Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

JMJCh  

      10 - SPC
Samaniego, Vincent Jerome B.     08/19/2020

Simbolismo:
1. Guro at ang kanyang dala - DepEd at kung ano ang antas ng kanilang pagkahanda sa
online schooling/learning
2. Estudyante - mayroong mga hangarin at pangarap sa buhay kaya pinili pa rin nilang
ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa nararanasang pandemya
3. Mga lamesa - mga patakaran at regulasyon upang masugpo ang pagkalat ng virus

Katotohanan sa Isyu:
Ang kahinaan sa internet at broadcast connectivity ang ilan lamang sa mga suliraning
dapat nating tanggapin sa usaping online schooling. Takot na mahawa sa sakit at kawalan ng
trabaho at panggastos ay ang bubuo sa katotohanang hindi tayo handa sa pagbubukas ng
klase ngayong panahon ng pandemya.

Opinyon sa Isyu:
Para sa isang estudyanteng unang beses pa lamang nakaranas ng online schooling/learning,
masasabi ko na ito ay napakalaking pagbabago kumpara sa nakagisnan kong pagpasok sa eskwelahan
upang matuto. Sa kabila ng mga nasabing pagkukulang sa paghahanda, lumalabas na pinilit lamang ng
DepEd ang pagbubukas at implementasyon ng blended learning. Ang pabago-bago ng petsa sa
pagbubukas ng klase at ang pagkaantala sa distribusyon ng learning modules sa iba’t-ibang bahagi ng
bansa ay sumasalamin sa totoong katayuan ng implementasyon sa bagong pamamaraan ng pag-aaral. 

Sanggunian:https://www.philstar.com/opinion/2020/08/16/2035579/editorial-7-more-weeks-prepare
JMJCh         10 - SPC
Samaniego, Vincent Jerome B.     11/05/2020

Simbolismo:
1. Tao – mamayang Pilipino
2. Madilim na ulap na magdudulot ng ulan at baha – bagyong Rolly at Siony

Katotohanan sa Isyu:
Ang lokasyon ng ating bansa ang pangunahing dahilan kung bakit madalas tayong nadadaanan o
nasasalanta ng mga bagyo. Kapag titignan natin ang mapa ng Pilipinas, ang eastern seaboard nito ay
nagsisilbing welcome mat para sa mga bagyo na nagmumula sa Karagatang Pasipiko o Pacific Ocean.
Ang iba pang dahilan na umambag o nagbigay ng kontribusyon kung bakit paulit-ulit nating nagiging
problema ito ay ang kakulangan sa o walang paghahanda at ang hindi pagkikilos nang maaga.

Opinyon sa Isyu:
Dapat alam na nating lahat na ang ating bayan ay daanan ng bagyo; hindi lilipas ang isang taon
na walang dumadaang bagyo sa ating bansa. Kung ganoon, matagal na dapat tayong handa rito. Kung
gawa ang tirahan sa mga light materials noon, dapat ngayon ay gawa na ito sa matitibay na
kagamitan/materyales katulad ng concrete/cement (kongkreto o sementado). Sanay na tayo sa mga
pangyayaring ito kaya hindi dapat tayo reactive o kikilos lang kapag sinabi lang sa atin o kapag natapos
na ang pangyayari, dapat maaga palang ay kumilos na tayo agad o maging proactive. Kung lahat ng ito
ay mangyayari, siguradong mababawasan ang mga namamatay/mamamatay, kakaunti ang mawawasak
na mga tirahan at hindi mahihinto at maaapektuhan ang anumang negosyo. Hindi lang dapat tayo
umaasa sa gobyerno at kabaligtaran, dapat sabay-sabay at nagkakaisa tayong lahat para malutas ang
anumang problemang dumating.

Sanggunian: https://www.philstar.com/opinion/2020/11/02/2053954/editorial-category-5
JMJCh         10 - SPC
Samaniego, Vincent Jerome B.     02/20/2021

Simbolismo:
1. Tao – Presidential Electoral Tribunal (PET)
2. Tombstone – poll protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay VP Leni Robredo, sa
paniniwalang siya ang nanalo bilang VP kung walang naganap na dayaan noong 2016

Katotohanan ng Isyu:
Noong ika-16 ng Pebrero taong 2021, nagdesisyon ang Supreme Court, na tumatayo na rin bilang
Presidential Electoral Tribunal, na ibasura ang poll protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos
laban kay Bise Presidente Leni Robredo.

