Professional Documents
Culture Documents
Grade 7 Filipino - MODULE 1 To 4
Grade 7 Filipino - MODULE 1 To 4
DEPARTMENT
KWARTER 1
MODYUL 1 HANGGANG 4
S L M-SRCBAI PROPERTY
JUNIOR HIGH SCHOOL
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Hindi inaangkin ni kinakatawan
ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-ariin iyon.
Panimulang Mensahe
Para Sa Guro/Tagapangasiwa:
Ang modyul na ito ay sama-samang dinisenyo, binuo at sinuri ng mga tagapagturo mula sa
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang guro o tagapagpadaloy sa pagtulong sa mga
mag-aaral upang makamit ang pamantayang ibinigay ng K - 12 Kurikulum habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay inaasahang magbibigay daan sa mga mag-aaral na lumahok sa mga
may gabay at independenteng gawain sa kanilang sariling kakayahan at oras. Gayundin, ito’y
may hangaring tulungan ang mga mag-aaral na matutuhan ang mga kinakailangang
kasanayan sa dalawampu’t isang siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan na materyal sa pangunahing teksto, makikita niyo rin ang kahon sa
katawan ng modyul na ito:
Paalala sa Guro
Ito ay naglalaman ng mga paalala o
estratehiya na makatutulong sayo sa
paggabay sa mga mag-aaral.
Pahina |1
JUNIOR HIGH SCHOOL
Bilang guro ikaw ay inaasahang magbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral kung paano
gagamitin ang modyul na ito. Kinakailangan mo rin subaybayan ang pag-unlad ng iyong mga
mag-aaral habang pinahihintulutan mo silang pamahalaan ang sarili nilang pagkatuto.
Gayundin, ika’y inaasahan na hikayatin at gabayan ang mga mag-aaral habang isinasagawa
nila ang mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Para sa Mag-aaral:
Ang kamay ang isa sa pinakamasimbolong bahagi sa katawan ng tao. Ito ay madalas ginagamit
upang ilarawan ang kasanayan, paggawa at layunin. Sa pamamagitan ng ating kamay tayo ay
maaaring matuto, makalikha at makatatapos. Kaya, ang kamay sa sangguniang
pampagkatutong ito ay nangangahulugang ikaw bilang mag-aaral ay may kakayahan at
kalakasan na matagumpay na makamit ang mahahalagang kasanayan at abilidad sa sarili
mong kakayahan at oras. Ang Akademikong tagumpay ay nakasalaylay sayong mga kamay!
Ang modyul na ito ay may mga sumusunod na bahagi na may kaukulang simbolo:
Pahina |2
JUNIOR HIGH SCHOOL
Pahina |3
JUNIOR HIGH SCHOOL
Ang Modyul na ito ay dinisenyo upang tulungan ka na malaman ang mga kaugalian at
kalagayang panlipunan ng isang lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay lang sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan sa kuwento. Iba-iba ang rehiyon na ating kinabibilangan
kung kaya’t magkakaiba rin ang kaugaliang ikinikilos ng bawat tao batay sa kung ano ang
kultura ng pamayanang kinabibilangan mo. Maging mapanuri at unawaing mabuti ang
tatalakaying kuwento.
Pahina |4
JUNIOR HIGH SCHOOL
Tuturuan ka rin ng araling ito kung paano suriin ang kalagayang panlipunan ng mga
tauhan sa kuwento.
Talasalitaan
MODYUL 1: KUWENTONG-BAYAN
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nalalaman ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
2. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.
KWENTONG-BAYAN
Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago
pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang
henerasyon sa paraang pasalin-dila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong-
bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at
lumaganap.
Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari
tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan
tulad ng mga diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa. Masasalamin sa
mga kuwentong-bayan ang kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan sa
panahon kung kalian ito naisulat. May mga kuwentong-bayang ang pangunahing layunin ay
Pahina |5
JUNIOR HIGH SCHOOL
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni
Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.
Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.
Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya
nakilala ang kanyang sarili.
Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories).
Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 80-81.
Pahina |6
JUNIOR HIGH SCHOOL
Ang pagpapahayag ay paraan ng pagsasabi sa ibang tao kung ano ang iniisip,
nararamdaman, o iba pang opinyon, damdamin at impormasyong nais ibigay sa kausap. Ito ay
mabisang paraan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan sa ibang tao. Ito ay maaaring
pasalita o pasulat. Kapag pasalita ang paraan ng pagpapahayag, ang kinakausap naman ay
dapat na nakikinig at nanonood samatalang kung pasulat ang paraan ng pagpapahayag, ang
kinakausap naman ay dapat na nagbabasa.
