Cordial Et. Al 2 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsisiyasat at pagpapakahulugan ng mga

datos at impormasyong nalikom na magsisilbing ebidensya para sa mga proposisyon ng

isinagawang pananaliksik. Sa bahaging ito ay ilalahad ang mga naging resulta ng pag-

aaral ng may lohikal at sistematikong estruktura. Naging batayan ng paglalahad ng mga

datos ang mga sukatan sa naunang kabanata sa pamamagitan ng ginawang talatanungan

ng mga mananaliksik na may layuning gawing mas malinaw at maayos ang

pagpapaliwanag sa mga impormasyon. Ang bahagi ng mga resulta ay nangangailangang

mailahad sa isang lohikal na pagkakasunod-sunod ng walang pinapanigan (USC Libraries,

2020). Kaugnay nito, ayon kay Bavdekar (2015), ang talakayan sa kabanatang ito ay

naglalayong maipaliwanag at mailarawan ng tapat at maayos sa mga mambabasa ang

naging resulta ng pag-aaral.

35
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Propayl ng mga Respondiyente

Kasarian

Makikita sa talahanayan 1 ang pagkakahati ng mga respondiyente kung saan

natukoy na mga lalaki ang may pinakamaraming bilang. Mahihinuha na 147 o 54.44 %

ang kalalakihan samanatalang 123 o 45.56 % naman ang mga babaeng respondiyente.

Talahanayan 1. Kasarian ng mga Respondiyente

KASARIAN BILANG PORSYENTO


Babae 123 45.56
Lalaki 147 54.44
KABUUAN 270 100%

Sa kabuuan, ang kasarian ay isa sa demograpikong propayl ng mga respondiyente

mula sa Barangay Zabali, Baler Aurora na nagbigay ng malinaw na paglalahad at

pagkakahati ng mga datos. Sapagkat ang mga kalalakihan ang may pinakamalaking

bilang ng respondiyente sa lugar, maaaring masabi na karamihan sa mga kabataan sa

Barangay Zabali ay lalaki.

36
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Subalit ayon sa census na isinagawa sa Barangay Zabali, Baler Aurora noong

2019, ang kabuuang bilang ng mga kabataan edad 13-18 ay 830. Kinabibilangan ito ng

373 na mga lalaki at 457 na mga babae. Sa kabila nito, mas marami pa rin ang bilang ng

mga naging respondiyente na lalaki kaysa sa mga babae.

Edad

Mula sa talahanayan 2, mababasa na ang mga respondiyenteng may edad na 17 ang

may pinakamaraming bilang na bumubuo sa 25.56% ng kabuuang bilang ng mga

respondiyente. Samantala, ang bilang ng mga respondiyenteng may edad na 13 naman

ang may pinakamababang bilang na katumbas ay 8.15% ng kabuuang dami ng mga

respondiyente.

Talahanayan 2. Edad ng mga Respondiyente

EDAD BILANG PORSYENTO


13 22 8.15
14 38 14.07
15 49 18.15
16 57 21.11
17 69 25.56
18 35 12.96
KABUAAN 270 100%

37
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Mula sa mga datos na inilahad, masasabi na marami sa mga naging respondiyente ay

nasa edad na 17 na kung tutuusin ay malapit na maging isang responsableng mamamayan

ng isang lugar.

Batay sa datos mula sa pamahalaan ng Barangay Zabali, noong taong 2019, ang

bilang ng may edad na 17 ay umabot sa 195. Samantala, ang may bilang ng mga may

edad na 13-15 ay hindi bababa sa 100.

Baitang

Sa talahanayan 3, nakalahad ang Baitang ng mga respondiyente. Makikita na ang mga

respondiyenteng nasa Baitang 11 ang may pinakamalaking bilang na nasa 72 o 26.67%

samantalang ang may pinakamababang bilang naman ang mga nasa Baitang 7 na nasa 26

o 9.63% lamang.

