Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DEPARTAMENTO NG EDUKASYON

PANTULONG NA KASANAYAN PARA SA DEPED TV (ARTS)


PAGSASANAY #3
IKALAWANG MARKAHAN
2020-2021
Pangalan: ____________________________Guro: __________________
Ikatlong Baitang - ______________
I. PAKSA
A. Naipipinta ang still-life sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga
hugis, kulay at tekstura ng mga prutas at nagagamit ang
overlapping technique gamit ang kulay para sa bawat prutas
B. Nakalilikha ng mapusyaw at madilim na kulay sa pamamagitan ng
paghahalo-halo o pagsasama-sama ng iba’t ibang kulay

II. LAYUNIN
A. Naipipinta ang still-life sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga
hugis, kulay, at tekstura ng iba’t ibang mga prutas at paggamit ng
overlapping technique.
B. Nakalilikha ng mapusyaw at madilim na kulay sa pamamagitan ng
paghahalo-halo o pagsasama-sama ng iba’t ibang kulay.
C. Nakikilala ang iba pang yamang prutas sa Pilipinas.

TEMA: Pagkilala sa Yamang Prutas ng Pilipinas


III. PAGGANYAK
A. Panuto: Kilala mo ba ang iba’t ibang mga prutas sa Pilipinas?
Pangalan ang mga prutas na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. 2.

__________________ __________________
3 4.

__________________ ___________________

5.

___________________

Balimbing Lansones Siniguelas

Makopa Duhat

B. Panuto: Tukuyin ang prutas na inilalarawan. Punan ang mga


nawawalang letra upang makumpleto ang ngalan ng mga prutas.

1. Ang bunga nito ay may mapula at may mala-buhok na balat.


Matamis ang laman nito at malaki ang buto sa gitna.

R_mb_ta_

2. Ito ay tila may mga mata at may magaspang na balat.

_i_ya

3. Manilaw-nilaw ang balat at kulay puti ang laman. Malalaki ang


buto nito.
S_nt_l

4. Patusok-tusok ang balat, manilaw-nilaw ang laman at may


kakaibang amoy.

Du_y_n

5. Kulay dilaw ito kapag hinog at matamis. Kulay luntian naman


kapag ito ay hilaw at maasim.

M_an_g_

IV. PAGTUKLAS:
A. Panuto: Basahin ang mga tanong at bilugan ang letra ng napiling
sagot. Panoorin ang paksa sa DepEd TV Arts 3 Episode 3 bilang
gabay.

1. Ito ay isang sining na nagpapakita ng pangkat ng isang bagay na


hindi gumagalaw na iginuhit o ipininta.
a. Still-life painting
b. Lanscape painting
c. Seascape painting
2. Ano ang dapat gamiting kulay sa paggawa ng isang still-life
painting?
a. Mga madilim na kulay
b. Mga mapusyaw na kulay
c. Makatotohanang kulay ng mga prutas
3. Ito ang tawag sa kapusyawan at kadiliman ng mga kulay.
a. Value
b. Shade
c. Tint
4. Ang kulay na nalilikha sa paghalo ng puti sa orihinal na kulay ay
tinatawag na _________?
a. Value
b. Shade
c. Tint
5. Ito ang inihahalo sa orihinal na kulay upang maging mapusyaw ang
nito.
a. Puti
b. Itim
c. Pula
6. Ito ang inihahalo sa orihinal na kulay upang maging madilim ang
kulay nito.
a. Puti
b. Itim
c. Bughaw
7. Ano ang magiging kulay kapag ang kulay pula ay hinaluan ng kulay
puti?
a. Rosas
b. Bughaw
c. Itim
8. Ano ang magiging kulay kapag ang kulay pula ay hinaluan ng kulay
itim?
a. Maroon
b. Kahel
c. Itim
9. Ano ang magiging kulay kapag ang kulay asul ay hinaluan ng kulay
puti?
a. Light blue
b. Lila
c. Puti
10. Ano ang magiging kulay kapag ang pinaghalo ang kulay itim at
puti?
a. Gray
b. Maroon
c. Pula

V. PAGSASANAY:
A. Panuto: Tukuyin ang mga kulay na mabubuo kapag inihalo ang puti at itim sa orihinal
na kulay.

Pula + Puti =
Pula + Itim =

Puti + Itim =
VI. BUOD
 Ang mga pangkat ng mga tunay na bagay na iginuhit o ipininta ay
tinatawag sa sining na still-life painting.
 Maaring gumamit ng mga prutas, bulaklak, o mga kagamitan sa
paligid upang makagawa ng isang still-life painting.
Tandaan na sa pagpinta ng isang still-life dapat na:
- Ayusin ang mga bagay. Ang mga bagay ay maaaring
ipuwesto sa likod, gitna, o harap.
- Itulad ang kulay at hugis sa tunay na bagay.

 Ang kapusyawan at kadiliman ng mga kulay ay tinatawag na value.


 Ang mapusyaw na kulay ay magagawa sa pamamagitan ng
pagdagdag ng puti sa orihinal na kulay. Ito ay tinatawag na tint.
 Ang kadiliman ng isang kulay ay magagawa sa pamamagitan ng
pagdagdag ng itim sa orihinal na kulay. Ang tawag naman dito ay
shade.

VII. PAGTATAYA
1. Pagmasdan ang iba’t ibang uri ng prutas na nasa ibabaw ng lamesa.
Tignan ang kulay, hugis, at tekstura at kung paano ito
nagkakapatong-patong.
2. Iguhit ang mga prutas gamit ang lapis.
3. Kulayan gamit ang water color o poster paint.
4. Upang magmukhang tunay ang mga prutas, kulayan ito base sa
totoo nitong mga kulay.
5. Upang maging mapusyaw ang ilang bahagi ng prutas, ihalo ang
kulay puti. Kung nais naman na kulayan ang madilim na bahagi ay
ihalo ang kulay itim.
6. Hayaang matuyo ang inyong artwork at bigyan ito ng pamagat.
7. Ipagmalaki ang iyong gawa. Maaring magpatulong sa
nakatatandang kasama sa bahay na i-post ang iyong gawa sa social
media gamit ang hashtag na #ArtSaya. Maari din idikit saan mang
parte ng inyong bahay ang iyong likha kung saan makikita ito ng
buong pamilya.

Ipagmalaki mo!
Markahan ang sarling ginawa gamit ang talahanayan sa ibaba. Lagyan
ng tsek (/) ang angkop na kahon.

Pamantayan Oo Hindi
Gumuhit ng prutas na makikita sa sariling
pamayanan o lugar.
Gumamit ng overlapping technique sa pagpinta.
Gumamit ng wasto na mapusyaw at madilim na
mga kulay sa pagpinta ng inyong obra upang
maging makatotohanan ang inyong still-life
painting.
Naipagmalaki ang sariling likha

Inihanda ni:
Bb. Winchel Dwyne P. Sabaulan
Guro sa Ikatlong Baitang

You might also like