Kung ang paraang ng pagpapahayag ay pagbibigay ng mga patunay, isinasama rito ang
mga katibayan o totoong pangyayari upang mabigyan ng suporta ang isang argumento o
panindigan.
Ang ilang anyo ng pagpapahayag na kailangan ng patunay ay ang balita, Editoryal,
pormal na sanaysay at iba pang sulating katulad nito na ang pangunahing layunin ay
magpabatid.
Ilang mga halimbawa nito ay ang mga (video o larawan) na nagpapakita ng tunay na nangyari
sa isang sitwasyon o pangyayari.
Matapos ang paglalahad ng mga ebidensya inilalabas ang isang matibay na kongklusyon
Pahina |7
JUNIOR HIGH SCHOOL
• Nagpapakita – Ito ang mga salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay
totoo o tunay.
Halimbawang pangungusap:
Ang tulong mula sa iba’t-ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang nagpapakita
sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi nito.
• Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang
pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalyadong may mga impormasyon at patunay para
makita ang katotohanan sa pahayag.
Halimbawang pangungusap:
Pahina |8
JUNIOR HIGH SCHOOL
Alam kong may hula ka na sa kinabibilangan nilang komunidad o rehiyon sapagkat ang
ginamit na unang tauhan ay Datu. Tama ba? Kung gayon sagutin mo nga ito.
Panuto: A. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. Farida b. Hasmin c. Datu
2. Anong rehiyon ang kinabibilangan ng mga tauhan sa kuwento?
a. ARMM b. CAR c.CALABARZON
3. Bakit tumandang binata ang Datu?
a. Wala siyang mapusuang maganda sa kanilang pamayanan.
b. Abala siya sa pamumuno sa kanilang lugar.
c. Mas gusto niya ang mag-isa.
4. Ayon sa kuwento, anong kaugalian meron sila, pagdating sa pag-aasawa?
a. Maaaring mag-asawa ng marami hangga’t gusto kahit walang makain.
b. Hindi pwedeng mag-asawa nang higit sa isa ang mga muslim.
c. Maaari lang mag-asawa ng marami ang may kakayahan sa buhay.
5. Ano ang aral na nakapaloob sa kuwentong binasa?
a. Ang Pag-ibig ay maaaring ipadama sa kahit na anong paraan.
b. Basehan ang edad sa pagpili ng mamahalin.
c. Magmahal ka nang marami.
Pahina |9
JUNIOR HIGH SCHOOL
FILIPINO 7 – MODYUL 1
Handa ka na ba? Ang pagsubok na ito ay mula sa mga kasanayang pampagkatuto blg. 1 at blg.
2. Dito ay susubukin ang iyong kakayahan sa pag-unawa nang nakalipas na talakayan.
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano ang naging sanhi sa pagkakalbo ng Datu?
a. Pagkaubos ng itim na buhok.
b. Pagkaubos ng puting buhok.
c. Pagkakaroon ng dalawang asawa.
d. Paglalagay ng mga pampabulang may kemikal sa anit.
2. Ano ang dahilan kung bakit hindi nag-aasawa ang Datu?
a. Pihikan sa mga dilag.
b. Walang mapusuan.
c. Hindi interesadong mag-asawa.
d. Mas nais ang mag-isa sa buhay.
3. Ang mga sumusunod ay katangian ng ni Hasmin, maliban sa Isa.
a. Mapagmahal
b. Maganda
c. Batang-bata
d. Matandang dalaga
4. Ang mga sumusunod ay katangian ni Farida, maliban sa Isa.
a. Mas matanda sa Datu
b. Kasintanda ng Datu
c. Mapagmahal
d. Maganda
5. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa relihiyon ng mga Muslim?
a. Muslim
b. Islam
c. Koran
d. Roman Catholic
P a h i n a | 10
JUNIOR HIGH SCHOOL
PABULA
Si Aesop (620 and 564 BC), isang Griyego, ang itinuturing na "Ama ng mga Sinaunang
Pabula". Si Aesop ang sumulat ng Aesop's Fable, koleksyon ng iba't ibang pabula. Ilan sa
kaniyang mga akda ay “Ang Usa at Leon”, “Asno at Kambing”, “Aso at isang piraso ng Karne”,
“Aso at Lobo”, “Palaka at Ahas” at marami pang iba.
