Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Department of Education

National Capital Region


Schools Division of Parañaque City
Self – Learning Modules
MAPEH 5 UNANG MARKAHAN MODYUL 3

Pangalan: ________________________ Baitang at Seksyon: ____________ Iskor:


_______

MUSIKA 5: Ikatlo, Ika – apat at Ika - limang Linggo

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Identifies accurately the duration of notes and rests in , and time signatures.
Layunin
Sa pagtatapos ng leksiyong ito ay makikilala ang haba o iksi ng mga nota o pahinga

na ginamit sa iba’t ibang palakumpasang , ,

Balikan Natin
Iguhit ang mga nota at pahinga na napag-aralan sa ika-4 na baiting.

Unawain Natin
Ang palakumpasan (time signature) ay ang mga numerong nakasulat sa unahan ng mga
limguhit (staff). Ang nasa itaas na numero ay nagsasabi kung ilang kumpas sa isang sukat, samantalang
ang numerong nasa ibaba naman ay kung anong nota ang makakatanggap ng isang kumpas.

Tingnan ang halimbawa ng palakumpasan na makikita sa link na ito


( https://www.youtube.com/watch?v=06VufV5m20I ).
Sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang palakumpasan ng awit?
2. Ano anong uri ng nota ang makikita sa unang sukat?
3. Ano anong uri ng mga nota ang makikita sa ikalawang sukat at ano ang halaga ng bawat
nota?
4. Ano anong uri ng mga nota pa ang makikita sa awitin?

Pag-aralan natin ito.

Unang sukat Ikalawang sukat Ikatlong sukat Ikaapat na sukat

1 1 ½ ½ 1 2 1 1 2 2 ½ ½ ½ ½ 2
1 1 ½ ½ 1 2 1 1 2 2 ½ ½ ½ ½ 2
Bawat sukat ay binubuo ng apat na bilang

1
Ilapat Natin
Buuin ang bawat sukat gamit ang mga nota na makikita sa loob ng kahon ayon sa
palakumpasang hinihingi nito.

3
4
__
__ ___

2
4 __ __ __

Suriin Natin
Gumuhit ng bar line sa rhythmic pattern ayon sa palakumpasan.

1.
2
4

2.
4
4

Tayain Natin
Isulat sa loob ng kahon kung anong palakumpasan ang tinutukoy ng bawat rhythmic pattern na nasa
ibaba.

1.

2
2.

Likhain Natin
Bumuo ng iba’t ibang rhythmic pattern gamit ang iba’t ibang uri ng nota at pahinga.
Pumili ng palakumpasang nais gamitin. (2 , 3, 4 )
4 4 4

Sanggunian:
The 21st Century MAPEH in Action by Ligaya Bautista Garcia-Quinitio, et.al
https://www.google.com/search?
q=notes+and+rest&safe=active&rlz=1C1GGRV_enPH901PH901&sxsrf=ALeKk02NfrgsGRopIS4HgEn1
4iVy9LuR4Q:1590630896887&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjz7s7sudXpAhW9KqYK
HUXzCRIQ_AUoAXoECBMQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=kFphyFsQjYwmDM
https://www.pinterest.ph/pin/441282463486646325/

SINING 5: Ikatlong Linggo

Mga Kasanayang Pagkatuto

Present the significant parts of the different architectural designs and artifacts found in the
locality. eg. Bahay kubo, torogan, bahay na bato, simbahan, carcel etc. A5EL-IC

Layunin

Sa araling ito ay inyong makikita, mailalarawan at matutukoy ang ibat – ibang arkitektural na
disenyo na nakikita sa pamayanang kultural tulad ng bahay kubo, bahay na torogan, bahay na bato,
simbahan, carcel, atbp. (A5EL-1C)

Balikan Natin

May naaalala pa ba kayong mga sinaunang bagay noong kayo ay nasa ikaapat na baitang? Kung gayon,
tingnang mabuti ang mga letra sa bawat kahon at tuklasin ang maaari ninyong mabuong salita.

