Fil12 Q1 M8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

12

Filipino – Ikalabing dalawang Baitang


Unang Markahan – Modyul 8: Akademikong Pagsulat: Abstrak
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricriz Q. Pereyra
Editor: Jose Antonio Magtibay
Tagasuri: Eva J. Ompoc Ed.D.,
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 12
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Akademikong Pagsulat: Abstrak
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larang 12 ng Modyul para sa araling Akademikong Pagsulat: Abstrak.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang 12 Modyul


ukol sa Akademikong Pagsulat: Abstrak.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

A. natutukoy ang mga katangian, uri, bahagi at dapat


tandaang hakbangin ng akademikong papel na Abstrak.

B. naipaliliwanag ang kahalagahan ng akademikong papel


na Abstrak sa pamamagitan ng pictomat.

C. nakikilala at nakabubuo ng mga bahagi ng akademikong


papel na Abstrak sa pamamagitan ng graphic organizer.

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba na


nasa kahon, tukuyin at isulat kung saang kategorya ito nabibilang.

Maikling paglalahad Basahing mabuti ang buong


Deskriptibong papel, bigyang pansin ang
ng kabuoan ng Abstrak mga dapat isaalang-alang sa
pananaliksik gagawing pagsulat.
1 1 1
Isulat ang unang Layuning mapaikli o
Binubuo ng
mabigyang buod ang Impormatibong
Bo
draft o burador 100-300 na
mga akademikong papel Abstrak
ng papel. 1 salita.
1 1 1
Irebisa ang unang draft Kabilang sa pagbuo nito Ginagamitan ng
upang maiwasto ang ay ang maikling panimula, simpleng pangungusap
anumang kahinaan. layunin, pamaraang ginamit, na nakatatayo sa sarili
I-proofread ang pinal na ang kiinalabasan at nito ilang isang yunit
kopya. konklusyon ng pag-aaral. ng impormasyon.
1 1 1

KAHULUGAN/KATANGIAN URI NG ABSTRAK MGA HAKBANG SA


NG ABSTRAK PAGSULAT NG ABSTRAK
Ilagay ang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
tamang pahayag at kung ang pangungusap ay nagsasaad ng maling
pahayag, guhitan ang nagpamaling salita at isulat sa patlang ang
tamang kasagutan.
2 puntos bawat bilang.

1. Ang siksik at pinaikling bersiyon ng teksto ay tinatawag na


buod.

2. Ang buod, sintesis, abstrak, hawig, presi at lagom ay mga


kaparaaanan sa pagpapahaba ng ideya at datos.

3. Ang Sintesis ay pagbubuod at pag-uugnay ng mga datos


mula sa iba’t ibang sanggunian o reperensya.

4. Ang Sinopsis ay gamitin sa pabalat ng isang nobela na


tinatawag din sa Ingles na Jacket bulb.

5. Malaking tulong ang pagbuod at pag-uugnay ng mga datos upang


higit na maunawaan ang nilalaman ng isang akademikong papel.

Ang abstrak ay isang maikling paglalahad ng kabuoan ng isang


pananaliksik. Kadalasang makikita ito sa simula pa lamang ng manuskrito,
ngunit itinuturing ito na may sapat ng impormasyon kung kaya maaaring
mag-isa o tumayo sa kaniyang sarili. Isang talatang nagbubuod ng kabuoan
ng isang natapos na pananaliksik. Ayon kay Philip Koopman(1997),
bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang
elemeto o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

Ito ay halimbawang akademikong papel na ginagamit para sa tesis,


disertasyon, papel siyentipiko, at iba pang akademikong journal. Layunin
nitong mapaikli sa isang basahan ang akademikong papel. Sa mga
pandaigdigang komperensya, ang isinusumiteng abstrak ay sapat na upang
matanggap o di-matanggap ang paksa at basahin ang papel sa nabanggit na
okasyon.
Narito ang mga bahaging makikita sa ilang abstrak na karaniwa’y may isa o
dalawang pahina lamang at naglalaman ng 100 hanggang 300 salita. Hindi
madalas na mabanggit ngunit naglalaman ang abstrak ng mga bahaging ito.

Pangunahing diwa. Nagsisilbing mga batayan


Paksang tinatalakay sa ng kaisipang ilalahad sa
bawat talata. pananaliksik.