Ayon kay Herodutos, si Aesop ay naglilingkod bilang isang alipin, at ang kaniyang panginoon ay
isang tiyak na Ladman mula sa isla ng Samos na kalaunan ay binigyan siya ng kalayaan. Siya
ang nagtatag ng pabula ng Aesopian na pinangalan sa kanya.
Ang pabula o fable ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ng kuwento ay mga
hayop o mga bagay na walang buhay. Sila ay kumikilos, nagsasalita, at nag-aasal na parang
mga tao. Ito ay patok sa mga kabataan dahil ito ay nagbibigay ng moral na aral sa mga
mambabasa.
May mga katangian na dapat taglayin ang pabula upang mapukaw ang interes ng mga
mambabasa.
1. Dapat ay nakakahikayat o nakakapagbigay interes ang kuwento sa mga mambabasa,
2. Maayos ang pagkakasunod sunod ng kuwento, at
3. Mayroong ugnayan ang paksa sa napapanahong pangyayari o nagaganap sa mundo upang
maging mas epektibo ito sa mga mambabasa
P a h i n a | 11
JUNIOR HIGH SCHOOL
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-
ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang
tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa
lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng
lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa
balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo.
"Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo.
"Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong
naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
May kaniya-kaniyang katangian ang mga Hayop. Tulad ng Tigre o Leon, sila’y mga uri ng hayop
na matapang at magaling pagdating sa mga kalaban. O di kaya naman ay kalapati na kilala din
natin na sumasagisag sa kalayaan o kabutihan. Ito ang ginagamit na tauhan ng mga
manunulat sapagkat hindi lantarang inilalahad ang ugali at aral na nakapaloob sa kuwento.
Pero kadalasan ang mga aral na mapupulot dito ay malaki ang tulong sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao.
Nakadepende sa manunulat kung anong uri ng hayop ang gagamitin niya bilang tauhan sa
kuwento.
P a h i n a | 12
JUNIOR HIGH SCHOOL
P a h i n a | 13
JUNIOR HIGH SCHOOL
lang ako nang mahimbing,” sabi ni Sulayman. Nagdasal sila Indarapatra at Sulayman upang
magpasalamat sa Diyos. “Umuwi ka na, aking kapatid, at ako na ang tatapos kay Balbal, ang
huling halimaw,” utos ni Indarapatra. Umuwi si Sulayman at nagtungo si Indarapatra sa
Bundok Guryan at doon nakipaglaban kay Balbal.
Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na lamang ang
natira. Dahil ditto, lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si
Balbal habang tumatakas. Ngunit ayon sa matatanda ay buhay pa si Balbal at patuloy na
lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.
Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagsipagtago
sa kweba ngunit walang sumasagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya’y magutom at
mapagod. Gusto niyang kumain kaya’t pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang
pagsasaing ni Indarapatra. Inipit niya ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy
upang mainitan ang palayok. Nakita ito ng isang matandang babae. Namangha ang matandang
babae sa taglay na kagalingan ni Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si
Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis
ang matandang babae dala ang sinaing ni Indarapatra.
Paglipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra ang
tiwala nito. Itinuro ng prinsesa kung saan nagtatago ang ama nito at nalalabi sa kaharian nila.
Nang Makita ni Indarapatra ang raha, inialay ng raha ang kanyang pag-aari kay Indarapatra.
Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus kanyang hiningi ang kamay ng prinsesa.
Sa maikling panahong pananatili ni Indarapatra sa Maguindanao, tinuruan niya ang mga tao
kung paano gumawa ng sandata. Tinuruan niya kung paano maghabi, magsaka, at mangisda.
Pagkalipas ng ilang panahon pa, nagpaalam si Indarapatra. “Tapos na ang aking pakay rito sa
Maguindanao. Ako ay lilisan na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang babae at isang
lalaki. Sila ang mamumuno rito sa inyong kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-
Maguindanao, sundin ninyo ang aking kodigo, batas, at kapangyarihan. Gawin ang aking mga
utos hanggang may isang mas dakilang hari na dumating at mamuno sa inyo,” paalam ni
Indarapatra.
SANHI AT BUNGA
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng
mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng
kadalinanan ng pangyayari.