3
Panuto: Bilugan ang mga salitang makikita at mabubuo sa loob ng kahon, at isulat sa patlang
ng bawat bilang sa ibaba

G C M B P E A N
U D U X A H B F

S O L H A G A K
A A W B R N H L
L V M Y A O A M
I I M Q L P Y Z

S U T S A R I J
P A L E N G K E

1._______________________________ 4. ______________________________

2._______________________________ 5. ______________________________

3._______________________________

Unawain Natin
Hindi lang gawain, kultura at kaugalian ang naiambag sa atin ng mga dayuhang nanakop sa ating
bansa. Maging mga kagamitan at disenyong arkitektural ay naipamana rin sa atin. Isa sa mga pamana ng
sining sa ating bansa na may malaking ginampanan sa ating kasaysayan ay ang mga masining na
disenyong arkitrektural mula sa ating pamayanang kultural. Sa kasalukuyan, ang mga disenyong ito ay
ginagawang basehan ng mga arkitekto upang makagawa ng disenyong ginagamit sa mga bahay,
simbahan at iba’t-ibang gusali.
Ipinakita ng iba’t ibang disenyong arkitektural na halos magkakatulad ang paggamit ng dibuho,
kulay at linya ng disenyo ng pamayanang kultural sa disenyo ng makabagong panahon. Ang katangiang
pagkamalikhain at pagiging masining ay hindi nawala bagkus ay lalo pang pinagyaman para sa lalo pang
ikagaganda ng mga disenyong atin nang nakagisnan. Tingnan ang mga arkitektural na disenyo ng mga
pamayanang kultural sa ibaba.

4
Pagpapalalim sa Pang-unawa

1. Ano ang napansin mo sa mga disenyong arkitektural ng ipinakita sa larawan?


2. May pagkakahawig pa rin ba ang mga disenyong arkitektural na ito sa mga modernong arkitekto
ngayon?
3. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga modernong arkitektural na iyong nakikita na may
pagkakatulad ng disenyong arkitektural noon.
4. Maipagmamalaki mo ba ang mga arkitektural na ito? Bakit?
5. May pamayanang kultural din ba sa ating lugar? Kung meron ano ang mga ito? Maipagmamalaki
mo ba ito?

Ilapat Natin

Pagmasdan ang disenyong arkitektural ng dalawang larawan at ilista ang mga bahagi nito at
sabihin din ang elemento ng disenyo na inyong napansin na may pagkakahawig: (linya, hugis, kulay,
tekstura, laki, espasyo, atbp.)

Makabagong Bahay
Sinaunang Bahay
Halimbawa:
1. Pinto- hugis, linya

Tandaan:
Ang ibat ibang disenyong arkitekturalsa mga pamayanang kultural ay

nagpapakita ng mayamang kasaysayan at pagiging malikhain ng mga Pilipino.


Ito ay

dapat na ipagmalaki at pahalagahan nating mga Pilipino.

Suriin Natin
Basahin ang pangugusap at bilugan ang sagot na tumutukoy nito sa loob ng panaklong:
1. Ito ay isang payak na disenyong arkitektural na yari sa pawid at kawayan na hanggang sa
ngayon at gustong-gusto pa din ng mga tao.
(Bahay na Bato, Bahay Kubo, Bahay na Torogan, Carcel)

2. Ito ay isang uri ng arkitektural na itinayo ng mga Maranaw sa Mindanao na ang ibig sabihin
ay bahay pahingahan.
(Bahay na Bato, Bahay Kubo, Bahay na Torogan, Carcel)

3. Ang disenyong arkitektural na ito ay may impluwensiya ng mga Espanyol at Tsino.


Tinagurian din itong mataas na antas ng bahay kubo.
(Bahay na Bato, Bahay Kubo, Bahay na Torogan, Carcel)