38
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Talahanayan 3. Baitang ng nga Respondiyente


BAITANG BILANG PORSYENTO
7 26 9.63
8 34 12.59
9 46 17.04
10 63 23.33
11 72 26.67
12 29 10.74
KABUUAN 270 100%

Sa kabuuan, mahihinuha na marami sa mga respondiyente ang nasa Senior High

School. Batay sa ulat mula sa Kagawaran ng Edukasyon, 2,281,256 ang kabuuang bilang

ng mga mag-aaral na nag-enrol sa unang araw ng taong akademiko 2019-2020 sa

Rehiyon III. Simula noong ikalabing-isa ng Hulyo, naitala na mayroong 169, 268 na

mag-aaral mula sa Senior High School. Sa kabila nito, malaki rin ang bilang ng mga

mag-aaral mula sa Junior High School na tinatayang nasa 706, 352. Bagama’t normal na

mas marami ang bilang ng mga mag-aaral sa Junior High School sa Gitnang Luzon,

napag-alaman na mas marami ang mga respondiyenteng nag-aaral sa Senior High School

sa Barangay Zabali batay sa isinagawang pag-aaral.

39
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Antas ng Kaalaman sa Pag-unawa ng Baybayin

Sa talahanayan 4, makikita na 172 o 63.7% ng mga respondiyenteng sumagot sa

maikling pagsusulit na bahagi ng talatanungan ay nakakuha ng puntos na isa hanggang

walo na nangangahulugang “Hindi masyadong alam”. Kaugnay nito, hindi tataas sa isang

porsyento o 0.37% ang dami ng kabataang “Alam na alam” ang Baybayin.

Talahanayan 4. Antas ng Kaalaman sa Pag-unawa ng Baybayin

PUNTOS BILANG PORSYENTO INTERPRETASYON


0 96 35.56 Hindi alam
1-8 172 63.7 Hindi masyadong alam
9-18 0 0 Bahagyang alam
19-27 1 0.37 Alam
28-35 1 0.37 Alam na alam

KABUUAN 270 100% Hindi masyadong alam

Kung susumahin, karamihan ng mga respondiyente mula sa Barangay Zabali ay hindi

masyadong alam ang tungkol sa Baybayin subalit may mga kakaunting may alam nito.

Sa artikulo ni Burce (2013), maituturing na regalo ang kultura at kasaysayan ng wika

at sistema ng pagsulat ng isang komunidad. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting

40
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

nawawala ang mga pamanang ito dahil sa kolonisasyon at globalisasyon at kakaunti o

halos wala nang gumagamit nang sarili nating sistema ng pagsulat.

Sa balita naman mula GMA News (2014), ipinakita na marami sa mga kabataan at

mga may edad na ang hindi rin gaanong alam ang mga gaya na lamang ng kaibahan nito

sa katawagang “alibata”. Maliban dito, kakaunti rin ang mga kabataang nakakaalam sa

mga karakter nito. Tanda lamang ito na karamihan sa mga Pilipino ay nangangapa pa rin

pagdating sa kaalaman sa kanilang tunay na pinagmulan.

Midyum sa Pagkatuto ng Baybayin

Makikita sa talahanayan 5 ang mga midyum o instrumento sa pagkatuto ng Baybayin.

Mula sa talahanayan, inilalahad na ang pahayag 5 ang may pinakamataas na Weighted

Mean na 3.63 na nangangahulugang “Lubos na sumasang-ayon”.

41
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Talahanayan 5. Midyum sa Pagkatuto ng Baybayin

PAHAYAG WEIGHTED MEAN INTERPRETASYON

1. Pagbabasa ng mga libro 2.84 Katamtamang sumasang-ayon


2. Paggamit ng internet o social 2.66 Katamtamang sumasang-ayon
media
3. Paggamit ng Baybayin sa paggawa 2.60 Katamtamng sumasang-ayon
ng likhang sining
4. Panonood ng telebisyon 2.42 Bahagyang sumasang-ayon
5. Pagkatuto mula sa guro, kaibigan 3.63 Lubos na sumasang-ayon
o kamag-aaral

KABUUAN 2.83 Katamtamang sumasang-ayon

Dahil dito, masasabi na ang pinakaepektibong midyum sa pagkakaroon ng kaalaman

sa Baybayin ay ang pagkatuto mula sa guro, kaibigan o kamag-aaral. Samantala, ang

ikaapat na pahayag naman ang may pinakamababang Weighted Mean na 2.42 na

nangangahulugang “bahagyang sumasang-ayon” Mula rito, masasabi na ang panonood ng

telebisyon ay bahagyang nakakaapekto sa pagkatuto ng mga respondiyente ukol sa

Baybayin.