P a h i n a | 14
JUNIOR HIGH SCHOOL
P a h i n a | 15
JUNIOR HIGH SCHOOL
FILIPINO 7 – MODYUL 2
P a h i n a | 16
JUNIOR HIGH SCHOOL
“Mas gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” ang sabi ni
Tungkung Langit kay Alunsina. Ngunit sawa na si Alunsina sa ganoong klaseng buhay.
Naramdaman niyang parang wala siyang silbi bilang diyosa. Gusto niyang lumikha. “Huwag
kang mag-alala,” sabi ni Tungkung Langit sa kaniyang iniibig, “wawakasan ko ang iyong
pagkabagot. Lilikha ako ng... oras!” At nagsimula nga ang oras. Kasamang nalikha ng oras ang
P a h i n a | 17
JUNIOR HIGH SCHOOL
alaala... at naalala ni Alunsina ang panahong wala pang laman ang kalawakan, nang hindi siya
nakalikha ng kahit ano. “Gusto kong lumikha!” sabi ni Alunsina.
Isang araw, patagong sinundan ni Alunsina si Tungkung Langit. Nang makita siya ni
Tungkung Langit, agad siyang tinanong: “Bakit ka narito? Bakit mo ako sinusundan?” “Gusto
kong lumikha! Diyos din ako tulad mo!” sabi ni Alunsina. “Nababagot ka ba uli, mahal? Huwag
kang mag-alala, lilikhain ko ang kulog at kidlat para sa iyo!”
“Sawa na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa na akong
naririto lang, nakaupo, walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong diyosa!”
Hindi na nakayanan ni Alunsina ang lungkot sa kaniyang puso, kaya lumayas siya sa
kanilang tirahan. Pag-uwi ni Tungkung Langit, gulat na gulat siya nang makitang walang apoy
sa kanilang kalan, walang pagkain sa kanilang mesa. At wala na rin ang kaniyang Alunsina.
“Alunsina! Alunsina!” Hinanap nang hinanap ni Tungkung Langit ang kaniyang asawa,
ngunit hindi niya ito matagpuan. Tinawag niya nang tinawag ang pangalan ni Alunsina, ngunit
walang binalik ang hangin kundi alingawngaw.
Isang araw, sumilip si Tungkung Langit mula sa ilang ulap. Hinawi niya ang mga ulap at
sa kaniyang gulat, naroon ang kaniyang asawang si Alunsina.
“Nilikha ko ang daigdig. Ang daigdig na may puno at halaman, isda at mga ibon. Nilikha
ko ang mga bundok, ang langit, ang karagatan. Nilikha ko ang buhay, dahil isa rin akong
diyos.” At nagpatuloy si Alunsinang lumikha. Nasaktan si Tungkung Langit. Ang kaligayahang
nakita niya sa mukha ng kaniyang asawa ay hindi dahil sa pagkakita sa kaniya.
P a h i n a | 18
JUNIOR HIGH SCHOOL
Sa bahaging ito kinakailangan mo ang tulong ng iyong magulang upang maisakatuparan ang
gawaing ito. Sa ibaba may ibibigay akong link kung saan kailangang puntahan mo ito. Dito mo
makikita ang panunuoring pelikula. Papano? Bago ang mga tanong may pormat ka na
matatagpuan sa ibaba, sundin mo lang ito panguradong makukuha mo. Kung nalilito ka,
tawagin si nanay o tatay at sabay kayong manuod. Kaya mo yan!
Sundin ang mga sumusunod na pormat upang hindi maligaw sa pagsasagawa ng pagsusuri ng
isang pelikula.
Pormat ng Panunuring Pampelikula
May nakikita ka bang isang larawan? Iyan ang makikita mo sa link na pupuntahan mo.
Panuorin mo nang mabuti. Sa ibaba naman nito ay may makikita ka ring buod. Kung sakali
mang wala kang mapanuoran pwede mo itong basahin subalit ito ay buod na. Mas mabuti sana
kung mapapanood mo ito upang mas maunawaan mo ang bawat detalye ng kuwento.
P a h i n a | 19
JUNIOR HIGH SCHOOL
PAALAM SA PAGKABATA
Buod
Inilalarawan ni Celso ang takbo ng kanyang buhay. Isang buhay na tila walang
pagbabago, nanatiling maginaw, tahimik, at madilim. Ito ang mundo na nakilala niya. Naririnig
ni Celso na nag-aaway ang kanyang mga magulang sa kabilang silid. Umiiyak na naman ang
kanyang ina na si Isidra. Hindi pa rin alam ni Celso kung bakit palaging umiiyak siya.
