan.


Ayon naman kina James L. Kinneavy at John E. Warriner sa kanilang aklat na "Elements of
Writing," ang journal ay pagsulat para sa sarili mmo lamang. Malaya kang sumulat tungkol sa
mga pangyayari, isiwalat ang iyong iniisip, at ipahayag ang iyong galit at iba't ibang damdamin o
emosyon.

Hindi kinakailangang manatili ka sa isang paksa lamang o iplano ang iyong iniisip bago
ka sumulat. Higit daw mainam na maggalugad ang iyong mga pananalita at tingnan kung saan
ito hahantong. Ang dahilan ay sapagkat ang journal ay hindi lamang isang tala ng mga
pangyayari; ito'y isang kasangkapang magagamit sa paggagalugad ng iyong iniisip at nadarama.

Magkaiba ang talaarawan at ang journal sapagkat ang talaarawan ay Sinusulat araw-araw
na may kaugnayan sa buhay ng sumulat samantalang sa journal ay isinusulat ang petsa, mga
detalye ng pangyayari, maaaring nakita mo, narinig, atbp. Isinusulat din ang naging reaksyon mo
sa pangyayaring naranasan mo onakita mo. Ang talaarawan at ang journal ay kapwa kawili-
wiling sulatin.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 7
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:

Mahahalagang Tala Tungkol Sa Pagsulat ng Journal

Sa ating pagsulat ng journal, nararapat nating pag-ukulan ng pansin ang tungkol sa


paksang ating susulatin gayundin ang mga taong may kaugnayan sa mga karanasang di natin
malilimot na nagdulot sa atin ng iba't ibang damdamin katulad ng kaligayahan, kalungkutan,
pagkabigo, galit at pagkasuklam.

Lahat ng tao ay maaaring makasulat ng journal.. ito'y paggunita o mga rekoleksyon. Dito
nakatala ang mahahalagang pangyayari, mga reaksyon at obserbasyon sa mga pangyayari sa
buhay ng isang tao.

Dapat na isaalang-alang sa pagsulat ng journal ang mga sumusunod:


(a) sulatin araw-araw ang journal
(b) mahahalaga at pawang katotohanan lamang ang nilalaman
(c) samahan ng mga detalye tungkol sa nakita, nadama, narinig, nalanghap, natikman at naisip
(d) isama rin ang naging reaksyon tungkol sa naobserbahan at naranasan.

Maaaring gumawa ng journal ang isang mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng isang


kuwaderno. Ang journal ay maglalaman ng kaniyang mga kaisipan, damdamin, impresyon at
obserbasyon batay sa kanyang karanasan.

Sa pagbubuo ng journal ay mahalaga ang pagtala ng batayang layunin; kailangang maging


malinaw ang mga ideyang nais ipahayag ng may-akda at matulungan ang mga mambabasa na
maunawaan ang mga naturang ideya.

ANG TALAMBUHAY

Ang talambuhay ay isang akda tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao.


MGA URI NG TALAMBUHAY
1. Paiba-Ang talambuhay ay sinulat ng ibang tao.
2. Pansarili - Ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 8
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:
ANG PAGTATALO O DEBATE

Ang pagtatalo o debate ay isang paligsahan sa pagbibigay ng mga katwiran ng dalawang


pangkat na magkasalungat tungkol sa isang isyu o paksa. Ang pagtatalo ay pormal at
sumasailalim sa mga tivak na tuntunin gaya ng takdang oras, bilang ng mga tagapagsalita sa
magkasalungat na panig, pagkakaroon ng mga tagahabol, pagkakaroon ng pangunahing
talumpati at talumpating mapanuligsa.

Ang pagtatalo ay isang sining sapagkat ito'y nangangailangan ng mabisang mga


pamamaraan upang makapagpapaniwala. Ang kasangkapang ginagamit ay wika. Sa pagpapalitan
ng makatwirang pagtatalo ay lumilitaw ang tunay na katwiran at nakikilala kung sino ang nasa
matuwid.