Ang pagkatuto mula sa mga guro lalong higit sa mga paaralan ay isang mabuting

hakbang sa pagtataguyod ng lumang sining ng bansa. Sa artikulo ni Villa (2018),


42
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

isinalaysay ang kahalagahan ng pagtuturo ng mga guro at aksyon ng mga paaralan sa

pagtuturo ng Baybayin upang maging panimula sa muling pagkakakilala nito. Ayon pa sa

awtor, mahihirapan ang sambayanang Pilipino lalo na ang mga guro at hindi naman

masyadong naitutro ang Baybayin sa mga paaralan gaya ng ibang mga asignatura.

Sa isang balita na pinamagatang “FEU teacher made an exam for students written

in Baybayin” ni Madarang (2018), mababasa ang kuwento tungkol sa dedikasyon at

kasikhayan ng isang guro sa paggamit ng mga letra ng Baybayin upang maging midyum

sa pagpapakilala nito sa mga mag-aaral. Sa kabila ng kakaiba niyang ginawa, patuloy

itong sinuportahan at binigyang puri ng madla. Ayon naman sa guro, naging matagumpay

ang kanyang ginawa sapagkat nahasa nito ang kaalaman ng mga mag-aaral kasabay na

rin ang pagtataguyod ng sining ng Baybayin.

Hadlang sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin

Sa talahanayan 6 ay makikita ang mga hadlang sa paglinang ng kaalaman sa

Baybayin. Sa kabuuan, ang pahayag 1, 9, at 10 ang may pinakamataas na weighted

meanna naglalahad ng “Lubos na sumasang-ayon”. Kaugnay nito, ang pahayag 7 naman

ang may pinakamababang Weighted Mean na 2.35 na inilalahad bilang “Bahagyang

sumasang-ayon”.
43
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Talahanayan 6. Hadlang sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin

PAHAYAG WEIGHTED MEAN INTERPRETASYON

1. Kawalan ng interes sa pag-unawa 3.51 Lubos na sumasang-ayon


ng Baybayin
2. Pagiging kompleks at kaibahan nito 2.80 Katamtamang sumasang-ayon
3.Hindi pagtatalakay o pagtuturo nito 2.65 Katamtamang sumasang-ayon
sa paaralan
4. Pagtangkilik sa ibang pamamaraan 2.47 Bahagyang sumasang-ayon
ng pagsulat
5. Pagkakaroon ng kaunting kaalaman 2.90 Katamtamang sumasang-ayon
Sa kasaysayan ng bansa
6. Pagkahumaling sa mga banyagang 2.49 Bahagyang sumasang-ayon
kultura
7. Kaunting suporta mula sa 2.35 Bahagyang sumasang-ayom
pamahalaan
8. Pagkakaiba-iba ng mga kultura at 2.60 Katamtamang sumasang-ayon
tradisyon sa bansa
9. Kasanayan sa paggamit ng 3.74 Lubos na sumasang-ayon
alpabetong nagmula sa mga dayuhan
10. Sobrang paggamit ng social media 3.51 Lubos na sumasang-ayon

KABUUAN 2.93 Katamtamang sumasang-ayon

Sa kabuuan, ang pahayag na “kawalan ng interes sa pag-unawa ng Baybayin”,

“kasanayan sa paggamit ng alpabetong nagmula sa mga dayuhan” at “sobrang paggamit

44
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

ng social media” ang mga salik na higit na humahadlang o sagabal sa paglinang ng

kaalaman ng mga kabataang mamamayan ng Barangay Zabali sa kaalaman sa Baybayin.

Ayon kay Potet (2018), ang pagsakop ng mga dayuhan tulad ng mga Kastila ay

naghatid ng bagong kaalaman na siya namanng tinangkilik at ginamit ng mga Pilipino sa

loob ng mahabang panahon. Ang alpabetong Filipino ay nagmula sa alpabetong Romano

at nahaluan na rin ng iba’t ibang sistema at kaparaanan mula sa mga banyagang bansa.

Sa isang pahayag, ang mga dayuhang mananakop ang nagturo ng Ingles na

tinangkilik ng mga Pilipino at naging salik upang maging makapangyarihan ang mga

Amerikano sa bansa (Lumbera, 2016). Ayon naman kay Zafra (2016), maraming

karunungan ang naidulot ng mga kaalamang banyaga gaya ng alpabeto at wikang Ingles,

subalit hindi lamang dito matatagpuan ang karunungan kundi sa pagtangkilik maka-

Pilipinong layunin.