Walang malinaw sa isipan ni Celso. Mula sa kanyang pagkabata, madali siyang mainip.
Pinapangarap niya na magkaroon ng isang kapatid dahil sa kanyang pag-iisa Noon ay hindi
pinansin ni Celso ang lambat ngunit dalawang taon ang nakaraan noong itinapon ni Isidra ang
lambat at nagalit ng husto si Tomas, ang ama ni Celso. Ipinabalik niya ito
Nag-away na naman si Isidra at Tomas. Ipinaliwanag ni Isidra kay tomas na wala siyang
kasalanan, na dapat kalimutan na nila ang nangyari at hindi sinasadya niyang magkamali.
Sabi ni Isidra na si Tomas lang ang kanyang iniibig. Hindi naiintindihan ni Celso ang nangyari.
Mula noon, hindi na ginalaw ng ina ang lambat. Kahit luma na, buong buo pa sa tingin ni
Isidra. Nais itanong ni Celso kay Isidra kung bakit mahalaga ang lambat, ngunit sabi ni Isidra
na kailangan na niyang maglakad dahil malapit na dumating ang kanyang ama.
Pumunta si Celso sa may dalampasigan kung saan ang mga tao ay naghihintay sa mga
mangingisda. Napalingon si Celso nang marinig niya ang isang tugtog sa gitara mula sa isang
bahay-pawid. Ang awit ay tungkol sa kasawian ng pag-ibig.
Hindi nakatiis si Celso. Para siyang hinila ng musika kaya pumunta siya sa bahay-
pawid. Naalala niya ang utos ng ama na bawal pumunta roon. Hindi niya namalayan na
kaharap na niya ang taong naggigitara. Lumuha ang mga mata ng mama. Tatakbo sana si
Celso, ngunit nahawakan ng mama ang kamay niya.
Mahagpit nitong niyakap si Celso. Umiyak si Celso. Pinahid ng mama ang luha ni Celso at sabi
nito
“Dalawin mo ako palagi ha?”
Parang nakita na ni Celso ang mamang ito, parang nakita niya ito sa salamin.
Nagdatingan na ang mga mangigisda. Nakita sila ni Pedro. Sinampal ni Pedro si Celso dahil
hindi ito nakinig sa utos.
Naguguluhan si Celso kung bakit ayaw ni Pedro na pumunta siya roon. Pagkatapoos bumalik
sila sa bahay. Si Isidra ay nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman
ang mata. Naalala ni Celso yung mama. Lumapit si celso sa salamin at nakita niya ang mukha
ng mama.
Kumuha ng itak si celso at pinagtaga nito ang lambat. Nabigla si Isidra at Pedro sa
ginawa niya. Nagaapoy ang mata ni Tomas, ngunit nilabanan Celso ang titig nito. Sinuntok ni
Pedro si Celso.
Tinadyakan siya kapag tumatayo, hanggang gumagapang na siya. Iningudngod sa lupa
ang mukha niya at nakatikim ito ng pawis at dugo. Nawalan ng malay si Celso. Naramdaman
na lamang niya ang mainit na bisig na yumayakap sa kanya.
Nakita niya ang mukha ng kanyang tatay, puno ng pagsisisi at pag-unawa. Yinakap niya si
Celso ng matagal.
P a h i n a | 20
JUNIOR HIGH SCHOOL
P a h i n a | 21
JUNIOR HIGH SCHOOL
FILIPINO 7 – MODYUL 3
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kuwentong-bayan na “Kung Bakit
Umuulan?”
1. Ano ang kaugnayan ni Tungkung Langit kay Alunsina?
________________________________________________________________________________________
2. Bakit ganoon na lamang ang pagbibigay na ginagawa ni Tungkung Langit kay Alunsina?
Makatwiran ba ito? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________________________
3. Ano ang ibinunga ng labis na pagbibigay ni Tungkung Langit kay Alunsina?
________________________________________________________________________________________
4. Sa palagay mo, ano ang marapat na gawin ni Tungkung Langit upang bumalik sa kanya si
Alunsina?
________________________________________________________________________________________
5. Sa palagay mo, paano maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng mag-asawa?
________________________________________________________________________________________
Gawain 2
Makikita ang pormat ng Pagsusuring-Pelikula sa ibaba. Sundin ang mga ito upang maging
makabuluhan ang isinasagawang pagsusuri. Sagutin lahat ng nasa ibaba.