4. Isang disenyong arkitektural na nagsilbing piitan ng mga tulisan at bandido.

5
(Bahay na Bato, Bahay Kubo, Bahay na Torogan, Carcel)

5. Ang disenyong arkitektural na ito ay sumisimbolo ng pagiging maharlika, na ibig sabihin


kapag ikaw ay nakatira sa ganitong uri ng bahay, ikaw ay nasa mataas na anta sang pamumuhay.
(Bahay na Bato, Bahay Kubo, Bahay na Torogan, Carcel)
Tayain Natin

Lagyan ng tsek kung sang- ayon ka sa inilalarawan ng pangungusap, at ekis kung hindi ka
sang-ayon:
__________1. Ang disenyong arkitektural sa pamayanang kultural ay nagpapakita ng
mayamang kasaysayan at pagkamalikhain ng mga Pilipino.
__________2. Makikita pa rin natin ang mga disenyong arkitektural na ito sa mga disenyong ginagamit
sa modernong arkitekto ngayon.
__________3. Binago na ng panahon ang mga ginagamit ng makabagong arkitekto ang elemento ng
disenyo.
__________4. Ang ibat-ibang linya at hugis ay ginamit sa disenyong arkitektural noon at
ginagamit pa rin ng makabagong arkitekto ngayon.
__________5. Mapapansin din natin na ang mga hugis na ginagamit sa paggawa ng disenyong
arkitektural ay naipakita na noon pa man ng mga dayuhang pumunta sa ating bansa.

Likhain Natin
Gawain: Gumawa ng postcard gamit ang mga disenyong arkitektural mula sa pamayanang kultural na
makikita sa ating pamayanan. (St. Andrew Church)
Kagamitan: lapis, oslo paper, gunting at pangkulay Hakbang:

1. Kumuha ng lapis, oslo paper, gunting at pangkulay


2. Itupi ang oslo paper at hatiin sa gitna
3. Gamitin ang kalahating oslo na ginupit at iguhit ang simbahan ng St. Andrew
4. Kulayan ito at ilagay ang lugar kung saan ito makikita.
5. Sukatin ang antas ng iyong kakayahan gamit ang kaukulang puntos sa rubrik na nasa
ibaba:
PAMANTAYAN Nakasunod sa pamantayan Nakasunod sa pamantayan Hindi nakasunod sa
nang higit sa inaasahan subalit may ilang pamantayan
pagkukulang
(5 puntos) (1 punto)
(3 puntos)

1. Nakaguhit sa postcard
gamit ang mga
disenyong
arkitektural mula sa
pamayanang cultural na
simbahan ng St.
Andrew.

2. Nagamit ang mga linya at


hugis sa ginawang postcard

3. Naipamalas ang
pagpapahalaga sa mga
disenyong
arkitektural mula sa mga
pamayanang kultural.

4.Nasunod nang wasto ang


mga hakbang sa paggawa ng

6
likhang sining.

EDUKASYONG PANGKATAWAN 5: Modyul 3


Balikan Natin
Suriing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang gawain at MALI kung hindi.

____1. Bago magsimula ang laro suriing mabuti ang lugar na paglalaruan kung ito ay ligtas at
walang sagabal.
____2. Sa paglalaro kailangan na ang mga manlalaro ay magsuot ng tamang kasuotan.
____3. Kahit may karamdaman piliting makasali sa mga pisikal na aktibidad.

Unawain Natin
Isa sa nagpapasaya sa isang batang tulad mo ay ang paglalaro. Ngunit sa panahong ito, ay
madalas nakatutok ang mga kabataan sa paglalaro ng computer games o mga online games. Kaya naman
sa araling ito, kailangang linangin ang kakayahan mo sa paglalaro na magbibigay ng lakas at liksi ng
iyong katawan. Isa na rito ang larong LUKSONG LUBID. Alam mo ba kung ano ang luksong lubid?
Nasubukan mo na bang laruin ito? Anong kakayahang pampisikal ang malilinang sa paglalaro nito?