Mga Dapat Tandaan sa Pagtatalo


1. Dapat na may isang kapasyahan o proposisyon, na nakasaad sa positibong pangungusap.
2. Dapat malaman ng mga kalahok sa pagtatalo ang katuturan ng bawat salita sa kapasiyahan.
Halimbawa: Sa paksang "Pasyahang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas," dapat na malaman
ng mga kalahok ang ibig sabihin ng diborsyo.
3. Dapat na angkop sa mga nakikinig ang mga salitang gagamitin ng mga kalahok.
4. Dapat na nasa mabuting ayos ang mga pahayag at may katumbas na katibayan ang bawat
katwiran ng tagapagsalita.

Mga Katangian ng Isang Mabuting Kapasiyahan o Proposisyon


1. May nilalamang isang diwa lamang.
2. Nakawiwili sa mga kalahok sa pagtatalo at sa mga nakikinig.
3. Payak at di-napakalawak.
4. Dapat magbigay sa panig ng pagsang-ayon ng bigat ng pagpapatunay.

Mga Dapat Malaman ng Isang Nagtatanong sa Oras ng Tanungan o Interpellation Period


1. Dapat siyang magtanong ng mga tanong na nasasagot ng Oo o Hindi.
2. Huwag niyang payagang magtanong ang kalaban kung siya ang nagtatanong.
3. Huwag niyang payagang gamitin ng kalaban ang kanyang oras.
4. Dapat siyang magtanong tungkol lamang sa paksang kanilang napagkasunduan.
5. Dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng pagtatalo kung ang isa sa kanila ay lumalabag sa
alituntunin ng pagtatanong.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 9
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:

Mga Dapat Tandaan sa Pagtuligsa


1. llahad nang maayos ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
2. pahayagang mga walang katotohanang sinabi ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya ng kalaban.
4. Ipaalam na labas na sa paksa ng pagtatalo ang mga katwiran o katibayan ng kalaban
5. Dapat na tapusin ang pagsasalita sa pagbubuklod ng sariling mga katwiran at katunayan
tungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol.

Ang Takdang Panahon


Ang karaniwang bilang ng mga tagahatol ay tatlo. Ang mga ito ay may mga karanasan na sa
pagtatalo. Slla'y mga debatista at maaaring mga mangangalakal at iba pang propesyonal.
Kailangang nakaaalam ng mga pangangailangan at pamamaraan sa isang pagtatalo ang mga
tagahatol. Ang mga sumusunod ay mga tagubiling karaniwang ginagamit ng mga tagahatol sa
isang pagtatalo.
1. kaalaman sa paksang pinagtatalunan
2. paraang ginamit sa pagsusuri
3. dami ng mga katibayan
4. kahusayang maglahad ng mga katwiran
5. walang mga katwirang lihis sa katotohanan
6. pagkakaisa ng magkakasama sa koponan
7 kahusayan sa pagsasalita
8. kahusayang manuligsa
9. wastong pagbigkas, tinig, kilos ng katawan at iba pang mga katangiang bn nangagailangan ng
liksi ng isip.

Ang Balotang Ginagamit sa Pagtatalo


Ang balotang ginagamit sa pagtatalo ay naglalaman ng mga sumusunod:
A. Proposisyon
B. Mga pangalan ng mga kalahok sa magkabilang panig

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 10
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:
Halimbawa:
Mga Magtatalo
Panig ng Sang-ayon Panig ng Salungat
1. 1.
2. 2.
3 3.

C. Katibayan 30%
D. Pagbigkas 10% pm
E. Pagkilos sa Entablado 10%
F Pagkakaisa ng Pangkat 10%
G. Pagtatanungan
Tanong 10% 6pm
Sagot 10% Bpm
H. Pagtuligsa 20%
I. Kabuuan 100%

Sa ibaba ay nakalagay ang mga sumusunod:


J. Koponang Nagwagi
K. Pinakamagaling na Nakipagtalo
L. Lagda ng Tagahatol
M. Lagda ng Tagapangasiwa
N. Petsa

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 11
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:
Mga Uri ng Pagtatalo