I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga ibinunga
V. Paksa o Tema
VI.Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual effects
d. Set Design
IV. Kabuuang mensahe ng Pelikula
P a h i n a | 22
JUNIOR HIGH SCHOOL
Ayon kay (Sauco, 2013) Ang buod ay pinaikling lagom ng isang talumpati, kuwento, tula,
dula o isang buong nobela na ginagamitanng sariling pananalita ng taong nagpaikli sa nasabing
akda. Maikli subalit malaman at naghahayag ng pinakadiwa ng nasabing sulatin kalimitang
ang haba nito ay ikatlo o ikaapat lamang ng orihinal. Hindi naglalaman ang buod ng mga
pansariling pananaw o opinyon. Hindi ito maligoy at hindi na kailangang ipaliwanag pa o
magbigay ng halimbawa, ang nilalaman nito ay isinalaysay sa pinakamaikling paraan.
1. Basahin maingat ang akdang bubuodin. Uliting muli hanggang sa makuha ang
pinakadiwang nais ipahayag ng may-akda.
3. Isulat ang mga natirang puntos o mga itinala habang nagbabasa sa sariling mga salita
at pangungusap. Huwag magsasama ng sariling ideya o opinyon.
6.Basahing mabuti upang lalo pang paikliin ang ginawang buod. Mapaiiksi pa ito sa
pagpapalit ng mga sugnay sa parirala at parirala sa isang salita. Sa pagsulat ng buod lalong
maikli, mas mainam hangga’t naroon ang pinakamahalagang nilalaman. (Sauco, 2013)
Makatutulong sa iyo ang mga hakbang na nabanggit mula sa aklat ni Sauco sa pagsabak mo sa
pagbubuod ng kuwento.
Isang araw, noong mga panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa, may
isang tigreng naghahanap ng makakakain sa gubat. Ngunit sa kasawiang palad
ay nahulog ito sa isang malalim na hukay. Walang nagawa ang tigre kaya't
nagmamakaawa itong sumigaw upang humingi ng tulong.
P a h i n a | 23
JUNIOR HIGH SCHOOL
Hanggang kinabukasan ay may isang taong napadaan at nakita ang kanyang kalagayan.
Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan ang tigre sapagkat
baka sya ay kainin nito.
Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay
tinulungan ng tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa
pangako at akmang kakainin nya ang tao.
Nakiusap muna ang tao sa tigre na baka kung sakali ay humingi ng hatol sa puno kung
sya ba ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang
puno na sya ay kainin ng tigre sa kadahilanang ang mga tao ang may kasalanan sa pag kaubos
ng mga puno.
Muling humingi ng hatol ang tao sa napadaang Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno
ay ganoon din ang hatol nito.
Hanggang sa may isang mapadaang kuneho na lumulukso at ito naman ang hiningian
ng hatol ng tao at tigre. Ang suhestiyon ng kuneho ay muling nilang isalaysay ang nangyari sa
pamamagitan ng pagpunta ng tigre sa hukay upang maibigay ang kanyang hatol.
Muli ngang nagpunta ang tigre sa hukay upang maibigay na ng kuneho ang hatol.
Ang hatol ng kuneho ay, "Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay
dapat manatili na lamang sa hukay ng hindi na sila namomoroblema".
Ang mga tatalakayin sa araw na ito ay ang Pang-ugnay at mga uri nito gayundin ang pagbuo
ng Editoryal na nanghihikayat. Unawaing mabuti.
Kaya mo yan!
P a h i n a | 24
JUNIOR HIGH SCHOOL
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit
ang –ng
3. PANGATNIG – ito ay bahagi ng salitang nag-uugnay ng isang salita o kaisipan sa isa pang
salita o kaisipan sa isang pangungusap.
Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang
kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang.
• Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nitoang mgamagkakasingkahulugan,
magkakasinghalaga omagkakapantay na mgabagay o kaisipan.
Ang mga pantuwang na pangatnig ay: At, Saka, Pati
Mga halimbawa:
Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.
Magtitirik ng kandila’t magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.
Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.
Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin.
• Pantulong naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na di-
makapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay.
Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o
sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan.
Halimbawa:
Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon.
Ang tunay na Kristyano, ay walang-kiling. Katoliko o Protestante o Muslim, lahat sila ay
pantay-pantay sa mata ng Diyos.
