Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang

Filipino Modyul 4:

The Great Plebeian College


Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022

Modyul 4
Sa

LIT 105
Maikling Kuwento at
Nobelang Filipino
9:00 – 10:00
MWF
(BSE. III Filipino)

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: https://www.facebook.com/joseph.rafanan.2
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 1
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

Modyul No.4

LAGOM PANANAW

Sa modyul at aralin na ito ay matatalakay at mapag-aaralan ang paraan sa pagtuturo ng mga


malilikhaing gawain sa pagtuturo ng maikling Kuwento at nobela.
Matututuhan ang wastong paraan ng Pagbuo ng isang banghay na aralin bilang kahandaan sa
nalalapit na pagbibigay din ng aral at pagtuturo ng mga aralin sa mga mag-aaral.
Ang pagbuo ng isang banghay aralin na gagamitin sa pagtuturo ay hindi isang simple at
saglitan na gawain. Kinakailangan na siguraduhing kilala at kabisado ang paksang tatalakayin upang
sa ganoon ay hindi ito maging sagabal balang araw sa pagbibigay ng aral sa mga mag-aaral.
kinakailangan na matutuhan at mapag-aralan ng mabuti kung alin o saan nga ba mas nararapat na
ilapat ang isang paksa upang matukoy na rin ang layuning nais makamit sa isang talakayan.

MGA LAYUNIN

 Nakasusuri ayon mga nilalaman sa maikling kuwento at nobela


 Nakabubuo ng isang Malikhaing gawain sa pagtuturo ng asignaturang Filipino
 Naipakikita ang kakayahan sa pagpili, pagpapaunlad, at paggamit ng mga angkop na
estratehiya sa pagtuturo ng maikling kwento at nobelang Filipino

MGA NILALAMAN

Malikhaing Gawain Sa Pagtuturo Ng Maikling Kuwento At Nobela


 Malikhaing Gawai Sa Pagtuturo
 Malikhaing Pag-Uulat
 Indibidwal O Pangkatang Pagtuturo
 Iba Pang Estratehiya Sa Pagtuturo
 Banghay Aralin Sa Iba’t Ibang Pagdulog

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 2
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

TALAKAYAN/ DELIBERASYON

KABANATA IV

ANG MALIKHAING GAWAIN SA PAGTUTURO NG MAIKLING


KWENTO AT NOBELA
Ang isang malikhaing guro sa tuwina ay nakapagpaplano ng mga bagong pagdulog sa
pagtuturo ng maikling kwento o nobela. Hindi siya nasisiyahan sa talakayan sa kwento na
natatapos sa pagsagot ng mga mag- aaral ng ilang katanungan pawang nasa unang dimension
lamang ng pagtatanong. Ang isang malikhaing guro bukod sa pag- akay sa kanyang mga mag-
aaral ay kailangang magbigay ng mga pagkakataon sa mga gawaing makalilinang sa kakayahan,
interes, at kasanayan ng kanyang mga tinuturuan.

MALIKHAING GAWAIN SA PAGTUTURO AY ANG:


Ang malikhaing gawain sa pagtuturo ay ang sumusunod:
1. Madulang pagbasa sa kwento
2. Pagtatalo tungkol sa isyu na lumitaw sa kwento
3. Dugtungang pagsasalaysay
4. Pagsasadula
5. Pagsulat na maaaring baguhin ang wakas ng kwento, maaaring wakasan ang kwento,
maaaring baguhin ang katauhan ng pangunahing tauhan, at maaaring I - twist ang kwento at
sumulat ng bagong kwento na kahawig sa tunggalian ng kwentong tinalakay.

Maaaring bigyan ng kalayaan ang mga mag- aaral upang sila mismo ang magplano at
gumawa ng sariling balangkas at pagkatapos ay iulat sa klase. Kung bibigyan ng kalayaan ang
mga mag-aaral, malilinlang ang kanilang pagiging malikhain at maaari nilang talakayin ang akda
sa iba't ibang teknik.