Opinyon sa Isyu:
Sumasangyon ako sa desisyon na ginawa ng SC/PET sa pagbasura ng protesta ngunit mas
makabubuti kung ang ganitong mga pangyayari (electoral challenges) ay maisaayos sa maikling panahon. Ang
mabilis na pagsaayos ng mga nasabing suliranin, nawa’y tularan ng ating pamahalaan ukol sa mga
kinakaharap nating mga problema at hamon na puksain ang kahirapan. Nakasisiguro rin ako na hindi titigil
kailanman si Bongbong Marcos sa mga iba pa niyang plano/paraan upang maipalabas sa publiko na siya ang
tama, ang karapat-dapat na Bise Presidente. Sabi nga ni Leni Robredo, ang mahalaga ay nanaig ang
katotohan. Kahit gaano karaming pera mayroon ang isang tao, kahit gaano kagaling at ka-effort ang mga
ginagawa nila, hindi nito kailanman madadaig o malalampasan ang katotohanan dahil ito ang tama at karapat-
dapat. Mag-iiwan ako ng isang post noong ika-16 ng Pebrero galing sa twitter account ng Inquirer
(@inquirerdotnet); Robredo addresses Duterte’s claims that she isn’t fit to be a president: “Kapag ganoon kasi,
hindi naman siya iyong magdedesisyon kung qualified ako o hindi, pero iyong taumbayan iyong
magdedesisyon.” Sa darating na 2022 National Elections, dapat hindi tayo magbulag-bulagan. Dapat doon tayo
sa totoo, mapagmalasakit, malinis ang budhi/isipan/salita, hindi tiwali at magnanakaw, may takot sa Diyos, may
integridad, hindi mapang-abuso sa kanyang kapangyarihan, may paninindigan, at hindi lang puro salita,
umaaksyon din.

Sanggunian: https://www.philstar.com/opinion/2021/02/18/2078498/editorial-will-people
JMJCh         10 - SPC
Samaniego, Vincent Jerome B.     05/03/2021

Simbolismo:
1. Guro - DepEd
2. Firewood, gasolina at pagsusunog – sistema at mga sangkap ng blended learning, walang pinagbago at
maraming kailangang pagbutihan/solusyunan
3. Mat – makalumang paraan ng komunikasyon o pagtuturo na ginagamit ngayon sa blended learning

Katotohanan ng Isyu:
Noong una palang, alam na ng mga education officials kung ano ang mga ibibigay o ipapaharap na mga
hamon ng blended learning sa mga mag-aaral at guro. Ngunit mas praktikal at kinakailangan naman daw ang
blended learning kaysa sa wala dahil pinilit ng pandemya na panatilihin ang mga estudyante sa kani-kanilang mga
tahanan. Ang kakulangan sa mga kinakailangang mga gadget, internet connectivity, walang trabaho ang mga
magulang kaya hindi makapagbayad at mga masisikip na tirahan o walang puwang(space) para sa pag-aaral ang
mga pangunahing sagabal. Gayunpaman, isinasaalang-alang ng mga education officials ang pagpapatupad ng
limitadong face-to-face classes sa susunod na taon ng pag-aaral, na itinakdang magsisimula sa Agosto 23, at ang
karaniwang dalawang buwang bakasyon ay ginawang anim na linggo na lamang.

Opinyon sa Isyu:
Gustong ituloy ng mga education officials ang limitadong face-to-face classes sa mga low-risk areas, ngunit
nilalagay nila sa panganib ang mga buhay ng mga estudyante at guro nito. Kahit walang bakuna, kailangan nating
mag-aral at para sa mga guro at bumubuo ng paaralan ay kailangan nilang magtrabaho dahil mayroon din silang
binubuhay na pamilya. Ngunit maraming kailangan pagbutihin/solusyunan upang hindi maging mahirap ang blended
learning. Sana’y solusyunan muna ng departamento, sa tulong ng pamahalaan, ang mga sagabal sa blended
learning at pagkatapos ay pag-aral muna nila kung dapat ba nilang ituloy ang limitadong face-to-face classes. Para
sa akin, bilang isang estudyante, sa tingin ko’y ang mga natutuhan ko ay hindi ko masyadong nagagamit nang
maayos at nagpapasa na lamang ako ng mga requirements para lang makapasa.

Sanggunian: https://www.philstar.com/opinion/2021/04/29/2094487/editorial-back-face-face-classes

You might also like