Pamagat
Paksang Pangungusap Pangunahing mithiin
Estratehiya, disenyong
ginamit sa pananaliksik Layunin bakit kailangang isagawa
o pagkalap ng datos. ang pananaliksik.
Metodolohiya
Mga Datos
Mga magiging
Resulta ng Pag-aaral
katibayan/nakalap na
Kinalabasan ng isang
impormasyon na magiging
pag-aaral .
resulta ng pag-aaral.

Nagbibigay ng Ipinababatid nito sa


paglalarawan sa mga mambabasa
pangunahing paksa ang mahahalagang
at layunin. ideya ng papel.
Sanaysay, editoryal, Binubuod dito ang
libro Kaligiran, Layunin,
50-100 salita Tuon, Metodolohiya,
Hindi isinasama: Resulta at
Metodolohiya, Konklusyon ng
Konklusyon, papel.
Resulta Maikli at isang talata
at Rekomendasyon lamang ang haba.
Halos 10% ng haba
ng papel.

Layunin Mas karaniwang


Kaligiran ng Pag-aaral ginagamit ito sa
Saklaw larangan ng Agham
at Inhinyeriya o sa
ulat ng mga pag-
aaral sa Sikolohiya.
➢ Gumamit ng malinaw, simple, at direktang mga salita at
pangungusap. Iwasan ang maging maligoy o paikot-ikot sa
pagsulat.

➢ Ang mga kakailanganing detalye o kaisipan na lalamanin ng


gagawing/ginagawang abstrak ay nararapat na makikita sa
kabuoang papel. Ibig sabihin, hindi na nararapat na
maglagay ng kaisipan o datos na hindi nilaman ng ginawang
pag-aaral o sulatin.

➢ Iwasan ang paglalagay ng statistical fugures o table sa


abstrak, hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

➢ Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad ang mga pangunahing


kaisipan at hindi na dapat ipaliwanag pa.

➢ Gawing maikli ngunit komprehensibo kung saan


mauunawaan agad ang kabuoang nilalaman at nilalayon ng
pag-aaral o pananaliksik na ginawa.

a) Basahing mabuti ang buong papel pananaliksik. Sa


pagbabasa isaalang-alang ang gagawing abstrak. Bigyang
pansin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop,
resulta, kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging
kailangan sa uri ng abstrak na isusulat.

b) Isulat ang unang burador ng papel. Huwag kopyahin ang


mga pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit ang
sariling salita.

c) Rebisahin ang unang burador upang maiwasto ang


anumang kamalian/kahinaan sa organisasyon ng salita o
pangungusap. Tiyaking mahahalagang impormasyon
lamang ang nailagay sa ginagawang pagsulat.

d) I-proofread ang pinal na kopya.

Kadalasang huli itong isinusulat, ngunit unang makikita ito ng


mambabasa upang malaman ang pangkalahatang ideya ng pananaliksik.
Ito ay isinusulat sa pandiwang nasa aspektong pang nagdaan o past tense.
Tukuyin ang bawat bahagi ng halimbawang abstrak sa
pagpili ng salita na nasa kahon, isulat sa patlang ang sagot.

PAMAGAT METODOLOHIYA RESULTA

MGA DATOS IMPORMATIBO

DESKRIPTIBO LAYUNIN
: Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng tama at kung ang pangungusap ay nagsasaad ng mali.

1. Ang abstrak ay laging nasa unahan ng manuskrito.


2. Ang uri ng abstrak na naglalarawan sa pangunahing paksa at
layunin ay ang Impormatibong Abstrak.
3. Maaaring magdagdag ng mga impormasyong hindi nabanggit
sa papel sa paggawa ng abstrak.
4. Nararapat na gumamit ng simple, malinaw, at direktang mga
salita o pangungusap sa pagsulat ng abstrak.
5. Maging obhetibo sa pagsulat ng abstrak. Ilahad ang mga
pangunahing kaisipan at di dapat na ipaliwanag ang mga ito.

Ayusin at isulat ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga


nasa talatang nasa kahon upang makabuo ng isang makabuluhang
abstrak.

Pamagat
Layunin/
Metodolohiya
Mga Datos
Resulta
: Mula sa graphic organizer sa ibaba. Punan ng
angkop na nilalaman ang mga hinihinging impormasyon sa
bawat bahagi ng abstrak sa

Mula sa araling natutunan ngayong araw na ito.


Gamit ang Pictomat ibigay ang bisang pangkaisipan,
pandamdamin at pagsasakatuparan.
Piliin ang hinihinging kasagutan sa mga pangungusap
sa ibaba. Bilugan lamang ang letrang napili.