1. Pagtatalong Impormal o Di-pormal


Ang tagapangulo ay magpapahayag ng paksang pagtatalunan, pagkaraan ay bubuksan
niya ang pagtatalo. Ang sinumang nais magsalita ay malayang tumayo at magmatuwid, maging
sa panig ng sang-ayon o salungat. May mga pagkakataong nagkakasabay sa pagtayo ang
dalawang tao, sa gayon ang tagapangulo ay may kapangyarihang magpasya kung sino sa dalawa
ang mauunang magsalita. Malimit na ang nakatatanda o ang naunang tumindig ang kinikilala at
unang pinagsasalita. Ang pagpapasya sa ganitong uri ng pagtatalo ay dinadaan sa botohan.

2. Debateng Lincoln-Douglas
Ang bawat panig ay may tig-isang tagapagsalita. Ang panig ng sang- ayon ang unang
magsasalita na susundan naman ng panig ng salungat. Ang unang nagsalita ay magbibigay ng
ganting matuwid o magpapabulaan pagkatapos magsalita ng panig ng salungat. Pagkatapos
magmamatwid o magpapabulaan naman ang panig ng salungat. Sa pagwawakas, ay magbibigay
ng pagbubuod ang dalawang panig at ang ayos ng pagkakasunud-sunod ay katulad din noong
una.

3. Tipong Oregon-Oxford
Ito ang malimit na gamiting uri ng pagtatalo. Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o
tatlong kasapi. Ang oras ng talumpati ng bawat isa ay walo o sampung minuto. Pagkatapos ng
pagmamatuwid ng bawat isa, magkakaroon ng tatlong sandaling pagtatanungan. Pagkatapos ng
lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan ay magkakaroon naman ng tatlong sandali ng
pagtuligsa ang mga kasapi. Limang sandali naman ang iniuukol sa pagtuligsa ng puno ng bawat
koponan.

4. Balagtasan o Batutian
Ang balagtasan ay nanggaling sa pangalan ni Francisco Baltazar na kilala sa tawag na Kikong
Balagtas na Ama ng Panulaang Tagalog." Ang balagtasan ay nag-ugat sa duplo. Ang Batutan
naman ay nanggaling kay Jose Corazon de Jesus na kilala sa sagisag na Joseng Batute, isang
tanyag na makata sa kanyang pananon at unaguriang "Makata ng Pag ibig." Ang Balagtasan at
Batutian ay kapwa pagtatalong patula na ang karaniwang paksa ay mga suliraning panlipunan.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 12
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: Fil 203: Masining na Pagpapahayg
Modyul 4:
MGA GAWAIN

GAWAIN 1:

Magsaliksik ng tig-dalawang uri ng sanaysay (pormal at impormal) at tukuyin o magbigay


hg puna bakit ito napapabilang sa pormal o impormal na sanaysay. Maglahad rin ng
maikling buod detalye patungkol sa sanaysay na iyong nasaliksik. Huwag kalimutan na
itala at ilagay sa iyong ipapasa kung sino ang sumulat ng sanaysay na ito.

GAWAIN 2:
Sumulat ng talambuhay na pansarili (patungkol sa iyong buhay) at ganoon din na sumulat
ng isang Paiba na talambuhay ng kilala, sikat, o isang taong hinahangaan na labis mong
kilala. Gawin itong detalyado at siksik sa impormasyon.

GAWAIN 3:
Sumulat ng isang maikling sanaysay na kung saan naipapaliwanag ang kasagutan sa
tanong na ito: “Bakit sinasabing ang pagtatalo ay isang sining?”

GAWAIN 4:
Saliksin at talakayan ang nilalaman ng balagtasang “BULAKLAK NG LAHING-KALINIS-
LINISAN”.
S iyong isasagawang Pagtalakay/ pagbibigay paliwanag ilagay sa unahang bahagi ng papel
ang nasabing balagtasan.

SANGGUNIAN

 Masinig Na Pagpapahayag: Karampatang-ari 2020 at Inilathala ng Mutya


Publishing House, Inc. at nina Consolacion P Sauco, Edison c. Leste at Norma C.
Mendoza

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 13
Associate College Instructor

You might also like