FINALS - LIT 108 Pagbasa NG Mga Obra Maestrang Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra

Maestrang Filipino Modyul 4:

The Great Plebeian College


Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022

Modyul 4
Sa

LIT. 108
Pagbasa ng mga
Obra Maestrang
Filipino
10:00 – 11:00
MWF
(BSE. III - FILIPINO)

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: https://www.facebook.com/joseph.rafanan.2
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 1
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

LAGOM PANANAW

Sa modyul na ito makikilala ng husto ang ating bayani hindi lamang sa kaniyang naging
sulatin/akda na El Filibusterismo kundi kabilang na din ang kaniyang naging buhay. Maaaring
matalakay na rin mula ito ang naging kasayasayan sa pagkalikha ng Akdang El Filibusterismo,
ano nga ba ang nasa likod ng sulatin na ito na kung saan ay magpahanggang ngayon ay patuloy
pa rin itong pinag-aaralan at nakapabilang na rin sa Kurikulum na tinatalakay sa huling bahagdan
ng Jhs.
Makabubuti rin na matalakay ito upang malaman ang naging kasaysayan at naging
buhay-buhay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Mapag-aaralan mula rito ang naging
kalagayan ng ating mga ninuno at ang naging dahilan upang makawala ang ating lahi sa
pananakop ng mga kastila.

MGA LAYUNIN

 Nababasa ng may pag-unawa ang mga obra maestrang Pilipino na sinulat ng mga
batikang manunulat na Pilipino.
 Napag-aaralan ang mga paraan at istilong makasining na ginamit ng mga manunulat at
tagapagsalin sa nasabing mga obra.
 Nakapagsasagawa ng mga suring basa at pagsusuring kritikal sa ilang mga piling
kabanata ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo

MGA NILALAMAN

-Mga Mahahalagang Impormasyon Tungkol Sa Nobelang El Filibusterismo


-Pag-Aaral Sa Nobelang El Filibusterismo

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 2
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

TALAKAYAN/ DELIBERASYON

EL FILIBUSTERISMO
Mapanghas. Rebolusyonaryo.

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang


nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kanyang buong pusong
inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza or Gomez, Burgos at
Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere kung saa’y bumalik ang pangunahing
karaketer na si Ibarra sa katauhan ni Simoun na isang mag-aalahas. Siya ay bumalik upan
maghiganti sa mga taong umapi sa kanya at sa pamahalaang lumapastangan sa kanilang bayan.

Pananaw sa El Filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay ang sumunod na libro pagkatapos ng Noli me Tangere. Ito ay


isang nobela na nagpapakita ng kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Ito ang
ikalawang nobela na sinulat ni Jose Rizal, ang ating pambansang bayani. Ang nobelang ito ay
nagtatalakay sa mga problema ng mga Pilipino sa nakaraan tulad ng pang-aabuso at
diskriminasyon sa kamay ng mga Kastila. Nais ipakita ni Rizal sa kanyang nobela ang matinding
sakit sa lipunan at bakit nangangailangan ng pagbabago ang bansa. Sa ganitong paraan nagsindi
siya ng apoy sa puso ng bawat Pilipino at tumulong sa pag-aangat ng bansang Pilipinas.

Nilalaman ng El Filibusterismo ang mga ideolohiya ni Jose Rizal kasama ang mga
problema ng lipunan. May kahalagahan pa ito kahit pagkalipas ng maraming taon dahil ang mga
problema noon ay nakikita pa rin sa kasalukuyan. Ang mga sakit tulad ng kamangmangan at
katiwalian ay laganap pa rin sa lipunan. Ang mga nobela ni Rizal ay bahagi ng ating kultura
bilang Pilipino. Kasama sa mga ito ang ating kasaysayan bilang bayan. Dapat basahin ang El
Filibusterismo para matuto natin kung paano nakamit ng Pilipinas ng kapayapan. Ang
paniniwala ni Jose Rizal ay ang kabataan ay ang makakagawa ng solusyon upang ipabuti ang
bansa. Dapat basahin ito ng kabataan dahil sila ang pag-asa ng bayan. Sila ang mga magiging
bagong pinuno ng Pilipinas.

Sa buhay, mayroong iba’t ibang problema na kailangang harapin. Paano lumutas ng


problema ay depende sa ating sarili. Ang mga kabanata 1-10 ay nagpakita sa akin na naiiba ang
paningin ng isang tao sa ibang tao. Si Basilio ay kontedo lamang na kalimutan ang kanyang

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 3
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:
nakaraan. Si Simoun naman ay nagtago ng matinding galit na tumagal ng mahabang panahon. Sa
tingin nila na ang mga ginagawa nila ang tama. Ano rin sa tingin ko ay tama ay maaring hindi
tama para sa iba.