1. Ang sumusunod na mga salita sa ibaba ay mga bahagi ng abstrak


maliban sa isa.
A. Panimula B. Pag-aaral C. Layunin D. Metodolohiya

2. Ito ay talatang nagbubuod ng kabuoan ng isang natapos nang pag-


aaral.
A. Abstrak B. Balangkas C. Sintesis D. Sinopsis

3. Nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing paksa at layunin.


A. Impormatibo B. Estruktibo C. Deskriptibo D. Deduktibo

4. Bahagi ng abstrak na nagsasaad ng mithiin ng pananaliksik.


A. Panimula B. Resulta C. Layunin D. Metodolohiya
5. Estratehiya, disenyong ginamit sa pananaliksik dito ito makikita.
A. Panimula B. Resulta C. Layunin D. Metodolohiya
6. Kinalabasan bunga ng mga datos mula sa pagsasaliksik at sa
respondente.
A. Mga datos B. Resulta C. Layunin D. Metodolohiya
7. Mga impormasyong nakalap sa pagsasaliksik at sa respondente.
A. Mga datos B. Resulta C. Layunin D. Metodolohiya
8. Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng
papel.
A. Impormatibo B. Estruktibo C. Deskriptibo D. Deduktibo
9. Ang huling hakbang na dapat gawin sa pagsusulat ng abstrak ay
ang ____.
a. I-proofread B. Muling isulat C. Rebisahin D. Iwasto
10. Nararapat na hind imaging maligoy sa paggawa ng abstrak kaya ito
ay nangangailangan ng ________ salita.

A. Malalim B. Malabo C. Maligoy D. Simple


Kahulugan/Katangian Uri Hakbang 1.
2. Pagpapahaba (Pagbubuod)
1, 5, 7, 9, 10 2, 6 3, 4, 8
3.
4. Jacket bulb (Jacket burb)
5.
A. B. C.
1.
1. Pamagat
2. Layunin 2.
3. Mga Datos
3.
4. Metodolohiya
5. Resulta 4.
6. Deskriptibo
5.
1. B 6. B
• Ibigay ang kahulugan
• Katangiang/layunin 2. A 7. A
• Mga uri/kahulugan
3. C 8. A
Mga bahagi
4. C 9. A
5. D 10. D
Sanggunian
Aklat:
Pamela Constantino at Galileo Zafra. “Filipino sa Piling Larangan
(Akademik)”, Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2017

Voltaire M. Villanueva at Lolita T. Bandril “Pagsulat sa Filipino sa


Piling Larangan (Akademik at Sining)”, Quezon City: Vibal Group Inc.,
2016

Website:

Slideshare. “Akademikong Pagsulat“., 2017


https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-
78308089

Slides hare. “Akademikong Papel-Abstrak”., 2018


https://www.slideshare.net/GinggingBesana/abstrak-marissa-
besana-grade-12-abm-2

Slideshare. “Kompilasyon ng mga Akademikong Pagsulat”.,


2018https://www.slideshare.net/StemGeneroso/kompilasyon-ng-
mga-akademikong-pagsulat?qid=a502f319-3b2b-4450-b99d-
0ec8fa78d0bd&v=&b=&from_search=7

Google.https://www.google.com/search?q=heart+and+mind&tbm=isch&ved
=2ahUKEwj899eStqbqAhUaAaYKHZe_C8oQ2cCegQIABAA&oq=heart+
and+mind&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgQIABAeMgQIABAeMg
QIABAeMgQIABA

Google.https://www.google.com/search?q=heart+and+mind&tbm=isc
h&ved=2ahUEwj899eStqbqAhUaAaYKHZe_C8oQ2cCegQIABAA&oq=he
art+and+mind&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgQIABAeMgQIABA
eMgQIABAeMgQIABAeMgQ

Google.https://www.google.com/search?q=humburger+grapic+organiz
er&tbm=isch&ved=2ahUKEwjx4NCu56bqAhWjJqYKHegCBpgQ2cCegQ
IABAA&oq=humburger+grapic+organizer&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAA
QQzoHCAAQsQMQQzoCCAA6BQgAELEDOgQIABAeOgQIABATUMyXy
QFY

Tesis (Hindi pa Nailalathala):

Ray Mon F. Pereyra “Ninanais na Istilo sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral


sa Ikawalong Baitang sa Filipino: Batayan sa Pagbuo ng Modyul”
,2018

Aplikasyon:

Bitmoji. https://apps.apple.com/app/apple-store/id868077558

You might also like