Isa ring hadlang ang paggamit ng social media sa pagkatuto ng mga kabataan sa

Baybayin. Ayon kay Scott (2015), ang paggamit ng social media ay maaaring maghatid

ng mabuti o masamang epekto sa isang mag-aaral depende sa kung paano at saan niya ito

ginagamit. Ang mga negatibong epekto ng paggamit ng social media ay ang sobrang

pagkahumaling dito na kadalasan ay nauuwi sa adiksyon (Raut & Patil, 2016).

45
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Maliban sa mga impluwensiya ng mga dayuhan at sobrang pagkahumaling sa social

media, isa ring salik na nagiging rason sa mabagal na pag-unlad ng kaalaman ng mga

kabataan sa Baybayin ay ang kakulangan o kawalan nila ng interes sa ganitong uri

ngsining. Sa artikulong isinulat nina Nicolas at Rivera (2016), masasalamin ang mahina

at kaunting suporta at interes ng bagong henereasyon lalo na ng mga kabataan sa mga

makalumang kultura ng Pilipinas. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagsibol ng ganitong

sining sa pamamagitan ng mga makabagong paggagamitan nito at mga gawaing may

kaugnayan dito gaya ng mga t-shirt designs, tattoos, workshops at online courses.

46
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Rekomendasyon sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin

Sa talahanayan 7 mababasa ang mga rekomendasyon sa paglinang ng kaalaman sa

Baybayin at ang persepsyon ng mga respondiyente ukol dito. Makikita sa talahanayan na

ang pahayag 10 ay nakapagkamit ng Weighted Mean na 3.62 bilang pinakamataas sa

lahat na nangangahulugang “Lubos na sumasang-ayon”. Batay dito ang pagsasagawa ng

mga interaktibong programa ng pamahalaan patungkol sa Baybayin ang pinakamainam

na paraan upang malinang nang wasto at maayos ang kaalaman ng mga kabataan sa

Baybayin. Samanatala, ang nakakuha naman ng pinakamababang antas ng pagsang-ayon

ay ang pahayag 6 na may weighted mean na 1.47 na katumbas ang interpretasyon na

“Hindi sumasang-ayon”. Dahil dito, masasabi na hindi nakatutulong ang pagpapalagay ng

tattoo na Baybayin sa paglinang ng kaalaman ukol dito. Sa kabuuan, karamihan ng mga

rekomendasyon ay katamatamang sinang-ayunan ng mga respondiyente.

47
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Talahanayan 7. Rekomendasyon sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin

PAHAYAG WEIGHTED MEAN INTERPRETASYON


1. Dapat ipatupad ang pagsasama ng 2.83 Katamtamang sumasang-ayon
Baybayin bilang isang pundamental
na aralin sa mga paaralan.
2. Dapat isabatas ang Baybayin bilang 2.48 Bahagyang sumasang-ayon
nasyonal na sistema ng pagsulat sa bansa
3. Dapat tangkilikin ang mga likhang 3.14 Katamatamang sumasang-ayon
sining na nagpapakilala sa Baybayin
4. Dapat suportahan at tangkilikin ang 2.85 Katamtamang sumasang-ayon
mga kilusang nagtataguyod sa sining
ng Baybayin
5. Dapat gumamit ng mga apps tungkol 2.83 Katamtamang sumasang-ayon
sa Baybayin
6. Dapat ilagay ang Baybayin sa mga street 2.19 Bahagyang sumasang-ayon
signs, dyaryo at mga produkto
7. Dapat isalin sa Baybayin ang disenyo ng 2.83 Katamtamang sumasang-ayon
mga logo ng pamahalaan at mga maliliit at
malalaking kumpanya o korporasyon sa bansa
8. Dapat i-like at i-share ang mga post ukol 2.52 Katamtamang sumasang-ayon
sa Baybayin mula sa S\social media
9. Dapat magpa-tattoo ng Baybayin 1.47 Hindi sumasang-ayon
10. Dapat magsagawa ng mga interaktibong 3.62 Lubos na sumasang-ayon
programa ang pamahalaan na may layuning
itaguyod ang Baybayin
KABUUAN 2.68 Katamtamang sumasang-ayon

48
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Sa kabuuan, karamihan ng mga rekomendasyon ay katamatamang sinang-ayunan

ng mga respondiyente. Ang pahayag na “Dapat magsagawa ng mga interaktibong

programa ang pamahalaan na may layuning itaguyod ang Baybayin” ang maaaring

maging susi upang malinang ang kaalaman ng mga kabataan sa Baybayin.