Pinapakita ng El Fili ang pagkamakasarili ng tao sa lipunan. Nakikita ito pinakalalo na sa


mga Espanyol. Ang mga ginagawa nila si Pilipinas ay para sa kanilang sariling kapakinabangan.
Wala silang iniisip tungkol sa mga indio na naninira rin dito. Pero, nakikita rin ito sa mga
Filipino. Sa kaso ni Kabesang Tales, walang gustong tumulong sa kanya. Takot sila para sa
kanilang sariling sitwasyon.

Mahabang panahon na ang lumipas ng umalis ang mga Espanyol sa Pilipinas. Sa


kasamaang palad, mayroon silang iniwan na mga problema dito. Ang katiwalian nila ay nakikita
rin sa panahon ngayon.

Buod ng El Filibusterismo

Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng


Espanya, unti-unti isinagawa ni Crisostomo Ibarra ang kanyang paghihiganti sa mga prayle
kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyang pinaka mamahal na si Maria Clara mula
sa kumbento ng Sta.Clara na maituturing na kakambal ng impiyerno .Bilang kanyang
paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang
magiging kasangkapan . Ang isa sa mga ito ay si Kabesang Tales . Ginamit ni Simoun ang
pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya . Di
nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde sa mga Kastila
partikular na sa mga prayle . Ang sumunod naman ay si Quiroga . Siya ay isang negosyanteng
Intsik na binigyang tulong- pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pag pahintulot na ilagak
ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang tahanan . Di nagtagal ay
nahimok din ni Simoun si Placido Penitente- isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro
dahilan sa baluktot nitong pamamalakad . Di naging mahirap para kay Simoun na manghimok
ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na na pag-alab ang galit sa pakana ng mga
kastila . Ngunit, naiiba sa mga ito si Basilio dahil sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili parin
niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso . Lubos niyang pinag pasalam at ang
pagpapaaral sa kanya ni Kapitan Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama
ang kanyang kasintahan na si Juli kaya’t wala na siyang mahihiling pa . Ngunit naging
mapaglaro sa kanya ang tadhana . Dahil sa pagkaka mali ng kanyang mga ka mag-aral at mga

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 4
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:
kasapi sa AWK sa pangungutya at paggawa ng katatawanan sa mga prayle, sila’y na
pagbintangang mga utak ng pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga kastila . Ang
mga nagkalat na paskin ay siyang naging matibay na patunay laban sa kanila .Siya’y nakulong at
binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay . Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang
misteryosong pagkamatay ni Juli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng
tulong para sa kanyang paglaya . Tuluyan namang nagipit si Basilio nang pumanaw si Kapitan
Tiyago at nang hindi siya nito pamanahan ni isang kusing . Ang mga paghihirap ng kahapon na
unti-unti siyang binabalikan ay ang naging dahilan upang makianib siya sa nanghihinang si
Simoun .Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez hindi naging
matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan
naganapang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit
ang isang mamahaling lampara . Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na
siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa . Siya’y agad na ipinahanap upang dakipin . At upang
magtago, siya’y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya’y maiintindihan nito ngunit
ang lahat ng kanyang panini wala ay sinalungat ng pari . Nang makatanggap sila ng liham na
nag-uutos na isuko ang taong tinatago ni Padre Florentino ay agad na nabuo sa kanyang isipan na
mas mabuti pang siya’y mag patiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila . Namatay si
Crisostomo na hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng m ga dayuhang nag pahirap sa
kanya . Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa kailaliman ng
dagat at sinabi niyang itago nawa ito ng kalikasan sa kailaliman, na kasamang mga korales at
mga perlas.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 5
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

SIMOUN – Isang napakayamang mag-aalahas at


kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral.
Makapangyarihan siya kaya’t iginagalang at pinangingilagan
ng mga Indio at maging ng mga prayle man. Nais niyang
udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa
palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin
ang bayan; at lipulin ang lahat ng masasama kahit pa siya
mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa paraang kanyang
ginagawa.

KABESANG TALES – ang naghahangad ng karapatan


sa pagmamay-ari ng lupang sinasakana inangkin ng mga
prayle; napakasipag na magsasaka na dating kasama sa
mayayamang may lupain; ama ni Juli.

ISAGANI – Siya ay pamangkin Padre Florentino at


kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito si Isagani ay
isa sa mga sa hangaring magkaroon ng sariling akademya
para sa wikang kastila ang Pilipinas.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 6
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

BASILIO – Nalampasan niya ang mga hilahil


ng buhay dahil sa nagpaalipin siya kay Kapitan
Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya
ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at
ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa
buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad
kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng
pagtatapos.