Photo credit: https://devcomcreatives.wordpress.com/2012/08/15/jump-to-the-rhythm/?


fbclid=IwAR2xjasHKKsQWNlQTQQ2B3oGqP9PuZBetVW-lcG7RyjQoYpS2j-tig6HYts

Ilapat Natin

Kasama ang miyembro ng iyong pamilya, laruin ang luksong lubid. Sundin ang panuntunan ng larong ito
at ipamalas ang iyong kakayahan sa paglalaro. (Maaring magpadala ng larawan sa messenger ng guro na
kayo ay naglalaro nito.) Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel.

Tanong:
1. Kumusta ang iyong paglalaro? Sino ang kasama mo sa paglalaro?

2. Ano ang iyong naging pakiramdam sa paglalaro?

7
3. Madalas ka bang taya sa larong ito? Kung hindi, bakit?

4. Ano ang naipamalas mong kakayahan sa larong ito?

Suriin Natin

Suriin ang iyong kakayahan. Piliin sa mga kahon ang parirala na akma sa iyong kagalingan
sa bawat bilang. Isulat sa iyong sagutang papel. Sagutan ito nang buong katapatan.

Mga Gawain (5) (4) (3)

Mataas ang paglukso sa Medyo mataas ang Hindi nakalukso sa


1. Paglukso
lubid paglukso sa lubid lubid

Nakapagtala ng 21 – Nakapagtala ng 11 –20 na Nakapagtala ng 1 –10


2. Liksi/bilis pataas na lukso sa loob ng lukso sa loob ng isang na lukso sa loob ng
isang minuto minuto isang minuto

3. Tagal sa
paglukso sa loob ng 5 minuto pataas 3-4 minuto 1-2 minuto
lubid

Tayain Natin

Basahin nang mabuti ang pangungusap. Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali.

1. Nalilinang ang liksi at lakas ng katawan sa paglalaro ng pampisikal na gawain.

2. Dapat maglaan ng oras sa paglalaro ng mobile games kaysa sa pagbabasa o pag-aaral.

3. Ang kakayahan sa paglukso o pagtalon ay naipapakita sa paglalaro tulad ng luksong lubid.

4. Naipapamalas ang kakayahan sa paglalaro kapag lagi itong ginagawa.

5. Masasabing may kakayahan ka sa paglalaro kung tumatagal ka sa pagsasagawa nito.

Likhain Natin
Pumili ng isang laro na nasa larawan. Sumulat ng isang talata at tukuyin ang kakayahang
nalilinang nito.

Patintero Basketball Sipa Tumbang Preso

8
Rubriks:

Pamantayan 5 puntos 3-4 puntos 1-2 puntos

Maayos at wasto ang


Napakaayos at nilalaman ng talata. May kakulangan
Kaisipan/Nilalaman komprehensibo ang sa nilalaman ng
nilalaman ng talata. talata.

Maayos ang
Tama ang lahat ng May mga hindi
pagkakasulat ngunit
baybay sa mga salita, wasto ang
may kaunting
pagbabantas, pagbabaybay ng
kamalian sa
Gawi ng pagkakasulat paggamit ng mga salita,
pagbabaybay ng mga
malalaking letra at pagbabantas at
salita, pagbabantas at
napakaayos ng paggamit ng
paggamit ng
pagkakasulat malalaking letra.
malalaking letra.

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 5: Ika - lima at Ika - anim na Linggo


Malusog at Hindi Malusog na Relasyon

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Palatandaan ng malusog at hindi malusog na relasyon

Layunin

Ang modyul na ito ay inaasahang makikilala ang mga palatandaan ng malusog at hindi malusog
na relasyon. Makakatulong ang aralin na ito sa pagkakaroon ng kakayahang suriin ang mga relasyon sa
ibang tao at kung paano ito nakaaapekto sa kalusugan.