Sa pahayag ni Legarda (2016), hinihikayat niya ang patuloy na pagkakaisa sa mga

programa at proyekto na maghahatid ng pag-unawa sa tungkulin ng wikang Filipino

kasama na ang Baybayin sa pagsulong sa pambansang adyenda at maging sa pag-

papaunlad ng bawat komunidad sa bansa. Dagdag pa niya, nawa ang bawat Pilipino ay

magkaroon ng kasanayan sa ating wika at magdulot ng pagkakaunawaan sa isa’t isa.

Ipinanukala ni Legarda ang pagsasalin ng Wikang Filipino sa ating Saligang Batas sa

pamamagitan ng Senate Bill no. 403. Sa pamamagitan nito, mauunawan ng mas

nakararaming Pilipino ang kanilang mga pangunahing karapatan at responsibilidad.

Ibinida ni Garcia (2019) sa kanyang artikulo ang isinagawang proyekto sa

koloborasyon ng Light Rail Manila Corporation o LRMC at PLDT-Smart Foundation,

kung saan itinampok ang sining ng Baybayin bilang disenyo ng Gabay Guro LRT-1 train,

isang bagon na espesyal na ginawa para sa mga guro. Ang nasabing proyekto ay may

layuning bigyan ng parangal ang mga guro kasabay ang pagpapakilala sa lumang sistema

ng pagsulat sa bansa-Baybayin.

49
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Kahalagahan sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin

Ang talahanayan 8 ay naglalaman ng persepsyon ng mga respondiyente ukol sa

kahalagahan ng paglinang ng kaaalaman sa Baybayin. Mula rito, makikita na malaking

bahagi o 50.74 % ng mga respondiyente ang nagsasabing “mahalagang-mahalaga” ang

paglinang ng kaalaman sa Baybayin. Binubuo ng 137 na mga respondiyente ang sumang-

ayon sa nasabing pahayag. Samanatala, ang opsyon na “Hindi mahalaga “naman ang

nakakuha ng pinakamaliit na bilang.

Talahanayan 8. Antas ng Kahalagahan sa Paglinang ng kaalaman sa Baybayin

PAHAYAG BILANG PORSYENTO

Lubhang mahalaga 116 42.96


Mahalagang- mahalaga 137 50.74
Mahalaga 16 5.93
Hindi mahalaga 1 0.37

KABUUAN 270 100 %

Sa kabuuan, ang paglinang ng kaalaman sa sistema ng pagsulat na Baybayin ay

tunay na mahalagang-mahalaga sa mga kabataang mamamayan ng barangay Zabali,

Baler, Aurora.
50
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Sa pahayag ni Legarda (2014), inilahad niya ang kahalagahan ng Baybayin sa

kabila ng kaunting kaalaman ng maraming Pilipino dito. Ayon sa kanya, kung babalikan

natin ang nakaraan, ang Baybayin ang simbolo at pundasyon ng ating sibilisasyon bago

pa man tayo sakupin at impluwensiyahan ng mga dayuhan. Ang pag-aaral ng Baybayin

ay lubhang mahalaga upang malaman kung saan tayo nanggaling ngunit hindi lamang ito

ang pinagmulan sapagkat importante rin ang ating kasalukuyan (Gracio, 2018).

Ayon naman sa isinulat na artikulo ni Sartorio (2017), walang masama sa

kagustuhang mag-aral ng iba’t ibang pamamaraan ng pagsulat at pagsasalita kung dalisay

ang interes sa pagkilala sa mga ito gaya ng Baybayin. Ito ay dapat pag-aralan at hindi

lamang sa pangkasalukuyang konteksto kundi pati na rin ang nakaraan nito sapagkat ito

ay mahalaga sa pagpapa-unlad ng bansa.

Kaugnay naman nito, kung susuriin ang mga ebidendsya sa pag-unlad ng wika,

ang bawat mamamayan ay may sariling estratehiya at makikita kung gaano

kakomplikado ang kaalamang ito. Hindi lahat ng mga grupong etniko ay may sariling

paraan ng pagsulat, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi sila edukado. Bumabalik

tayo sa mga panahon na napagtanto natin na mahalaga ang mga kaalaman ng grupong

etniko (Gallego, 2019).

51

You might also like