JULI – ang pinakamagandang dalaga sa Tiani,


na anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Siya ay
isang Pilipinang madasalin, masunurin, matiisin, at
madiskarte sa buhay upang makatulong sa pamilya.

PADRE FLORENTINO – Isang mabuti at


kagalang-galang na paring pilipino, si Padre
Florentino. Pinilit lamang siya ng inang maging
lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang
kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito
sa magulang.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 7
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

TANDANG SELO – maunaw aing ama ni


Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo;
mapagmahal na lolo ni Juli; Siya ang kumalinga kay
Basilio sa gubat nang tumakas sya mula sa mga
guwardiya sibil sa Noli Me Tangere.

QUIROGA – isang mayamang mangangalakal na


intsik na nais magtayo ng kosulado sa Pilipinas;
nagkautang na siyam nalibong piso kay Simoun.

BEN ZAYB – Isang mamahayag, mababa ang


tingin niya kay padre Camorra. Utak sa lumalabas na
magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan
Heneral at sa iba pang matatas na opisyal upang
mapalapit sa mga tao.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 8
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

DON CUSTODIO – Likas na matalino, siya


ang susi upang mapahintulutang magbukas na isang
paaralang nagtuturo ng wikang kastila.

DONYA VICTORINA – mapagpanggap na Europeana


ngunit isa namang Pilipina. Siya ang tiyahin ni Paulita
Gomez na isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa
kanyang lahi, at mapagtakwil sa mga Indiong kanyang
kalipi.

PADRE BERNARDO SALVI – Isang paring


Pransiskano na pinakikinggan at iganagalang ng iba
pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip.
Umibig nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng
dalagang ito ni Kapitan Tiago.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 9
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

PLACIDO PENITENTE – Ang mag-aaral na nawalan ng


ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

MACARAIG – Ang mayamang mag-aaral na masigasig na


nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

JUANITO PELAEZ – Ang mag-aaral na


kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa
kilalang angkang may dugong Kastila.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 10
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

KALIHIM – Sa kanya binibilin ang mga dapat pagdesisyunan ng


Kapitan Heneral.

HERMANA PENCHANG – Ang mayaman at madasaling


babae na pinaglingkuran ni Juli.

PADRE HERNANDO SIBYLA – Isang matikas at


matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng
Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa’ ng
panukala upang makapag-aral at matutong wikang Kastila
ang mga mag-aaral.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 11
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

PADRE IRENE – Isang paring Kanonigo na minamaliit at gaanong


iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-
aaral upang mamagitan at maipasa’ ang panukalang magkaroon mg
akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante.
Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan
Tiago.

KAPITAN HENERAL – hiniral siya na pinakamataas na


pinuno ng pamahalaan. SIMBOLISMO – larawan siya ng
pabiglabigla at makapritsong humatol. Hindi niya alintana ang
kapakanan ng kanyang pinamumunuan.

PADRE CAMORRA – Isang batang paring Pransiskano na mahilig


makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na
maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa
kababaihan lalo na sa magagandang dilag.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 12
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

MATAAS NA KAWANI – kagalanggalang, tumutupad sa


tungkulin , may paninindigan at may pananagutan.

SANDOVAL – Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig


sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.

PADRE FERNANDEZ – Isang paring Dominiko na bukas ang


isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-
ayon siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa pag-
aaral ng wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain
ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya
prayle.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 13
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 108 Pagbasa ng mga Obra
Maestrang Filipino Modyul 4:

PECSON – Siya ay isa sa mga estudyanteng may


hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa
Pilipinas ngunit hindi siya umaasang matutupad ang
hangaring ito.

MGA GAWAIN

GAWAIN 1:
Iatala ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga Nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Maaaring ilagay ang mga ito sa kahon. At sa pinaka-ibabang bahagi ay
magbigay ng konklusyon sa mga nasabing mga nobela bilang pagkilala sa mga nilalaman
nito at naging gampanin nito sa pagkamit ng kalayaan sa ating bansa. Sa isasagawang
konklusyon ay marapat na naglalaman ito ng hindi bababa sa 400 salita.

GAWAIN 2:
Sumulat ng buod sa bawat kabanata ng nobela. Siguraduhin lamang na naglalaman ang
bawat buod ng pinakapaksa sa bawat nobela.

SANGGUNIAN

 http://mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan#:~:text=Kasaysayan%20Sinimulang%20sulati
n%20ni%20Dr.%20Jose%20P.%20Rizal,sa%20Paris%20at%20doon%20ipinagpatuloy%2
0ang%20pagsusulat%20nito.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 14
Associate College Instructor

You might also like