MALIKHAING PAG-UULAT
Sa malikhaing pag-uulat maaaring magamit ang sumusunod:
1. Mock Trial 5. Star Talk
2. Mel and Joey 6. Wrapping
3. Dugtungang Pagsasalaysay 7. Sabayang bigkas
4. Masining na Dayalogo 8. Masining na Pagkukwento

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 3
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

INDIBIDWAL O PANGKATANG PAGTUTURO


May mga estratehiyang magagamit sa pagtuturo ng indibidwalo maging pangkatan tulad ng:
1. Pagtatalo
2. Malayang Talakayan
3. Paraang Komprehensiya
4. Paraang Simposyum

Iba pang estratehiya sa pagtuturo:


1. Paraang Pagbabalangkas/ Pangkayarian ng Kwento( Story Scheme)
Sa pamamatnubay ng guro, makabubuo ng balangkas at makapag-uugnay- ugnay ang mga
pangyayari. Maaari ring malinang ang kakayahan ng mga estudyante sa pagbuo ng hinuha,
palagay, o inaakalang pangyayari.

2. Paraang Semantika (Semantic Webbing)


May kinalaman ito sa pagbubuo, pagsasama at pagsasanib o panghahabi ng mahahalagang
impormasyon.

3. Paraang Pagsusuri ng Impormasyon (Fact Analyzer)


Sa paraang ito, mapupuna ng mga mag- aaral ang akda batay sa mahahalagang detalyeng
nakuha sa teksto.

4. Paraang Pag-uugnay ng Tanong- Sagot (Question and Answer Relationship)

Isinasalang-alang sa paraang ito ang tatlong kategorya ng tanong tulad ng:


1. Nangangailangan ng masusing pagbasa at pag- unawa sapagkat hindi tuwirang nakalahad sa
teksto ang kasagutan gaya ng pahiwatig, sagisag, at mga tayutay.

2. Nangangailangan ng pansariling kasagutan. Ito'y may kinalaman sa reaksyon,


pagpapakahulugan, at pagsasanib ng sariling kaisipan sa teksto.

3. Nangangailangan ng integrasyon. Ito'y pag-uugnay sa binasa sa mga natamong karanasan o


karanasan ng ibang tao.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 4
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

HALIMBAWA NG MGA BANGHAY-ARALIN SA IBA’T IBANG


PAGDULOG

PAGDULOG SOSYOLOHIKAL
I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang sakit ng lipunang nagpapahirap sa tauhan sa kuwento.
b. Naipaliliwanag ang impluwensya ng lipunan sa bawat katangiang taglay ng mga tauhan.
C. Nailalahad ang mga kasalukuyang kalagayan ng lipunan kaugnay ng mga pangyayari sa
kuwento.

II. PAKSANG ARALIN


BILANGGO
ni Wilfredo P. Virtucio
Sanggunian: Ang Ating Panitikang Filipino
ni Erlinda D. Lalic p.234

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULA
Maaaring pag-usapan sa klase ang mga sumusunod na Kalagayan:
1. Ang pagkakaroon ng hustisya para sa mga mahihirap
2. Ang kahalagahan ng lupa para sa isang magsasaka
3. Ang pagganap sa trabaho ng mga nakaunipormeng makapangyarihan
4. kasalukuyang kalagayan ng hustisya sa bansa

B. PAGLALAHAD
Ilahad ang buod ng kuwento sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay. Isalaysay ang
bawat yugto ng mga pangyayari.

C. PAGTALAKAY
Suriin ang mga pangyayari sa kuwento batay sa mga sumusunod na pangungusap.
Ipaliwanag kung anong kalagayan ng tao sa lipunan ang sinasalamin ng bawat isa at anong sakit
ng lipunan ang inihahatid ng mga ito:

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 5
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:
1.Nabilanggo si Tata Selo dahil sa kasalanang hindi niya ginawa.
2.Nag-ibayo ang kabagsikan ni Hitler kaya kadalasan may mga bilanggong natatagpuang
tinadtad ng saksak.
3."Dapat mong malaman na nasa kamay ko ang kaligtasan ko."
4."Pirmahan mo ito Tanda. Basta't pirmahan mo... pirmahan mo."
5."Hindi ko ipag.." Mabilis na dumapo sa bibig ni Tata Selo ang kamao ni Sarhento
Damaso at pabalandra siyang bumagsak sa sahig.
6. Idinuldol ang papeles sa mukha ng matanda: tinugon niya ng maikling iling at sa isang
iglap ay bumagsak ang mariing tadyak sa pagitan ng kanyang binti at umaaringking siyang
namilipit.
7. Gobyerno sila, Tata, at wala kayong laban sa kanila.