Panubali – kung may pag- aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag,
sana, baka, pagka, kapag, sakali.
Halimbawa:
Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwang-wang ang iyong lupa.
Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating ng araw.
Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay
inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “bakit?”
Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb.
Halimbawa:
Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga.
Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan.
Panlinaw – kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: sa makatuwid, kaya,
gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp.
P a h i n a | 25
JUNIOR HIGH SCHOOL
Halimbawa:
Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak nating
kawikaan: “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.” ay diwang bagay lamang.
P a h i n a | 26
JUNIOR HIGH SCHOOL
Sa paksa palang ng Editoryal, kinakailangang mahihikayat agad sila na basahin ang nilalaman
nito.
Makikita mo ang isang halimbawa ng editoryal na nanghihikayat. Ito ay tumutukoy sa
kalagayan ng mga basura sa ating bansa. Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao, kapaligiran
ang nagdurusa hanggang sa bumalik din sa tao ang bunga
EDITORYAL -
Disiplina sa Pagtatapon ng Basura,
Pairalin
P a h i n a | 27
JUNIOR HIGH SCHOOL
sa mga informal settlers. Bakuran ang mga gilid at pampang ng estero o ilog para hindi
makabalik ang informal settlers na numero unong nagtatapon ng basura.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/06/17/1825377/editoryal-walang-
disiplina-sa-pagtatapon-ng-basura
___________________5. Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay may pagkakaisa.
P a h i n a | 28
JUNIOR HIGH SCHOOL
FILIPINO 7 – MODYUL 4
P a h i n a | 29
JUNIOR HIGH SCHOOL
MODYUL 1:
P a h i n a | 30
JUNIOR HIGH SCHOOL
MODYUL 2:
MODYUL 3:
MODYUL 4:
P a h i n a | 31
JUNIOR HIGH SCHOOL
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2017/01/kuwentong-bayan-kahulugan-at-
halimbawa.html
http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-kuwentong-bayan-
folktales.190)
https://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html)
https://www.coursehero.com/file/37531293/Gr-7-Aralin-1pptx/
https://www.scribd.com/document/397796385/MGA-PAHAYAG-SA-PAGBIBIGAY-NG-MGA-
PATUNAY-docx
https://www.slideshare.net/cli4d/mga-37194330
https://brainly.ph/question/130930
https://brainly.ph/question/130700?source=aid1231730
https://gabay.ph/pabula/
https://ik-ptz.ru/tl/istoriya/ezop-peruyi-basnopesic-portrety-ezopa-literatura-ob-ezope.html
https://pilipinasatbp.wordpress.com/2011/06/08/ang-lobo-at-ang-kambing/
https://www.answers.com/Q/Sino_ba_si_bartolome_del_valle
https://www.slideshare.net/marjduenas/epiko-79598323
https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-sanhi-at-bunga-depinisyon-at-halimbawa/
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/04/indarapatra-at-sulayman-epiko.html
DARAYO [Book] / auth. Ph.D. Roberto D. Amphil. - Sampaloc,Manila : St. Augustine
Publications, Inc., May 2018. page 12-16
http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/kung-bakit-umuulan-isang-kuwentong-
bayan.html
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/mga-gabay-para-sa-pagsusuri-ng-isang.html
https://www.youtube.com/watch?v=d153xtwqAd4
http://filipino4niwarville.blogspot.com/2014/06/paalam-sa-pagkabata.html
DARAYO 7 [Book] / auth. Ph.D Roberto D. Amphil. - Sampaloc,Manila : St.Augustine
Publications,Inc., May 2018. page 62-68
https://gabay.ph/pabula/
https://ik-ptz.ru/tl/istoriya/ezop-peruyi-basnopesic-portrety-ezopa-literatura-ob-ezope.html
https://pilipinasatbp.wordpress.com/2011/06/08/ang-lobo-at-ang-kambing/
https://www.answers.com/Q/Sino_ba_si_bartolome_del_valle
https://www.slideshare.net/marjduenas/epiko-79598323
https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-sanhi-at-bunga-depinisyon-at-halimbawa/
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/04/indarapatra-at-sulayman-epiko.html
DARAYO [Book] / auth. Ph.D. Roberto D. Amphil. - Sampaloc,Manila : St. Augustine
Publications, Inc., May 2018. page 12-16
P a h i n a | 32
JUNIOR HIGH SCHOOL
P a h i n a | 33