Unawain Natin
Ang isang bata ay kinakailangang marunong makisalamuha sa kanyang kapwa bata, sa
magulang, at iba pang tao sa kanyang paligid.

9
Mga Salik na Nakalilinang upang magkaroon ng Malusog na Relasyon sa Kapwa

 Paggalang - Iginagalang mo ang kapwa bilang isang isang indibidwal. Kinikilala, inirirespeto at
pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa iba.
 Pagtitiwala - May tiwala sa ginagawa ng kapwa
 Pagiging Tapat - Tapat at hindi nagkukunwari o nanloloko ng kapwa
 Komunikasyon - Pakikipag-usap o pakikisalamuha sa kapwa

Ang malusog na relasyon ay dapat makapagbigay ng kasiyahan sa buhay ng tao. Hindi ito
nakapagdudulot ng tension o alalahanin.

Mga Palatandaan ng Mabuti at Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Iba

MABUTI DI-MABUTI
Maganda ng pakiramdam mo sa iyong sarili
Malungkot, may galit, takot at nag-aalala
kapag nasa paligid mo ang ibang tao.
Hindi pinapangunahan ang desisyon ng isa’t isa. Kinikontrol ang isa sa mga nais nitong gawin
May tiwala sa isa’t isa. Walang tiwala sa isa’t isa
Masaya kung magkasama ngunit nakagagawa din
Ayaw makisalamuha sa iba
ng ibang bagay na magkaiba.
Nakakakilos ka ng walang pagkukunwari. Nakakakilos ng normal
Iginagalang ang opinyon ng bawat isa. Ipinagpipilitan ang sariling opinyon.
Hindi natatakot sa ibang tao May takot at walang tiwala sa sarili

Ilapat Natin
Ilista ang iyong ideya ng isang malusog at hindi malusog na relasyon.
Malusog na Relasyon Hindi Malusog na Relasyon

10
Suriin Natin
Gamit ang venn diagram, isulat ang tungkol sa dalawang positibong kaganapan na
nangyari sa iyong buhay at isang hindi positibong kaganapan at kung ano ang natutunan mo
dito.
Positibong kaganapan Hindi positibong
na nagyari sa iyong kaganapan na nagyari sa
buhay iyong buhay

Ano ang natutunan


mo dito?

Tayain Natin

Paano ka magkakaroon ng malusog na relasyon sa iba? Magbigay ng lima.

1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________

11
Likhain Natin

Sumulat ng tula o awitin na may dalawa o tatlong saknong tungkol sa mabuting naidudulot ng
pagkakaroon ng magandang relasyon sa pamilya, kaibigan o kamag-aral.

Rubriks:

MGA NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


KRAYTERYA (5 pts) (4 pts) (3 pts) (1-2 pts)

Wasto ang May kakulangan


Kumpleto ang
impormasyon sa nilalaman at Maraming
nilalaman at wasto
Nilalaman ngunit may may maling kakulangan sa
ang lahat ng
kakulangan sa impormasyon na nilalaman
impormasyo
nilalaman nabnaggit

Maayos at Maayos na Hindi gaanong


Hindi nailahad ng
Presentasyon nauunawaan na nailahad ang nailahad ng
maayos ang tula
nailahad ang tula tula maayos ang tula

Sanggunian:

Gemperoso Mildred C., Garcia, Elvira C., Montecastro, Crizanne Marie N., and Rivera, Joan T. Sing, Sketch, Stretch and Stay Healthy. Second
Edition, p 356 - 357.

Gatchalian, Helen G., Ramos, Glenzy R., and Yap, Johannsen C. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan. Second Edition, p 131.

https://www.pinterest.ca/pin/793126184359144651/

https://www.clipartlogo.com/istock/dartboard-pencil-and-icons-1685044.html

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-q1q4

12

You might also like