D. PAGPAPAHALAGA
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Kung ikaw ay isang huradong nangangailangan ng pera at inaalok kang ipatalo ang
kaso laban sa isang taong walang sala kapalit ng perang higit pa sa kailangan mo, ano ang
gagawin mo? Bakit?
2. Kung ikaw ay nasa bilangguan kasama si Tata Selo, ano ang maipapayo mo sa kanya?
Pangatwiranan.

E. PAGLALAGOM
Ibigay ang pinakamagandang kaisipang natutunan sa aralin.

V. KASUNDUAN
Magsaliksik ng ilang kaso na kasing tulad ng kay Tata Selo. Ibahagi ito sa klase sa
susunod na pagkikita. Isama ang pinagkunang batayan.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 6
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

PAGDULOG PORMALISTIKO

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang mga iba't ibang bahagi ng banghay ng akda.
b. Naipapahayag ang kaugnayan ng simula sa wakas ng akda.
c. Naipaliliwanag ang bisa ng mga salita sa paglalarawan ng kaisipan.

II. PAKSANG-ARALIN
AMA
ni Rogelio Sicat
Sanggunian: Simbulan IV
ni Concepcion Javier pp. 102- 106

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
Ibigay ang kahulugan at gamitin sa pangungusap ang mga nasalungguhitang salita.
a. Tiim ang kanyang bagang at kumikibot-kibot ang kanyang sentido.
b. Sa liwanag ng kingke sa nakapatong sa kawayan.
C. Sa amuki ng isang kaibigan.
d. Suot ang karsonsilyo, naupo siya at muling humilig sa gilid ng bukas na pinto.
e. Nag-iisa iyon sa parteng Sabana ng San Roque.
f. Matinding pagkainip ang sumisikad sa kanyang dibdib.
g. Gumigiti ang butil ng pawis sa kanyang noo.

B. PAGBABALIK-ARAL
Anu-ano ang mga bahagi ng maikling kuwento? Ano ang nilalaman ng bawat bahagi?

C. PAGLALAHAD

PAGGANYAK
Tuwing nagbabasa kayo ng kuwento, nahuhulaan na ba ninyo ang mangyayari sa wakas.
Humihinto ba kayo sa pagbabasa kung kayo ay nasa kasukdulan na ng kuwento?

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 7
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:
PAGBABASA NG AKDA
Tumawag ng isang mag-aaral para basahin, nang malakas ang kuwento habang taimtim na
nakasunod sa pagbabasa ang mga kamag-aral.

PAGTALAKAY SA BAWAT BAHAGI NG KUWENTO


Ipatukoy sa mga mag-aaral ang bahagi ng kuwento: ang panimula, saglit na kasiglahan,
mga suliraning inihahanap ng lunas, kasukdulan, pagbaba ng kasiglahan at katapusan. Ipalahad
ang katwiran ng mga mag-aaral kung bakit ang mga ito ang kanilang tinutukoy na bahagi sa
binasang kuwento. Pag-ugnayin ang simula at katapusan ng kuwento.

D. PAGPAPAHALAGA
Kung ikaw ang nasa kalagayan ng tauhan sa bahaging kasukdulan, ano kaya ang magiging
takbo ng kuwento? Bakit?

IV. TAKDANG-ARALIN
Tukuyin ang iba't ibang sangkap ng binasang maikling kuwento:
1.paksang-diwa
2.himig
3.paningin

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 8
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

PAGDULOG MORALISTIKO

I. LAYUNIN
a. Natutukoy kung aling hakbang ng mga tauhan ang nararapat at di- nararapat.
b. Napag-uugnay-ugnay ang mga kaasalang nailantad sa kabanata ng kuwento.
c. Napangangatwiranan ang kawastuan ng desisyon ng mga tauhan.

