Professional Documents
Culture Documents
Suring Basa NG Mga Bobo 1
Suring Basa NG Mga Bobo 1
Suring Basa NG Mga Bobo 1
Maraming tagpuan ata panahon ang nabanggit sa nobelang El Filibusterismo ngunit narito ang
iilang mga tagpuan. Naipakita Sas unang kabanata na ang mga tauhan sa nobela ay nasa Bapor Tabo ito
ay isang uri ng barko o Bangka. Ito ay pumapalaot sa Ilog Pasig patungo sa Laguna. Nabanggit din ditto
ang lugar ng San Diego, gubat ng mga Ibarra,sa ialalim ng puno ng balete, sa Laguna, sa lupa at bahay
nina Kabesang Tales.
Kakaiba ang inilalahad ng nobelang ito. Bgaong-bago sa panlasa ng mga mambabasang tulad
namin na isa pa lamang estudyante sapagkat ibang-iba ang pagkakasulat nito kumpara sa mga nababasa
namin ngayon. Maganda din ang pagkakaayos ng balangas ng nobela madaling naiintindihan ang
patutunguhan nito mula umpisa hanggang wakas. Nakatutuwa rin na makita ana ang kaugqaliuan ng mg
aPilipinpo noon ay hanggang ngayon ay nakikita pa rin hanggang ngayon. Sa pamamagitan ng akadang
ito ay mabisang naipakita ang mga pangyayari sa nasabing panahon. Maraming mapupulot na aral sa
akdang ito.
Napakaraming impormasyon at aral na makukuha sa akdang ito. Makikita rinb din ditto ang iba’t
ibang kaugalian, tradisyon at kultura na mayaroon ang mayroon sa nobela. Kagaya na lamang ng
eskultura, pananampalataya sa Diyos at paggalang sa nakakakatanda. Sa kabilang banda, ipinakita rin
ang mga hindi kaaya-ayang kultura, kaugalian at tradisyon na mayroon ang mga Pilipino noon na
hanggang ngayon ay nakikita pa rin. Tulad nito nay ang pagiging tamad ng estudyante o mga trabahador,
pagkakahati ng lipunan base sa estado ng buhay. Paglustay ng mga bagay at oras sa ‘di makabuluhang
bagay.
Epektibo ang pagkakasulat nito. Amin ring napansin na ito ay gumagamit ng limang pandama,
pagtingin, pandinig, panlas, pang-amoy at pandama n atalagang makakatulong sa pagkamabisa ng isang
akda. Madaling nagkakaroon ng imahen ang bawat tagpo sa utak ng mga mambabasa. Nararamdaman
ng mga mambabasa ang emosyon at damdamin na nakapaloob sa akda.
Masining ang pagkakalikha sa akda. Ginagamitan ito ng mga tayutay at mayroon din itong mga
simbolismo na nakatutulong sa pagkamalikhain ng akdang ito. Ito ay may kakayahang tumugon sa
panlasa ng mga mambabasa sapagfkat ito ay nagllaahad ng mga pangyayari sa lipunan. Ito ay isdang
napakahusay na akda.
IV. Buod
Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa paghimagsik sa Sta. Clara para
agawin si Maria Clara ngunit binawian ng buhay ang dalaga maghapon. Samantala, ang mga mag-aaral
ay pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen upang magtalumpati laban sa mga pari
na hindi ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ang unibersidad, kinabukasan ay
natagpuan na may mga paskil na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil dito ay ibinintang ito sa mga
nagtalumpati na mag-aaral at nadamay si Basillo. Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli
upang ipalaya ang binata. Pinilit din siya ni Hermana Penchang dahil sa kadahilanang ang pari ay nag-
iisang maaring lapitan. Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak
nila maliban kay Basillo na wala siyang kamag-anak. Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre
Camorra ang panghahalay sa kanya. Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan
ng pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na ipinagkasundo na
ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan Heneral. Nakalaya si Basillo makalipas ng
dalawang buwan sa tulong ni Simoun. Tinanggap ni Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa
pangyayaring ito at ang pagkamatay ni Juli. Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya
bilang handog sa kasal ni Juanito at Paulita na king itataas ang apoy matapos malabo ng dalawampung
minuto ay magpuputok ng malaki bilang senyas na magsisimula na ang paghihimagsik. Sa araw ng kasal
ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na dating kasintahan ni Paulita Gomez.
Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at binalaang umalis para hindi na madamay. Nang iniutos ng
Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis
ang lampara sa ilog. Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino.
Uminom siya ng lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi na siya aabuting buhay.
Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre Florentino ang naiwang alahas ni
Simoum.