II. PAKSANG-ARALIN
Ang Piging
Isang Kabanata ng El Filibusterismo
Sanggunian: El Filibusterismo
ni Arturo S. Cabuhat p.3

III. PAMAMARAAN

A. PAGBABALIK-ARAL
Sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay, ipalahad sa mga mag-aaral ang
pagkakasunud-sunod ng mga naunang pangyayari sa nobela bago ang mga madramang pangyayari
sa kasalan nina Paulita at Juanito.

B. PAGLALAHAD
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga cue cards at sa pamamagitan ng mga nakatalang susing
salita, ibabahagi nila ang kanilang nalalaman tungkol sa mga pangyayari sa kabanata.
Mitsa Basilio
Lampara Isagani
Pagsabog Pag-ibig
Piging Juan Crisostomo lbarra
Kulimlim Mane Thecel Phares
Filibustero ilog
Tagasuplong kakila-kilabot
Gobernador Heneral kamatayan

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 9
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

C. PAGTALAKAY
Tauhan Gawain ayon sa Gawaing lihis sa Udyok ng:
Kagandahang-asal kagandahang-asal
1. Basilio
2. Simoun
3. Isagani
4. Juanitod
5. Paulita
6. Padre Savi
7. Padre Irene

Sa pamamagitan ng bālangkas, ihahanay ng mga mag-aaral ang mga isinagawa ng bawat


tauhan. Ibubukod ang mga gawaing naaayon sa kagandahang-asal at mga gawain na lihis sa
kagandahang-asal. Ipaliliwanag ang ginawang pagbubukod.

D. PAGPAPAHALAGA
Sa pamamatnubay ng guro, ipatatala sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang kaisipang
napapaloob sa akda.

V. TAKDANG ARALIN

Batay sa natalakay, paghandain ang mga mag-aaral para sa isasagawang mock trial sa
susunod na pagkaklase. Pangkatin ang mga mag- aaral ayon sa:
a. tagapagtanggol ng magkabilang panig.
b. ang naghabla
c. ang akusado
d. ang saksi
e. clerk of court
f. manonood

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 10
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

PAGDULOG SIKOLOHIKAL

I. LAYUNIN
a. Nasusuri ang damdamin at kaisipan ng mga tauhan.
b. Naipaliliwanag kung bakit naaapektuhan ng karanasan ang emosyonal na kalagayan ng
tao.
c. Nabibigyang halaga ang tamang pakikitungo sa kapwa.

II. PAKSANG-ARALIN

"Paglalayag... sa Puso ng isang Bata"


Genoveva Edrosa Matute
Sanggunian: Timbulan IV ni Javier Concepcion pp. 174-178

III. PAMAMARAAN
PANIMULA
Magpapakita ng mga larawan ng mga batang may kapangitan sa pangkalahatang pananaw
at tatanungin ang mga mag-aaral sa maaaring maging damdamin nila pagpasok sa paaralan kung
sila ay katulad ng nasa larawan.

PAGTALAKAY
Bago ipabasa ang maikling kuwento, ibigay muna ang sumusunod na tanong para magkaroon
sila ng gabay sa pang-unawa sa pagbasa.
 Anong ang dahilan bakit ang bata ay hindi gaanong kumikibo sa klase?
 Ano ang nakatawag ng pansin sa guro sa batang tinuturuan?
 Bakit ganoon na lamang ang nararamdamang pag-aalala ng guro sa bata?
 Ano ang ginawa ng bata na sumaling nang gayon na lamang sa damdamin ng guro? Bakit?
 Ipaliwanag, kung bakit labis na nasaktan ang bata nang magalit ang guro.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 11
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 105 Maikling Kuwento at Nobelang
Filipino Modyul 4:

MGA GAWAIN

GUMAWA NG DALAWANG MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA


ASIGNATURANG FILIPINO NA KUNG SAAN KAKIKITAAN ITO NG MGA PAGDULOG
NA NASA ITAAS AT TUKUYIN KUNG ANONG URI NG PAGDULOG ANG IYONG
GINAWA.

SANGGUNIAN

 Maiklin Kuwento At Nobela Karampatang-ari 2007 Nina Norma S. Mayos,


Dolores S. Tanawan, Feline P. Espique

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 12
Associate College Instructor

You might also like